Tuesday, March 24, 2009

HULA SCOOP: Maging Masipag Sa Trabaho


HULA: Maging masipag sa trabaho, labanan ang anumang masamang impluwensiya na bumabalot sa’yo. Kung hindi mo ito mapigilan malamang ikaw ang na ang mababalutan ng…katamaran.


SCOOP: Narito ang mga payo ko sa mga tinatamad sa kanilang trabaho, na pwede naman mag absent pero sa panghihinayang sa araw na masasayang at sa sweldo na makakaltas sa kanila e pilit pa rin pumapasok sa trabaho kahit walang ginagawa.


1. Maghubad- pagdating na pagdating sa trabaho maghubad kaagad ng iyong pangginaw o blazer o jacket at buksan kaagad ang dapat buksan, syempre pa ang computer, magsurf kaagad sa internet para masaya kaagad ang araw mo.


2. Paligayahin ang sarili- Pag walang tao, dahan dahan mong ipasok ang kamay mo at hugutin…. ang cell mo sa bag pasimple lang para di kayo mahalata at magstart ng magti text o tumawag sa mga friends mo, alam ko naman yun ang magpapaligaya sa araw niyo eh.


3. Magbutingting- butingtingin mo ang inyong sariling lamesa, matuto ka dapat magbutingting ng kahit ano sa mga gamit na nasa harap mo. Pag wala kang magawa pa rin kunin ang nail cutter o nail clipper at putulin ang iyong mga kuko.


4. Magbulatlat- Kung patay pa rin ang oras mo magbulatlat ka ng kahit anong mga papeles sa filing cabinet at titigan ang mga ito, kung di ninyo maintindihan itago muli at magbulatlat na lang kayo ng inyong bag, malamang mas marami pa kayong alam sa laman ng bag nyo kesa papeles nyo.


5. Iyugyog mo- iyugyog mo ang keyboard mo malamang marami ng mumu ng pagkain na nakasiksik dito kakakain nyo ng mga chichiria sa harap ng computer.


6. Labas-pasok- pag wala pa rin kayong magawa labas pasok kayo sa internet syempre puntahan ang mga peborit na blogs, pindutin lagi ang refresh at icheck nyo kung may bagong posts syempre huwag kakalimutan ang payo ng hulascoop ko.


7. Lamasin- pag inaantok at wala pa rin kayong magawa o tinatamad lang talaga kayong gumawa lamas lamasin mo ang stress ball mo, kung wala ka nito sa office mo bumili ka na lang ng pandesal yun ang lamasin mo at pag nagsawa ka na, isawsaw mo sa kape pwede pa yun. Sabi nga sa movie, “Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.”


8. Kung matagal pa ang oras na hihintayin nyo count 1 to ten, basta count to ten ng count to ten lang, hindi mo mamamalayan ang oras at uwian na pala.



PASALAMAT: Ang paksa na ito ay hawi ito sa isang email na naglipana sa internet pero binigyan ng ibang kahulugan, kulay at pinaikli ng inyong lingkod na aakma sa aking blog.


PAHABOL: Ang larawan ay talagang akma sa hula ngayon. Kayo na ang maghusga.

8 comments:

  1. Bagay na bagay talaga sa akin itong hula ngayong araw. Ang pagkakaiba nga lang ako napakaraming gagawin, ang mga nakasulat diyan sa itaas ay para yata sa mga walang ginagawa. Whew! o",) Swerte naman nila.

    ReplyDelete
  2. Pag lumabas ng "cubicle" para mag liwaliw sa kaibigan mo sa kabilang department, mag dala ng kapirasong papel na may nakasulat at lumakad ng mabilis na parang mayhinahabol. Huwag pansinin o tumango lang sa makasalubong. Para pa tiningnan, ay very busy ka. : )

    ReplyDelete
  3. syet okay tong blog mo ah! naalala ko tuloy si eba papaya. yung bakla sa sis dati! hahaha!

    ReplyDelete
  4. this reminds me of my workspace. OC kasi ako. hahaha. kelangan malinis. and ayoko ng may nakikitang kalat and smudges. :)

    ReplyDelete
  5. hahaha, natatawa ako...basta miss missy, yun na yun. natatawa lang ako! parang ano kasi eh...

    nakakatuwa siya, vry gentle, very mild, hahaha! Hay, pawi na naman ang pagod ko, nakatawa, nawawala ang mga stress marks...

    ReplyDelete
  6. Ako un. Ginagawa ko halos lahat ng naka-itemized sa post mo. Pero noon ngayon.

    Nagyaon, trabaho lang ako sa office, wala ng personalan.

    Ewan ko lang kung hanggang kailan ko matatagalan. Nakaka one-week pa lang ako sa resolution ko e...hehehe.

    ReplyDelete
  7. Galing nito ah..hehee nice tips for those who are boozin work.

    Ako para makita na busy e naglalakad na laging may dalang coupon bond at mga libro. Sa palagay ko pag-prinoject mo na masipag ka(kahit hindi) ay maniniwala ang mga katrabaho mo na masipag ka nga.

    ReplyDelete
  8. Pasensiya na sa lahat at ngayon lang po nakapagreply sa inyo pero salamat sa oras na ibinigay nyo para magcomment:

    RJ- sa mga wala ngang magawa ang hula na ito at iniinggit ko lang ang mga taong abala sa kanilang trabaho hehehe

    blogusvox- ok yang tips mo ah, parang gawain mo hehehe

    joshmarie- sino yun eba papaya, di ko kilala yun hehehe at parang gusto ko tuloy siyang makilala hehehe

    Reena- cubicle ko yan naks naman hehehe, wala kasing magawa hahaha

    Mr. Thoughtskoto- salamat at natawa ka, hmmm malamang namiss mo ako hahaha

    nebz- naku baka di mo matagalan yan at babalik ka sa dati hahahaha, at gagawin mo uli itong mga tips ko

    dennis v- ang hirap naman nun may dala ka pang libro ang bigat maging feeling busy hehehe

    ReplyDelete