Sunday, May 31, 2009

HULA SCOOP: Pag-isipang Mabuti Ang Mga Desisyon Mo Sa Buhay


Ang mababasa ninyong hula scoop na ito ay ang official entry ko sa 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards or PEBA

Kung kayo ay nasiyahan sa blog entry ko na ito, paki boto na lang po ako, paki click na lang ang logo at iboto ninyo ang #6 Hulascoop sa site na yan....salamat kaibigan.
-----------------------------------------------------------------------------------------






HULA: Pag-isipang mabuti ang mga desisyon mo sa buhay upang hindi magsisi balang araw. Sumali ka na lang kaya sa PEBA baka manalo ka pa at wala ka pang pagsisisihan, tara sali na!

SCOOP: Sa bawat desisyon mo sa buhay may epekto ito sa kasalukuyan at panghinaharap, kung anuman yun dapat ay maging handa tayo. Kaya eto, sasali ako sa PEBA. manalo man o matalo, ayos lang....handa na ako.



------------------------------------------------------------------------------------------

May 31, 2008, Ang bilis ng panahon isang taon na pala ang nakalipas, ito ang huling araw ko sa aking dating trabaho sa Honolulu, Hawaii, huling araw ng pag tanggap ng pay check at huling pakikisalamuha sa mga dati kong mga kaopisina. Isang taon na rin pala nang napagdesisyunan ko na magresign at piliin ko ang pamilya ko higit pa sa aking magandang trabaho. Isang taon nang walang sariling sinasahod at nag-aabang na lang sa sahod ng aking mabait na asawa at isang taon na rin na walang sawang nililibang na lang ang sarili sa mundo ng internet. Hay....Happy 1st Anniversary Sardonyx!!! hehehe Hmmm nagcecelebrate din ba ng ganun? Yun isang taong wala pa rin trabaho??? Ano kaya tawag dun, One year Jobless Anniversary?? Meron bang ganun?.....meron na....ako yun!

Marami ang nagsasabi sa akin bakit ako nagresign sa trabaho ko gayong maganda naman ang sahod at benepisyo ko dito, marami nga raw mga tao nali- lay off sa trabaho samantalang ako, eto ako pa itong nagresign pinagpalit ang malaking sweldo para lang makasama ang asawa't mga anak sa Japan, na kung tutuusin pwede naman daw akong maghintay sa Hawaii kasama ang mga anak ko habang nagta trabaho ang asawa ko dito sa Japan. Bakit pinili ko pa na tumira sa isang bansa na walang katiyakan kung may mahahanap ako na trabaho na kapalit ang magandang buhay sa Hawaii? Sa Hawaii, may sariling bahay, may magarang mga sasakyan, nabibili ang luho ko.....alahas, bag, damit, electronics, alahas, bag, alahas, bag, alahas, bag.....teka paulit-ulit yata? oo paulit-ulit ko mang bilhin ang alahas at bag kaya ko.....ang yabang no hehehe, hayaan n'yo na pagbigyan n'yo na ako, noon yun! Ngayon......tinititigan ko na lang sila, libre naman yun eh hehehe.

Pati nga mga kapatid ko nanghihinayang sa desisyon ko at sinasabi na kung kaya nga ng mga ibang Pilipino na nangibang bansa iniwan ang pamilya sa Pilipinas alang-alang sa magandang hanap-buhay malayo sa pamilya, bakit hindi ko raw kakayanin? Hmmm di ko nga alam kung concern sila o concern sila na baka mawalan ako ng padalang pera sa kanila? hehehe pareho siguro, kasi ramdam ko ang hirap ng buhay ng mga kapatid ko, hindi ko sila masisisi na masambit nila ito sa akin.

Sa kabila ng mga narinig ko sa mga kapatid ko at maging sa mga kaibigan ko, eto ako hindi natinag pinagpalit ko pa rin ang trabaho ko sa pamilya ko. Masama man ang loob ko at hindi ako regular na makapagpadala ng pera sa mga kamag-anak ko sa Pilipinas, dapat gawin ko ang nasa puso ko, ang makapiling ko ang asawa ko sa hirap at ginhawa. Dahil dito ako masaya, sa pamilya na binuo at hinabi naming dalawang mag-asawa upang maging matagumpay at lumigaya. Para sa akin, ang trabaho ay pera lang madaling mawala, madaling kitain pero ang pagmamahal sa asawa at mga anak para sa akin.... yun ang mahalaga. Marami nang naging kaso sa buhay militar na ang iba pinili ang mawalay sa asawa dahil sa trabaho, ang kinahitnan naman....hiwalay.

Mahirap ang buhay ng isang asawa na nasa military, palipat-lipat ng bahay, minsan iiwan ka ng asawa mo dahil madedeploy siya sa ibang lugar.... ng ilang buwan minsan naranasan ko ang isang taon pa. Ang mahirap wala ka man lang kamag-anak sa lugar na pag-iiwanan sa'yo ng asawa mo mabuti sana kung nasa Pilipinas kami na kabi-kabila ang mga kamag-anak mo na tutulong sa'yo. Pero sa US, wala kaming malapit na kamag-anak, kahit pa "kapuso" o "kapamilya" pa, dagdagan mo pa ng "kabagang" o "kaututang dila pa" hehehe; dito KKB, kanya-kanyang buhay, ang mahirap aakuin mo ang lahat, habang wala ang iyong asawa, ikaw na ang tatay ikaw pa ang nanay, ikaw pa ang drayber at katulong. Kung pwede nga lang hakutin ang mga kamag-anak ko sa Pilipinas para lang gawin kong katulong at drayber namin ginawa ko na para matulungan na rin sa naghihikahos nilang buhay, pero di naman pwede, ang higpit ni Uncle Sam. Kahit katulong wala nga eh, drayber pa? Hay kaya nga di ganun kadali ang buhay sa US, minsan naiinggit nga ako sa mga mayayaman o nakakaangat sa buhay sa atin sa Pilipinas dahil may yaya, katulong at drayber pa, samantalang sa US, all around, bukod pa sa pagiging career woman ko, (naks naman, career woman daw hehehe)"kayod marino" talaga yung tipong bawal ang mapagod at bawal magkasakit.

