Thursday, December 1, 2011

HULA SCOOP: Magkakaroon Na Ng Linaw ang Lahat ng Malabo Sa'yo

Ang El Fili


HULA: Magkakaroon na ng linaw ang lahat ng malabo sa'yo.
SCOOP: May mga malabo ba sa isipan nyo na kailanman ay di nabigyan ng linaw? Kung ako ang tatanungin, oo, marami, sa sobrang kalabuan hindi ko na mabilang pa hehehe.  Sa panahon ngayon, mas madali nang masagot ang mga katanungan natin, mapa kasaysayan, showbiz, mga balita ngayon, jokes, dictionary, encyclopedia, medisina, media, kultura, atbp.

-------------------------------------


May mga pagkakataon na sasagi na lang sa isipan ko ang mga katanungan na hindi ko nabigyan ng kasagutan noon, pero sa araw-araw ng aking pamumuhay ang mga katangungan na yun ay unti-unti ring nasasagot, hindi ko lang alam kung saan-saan ko ito pinagpupulot.

Natatandaan ko noong 4th year high school pa ako, ayaw na ayaw kong basahin ang El Filibusterismo ni Dr. Rizal, nakakatamad basahin ang mga malalalim na salita at mga kahulugan ng bawat karakter sa nobela na yun. Isang beses nga e napatayo pa ako ng guro ko dahil hindi ako nakapagbasa ng isang kabanata na sya namin paksa sa araw na yun. Nang ako ang tawagin, ayun wala akong masagot, malas ko ang "tigre" naming guro nagpapatayo talaga kapag hindi nakasagot.  Ang nakakahiya pa, katabi ko pa ang manliligaw ko hahaha, buti na lang napatayo rin siya hehehe kaya ok lang, quits lang kami hehehe.  Hanggang ngayon di ko malilimutan ang guro ko na yun sa Pilipino dahil sa tanang buhay ko, sa kanyang klase lang ako napatayo at napahiya, ang una at huling pagkakataon na yun. Kaya simula noon, nagbasa na ako ng El Fili, wala akong choice. Pero natatandaan ko ang unang kabanata ng El Fili na "Sa Kubyerta" kung saan sa umpisa palang ay di ko na maintindihan ang mga karakter na nakakalito na e puro mga bahagi pa ng "tayutay" (figure of speech po sa ingles, kuha nyo? hehehe) ang mga binabanggit doon (labo talaga ni idol Rizal e hehehe). At natatandaan ko rin na nagtanong ang guro ko tungkol sa"Bapor Tabo" kaya ang bapor na yan ay hinding-hindi ko malilimutan kahit magkaroon pa siguro ako ng Alzheimer disease baka banggitin ko pa rin ang salita na yan, peksman! hehehe.  Mas masuwerte nga ang mga kabataan ngayon dahil isang click lang ng mouse ng computer ay makikita na nila ang mga buod ng El Fili, mas madaling magresearch ngayon hindi tulad dati na pupunta ka pa ng library para makapagbasa at pahirapang gumawa ng sariling buod ng bawat kabanata.

Eto ang nakakatuwa paminsan-minsan may mapupulot akong aral.....sa isang teleserye hehehe. Natuwa kasi ako sa isang eksena sa bagong teleserye ng ABS CBN o TFC sa ibang bansa, ang "Angelito (Ang Batang Ama)."  Hinaplos nitong muli ang mga alaala ko noong mga araw ko sa high school. Sa pangalawang araw ng teleserye nito (Nov. 15, 2011 hala alam ko pa ang date hahaha) ay natuwa ako na binanggit dito ang El Filibusterismo, ang unang kabanata, "sa Kubyerta" kung saan tinalakay nila ang Bapor Tabo. Eto pa, sa kagustuhan kong i-blog ang paksa na ito ay sinaliksik kong muli ang mga eksena nila sa pamamagitan ng internet. Ayun, natagpuan ko sa website na lagi kong pinupuntahan, ang pinaytambayan.com kaya kung may namiss kayong mga teleserye o shows punta lang kayo doon at sasaya na ang araw niyo hehehe. So eto ang talakayan nila:

Sa klase ni Rosalie:
Rosalie (ang gf ni Angelito na nabuntis niya): "Nahahati po sa dalawang kubyerta ang Bapor Tabo na sinakyan ni Simoun sa unang kabanata ng El Fili. Yun nasa ilalim po ay yun mga Indiyo at ang nasa itaas ay yun mga prayle at mayayamang Espanyol. Para sa kin, sa tingin ko po na sinadya ni Dr. Rizal na 'tabo" ang itawag sa bapor na sumisimbolo sa pamahalaan noon kasi hugis bilog, hindi umaandar, mabagal ang kilos at walang kapupuntahan."

