Wednesday, April 29, 2009

HULA SCOOP: Pahalagahan Mo ang Bawat Oras Sa Iyong Buhay


HULA: Pahalagahan mo ang bawat oras sa iyong buhay, batbat man ito ng kahirapan o puspos ng pagpapala, ang mahalaga…wag kang makikisawsaw sa buhay ng iba.


SCOOP: Atin munang balikan ang mga salitang ginamit ko at ang kahulugan ko nito.


KAHULUGAN KO: (walang kokontra)


Batbat-palo-palo (you know when you play baseball, you use the "bat" like palu-palo)

Puspos-tulak-tulak (push is tulak so puspos is tulak-tulak, "_alf kapampangan ako kaya wala yun "h" ng push)

Sawsaw-dip-dip (wala lang gusto ko dip dip eh)


Marahil napansin ninyo ang mga ginamit kong mga salita, ang paksa natin ngayon ay ang mga inulit-ulit na salita, slang man o hindi. Narito ang mga salita na ginagamit sa pagluluto.


PAGLULUTO:


Pakpak

Pukpok

Dikdik

Tadtad

Gadgad

Budbod

Dagdag

Sawsaw

Pitpit

Sapsap


Halimbawa: handa sa hapunan


PINUKPOK NA PAKPAK NG MANOK RECIPE


1. Linisin maigi ang pakpak (wag papabigkas sa mga "kano" ang salitang ito, mag-iiba ang kahulugan) ng manok, tanggalin ang dulo nito para maalis ang lansa

2. Ipukpok ng malaking kutsilyo kung kinakailangan.

3. Magdikdik ng bawang

4. Magtadtad ng sibuyas.

5. Maggadgad ng niyog

6. Ilagay ang mga pakpak ng manok sa kaldero.

7. Ibudbod ang dinikdik na bawang at tinadtad na sibuyas sa kalderong may manok.

8. Magdagdag ng asin, paminta at suka.

9. Himasin este Lamasin maige ang ginadgad ng niyog at lagyan ng tubig.

10. Pitpitin ito hanggang kumatas ang gata.

11. Ibuhos ang gata sa manok at pakuluan.


Ayan, may ginataang manok na kayo na ginamitan ng dinoble-dobleng salita recipe hehehe….ternuhan natin ng….


PRITONG SAPSAP


Mga sangkap


Teka nakakahalata na ako ahhh, marunong naman kayong magprito di ba?? ok tapusin na natin ito.....TAPOS na! hehehe


PANUTO: Wala akong larawan ng pinitpit na manok kaya, "laslas" na itlog at "bilbil" ng manok ang nailagay ko na lang. At least dinoble na salita pa rin hehehe....pinilipit ko nga lang ang mga pangalan nito hehehe.


PAHABOL: Hindi ko pa tinangkang lutuin ang recipe na yan, patnubay ng "kaalaman" ang kailangan at gamot na diatabs ay huwag kakalimutan.


Monday, April 27, 2009

HULA SCOOP: Kailangan mong harapin ang katotohanan sa balitang iyong matatanggap



HULA: Kailangan mong harapin ang katotohanan sa balitang iyong matatanggap.

SCOOP: Ang katotohanan na matatanggap mo ay depende kung hindi nagsisinungaling ang magsasabi sa'yo. Kung sinungaling, yun ang problema paano mo ito haharapin?? patalikod na nakaharap kaya? hehehe

----------------------------------------------------------------------------------------------

ISANG KAIBIGAN

May natanggap kaming balita nitong Sabado, malungkot pero sabi nga sa hula dapat tanggapin ang katotohanan. Namatay ang matalik na kaibigan naming mag-asawa, tinuring namin siyang isang kapatid mula nang kami ay nasa California pa naninirahan, 43 lang siya. Siya at ang pamilya niya ang naging pamilya namin sa dahilang wala naman kaming malapit na kamag-anak dito. Kung tutuusin kaming mag-asawa ay malayo sa mga kamag-anak namin, lahat nasa Pilipinas. Naging masaya ang pagtira namin sa California dahil sa kanya, sa lahat ng lugar kami ang magkakasama, mapa long driving na biyahe at kahit pa sa aksidente kasama namin siya at ang pamilya niya (mabuti at naligtas naman kami at eto nagba blog na nga ako hehehe). Siya rin ang may pakana na nagtanghalian lang kami sa Las Vegas at umuwi na rin kaagad matapos ang mahigit apat na oras na biyahe mula California.

