Wednesday, April 1, 2009

HULA SCOOP: Iwasang Maloko sa Araw Na Ito



HULA: Iwasang maloko sa araw na ito. Dalawa lang ang uri ng tao sa mundo, ang manloloko at naloloko; kaya ano ang pipiliin mo? Pili na!

SCOOP: Napag-isip-isip nyo ba na ilang beses na kayong naloko mula ng kayo ay sinilang sa mundo?? Ako maraming beses kong naiisip ito lalo na pag ganitong Abril a uno.

Narito ang ilang mga karanasan ko ng pagiging tanga ko:

1. Noong nagkaroon kami ng bagong telepono, sabik na sabik ako na may tumawag sa amin. Isang beses ako ang nakasagot ng phone kaya dali-dali ko itong sinagot....eto ang aming dialog ng lalaki na tumawag:

lalaki: Magandang tanghali, from Meralco po ito, pwede po bang malaman kung tumatakbo ang kuntador ninyo?

ako: Ay ok lang po, sandali lang po. (chineck kung tumatakbo naman at bumalik sa kausap) Opo tumatakbo po.

lalaki: Ah ganun ba?? Sige habulin mo! (sabay baba ng phone)

ako: (nabigla)....waaaa naloko ako!!! (hahaha)

2. Nakipag blind date ako, usapan namin ng ka date ko magsusuot ako ng "red" na blouse at siya naman ay "green" shirt. Dinescribe naman niya ang sarili niya noon so may clue ako kung anong hitsura ng guy na yun. Nang makita ko yun isang guy na naka blue shirt (pero usapan namin green ang susuotin niya) lakas ng kabog ng dibdib ko feel ko siya na yun pero nun tinanong ko siya, ang sagot ng guy, "Sorry di kita kilala, bakit naka green ba ako?" (gets n'yo?? waaaaaaaaaaaaaaa)

Marami pa sana, pero....April Fools' Day!!!! Naloko ko kayo di ko pa naranasan ang mga yan no, jokes ko lang yan hahahaha!!!! Never akong makipag blind date no!!! Yun #1, kaibigan ko ang naloko at hindi ako at never pa akong naloko hahaha dahil iniisip pa lang ng mga manloloko eh maloloko lang sila ng kakaisip kung paano nila ako lolokohin, lokohin nilang lelong nilang sea-man loloko.


PASASALAMAT: Salamat pala kay "The Pope" sa pagbibigay niya ng "UBER Amazing Blog Award" first time ko pong makatanggap ng award sa pagba blog kaya sa ayaw at sa gusto niya eto ang speech ko:

"SPEECH!" hahahaha




PAHABOL: Di ko tuloy alam kung niloloko lang ako ni Pope sa pagbigay nito pero kahapon pa niya niya pa ito binigay sa akin at hindi ngayong April 1, so malamang totoo ito hehehe.

Ibinabahagi at ipinapasa ko ang award na ito sa lahat ng mga fans ko hehehe hindi ko na kayo iisa-isahin pa baka kayo magselos pa hahaha. Lahat kayo ay karapat dapat na makatanggap ng "Uber Amazing Blog Award!"

PAHABOL PA: Ang larawang nasa itaas ay anak kong "niloloko" ang sarili, pilit na gustong lunukin ang tokyo tower kahit sa picture man lang hehehe

17 comments:

  1. Haha! happi day Sau! Maraming naglolokohan ngayon dito, marami din ang naloloko, pero mas marami ang manlololoko.

    Anyway, sahod ngayon! masaya ang lahat!

    ReplyDelete
  2. Hahaha, natawa ako sa number 1! Loko loko rin yung gumawa sayo eh noh! Lakas mang trip!

    Ay, naloko moko. HAHA.

    Mang trip nga rin ako mamya!

    ReplyDelete
  3. Hapi Fools Day kaibigan, dahil former marathon runner ako, gusto kong habulin yung tumatakbong metro ng Meralco - HAHAHAHA.

    Kapag ganitong may krisis, kailangan lahat ng biyayang pinagkakaloob sa atin ay tanggapin natin, kahit Ninos Innocentes pa HAHAHAHA. you are deserving of this Uber Amazing Blog award.

    Purihin ka.