Ito pa ang disadvantage, tuwing lilipat kami ng lugar o ng base, lagi na lang akong nadedemote sa career ko, sa halip na pataas eh, pabulusok pababa ang career ko, kumbaga sa ingles "nose dive" sa tagalog "pango," oo pango o sarat na nga yata ang career ko sa sobrang subsob hehehe. Mula sa pagiging engineer sa Pilipinas naging technician sa California, napromote naman ako at naging Senior Component Engineer, habang nilalasap ko ang magandang posisyon na ito na talagang masasabi ko na "job security" ito dahil nalagpasan ko lahat ng lay-offs ng kumpanya namin at ako na lang ang natira sa department namin, eto na naman, malilipat na naman ng base, nagresign uli para nga pumunta naman ng Hawaii.

Sa Hawaii, ayun balik technician na naman ako, (pasalamat nga ako at may nahanap kaagad akong trabaho dahil sabi ng dati kong amo, "lei greeter" daw ang bagsak kong trabaho, taga welcome at taga sabit ng bulaklak na calachuchi sa mga turista hehehe). Pero swerte pa rin dahil napunta ako sa manufacturing ng medical devices, napromote mula sa pagiging doc. technician at naging QA/RA Specialist (kung anuman yun, huwag ninyo nang alamin at sasama lang ang loob ko, basta nasa R& D o Research and Development ng medical device, di ba ang gandang pakinggan? Pero ito na naman bagong assignment na naman....Japan......ayun pinili ko pa rin ang pamilya ko.

Ngayon nasa Japan ako.....mukhang napromote yata ako.....yehey sa wakas......CHEMIST na ako, Chemist-er umaasa waaaaaa teka parang walang pinag-iba yata ito sa DH ah??? Oo nga, dakilang housewife!!! Isang taon na! Breaking the record! Waaa! Waaaaaaaa....tanga ba ako??? Engot? Hunghang??? Isang taon ng walang trabaho na dapat nagpapakasasa na ako sa magandang buhay sa Hawaii ngayon. Sabihin niyo ng tanga at eto bulag at bingi na rin yata ako, masaya pa rin ako at buo pa rin ang pamilya ko.

Sa tingin ninyo pag-asa pa ba ako ng Pilipinas at handog sa mundo? E isa na rin ako sa mga taong palamunin at walang maibigay na tulong sa nangangailangan. Ito ang lagi na lang palaisipan sa akin kung paano ako magiging karapat dapat sa sarili ko, sa ibang tao at sa bayan ko.

Pero ang alam ko, nagpapadala pa rin ako ng pera sa Pilipinas yun nga lang madalang na lang sa patak ng ulan, kada dalawa o tatlong buwan na lang, para sa Tatay at mga kapatid ko at minsan inaambunan ko pa ang tiyahin at mga pinsan ko. Nagpapadala pa ako ng balikbayan box , jumbo pa ang kahon dito kaya ang hirap pang punuin, parusa! hehehe. Pero iba talaga ang pakiramdam sa bawat hulog mo sa box kahit pawis at luha ang nilaan mo rito ang hatid pala nito ay ligaya at payapa ang pakiramdam na alam mong may makikinabang sa mga padala mong ito. Ano kaya iyon pwede na rin siguro akong maging pag-asa ng ating bayan, di ba? Dahil nakakapag remit pa rin ako ng dollar$$$ sa atin hehehe.

E paano naman ang handog sa mundo, "pasok" ba ako dito??? E jobless ako??? Hindi ako napapakinabangan ni Uncle Sam eh?? Wala ngang job opening sa field ko dito sa nakakainis na US base dito sa Japan, di ko naman kayang mag Japayuki no at wala akong "k" hehehe at ayoko namang makipag kumpetensiya pa sa mga kababayan nating Pinay na naghahangad mapadpad ng Japan, di ba?

Bakit ba parang "TH" ako as in "trying hard" magpapansin? Bakit marami akong katanungan na pinipilit kong sagutin. Ano nga ba ako ngayon? Ewan ko, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, naaawa ako sa sarili ko, ganun ba? Sinasambit ang mga bagay na yan para lamang pampa "lubag-loob?"Dahil sa parang wala na akong silbi sa ating bansa o kahit na lang sa mga kapatid at tatay ko? Masisisi ninyo ba ako na sa bawat letra ng tema ng PEBA na "Pag-asa ng Bayan, Handog Sa Mundo" parang lumalatay sa katawan ko ang mga kataga na ito. Hindi ko alam, kung bakit, basta ang alam ko ngayon nasusulat ko ang mga hinaing ko dito sa blog ko. Walang halong kaplastikan pero ito ang nararamdaman ko hindi lang dahil sa pacontest na ito kundi ito ang totoong nararamdaman ko.

Kaya hayaan ninyo babalitaan ko na lang kayo kung natanggap na ako sa trabaho. Sabi nga sa patalastas ng Champion, at ito ang aking pananaw sa buhay, "laging buo ang loob" at alam ko ako yun kasi pakiramdam ko pag kasama ko ang pamilya ko "abot ko ang mundo" teka....parang commercial yata ng Globe yun ah??? hehehe tsk tsk tsk homesick na talaga ako, iba talaga ang pakiramdam pag nasa sarili kang bayan...oo, sa bayan kong sinilangan. Walang katulad, walang kaparis, nandito pa rin sa puso ko at kailanman patuloy na mananaig ang pagiging isang tunay na Pilipino.