Cancer sa lymph nodes ang ikinamatay niya, anim na taong nakipagbaka sa cancer. Pero naging huwaran siya sa amin, matapang niyang hinarap ang sakit niya. Dinadaan niya sa mga biro ang lahat; ang ilang mga jokes ko dito sa hula scoop ko ay galing sa kanya. Walang pagkakataon na hindi siya hihirit ng mga jokes niya kung kami ay nagkakausap, kahit ang sakit niya ay dinadaan niya sa mga biro. Ang tawagan namin ay "Chong at Chang, minsan chongki at changki ganun din sa asawa niya at asawa ko." Idol namin siya basta sa mga jokes, laging may hirit kahit sa mga seryosong usapan.

Kaya nga ang hula scoop kong ito ay iniaalay ko sa kanya, narito ang ilang mga jokes niya:

1."Walang problema na hindi ko kayang palakihin. "(shout out niya sa friendster niya)

2. Lahat ng mga ayaw ni misis, ginagawa ko: "ayaw niyang maglinis- maglilinis ako; ayaw niyang maglaba- maglalaba ako, ayaw ni misis na mamalantsa- mamalantsa ako."

3. Pag daw siya mamamatay, gusto niya parang natutulog lang daw siya (yun braso niya nakatakip daw sa mukha at mata niya, yun parang natutulog, gets n'yo hehehe).

4. Kung hindi ko daw siya madalaw, siya na lang daw ang dadalaw sa akin (naku "Chong wag mo naman gagawin yun, ninenerbiyos ako nito!")

5. Gusto raw niyang umuwi sa Pilipinas at doon mamatay kasi sa Pinas daw masaya, 24 oras may tao, may pasugalan, may pasakla, may pabiskwit at kape pa at maliwanag ang mga ilaw. Mura din daw mamatay. Hindi katulad sa US, may oras daw ang viewing, tuwing gabi lang minsan apat na oras lang, walang pasugal at hindi raw masaya. At gagastos pa raw ang pamilya niya ng $15,000 para ipalibing lang siya.

Nakakatuwang isipin pero bawat sambit niya sa pang lima na yan, tumatagos sa puso ko... naiiyak ako. Masakit pero totoo. Pero hindi naman siya hahayaan ng pamilya niya na maiwan sa Pilipinas na mag-isa kung nasa US na ang lahat niyang mahal sa buhay.

Ito lang ang masasabi ko sa kanya ngayon, malayo man kami at di na makadalaw sa kanya,

"Chong, alam ko payapa ka na, tapos na ang paghihirap ng katawan mo at higit sa lahat, ikaw ay ligtas na. "


PANUTO: Ang cherry blossom (sakura) lamang ang maipapadala ko galing pa ng Hirosaki, Japan yan, para sa'yo ito Chongki! At huwag mo na akong dadalawin, ok lang kami dito....salamat na lang sa dalaw.

Friday, April 24, 2009

Ang Diary Ng Aking Lolo- Part 5

Dahil sa kami ay gagala bukas ay di muna ako makakapanghula kaya hinahayaan ko muna si Lolo ang maging bida sa blog ko. Sa mga sumusubaybay, narito muli si Lolo....dumidiga na talaga!!!

Panuto: Ang mga binabanggit na mga lugar sa diary ay naganap lahat sa Pampanga, mekeni kasi si Lolo, "cabalen (kabayan) potang bengi (mamayang gabi)..... matudtod naka (matulog ka na)"...hahaha yan lang yata alam ko na pangungusap sa kapampangan. Pota na nga bengi pa hahaha.

PAHABOL: Chineck ko ang nakalagay sa diary, "May 9, 1929" may total solar eclipse ngang nakatala mula sa NASA, pakikalabit ako ay hindi ako...."ito o."


1929

Jan. 1

NEW YEAR MORNING-- I went to her store and gave the GIFT OF WHITE STOCKING to her. No one was with her. She told me that she spent the New Year in her barrio that is why we did not see her in Betis.

