Friday, April 3, 2009

ATBP: Ang Diary ng Aking Lolo (Part 1)



ATBP- Ang Diary ng Aking Lolo

Nalimutan ko nga pala na ang pamagat ng blog ko ay "hula scoop atbp" kaya ngayong araw na ito ay baka magtaka kayo na wala akong hula ngayon. Gusto ko lamang ibahagi sa inyo ang "atbp" o at iba pa sa blog ko para maiba ng konti at mapahinga ng bahagya ang "radar" ko sa panghuhula.

Nakita ko ang diary ng lolo ko noong bata pa ako at hanggang ngayon ay tinatago ko pa ito yun nga lang di ko pa makita ngayon sa sobrang tago ko nito hehehe siguro dahil na rin ilang beses na kaming nagpalipat-lipat ng bahay at bansa. Ang ilan sa mga ito ay nailagay ko sa homepage ko na ginawa ko pa 10 years ago kaya dito ko naman ibabahagi sa blog ko ang diary niya na naging inspirasyon ko sa buhay may asawa.

Malamang kung di namatay ang lolo ko buhay pa siya hehehe (syempre) at baka nagba blog na rin ngayon pero hula ko di na rin makakapagtype at 100yrs old na siya ngayon kung nabubuhay siya. Namatay ang lolo ko noon pang 1978, humigit kumulang na pitong taon ko rin siyang nakasama at nakilala. Habang naghahalungkat kami ng mga abubot niya ay nahanap ng Tatay ko ang diary niya at akin itong tinago. Ang diary niya ay nakatype written na at nakacompiled na mula nang nanligaw siya sa lola ko at hanggang sa mga pangyayari sa buhay nila mula sa panganay hanggang bunso niyang anak; para itong isang buod ng kanyang lahat ng diary. Sayang nga lang naitapon na namin yun iba niyang diary na sulat kamay talaga. Sinali ko rin ang diary na ito sa contest ng Germs Espesyal noon, nanalo ito bilang "oldest diary."

Hindi naman siguro magagalit ang lolo ko kung ito ay ilagay ko sa blog ko.

Ito ang ilan bahagi ng diary ng lolo ko:

THE ACQUAINTANCESHIP

1927

It was in May when the petals of blooming flowers are all moist with dew and the atmosphere is filled with fragrance and sweetness. There--in a humble home which I frequently visited, lives a fair maiden of sweet sixteen whose name I never knew. For many times I used to catch frogs in her yard, buy pieces of bread in her store and often see this fair maiden but never did I mind her at all.

Then one day, I was fetching water from an artesian by her home, and she was then coming from the market with a small basket on her head. Suddenly, I heard a loud voice followed by unwholesome words from the lips of her guardian (aunt). She tried to scold and blame her for spilling the bottle of KETSAP over the basket full of fresh rice. Oh! I could not help but pity her for such punishment she received. I knew she was yet too young to be very precautious for this mishaps.

Then June came and I have often escorted her on way to school. I did not know why we have always meet each other. She was a six grader and I was a Senior in high school. Oh what a nice schooling for me to be with somebody! Many times we used to converse about our studies. And on August 24, I gave her one of our pictures taken during our picnic in Taldawa. Oh she liked it very much that she also bestowed me one of hers in her class. She was giving it without any dedication at all but I refused to accept it. then she brought it home and the next morning, she gave it with a nice dedication. Oh how sweet such a dedication. I cherished and embraced it so dearly in my heart for it is the only precious thing on earth for me.


----------abangan........sa susunod -----------------

PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay ang lolo ko, tatay ko, pinsan ko at ako. Ito yata ang huli kong kuha na kasama ko ang lolo ko.

PAHABOL: Titigan at kilatisin ninyo na ang kuha ko na yan at baka mawala na lang bigla dito sa blog ko hehehe

PASALAMAT: Salamat pala kay kay Reena na naging inspirasyon ko para ipost ko itong diary ng lolo ko, dahil sa blog niya naalala ko na naman itong diary ng lolo ko na ilipat dito sa blog ko (mula sa homepage ko at mula sa friendster ko nandito na uli ito hehehe).

3 comments:

  1. Iyong panghuhuli ng palaka ng iyong Lolo ay nagpapaalala sa akin sa panghuhuli ng palakang bukid sa Bulacan upang gawing ulam na tinola.

    Di ko akalain na mahilig na tayong mga Pilipino sa Ketsap nuong 1927, aabangan ko ang karugtong ng diary ng iyong Lolo.

    ReplyDelete
  2. I soo love your lolo! Nakangiti ako habang binabasa ko ung entry ng lolo mo (actually teary-eyed nga ng kaunti pero baka sabihin mo OA na...).

    Maganda syang sumulat. Actually me pagkapoetic nga ung pagkakahabi nya ng pangungusap. Mag-aabang din ako gaya ni Pope.

    ReplyDelete
  3. Pope- salamat at may mag-aabang na rin sa diary ng lolo ko hehehe, so ang mga taga bulacan din pala kumakain ng palaka, akala ko mga kapampangan lang hehehe

    Nebz- hahaha natouched ka pala sa lolo ko ha, salamat at dalawa na rin ang mag-aabang ng diary ng lolo ko hehehe

    ReplyDelete