----------------------------------------------------------------------------

Tuesday, May 26, 2009

Ang Diary ng Aking Lolo- Part 6




Pansamantala muna akong magpapahinga sa panghuhula, dahil sa hinaharap kong masalimuot na buhay. Muli ko pong sinisingit ang diary ng lolo ko dito sa blog habang ako ay nagmumuni-muni. Pangako po na babalik kaagad ako at di makakatiis na hindi magpopost, mga ilang araw lang at bibisita pa rin sa inyong mga blog.....promise! hehehe

LARAWAN: Muli kong binabalik ang larawan na ito na kasama ko si Lolo kasama ang tatay at pinsan ko.





ANG DIARY NG AKING LOLO (PART 6)


1930

Jan. 3

IN THE RICEFIELDS: Pab. happened to see Dearest and Seriang catching Camaro. He told her about the letter I asked him to give and she replied, "Yugse mune o caya dulucan me." It surprised me much to hear such words from her. Later, I found out that she feels jealous of me for I sometimes write to Sister Seds. But what does she gets jealous of when I don't even court her. But with this, I could prove how much she cares for me because Mild Jealousy is the only symbol of a true and divine love.

Jan. 4

IN THE STORE: Pab. pretended to buy thread only to give my letter to her. She was washing clothes. He told her it is a GIFT so she replied. Dirinan mu cung aguinaldu acu eraca man aririnan."

Jan. 30

IN MANILA: I have known that she oftentimes go to the cine. Oh how it breaks my heart! Ever snce I have known her, I have never seen her going to shows and now she is cultivatng this habit? No! for me, this cannot be. I cannot allow her for this as I dearly love her. If we are both at home, I can permit it but not when we are far from each other like this. So I have written her a letter in order that she can avoid it. (By Pabling)

Feb. 12, In the Office

HER FIRST LETTER FOR THE YEAR: She suspects me for loving Seds when really I have never even thought such thing. I have been writing her but they are nothing at all. She plans to attend the carnival. Oh how happy I am to be with her in the city. But after all, she was unable to come.

April 17, Night

HOLY THURSDAY: I met Dearest in the street going to see the procession. But I did not accompany her because her aunt Deliang is with her. In the course of the procession in front of the market I am behind her. How beautiful is her to me with the sweet sampaguitas around her neck.I wonder who gave them to her. I was about to give my letter, but I had no chance.

April 18

GOOD FRIDAY NIGHT: During the procession, I am behind her both in front the Palma and in the market. She is with her aunt, mother and sister. I am trying to hand secretly my note but Momong and Loriano are at her back. When she saw me, she uttered, "Tutu na mang malisangan," then they went away. She knew my feelings. When our eyes met again, I winked at her and she knows already. In going home, I held her hand and gave the note. Due to her companions we did not have the time to talk of our affairs. As soon as I have given the note, I left them already. The next morning, Pab found a part of the note in the street.

April 19

SABADO DE GLORIA: She spent it in her barrio. I was in Mariong's house awaiting for them to pass but they did not pass. I think they went there very early. And so I am unable to be with her in Pangulo. The following Monday, they returned to town.

April 20, Sunday Afternoon

I found Dodong and Pepe inside the store. They even stay late at night. I then realized their purpose. So I have always watched them closely by staying Seding's house and by taking a walk very frequenlty at night.

April 24, Afternoon

IN THEIR STORE: I found her alone so I had a little talk with her. I gave a note of advices. She told me that she does not go down at night. She said to me what her mother says about me. She asks her if I am the one courting her and if so, why do I not come in the house. What a fine idea it is. She is not like her aunts. Then I held her hand and bade her goodbye for I have to return again to the city and how lonely I feel.

April 25, Afternoon

I saw Dodong in the store having a fine conversation with Dearest. Dearest is Manialucsuc. Then I went inside and pretended to buy cigarettes only to hand my letter. Sooner, her guardian aunt came and I could not give it.

April 27, Sunday Morning

AFTER THE MASS: Because we have a compromise to meet each other, she awaited me after the mass. She is with Sof. I then give the pictures. I thought I could not see her so I accompanied the procession a little. Then I decided to go home and luckily, I found her awaiting for me.

October 6, Monday

DEAREST AFFLICTIONS WITH HER AUNT INES: While she was busily cleaning the floor of the big house, the daughters of Ines tried to scatter the rice of the floor which made her angry. She told them to go away but aunt Ines heard her words. Then altercation between them followed thus provoked her to the extreme anger. Then Aunt Arang intervened and wanted her to be beaten. and she responded, "Uli mong queti ya i Tomas napun, misna naco daraptan a maroc. Silung barugan yu cu dapot agiang di apu cu at i Tatang cu era cu babarugan. Dapot enacu man muli queta cari Inang cu nune maquisawa cu.." When they heard such words, they tried to comfort her, by buying somethings for her.

(Sardonyx: Pasensiya na at di ko maintindihan ang capampangan at di ko rin maisalin sa tagalog masyadong malalim, pero napansin ko wala nga silang "h" hehehe)

Novemebr 1st, Night

ALL SAINT'S DAY: I was not able to converse with her regarding our affair. I did not also dared to accompany her so as to avoid her aunts' safe-guarding from me.

November 2nd, Night

SECOND NIGHT: I lose the chance to converse with her as her aunt Deliang was always with her. When we went to see the tomb of my Grandpa, she approached them thus interrupting our conversation. When they were buying something from the Chinese store, I stood near her and her aunt asked her to hurry up just because of me. With a broken-heart, I left them simply and at 5:00a.m. I returned to the city with a broken-heart and loneliness.

November 5, Wednesday

I sent her some chocolate candies as Birthday presents from me and according to her, she ate only one.