March 26, Tuesday Night

HER GRADUATION-- How happy am I to see her among the graduates of the Seventh Grade! How beautiful and elegant she is to me at that very night! After the program, I accompanied her on way home. She is with Feliciana and Rosario. I joked her by looking on her certificate, but to my disappointment, she refused to show it and even acted so differently. she does not understand that it was only my LAMBING to her at that very glorious night of her's. She left us and went ahead. How disconsolate I am! "Talagang ala cung cusuelu atang mumuli."

March 28 Night

SAINT THURSDAY-- I did not see her at all.

March 29

GOOD FRIDAY NIGHT--I saw her Grandma with small children but Dearest was not with them perhaps she stayed in the Barrio.


THE ENGAGEMENT

1929

March 31, Sunday at 11:00 A.M.

BAPTISM IN HER HOME: My cousin and I are invited to attend a party in Cabalantian. On our way, I saw her conversing with Ising. They all went by cart to the barrio on the baptism of her niece. Ising is the COMADRE. Rom, Dandoy, Pio and Vicente Santos went with them. How lonely and restless am I for I was the only one who is not invited.

April 4, Morning

OUR VISIT IN HER HOME BARRIO- As I have never seen her during the Holy Week, I tried to visit her in her home barrio. Pab, Nano and I went hunting in Pangulo. We saw one of her sisters, Seriang with a basket of cleaned clothes on her head. We have never seen her home. We ate in a store only to have a chance to see her but in vain.

May 9 at 3:18 to 3:36 THE EVENTFUL ECLIPSE

June 18, Morning

HER HIGH SCHOOL COURSE: Upon arriving from the city, I am too happy to see Dearest with some of Trade School girls wearing the prescribed uniform (green). Sorrily, I returned again to the Metropolis without having even a short conversation with her. Oh what a lonely trip!

September 10

A LETTER AFTER A LONG ABSENCE: She asked me to buy a magazine for her. And reveals a secret to me telling that somebody had sent her a love letter and this is Roman.

November 16, Night

CAVISPERASAN- We didn't see each other but attended the show with her brother-in-law. I wonder she didn't tell me.

November 17, Night

OUR TOWN FIESTA: Sof, she and I attended the Drama. How enjoyable and happy I was at her side. I could feel the sweetness of love. I asked her if she received all my letters and she said she didn't receive any. The magazine was even given by her uncle, Belto. I offered oranges to her for the moment, but she didn't get any. This is the only thing I don't quite appreciate from her. We conversed about her present schooling. She said that she is still studying but late I discovered that she quit since September. So that is why when I asked her their present principal, she did not know him. I wonder she didn't let me know it. But to me, although she stopped studying, it's just the same for any how she finished her Intermediate Course already.

December 20, Night

OUR SADDEST MOMENTS: With grief in my heart, I even saw Momong and Ariston inside the store. When I bought some bread, she was with Ines but by the wink of an eye I slipped my note of precautions. I have not seen her at all attend the night masses.

Thursday, April 23, 2009

Pinoy Expat/OFW Blog Awards (PEBA) Suportahan


Makiisa sa PEBA (Pinoy Expat/OFW Blog Awards)

Ang paksa po ng PEBA ay:

"Filipinos Abroad- Hope of the nation, Gift to the World"

Kung ikaw ay OFW o Expat na bloggero halina at sumali na tayo sa PEBA, tara na kaibigan!

Sa mga detalye, paki klik lang po ang logo na nasa itaas.

PASALAMAT: Salamat kay Mr. Thoughtskoto sa pag "tag" sa amin nito. At sa lahat na naglunsad na ng kanilang pagsuporta sa PEBA.

Monday, April 20, 2009

HULA SCOOP: Magiging Masaya at Mapagbigay Ka

HULA: Magiging masaya at mapagbigay ka ngayon, di ko alam kung bakit. Nanalo ka kaya sa lotto? Hayaan mo na lang, ganyan talaga ang mahalaga hindi ka malungkot.