    ReplyDelete
  4. Mr. Thoughtskoto- oo nga pati mga anak ko naloko ako hehehe

    Halfcrazy- hindi ako naloko sa #1, friend ko lang hehehe

    The Pope- salamat uli Pope! sayang ikaw sana pala ang humabol sa metro hahaha

    ReplyDelete
  5. happy fools day! kaya malakas loob ko mangutang ngayon eh, walang bayaran! hahaha! aliw talaga tumambay at maglibang dito. ayos sa idea ang anak mo na lunukin ang tokyo tower kahit sa picture lang :D

    ReplyDelete
  6. happy april fool's day!

    ows? really? hind ka nakipag-blind date? feeling ko totoo yun eh. umamin ka na! hehe

    ReplyDelete
  7. Hello Sardonyx... Happy April Fools Day sa u... Oo nga naman dalawa lang ang klase ng tao - ang naloloko at nanloloko!

    Mas mabuti na lang na ikaw ang naloloko kesa sa ikaw ang manloloko...hehehe.. (naloloko ng ulo ko!)

    ReplyDelete
  8. syel- salamat at tumatambay ka pala dito baka lang masira ulo mo sa hula ko hehehe

    Reena- hindi talaga ako nakipag blind date, naku takot ako dyan hahaha, yun may nanliligaw lang nga eh naalibadbaran na ako yun maghanap pa ng kablind date, di ba? hehehe hayaan mo isa sa mga hula ko ngayon yun mga experiences ko sa manliligaw hahaha (yabang no!)

    Desert Aquaforce- oo tama yun mabuti na yun ikaw ang naloloko pero pag April 1, manloko ka na rin para makabawi ka hehehe at least may execuse ka

    ReplyDelete
  9. hehe. sige aabangan ko yang tungkol sa mga manliligaw. :)

    ReplyDelete
  10. Hi, Happy April Fool's Day!!

    I stumbled upon your blog and I got interested. I was a also a former student in Japan and now living in China.

    I have just started my own blog: TheShanghaiExpat. Please feel free to visit and let me know what you think for a link exchange.

    Salamat,
    Nikou

    ReplyDelete
  11. Dalawang magkasunod na posts ang nabasa ko, naloko ako. Tumalab ang post mo sa akin. Whew! Mahirap kasi talagang hulaan na maloloko ka.

    Mas pinili mo 'atang maging isang manloloko (hindi manghuhula) ngayon, Sardonyx. o",)

    ReplyDelete
  12. Reena- sige one of these days ipopost ko yun hehehe salamat na rin sa idea

    Mos and Nikou- I've just visited your site and I added you na sa blog list ko

    RJ- namiss ko ang pagkawala mo sa blog, pero salamat at bumawi ka naman, ingat pala sa byahe ha

    ReplyDelete
  13. Mas gusto kong ako yung niloloko kaysa nanloloko--di ko yata magawa yun hehehe.

    Hehehe kala ko totoong totoo na Na April Fools mo ko ah LOL.

    Congrats sa Award from The Pope. Buti na lang natanggap mo yan bago mag-April Fools hehehhe

    ReplyDelete
  14. Malaki na pala ang anak nyo ano? Siguro bata pa kayong nag-asawa. Mukhang 25 years old lang kasi kayo. : D

    ReplyDelete
  15. dennis- oo mas maganda ang naloloko kaysa nanloloko pero sa blog ko kailangan ako ang manloko hahaha; oo nga akala ko advance April Fools ni Pope ito eh hehehe

    blogusvox- hahaha nagcompute ka na kaagad dyan hahaha, maaga akong nag-asawa pero di na rin teen ager kasi wala ng "teen" yun dulo ng age ko nun eh hehehe, bata-isip lang ako kaya ganyan hahaha

    ReplyDelete
  16. Hello Missy,
    ang galing mo talaga..
    dito nakakaloka ka,
    doon sa kabila, serious ka..
    I love both..
    kaya eto uli ako pagkagaling ko dun sa kabila.
    hehehe..
    Ingat and have a nice day.
    care, ate loida

    ReplyDelete
  17. Ate Loida- salamat at fan pa rin kita dito hahaha, hanggang sa muli

    ReplyDelete