November 16

OUR TOWN FIESTA: This is the only time I did not go home for it was not celebrated well. There was only the procession and Dearest attended it with her aunt Ines. Cheding, Susing and Pab met them at the front of the church. When it was already late at night, her aunt Ines asked her to go with her to hear the soronata but she was already fast asleep. So they did not proceed anymore. (by faithful Pab)

Thursday, May 21, 2009

HULA SCOOP: Iwasan ang Kumain ng Marami

HULA: Iwasan ang kumain ng marami lalo na ang matatamis, baka ikaw ay tumaba. Patabain mo ang puso mo sa saya pero huwag ang katawan mo ang magdusa.

SCOOP: Kapag nasa ibang bansa ka at hindi mo nakikita ang mga paborito mong pagkain o mga "street food" sa atin, wala sa bokabularyo ko ang "diet-diet" basta ako kakain ng mga namimiss ko sa atin. At ang hula ko na yan.....hmmm hindi totoo yan, tara kain tayo kaibigan!

MGA NAMIMISS KO NA PAGKAING KANTO SA PINAS:

TURON- mas masarap ang turon pag may langka sa loob pero pag ganitong nasa ibang bansa ka, kahit wala pa nito at kahit anong saging pa yan basta turon ayos na!

BANANA CUE- naubusan ako ng pambalot sa turon kaya ayan bananacue na lang mas masarap pa. Basta saging at asukal na brown....bananacue lang ang katapat! Di na kailangan ang stick, basta eat na lang ng eat!



TAHO- namimiss ko ang sigaw ng suki ko na si Mang Gerry, noon tuwing umaga dumadaan sa bahay namin yun, kapag di ko narinig panay pa ang balik. Gusto ko yung maraming arnibal at sago at ayoko sa lahat ay malabsa na taho. Ayan ang pruweba gumawa pa ako nito, soft tofu lang, talo-talo na di na kailangang magluto pa, init lang sa microwave, tulo laway ka na hehehe.






SORBETES NA MANGGA , UBE, KESO AT ABOKADO- Si Mang Fred ang matagal na naming suki, maliit pa ang Kuya ko suki na nila siya hanggang lumabas na ako sa mundo suki ko pa rin siya, naging suki pa siya ng panganay ko. Lagi na lang akong may libreng isang scoop sa suki ko. Laging kumakalembang yun maliit na kampana ni Mang Fred dumadaan lagi sa tapat ng bahay tuwing hapon. Nasan na kaya siya??? at ang sorbetes niya? maitim pa rin kaya siya? hehehe

LUMPIANG PRITO- dito kami nagtatalo ng mga kaibigan ko na tubong Marikina, sa kanila daw "okoy" daw ang tawag nila dito, hmmm kaya nang inalok niya ako ng okoy sabi ko salamat at di na sana ako kakain pero nang ilabas niya at inihain naku sunggaban ko kagad ito, tinutukoy pala niya ay lumpiang prito!

FISH BALLS at SQUID BALLS- marami pa rin ang nagtatanong kung puro lalaki daw ba ang fishballs at squidballs kasi raw may balls....wateber! Basta ako mahilig sa balls....ng fish at squid hehehe...sinasaw-saw pa sa 3 na sawsawan, matamis, mix na matamis at anghang at syempre ang suka na maanghang na may toyo. Kaya daming nagkaka hepa dito hehehe.

At ang squidballs masarap sa hot sweet and sour sauce pa! hmmmm tsalap! Ayan nagluto ang kaibigan ko nito na pinagsaluhan namin sa bahay ko.



MGA LARAWAN: Ang mga larawan ay pag-aari kong lahat na kinunan ko pagkatapos lutuin ang mga pagkain na yan.....dito na sa Japan. Ganyan ako ka.....homesik sa ating bayan! waaaaaaaaaaaaaa :-'(

Tuesday, May 19, 2009

HULA SCOOP: Huwag Ikakahiya Kung Saan Ka Nagmula



HULA: Huwag ikakahiya kung saan ka nagmula, ang mahalaga ang hinaharap, ang problema lang kung malaki ang hinaharap mo......na problema hehehe. Pero huwag kang mag-alala, walang hinaharap na hindi nanggaling sa nakaraan....(ngek) ah ewan hehehe.

SCOOP: Dapat talaga nating ipagmalaki kung sino tayo at saan tayo nagmula. Kung sino ang mga ninuno natin at kung saang lugar tayo talaga nanggaling.

----------------------------------------------------------------------------------
From this corner.......

Ipinagmamalaki ko na ako'y "kala_ating Kapampangan at kalahating Marinduqueña pero tubo at laking Quezon City, paano ba nangyari yun??

Syempre nagkita ang tatay at nanay ko sa Quezon City kaya ayun doon nagsimula ang lahat hehehe.

Pero kahit di ako lumaking Pampanga at di makapagsalita ng kapampangan, nakakaintindi naman ako ng bahagya, at aminado ako na nawawala talaga ang "h" sa salita at kapag wala namang "h" dinadagdagan, di ba? Pero yun ibang kapampangan ayaw talaga umamin, eto pruweba:

Sampol:

Ate ko: Bakit nga ang mga kapampangan nawawala ang "h" sa salita tapos pag wala naman h sa salita dinadagdagan?

prend ng Ate ko: "Oy indi naman laat!!" (galit pa siya n'yan)

(ang yabang! hehehe...)
----------------------------------------------------------------------------------------
eto pa:

tatay ko: kunin mo nga yun manggang "ilaw"
ako: (sinadya ko ito pang asar sa tatay ko) tatay wala na po eh meron maggang "inog" (hehehe)

--------------------------------------------------------------------------------
eto pa, ang tita ko sumali sa "tawag ng tanghalan" singing contest noon panahon ng "kopong-kopong" pa, ang kinanta kundiman....eto ang kinanta niya

tita ko: "Ang uni ng hhibon haliw-iw ng batis sa bundok Banahaw..."
totoong lyrics: Ang huni ng ibon aliw-iw ng batis sa bundok Banahaw..."