SCOOP: Masaya ako dahil nakatanggap ako ng mga awards mula kay NJ ng Dessert Aquaforce. Kahit kokonti palang ang mga tagasubaybay ko ay pinataba niya ang puso ko at pati na rin ni Pope na kapwa nagtiyaga (sa ayaw at sa gusto nila hehehe) at binigyan pa nga ako ng mga awards.

eto po ang makabagbag damdamin kong "TALUMPATI:"

Taos puso kong tinatanggap ang mga awards na ito
Aking pasasalamat kay NJ mula pa sa lupain ng disyerto
Lahat naman silang tumanggap ng awards ay magagaling na totoo.

Umaapaw na kasiyahan at inspirasyon talaga ang dulot nito
Mahirap man gumawa ng hula ay kakayanin ko
Pigain man ang munti kong utak at kahit pa imartilyo
Ang mahalaga lagi nang napapasaya at napapangiti ko kayo

Tumibay at magbuklod-buklod pa ang samahan nating mga Pilipino
Itong mga awards na ito nawa ang maging inspirasyon ng kapwa ko ka-bloggero.

BOW


PAUNAWA: Baka hanapin po ninyo ang talumpati ko, nagsisimula lahat ang bawat linya ng tula ko sa mga letra ng "TALUMPATI" hehehe (uuyyy babasahin niya uli). Tula pala tawag diyan pasensiya na sabi ko naman sa inyo tao lang ako.


Narito po ang ipinagmamalaki kong mga awards, yehey!!!


The Blogger Award (ang bigat!!!)




Blogger Friendship Award (wow prendship daw!!)




Uber Amazing Blog Award (kulay penk! kala ko purrrpel hehehe)



Dahil sa ako'y mapagbigay, ibinabahagi ko ang mga awards na ito (na ilan sa kanila ay kapwa nakatanggap din ng ganitong mga awards mula kay NJ, kaya ok lang kung mabanggit ko pa rin sila, ang mahalaga ay importante) sa mga ka blog ko na walang sawa na sumusubaybay sa aking hula scoop, bagama't may pagka corny ay naroon pa rin sila, pilit na tumatawa para sa akin....sa inyong lahat, karapat dapat din kayo na makakuha ng mga awards na ito:


The Pope of Palipasan

Kenji of Mr. Thoughtskoto
Nebz of Isla de Nebz
RJ of The Chook-Minder's Quill

At eto pa:

Reena of Reena's Thoughts
Ate Loida of 2L3Bs World
Dennis Villegas
Joy of Norwich Daily Photo
Syel of Snapshooting
Halfcrazy of An Ardent Cosmic Journey

PANUTO :

Uber Amazing Blog


Uber (synonym to Super) Amazing Blog Award is a blog award given to sites who:

~ inspires you

~ makes you smile and laugh

~ or maybe gives amazing information

~ a great read

~ has an amazing design

~ and any other reasons you can think of that makes them uber amazing!

The rules of this award are:

* Copy the badge and put the logo on your blog sidebar or post.

* Nominate at least 5 blogs (can be more) that for you are Uber Amazing!

* Let them know that they have received this Uber Amazing award by commenting on their blog.

* Share the love and link to this this post and to the person you received your award from.

* Come back and comment here so that your link could be added to the masterlist of awardees


HULA SCOOP: Ang Lihim Mo Ay Mabubunyag


HULA: Ang lihim mo ay mabubunyag, may magbubulatlat ng iyong nakaraan, iwasan ang matagal ng kaibigan na posibleng sa iyo ay magpapahamak.

SCOOP: Mapapansin sa hula na may mga salitang ginamit na kakaiba sa pandinig, ito ay mga salitang balbal o slang words.

TOTOONG KAHULUGAN SA INGLES:
bunyag- reveal
bulatlat- scrutinize
pahamak- danger


Narito pa ang mga ibang slang words at ang kahulugan nito sa ingles:

1. Butingting- search, inspect, study
2. Duldol- to shove or thrust
3. Himas- caress
4. Higop- to sip
5. Bukangkang- widely open
6. Himod- lick
7. Pindot- press
8. Sisid- dive
9. Lamas- to knead
10. Laplap-eat
11. Dakma- grab
12. kutkot- scrub

Note: Mga kablogger totoo pong kahulugan ito huwag po kayong matawa...seryoso po ako.