Naks, yun pala ang kahulugan ng Bapor Tabo hehehe...eto naman ang eksena sa klase ni Angelito:
Guro: Ano ang sinisimbolo ng Bapor Tabo sa El Fili? (Tinawag si Angelito na hindi nakikinig kakaisip kay Rosalie, nahuli kasi siya ni Rosalie na tumalon sa "Talon" na nakahubo hehehe)

Angelito: Ma'am di ko po alam.
Guro: Ano ang nasa isip mo pag sinasabing tabo?
Angelito: Ma'am, kailangan po itong gamitin pag naliligo sa banyo at hindi po dapat maliligo sa ilog na nakahubo.

hahahaha

Natawa ako dito, parang mga kaklase ko noong high school puro kalokohan ang mga sagot, hindi man yan ang eksaktong sagot nila ay yun paraan ng pagsagot, swak na swak sa sira ulo kong mga kaklase. 

Ang tanda ko lang at nakakaintriga at nakakabigla talaga sa nobela ni Rizal ay itong si Padre Damaso pala ang tunay na ama ni Maria Clara, kala ko kasi chismis lang yun hahaha.

Isa pang naalala ko, nang minsan, nagtanghal ang grupo ng mga kaklase ko na kung saan ang isang karakter ay si Hule, eto kasing kaklase ko na gumanap bilang Hule ay may "kakaibang amoy" as in alam nyo na may BO hehehe, kaya yun mga siraulo kong kaklase, lumipat ng upuan papunta sa akin at sabay sabi na "Si Hule may putok, may putok!!!" hahaha grabe kaya simula noon, "Hule" na ang bansag sa kaklase ko na yun hahaha mabuti nga at hindi "putok" e kasi yun isa kong kaklase ay nabansagan na kasi na "USI" as in malakas kasi ang putok din bwahahaha.

PAHABOL: Ako pala ang naging Best in Filipino noong graduation namin sa kabila ng pamamahiya sa akin ng aming guro, naks naman kaya si Angelito may pag-asa pa hehehe.











15 comments:

  1. Medyo malilito ka nga sa umpisa ng Fili kung hindi mo nabasa ang Noli. Pero mabuti ka pa may naalala pa kahit buod ng nobela. Ako si Basilio na lang ang naalala ko.

    ReplyDelete
  2. Blogus- nabasa ko naman ang Noli kaso pagkabasa ko at pagkatapos ng exam nalimutan ko na rin hehehe. Mas natandaan ko ang Fili dahil nga sa teacher kong super higpit lahat kami dapat gagawa ng iskit sa bawat chapter, kahit nga si Ginoong Pasta natatandaan ko e, kilala mo ba yun? lol

    ReplyDelete
  3. Alam mo ba na ginawa naming musicale play ang El Fili? Yan ung may pasabog na gasera na hindi natuloy dahil pinalitan ng bff ni Simoun ung glycerine ng tubig. Sayang patay na sana agad ang mga prayle at Kastila. Anyway, I love those two novels: Fili at Noli. So us during the Spanish time. At kung papansinin mo, kahit noon pa, mahilig n talaga tau sa kadramahang walang humpay gaya nga ng anak ng pari si Maria Clara, naluka si Sisa sa paghahanap kay Basilio at Crispin, etc.

    Dramahang walang humpay, na syang pinanggalingan ng walang hanggang twists sa mga hindi matapos-tapos na teleserye (na kung susuriin mo e paulit-ulit lang ang storyline at nag-iiba lang ang mga karakter at kondisyon, i.e. lihim na anak ang katulong, inagaw ng iba ang asawa, etc.