ayun second place lang....sayang, nalimutan niya kasi....kasi yun heh...hayh, irap naman....H...ayun nasapol din hehehe

-----------------------------------------------------------------------------------
isa pa, yun prend ko:

prend: "hhhhay (as in trying hard na bigkasin ang h sa "hay") ang sarap naman ng "alayang hhhube mo!!" (as in diin na diin yun h, kala niya tama siya hahaha)

wag sana niyang mabasa itong blog ko hahaha

----------------------------------------------------------------------------------

Tungkol naman sa Marinduque, na probinsiya ng Nanay ko......hmmm saka na yun, tinatamad na ako e hehehe


UKOL SA LARAWAN: Salamat sa Kuya ko at pinaunlakan niya na ipost ko ang larawan niya na yan mula sa kanyang flickr site kung may interes kayo na makakita ng mga sexy na model ooppps mga ibang pictures niya pala hehehe , click mo lang "ito" (malamang walang magki- click niyan).

Ang nasa taas na larawan ay ang Bacolor Church, ito raw ang simbahan sa teleserye na "May Bukas Pa." Sa Bacolor, Pampanga nagmula ang lola ko (nanay ng tatay ko). Ang Bacolor ang siyang matinding nahagupit ng lahar noong 1991, lumubog nga ito at balita nawala na raw sa mapa....chismis lang naman hehehe. Pero nagwatak-watak na rin ang ilang kamag-anak daw namin dito.

Kaya kung nabasa ninyo ang diary ng lolo ko dito sa blog, ang mga bayan na nabanggit dito ay sa Bacolor, Pampanga.

Friday, May 15, 2009

HULA SCOOP: Matutong Magpahaba ng Papel .....


HULA: Matutong "magpalapad ng papel" sa bosing mo o kahit sa mga kaibigan mo, huwag na huwag mong hahayaang "mabasa ang papel" mo sa kanila, kundi...."wala ka ng papel" kahit kelan sa buhay nila at malamang parang "nilamukos na papel" ang mukha mo pag nagkataon hehehe.

SCOOP: Mula sa eroplanong "papel" na patalastas ng royal tru orange ay napadpad ang isipan ko sa mga iba't ibang klaseng papel sa atin na ilan dito ay di ko nakikita sa US o kahit dito sa Japan. Kaya naisipan kong sariwain ang mga nakalipas sa aking buhay mag-aaral sa elementary, tililing-ling-ling-ling-ling, ding-dong.......

MGA IBA'T IBANG KLASENG PAPEL NA GINAGAMIT SA PAARALAN:

1. Cartolina- lagi kaming pinagdadala nito noong nasa elementary palang ako, pag umpisa ng school year bitbit ko na ito, nakarolyo o nakabilot ito; ginalugad ko na ang mga stores sa US at kahit dito sa Japan pero wala akong nakitang katulad nito na may iba't ibang kulay pa. Gusto ko kasing malaman ang ingles ng cartolina hehehe baka alam niyo naman, ipamahagi ang inyong kaalaman. Baka cartoline? hehehe

2. Manila Paper- bukod sa cartolina lagi rin nakalista ang manila paper sa dadalhin namin sa school. At ginagamit ko rin ito sa pagbalot ng mga libro ko. Sa US malamang wala nito, kasi pang Manila lang ito hehehe. Pero sa tingin ko ang kahalintulad ng Manila paper sa US ay ginagamit sa packing, sa pagshi-ship ng mga bagahe....packing paper yata tawag dito kasi ilang beses na akong naglipat ng bahay eh, kulay brown din siya pero mas manipis lang nga ito, pang cushion sa mga babasaging gamit.

3. Papel de liha- lagi rin akong nagdadala nito sa unang araw ng klase namin pag wala kang dala, "patay kang bata ka" hehehe lagot ka sa titser mo. Kailangan mag- is-is o magliha ng mga desk na sinulatan ng mga ibang estudyante na huling gumamit nito. Paputian at pakinisan kami.....ng desk (hindi binti ha, sakit nun pag sa binti kiniskis hehehe).

4. Colored Paper- ang papel na ito ay medyo magaspang at malimit din kaming pinagdadala ng titser ko para sa arts subject namin. Construction paper ang tawag naman nito sa US. Huwag ninyo akong tatanungin kung ano tawag sa Japan, at "mapa" ang isasagot ko, "ma" at "pa" hehehe.

5. Art paper- eto naman ang makinis na papel na iba't ibang kulay, syempre sa arts din ginagamit ito mas high class yata ito. Wala pa rin akong nakikita nito sa US, dito sa Japan hahanapin ko pa lang hehehe.

6. Papel de Japon- papel kaya talaga ito ng mga Hapon? Bakit kaya tinawag na papel de Japon ito??? Nagsaliksik ako, at nalaman ko na ang papel na ito ay ginagamit pala ng mga hapon sa "origami" ...hmm kaya pala. Noong maliit din ako, nagdadala naman kami nito kapag December, kasi gumagawa kami ng parol mula sa papel na ito. Tapos ang patpat naman ay mula sa kawayan. Noong panahon daw ng kopong-kopong ang mga dalaga raw ay ginagawang lipstick ang papel na ito kasi madaling dumikit sa labi kapag nabasa.

7. Kokong ban- hehehe, yan ang sabi ng kapit-bahay namin na minsang bumili sa akin, ang sabi niya, "pabili ngang kokong-ban" hehehe ang lupet! Sa US pag sinabi mong "coupon bond" di nila rin alam yun, "bond paper"ang alam nila. Sinabi ko minsan yan, di ako naintindihan, sinagot ko na lang sila ng wateber!! hehehe Bakit nga ba naging coupon bond yun? Wala naman coupon yun??? Ah ewan.

