Sunday, February 19, 2012

HULA SCOOP: Masayang masaya ka sa mga nangyayari sa'yo ngayon

Manneken Pis, Brussels Belgium

----------------------------------------------------

HULA:  Masayang masaya ka sa mga nangyayari sa'yo ngayon, hinay-hinay lang na pabigla dahil baka mawala ang mga yan.

SCOOP:  Kapag ganitong masayang-masaya ka minsan nalilito ka sa mga nangyayari na sa'yo, nandiyan na gusto mong sampalin ang sarili mo para sagutin mo rin ang sarili mo na, "aray masakit pala, ay totoo na talaga ito."  Ang dapat lang, tanggapin mo na kaagad kung anuman yan, baka mawala pang parang bula. Walang pinag-iba yan sa larawan na nasa itaas, dapat huwag mong pakakawalan kung anong meron ka, kaya kahit kumakain ka pa, huwag pakakawalan ang maaaring lumipad hahaha.

----------------------------------------------------------------


Maraming nagtataka kung bakit ang tagal kong walang blog, halos dalawang buwan, ako nga rin nagtaka e hehehe (kayo pa lol).  Noong November kasi nakatanggap ako ng notice mula sa ESD o Employment Security Department na malapit nang matapos ang pagtanggap ko ng "unemployment pay" ko dahil sa wala ng budget, maaari raw na hanggang Dec.31 na lang kung hindi maaprubahan ng kongreso ang extension. 

Hindi ninyo naitatanong, may nakukuha akong unemployment pay mula nang lumipat ako dito sa Washington mula sa Japan dahil sa ako ay asawa ng military at nakapagtrabaho sa Federal government. Sa madaling salita (dami ko kasing intro) naaprubahan ako na makatanggap ng higit  2000 dollars kada isang buwan. Malaki rin kung tutuusin (mas malaki pa nga ang sweldo ko kumpara sa mga taong nagtatrabaho sa mga fast food chain na tulad ng McDonald's, Burger King, etc) kesa wala akong sweldong nakukuha (lalo na kung nasa Pilipinas ako malamang wala akong sweldo hehehe).  Pero kung wala na akong matatanggap mas malaking problema sa kin, paano ko na matutustusan ang mga kapatid at tatay ko sa Pilipinas?  Paano na ang pinapag-aral naming anak na nasa kolehiyo na?  Kakayanin na walang extra, pero maghihigpit kami ng sinturon at malamang hindi kami makauwi sa Pilipinas.  Maraming agam-agam ang tila gumulo sa isipan ko para mahimasmasan na dapat  na talaga akong makakuha ng trabaho. Pero halos isang taon at kalahati na rin akong di makakuha ng trabaho, maraming na lay-off at ang Washington ang isa sa pinakamaraming military ang nagreretiro kaya mahigpit ang ka-kumpetensiya ko, sila ang priority mga Veterans. Kaya mula December puspusan ang aking paghahanap ng trabaho kahit gaano pa kalayo ang lugar ng trabaho sige apply na rin ako.  Kada linggo kailangan kasing may ireport ako na nag-aapply ako ng trabaho kaya abalang abala ako sa paghahanap.

Awa ng Diyos, natanggap din! Talagang laking pasasalamat ko sa Diyos, siksik liglig ang mga biyayang pinagkakaloob Niya sa amin sa taong 2012 na ito, wala na akong maihihiling pa sa Kanya. Nakatanggap ako ng tawag na mag-uumpisa na raw ako sa Feb. 6 nagbunga rin ang paghihirap ko sa mga tests na binigay sa akin hehehe, bukod sa EE test may drug at background test pa kasi e hehehe. Mga Jan. 30, tumawag uli sila at sinasabing magrereport na raw ako ng Feb. 3, Friday para kunin ko ang laptop at cellphone ko dahil Feb. 4 daw lilipad ako papuntang Belgium (ngek!) dahil mag-iistart ang training ko Feb. 6 sa Belgium. WOW.....teka-teka hinay hinay muna.....di ako makahinga hehehe, nabigla ako Belgium!! Pero nakangatog ng tuhod yun tatlong linggo raw ang training ko. Hindi training ang inintindi ko kundi yun tatlong linggo na mawawalay sa pamilya ko, waaaa di ko yata kaya yun huhuhu (paano sila kakain?? sino mag-aalaga sa bunso ko??? ang daming tanong)....pero nahimasmasan din ako, eto yung hiniling ko sa Diyos na magkaroon ako ng trabaho at eto na nga dumating na sa harapan ko tatanggihan ko pa ba?? Tapos sinong aayaw na mapunta sa Europe??? di ba??? Ayun, zoom!! hehehe, bilis!

Kaya eto ako ngayon, nakakapagsulat na sa blog, dahil sa lungkot na bumabalot sa akin ngayon, malayo sa pamilya.  Isang linggo pa at babalik na rin ako, malapit na yun alang-alang sa pamilya ko kakayanin ko ito.

PS: Ang layo pala ng trabaho ko sa bahay namin ay 82km (~51miles) at isang araw palang akong pumasok sa Seattle inabot ako ng isang oras at kalahati sa pagmamaneho at paguwi ko inabot ako ng dalawang oras.....kaya good luck sa pagdadrive ko pagbalik ko ng Washington hehehe, kelangan ko ng suporta ninyo hahaha.

Eto pala ang ibang mga pictures ko sa Belgium, click nyo na lang Belgium


eto ako, naks