    Sino si G Pasta? Natatandaan ko lang si Kapitan Tiago at si Pilosopong Tasyo.

    Nga pala, si Rachel Alejandro ang MC namin. One of the best prods for me nung nagtatrabaho pa ako sa Pinas.

    (Congrats. Na-challenge ka siguro nung pinatayo ka kaya pinag-igi mo ang Filipino ☺).

    Salamat po. Muli n naman akong natuwa.

    ReplyDelete
  4. Nebz- korek ka dyan, noon pa man mahilig na nga tayo sa mga drama kaya naging "in" sa atin ang mga mexican telenovela then nadagdagan na ng mga Korean

    si Ginoong Pasta ay yun abogado na laging sinasanggunian ng mga prayle (naks!)...... salamat sa google hahaha

    galing naman at nagtanghal pa pala kayo ng musicale play, so anong role mo noon?? from work ba yun??

    ReplyDelete
  5. magandang araw sa yo!

    naaliw akong sobra sa post na 'to. limot ko na halos ang 2 nobela pero pinahirapan din ako dahil dito nung HS.

    you make my day. pano ba sa tagalog yun?

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. hi bing- salamat sa pagdalaw mo dito sa blog ko, sana maulit muli hehehe....at salamat naaliw ka rin, korek ka dyan, pahirap talaga ang 2 nobela ni Rizal pero maiintindihan lang natin kung bakit ito tinuturo pagkatapos natin ng high school o kaya ayaw na talaga natin talagang maalala ang mga ito hehehe....

    you make my day in tagalog e....niyari mo araw ko hahaha joke

    ReplyDelete
  8. Kumusta na Sardonyx? Napadaan lamang ako...tinitignan kung ang mga mamba-blog ay nandirito pa rin. Ang akin naman, samantala ay inaagiw na at puno na ng damo. Ha ha ha... Babalik ako muli upang basahin ang iyong medyo may kahabaang kuwento...alas 2:41 na kasi ng umaga ngayon dito sa California. Susubukan ko munang matulog.

    Magandang umaga sa iyo,

    Mari

    ReplyDelete
  9. Mari- salamat at naalala mo pa ako, sana makabalik ka uli dito hehehe at sana rin mag update ka muli ng iyong blog ;-) mukhang nakatira na si spiderman sa blog mo e hehehe

    ReplyDelete
  10. Wow! Nanonood ng Angelito si Ms. Sardonyx!

    Napanood ko rin ang episode na 'yon sa Angelito tungkol sa Bapor Tabo. Parang hindi naman naipaliwanang ng teacher namin noon na ganu'n pala ang kahulugan nu'n. Ganda pala ng kahulugan.

    Mayroon akong Noli Me Tangere dito na nabili ko sa kilalang bookstore dito sa Australia, ginagamit kasi ang Noli dito sa isang subject nila sa university. Sikat talaga ang idol natin Ms. Sardonyx.

    ReplyDelete
  11. RJ- yes, nanonood ako ng Angelito nakakarelate kasi ako sa kwento e hahaha, yun teacher ko noon naipaliwanag sa min yan pero di ko naman inintindi hehehe....kaya di ko naintindihan din lol, meron din akong Noli at Fili dito sa bahay binili ko sa Pilipinas at dinala ko pa dito.

    ReplyDelete
  12. di ako maka-relate kay angelito, di ako nanonood e. pero sa el fili, ayos! natawa ako sa sabay nyong pagtayo ng manliligaw mo. at least, di ka nag-isa; saya! hehe!

    ReplyDelete
  13. doc- ok lang kung di ka makarelate, naiinis na ako sa istorya e hehehe, basta tungkol yun sa batang ama....na di ko alam kung bakit pinaglalayo ng mga magulang at lola e inaako naman ang pagiging ama, pinaiikot-ikot lang yun story ......kakahiya nga na tumayo sa klase e kaya kasumpa-sumpa talaga ang araw na yun hehehe

    ReplyDelete
  14. Isa ito sa mga paborito kong aklat hanggang sa ngayon.

    ReplyDelete