8. Yellow Paper- naunang nauso at naging sikat sa atin ang yellow paper at nang kalaunan ay nagkaroon na rin ng iba't ibang kulay nito, meron blue, green at pink. Isang beses habang ako ang bantay sa tindahan namin may bumili, eto ang sabi, "pabili nga ng yellow paper yun pink ha" tawa ako ng tawa sabi ko ano ba talaga, yellow o pink? hehehe....inulit pa, "yun yellow paper nga na kulay pink," ssshhhh pinsan ko pala yun bumili hahaha. Walang pinag-iba yan sa bumibili ng toothpaste, colgate na close-up daw hahaha.

9. At marami pang iba- haba na post ko no, tama na yan!


UKOL SA LARAWAN: Wala lang, pinagsama-sama ko lang ang papel na nakakalat sa kuwarto ng anak bago ko itapon hehehe.

Tuesday, May 12, 2009

HULA SCOOP: Magtatanong Ka Sa Iyong Kaibigan


HULA: Magtatanong ka sa iyong kaibigan, di ko alam kung ano itatanong mo pero malamang yun hindi mo alam.

SCOOP: Na homesick na naman ako eh pagpasensiyahan n'yo na ako at "patalastas" na naman ang nasa utak ko. Sabi nila may iba raw kahulugan ang mga tag lines na ito pero di ko maisip talaga kung bakit may ibang kahulugan.....hmmm bakit kaya? Yan ang mga tanong ko sa inyo mga prends hehehe. Basta peborit ko mga tag lines na 'to, kayo peborit din ba ninyo ito?


COMMERCIAL TAG LINES



1. Keeps on absorbing even when wet (ano ba inaabsorb nito as in "sinisipsip kahit basa" ba sa tagalog yun?? tama ba tagalog ko?)
2. Pitong beses man gamitin (makapito ka man, magagamit mo pa rin wow ang galing naman nito?? gusto ko 'to!)
3. You're in good hands (naku ha, anong klase kayang kamay ang hahawak sa akin nito, kamay talaga kaya??)
4. Twist, lick, dunk (pipilipitin muna, didilaan pa at tapos ida dunk, ano nga ba yun dunk sa tagalog??)
5. Bilis galing, sarap tulog (mabilis naman matulog nito pero magaling daw, kaka intriga ito ah)

6. Ang mundo ko, sana makita mo (ano kayang klaseng mundo ang dapat ipakita dito? bakit gustong gusto niyang ipakita??)
7. I haven't zip my fly in 3 years (eh bakit di mo i-zip??? baka lumipad nga yan)
8. In kainin, in dalhin (wow "in na in" nga ba??)
9. Take the plunge (ano sisid ako? saan??)
10 To be sure you get the right quality, look for the bird (anong klaseng bird, maraming klase po ang bird no, depende pa sa laki)



UKOL SA LARAWAN: Kuha ko sa loob ng food court ng Morioka Mall mga dalawang oras mula sa aming bahay.

Ano kaya ang tag line ng mga Hapon sa Mister Donut? Basta ang alam ko isa sa mga sagot sa sampung tag lines na yan ay Mister Donut, kayo alam niyo ba mga sagot sa mga yan? Bahala kayo hehehe.

Sunday, May 10, 2009

HULA SCOOP: Pasayahin mo ang Nanay Mo...





HULA: Pasayahin mo ang Nanay mo sa araw na ito, kung wala ka ng Nanay, alalahanin mo na lang siya kung bakit narito ka sa mundong ito.

SCOOP: Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay at sa mga magiging nanay, sa gustong maging nanay at sa mga tatay na gustong maging nanay!!! hehehe

Tula ko sa aking ina, Happy Mother's Day....sana

SANA

Sana narito ang aking ina
Ina na naging matatag sa lahat
Lahat ng mga pagtitiis at dusa
Dusa na sa amin nagmulat.

Nagmulat sa amin ng tunay na buhay
Buhay na dapat pahalagahan tuwina
Tuwina ang aking ina ay naaalala
Naaalala na sana di siya sa amin nawalay.

Nawalay sa buhay na kailanman di na mababalik
Mababalik lamang tuwina sa aming panaginip
Panaginip na lagi sa akin na nanunumbalik
Nanunumbalik ang pagmamahal ng inang matalik.

O aking ina, ilang taon ka nang nahimlay
Di ko pa rin matanggap ang sinapit ng iyong buhay
Kasaganaan sa buhay na di mo man lang nalasap
Na mula't sapul sa pagkabata ko ay akin ng pinangarap.


BOW!

UKOL SA LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas ay munting regalo sa akin ng dalawa kong anak, ibingay sa akin nang 12 mn impunto ng Mother's Day. Nakakataba ng puso at sinorpresa pa nila ako. Ang sagot ko sa kanila, "Thank you.... I love you" (sabay halik sa kanila), at sabay banat ko na...." saan ninyo ito binili?" hehehe"


Thursday, May 7, 2009

HULA SCOOP: Mag-ingat Sa Taong.....


HULA: Mag-ingat sa taong may matamis na dila, baka akala mo sweet siya pero matamis lang pala....matamis magluto hehehe.

SCOOP: Matamis ang dila o bolero/bolera o mambobola, kung anu-ano pa basta ako nabiktima na ako ng tipo ng tao na may matamis na dila, mabuti na lang sa magandang paraan, ayun sabi ko nga sa huli kong post, nakatuluyan ko ang taong nambola sa akin ....ayun asawa ko na hehehe. Pero yun lang ang maganda,pambobola sa magandang paraan, para mabihag ang puso ko, naks naman hahaha ang corny!

Nakakatuwa minsan na alalahanin ang istorya ng pag-ibig (tagalog yan at baka mabasa ng anak ko hehehe)....pag naalala ko, natatawa na lang ako, ang corny pala ng asawa ko o kahit pa yung mga manliligaw ko, pacornihan yata ang diga noon. Pero ngayon di ko alam kung paano na manligaw ang mga kabataan sa Pilipinas.

Ihahambing ko dito ang naranasan ko noon at ang ngayon na tipo ng panliligaw.

Noon: (mula sa karanasan ko sa asawa ko)

Nanliligaw pa lang: Pwede ba kitang ihatid?
MU na (Mag-un hehehe): Hatid na kita mamaya ha?
3- 6 months: Sige ihahatid na kita, hintayin mo ako ha
6 months to 1 yr: Ihahatid na kita baka matraffic ka pa
1 yr and up: Basta ihahatid kita, kahit gabihin pa ako

Ngayon: (mga kabataan ngayon, mula sa email na naglipana)

Nanliligaw pa lang: Ahhh... pwede ba kitang ihatid?
MU o Exclusively Dating (hehehe): So pwede na kitang ihatid araw-araw?
3-6 months na: Sige, Ihahatid kita ha
6 months to 1 yr: ano ehhh... ihahatid pa ba kita? ikaw? papahatid ka pa ba?
1 yr and up: Text mo na lang ako pag nakauwi ka na

Ganyan ang nagagawa ng text ngayon hehehe

UKOL SA LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas pala ay ang mga sulat sa akin ng mga "tanga"hanga ko hehehe, at yun "cheap" na kapirasong papel na di man lang nilagay sa stationary yan ay mula sa bolero kong asawa hehehe (dinaan yata sa ganda ng sulat-kamay eh?), ang cheap talaga at bolero pa rin sa sulat hehehe.

Mga 3 yrs ago binigay sa akin ng Ate ko ang mga sulat na yan, nakita nila sa isang kahon ko habang nag-aayos sila ng mga gamit, kaya buhay pa mga yan. Akala ko nga naitapon ko na. So bago ko itapon ay kinunan ko na ng larawan, bago pa magselos asawa ko hahaha.

Nabasa nga ng anak ko, ang sabi niya:
Lei: "ang cheap at baduy pala ni Papa noon, grabe ?!"
Sagot ng Papa niya: "Kita mo naman ako ang pinakasalan ng Mama mo, hehehe."
Sagot ko naman: "Yabang mo talaga" (sabay kurot sa t...enga hehehe)

----------------------------------------------------------------------

Monday, May 4, 2009

HULA SCOOP: Mapapangiti Ka Kahit Walang Dahilan




HULA: Mapapangiti ka kahit walang dahilan, siguro may biglang pumasok sa isip mo.....ang iyong di makalimutang nakaraan.

SCOOP: Minsan may mga pagkakataon na bigla na lang tayong napapangiti kahit wala tayong kausap, kasi bigla na lang sumagi sa isipan mo ang mga di mo makalimutang nakaraan sa buhay mo na nagpasaya sa'yo o kaya naman may naalala kang crush mo o kaya love mo, di ba totoo yan? Aminin!

Madalas mangyari sa akin ang mapangiti sa sarili na para akong sira ulo at minsan lagi akong nahuhuli ng bunso kong anak. Napapahiya tuloy ako hehehe, lakas pa naman mang-asar ng anak ko....mana sa pinagmanahan hehehe.

Ang huli kong hula ay tungkol sa mga patalastas, malaki talaga ang naging impluwensiya nito sa akin. Pero pag ganyang laban naman ni Pacman, mabubuwiset ka talaga kung puro commercial na ang mapapanood mo hehehe, matagal pa ang commercial kesa sa laban hehehe. Thank you nga pala kay Mr. Thoughtskoto at nakapanood ako ng laban ni Pacman (mabuti walang commercial hehehe)....galing mo!

Balik tayo sa aking kuwento (ting-a-ling-aling -a ling), natatandaan ko pa nang nasa college ako, di sa pagyayabang mabenta ako noon hehehe ikaw ba namang mag-aral sa engineering school na puro lalaki ang mga estudyante kundi ka ba naman pagkaguluhan hehehe (yabang no! hahaha).....pagbigyan n'yo na lang ako, hehehe.....wala kasi silang choice hahaha kaya pinagtiyagaan nila ako. Tatlo lang nga kaming babae sa humigit kumulang na 45 na lalaki sa isang klase, kaya malamang 1:15 ang ratio hahaha....ang haba ng hair ko yata noon ah hahaha.

Narito ang mga baduy na strategy na panliligaw ng iba sa akin at ang paghusga ko sa katauhan nila sa pamamagitan ng sawikain o idioms:

1. Nagpalipad ng papel na eroplano na tamang-tama na lumanding sa akin, binasa ko ang nakalagay, "Can I buy you a royal tru orange?" napatawa ako hahaha, grabe walang originality, ginaya si Joey ng commercial ng royal tru orange as in pareho ang sinulat. Tanda ninyo pa ba ang commercial na yun? Sayang di ko mahanap sa youtube eh.

idiom ko: "mahina ang loob"


2. Nanghiram ng notebook, at sabay kausap sa akin kung taga saan ako. Pagkatapos na makausap ako hindi naman hiniram ang notebook ko, nadenggoy tuloy ako. Pero di pa rin niya nakuha ang phone number ko, ano siya hilo?? hehehe.

idiom ko: "matamis ang dila"

3. Pagsakay ko ng jeep papuntang Cubao bigla na lang may nagbayad sa akin, hindi ko kilala, naku gusto raw akong ihatid sa bahay namin, hindi man lang nagpakilala ang mokong.

idiom ko: "mahangin ang ulo"

4. May sumusulat sa akin lagi, di ko kilala kung sino, ang nakalagay na pangalan, "your secret admirer" Kinilig naman ako hahaha, hay kakainis di pa kasi uso noon ang text

idiom ko: "bahag ang buntot"

5. Hinatid ako, sumakay kami ng jeep mula sa Manila City Hall hanggang bahay namin hindi ako kinausap, tama ba yun? Nanliligaw ba ang lagay na yun?? Hello??

idiom ko: "panis ang laway"

TANONG: Sino ang hula ninyo ang nakatuluyan ko? Kayo naman ang manghula no! hehehe

Eto pala si Joey (RJ Ledesma in real life), maraming series yun RTO na commercials na si Joey ang bida, baka matandaan ninyo siya.



UKOL SA LARAWAN: Ang larawan ay isang halimbawa ng panliligaw....ng kapwa matanda hehehe, dapat pala bibilhan mo ng sorbetes ang liligawan mo hahaha, kasi napapalibutan na sila ng bulaklak. Kuha ko ito sa Hirosaki, Japan ang cherry blossom festival.

Saturday, May 2, 2009

HULA SCOOP: Huwag na Huwag Maiinis Sa Mapapanood Mo



HULA: Huwag na huwag maiinis sa anumang mapapanood mo, kahit pa patalastas pa ito. Pag nabasa mo itong hula ko, hindi ka na maiinis sa mapapanood mong mga patalastas, aabangan mo na ngayon at isusulat ang mga ito para mga sampung taon mula ngayon pwede mo nang itanong ito bilang trivia. Hala abangan nyo na!

SCOOP: Ang mga patalastas sa atin ang isa sa mga namimiss ko sa Pilipinas mula nang dumating ako sa US. Dati rati inis na inis ako basta may patalastas na, kasi nabibitin ako sa mga pinapanood ko. Ngayon napagtanto ko na malaki palang bahagi ang nagagawa ng patalastas sa buhay nating mga Pinoy. Ang iba nagiging peborit jingle ng mga bata, ang iba naman naging bukambibig o expressions ng mga tao, ang iba ginagamit na pan "diga" o panliligaw ang mga parirala o phrases sa patalastas....ang iba naman sumisikat ang mga model at nagiging sikat na artista.


Ngayon, marami nang mga slang words ang mga Pinoy na galing sa mga patalastas, hindi ko na nga alam ang iba sa dahilang wala na akong napapanood na mga patalastas....hmmp sayang talaga. Kaya pala dati nagtataka ako sa ilang jokes na natatanggap ko laging bukambibig nila ang "suportahan ta ka," yun pala pinasikat ni pareng Christian Vasquez yun, grabe sumikat tuloy siya sa pagka Ilonggo niya.


Narito ang ilang mga halimbawa na naging popular na "bukambibig" o "expressions" na natatandaan ko nang ako ay nasa Pilipinas pa.



1. Sa commercial na ito ay tinanong ang isang matabang babae (bungal pa yata) kung anong masasabi niya sa toothpaste, ang sagot naman niya, "lasang bebel gum" (imbes na bubble gum). Anong toothpaste 'to?

2. Dalawang batang magbestfriend na magkasundo sa pagkain ng ice cream. Nang ang isang bata ay lilipat na ng bahay ay natanong ng kanyang bestfriend, "Sinong bestfriend mo doon?" sagot naman ng isa, "Siyempre ikaw lang!" Ito ang naging sikat na expressions ng mga 1990s. Anong commercial naman 'to?

3. Naglalaro ang dalawang magkapatid ng pagtawag ng telepono nang makulitan ang batang babae sa pag request ng kuya niya kung saan talaga mag lo-long distance call kaya nasabi niya ang, "Ano ba talaga Kuya???" Anong commercial ito? (naging paboritong expression ko ito, basta may nagtatanong sa akin na nililito ako)


Ito pa ang iba na di ko na ipapaliwanag, masasagot nyo ba kung anong mga commercial ito??


1. Tatagal ka ba?

2. He loves me, he loves me not? He loves me, he loves me not? He loves me!!

3. Kulang lang sa practice!

4. I can feel it...shah!!

5. Walang tibay na maasahan

6. Hindi lang pampamilya, pang sports pa!

7. Tisa muna!


Eto naman, tinanong ko pa Ate ko noong mga 1997 o 1998 kung ano ang sikat na patalastas na namiss ko na, halata bang adik ako ? hehehe, ganyan ako ka home sick noon, tatawag lang para malaman ang mga bagong commercials:


Teacher: "What's the color of grass?"
Pupils: "GREEN!!"
Teacher: "What's the color of my shirt?"
Pupils: "BLUE!!"
Teacher: "And what's the color of my teeth?"
Pupils: Oh!! Off-white.... beige... mother of pearl!! :-)

Ano kayang commercial ito???

eto pa:

Maid: "KOYA!!! Tumawag si JEJE!"
BOSS: Si Jeje?????!!!....ohhhh si Jay-Jay!!!
Ano naman kayang nakakatuwang commercial 'to?


PAHABOL: Sa sobrang pagka adik ko sa mga patalastas may "live feed" na pala ang abs cbn at gma kung saan mapapanood ko na uli ang mga patalastas sa internet....yehey!!! Iba talaga ang nagagawa ng internet ngayon, nakakatanggal home sick na! Hmmm bawal kaya ito??? Wala naman kasing TFC at GMA Pinoy dito no! Sssshhh basta atin-atin na lang ito desperado akong makapanood na eh hehehe.


PAHABOL PA ULI: Ang larawan ay ang peborit kong champ sa jollibee!!! "Sigurado ka bang sa Jollibee???" naalala n'yo ba ang expression na yan??? Kung hindi....tumatanda na talaga ako waaaaaaaaaaaa


ISA PANG PAHABOL: May susunod pa ang mga patalastas na yan, abangan....sa susunod hehehe