Kapag ang mga salitang ito ay dinagdagan ng unlapi (prefix) na “mag” at hulapi (suffix) na “an” magiging iba ang kahulugan ng mga ito. Ito ngayon ay tumutukoy na sa dalawang taong gumagawa nito. Narito ang mga nabuong mga salita:

1. Butingting- magbutingtingan
2. Duldol- magduldolan
3. Himas- maghimasan
4. Higop- maghigupan
5. Bukangkang- magbukangkangan
6. Himod- maghimuran
7. Pindot- magpindutan
8. Sisid- magsisiran
9. Lamas- maglamasan
10. Laplap-maglaplapan
11. Dakma- magdakmaan
12. Kutkot- magkutkutan

TANONG: Tama ba ang mga nakasulat dito? Seryoso ako ng lagay na ito, kayo seryoso din ba? Di ko alam kung mali ang mga salita natin o ako talaga ang mali hehehe???

PAUNAWA: Ipagpaumanhin po ninyo ang kinalabasan ng pagsasama-sama ko ng unlapi at hulapi sa mga nabanggit na mga salita, hindi ko sinasadya tapo lang. Patnubay na lang ng lolo't lola ang kailangan.

LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas ay isang halimbawa ng paglamas... ng malagkit para maging mochi, isang panghimagas ng Hapon na lasang espasol naman sa ating mga Pinoy.


Thursday, April 16, 2009

HULA SCOOP: May Mga Bagay Na Akala Mo Tama Pero Mali


HULA: May mga bagay na akala mo ay tama pero mali…mali! Kaya pilitin mong unawain ang mga bagay na mali pero tama pala, at pag tama huwag mong isipin na mali, tama ba ako? O mali ka?

SCOOP: May mga ginagamit na mga salita ang mga Pinoy na akala ng iba ay yun ang tamang kahulugan pero mali pala. Na kapag ginamit mo sa ibang bansa malamang pagtatawanan ka nila kasi nga sa Pilipinas lang natin ginagamit ang mga ito….only in da Pilipins.

TAMA PERO MALI:


TRIP
kahulugan: biyahe
Pinoy slang: gusto; interest
(ex: “ Trip ko talaga yun girl na yan.”)

FEELING
kahulugan: emosyon
Pinoy slang: mayabang o bilib sa sarili
(ex: Feeling niya maganda siya, heller???)

OWNER
kahulugan: may-ari
Pinoy slang: sasakyan ng Pinoy na ala military jeep
(“Wow ang gara naman ng owner niya... stainless!”)

SALVAGE
Kahulugan- naliligtas o nababalik
Pinoy slang- pinapatay na mga tao na hindi na naliligtas o bumabalik
(“Naku malamang na-salvage na si Totoy Bato ng mga pulis!”)

RACKET
Kahulugan- pandaraya, panlinlang
Pinoy slang- dagdag kita, sideline na kita
(“Bili ka naman ng Tupperware, bagong raket ko ito eh”)

CHICKEN
Kahulugan- manok
Pinoy slang- nagloloko, joke lang
(“Chicken lang yan!")

BIRDIE
Kahulugan- score sa golf o maliit na bird
Pinoy slang- e ano pa alam nyo na yun….hehehe
(kanta ng parokya ni edgar na double meaning- “Don’t touch my birdie”)

COMMANDER
kahulugan: opisyal ng military
Pinoy slang: si misis…ang hari ng bahay hehehe
(“Sige uwi na ako magagalit na si komander”)

UNDER
kahulugan: ilalim
Pinoy slang: si mister, ikli na salita na “under de saya”
(Uuwi na raw si Andres, under kasi ni misis niya bwahahaha”)

PANUTO:

Natakam ako sa binanggit ko tungkol sa "chicken" kaya ito ang nilagay ko na larawan, sana matakam din kayo....tara tikman nyo na.... "Chicken!!!

Tuesday, April 14, 2009

HULA SCOOP: Hindi Mo Maiintindihan Ang Sarili Mo



HULA: Hindi mo maiintindihan ang sarili mo. May pagkakataong kahit gaano mo man isipin ang nangyayari sa iyong buhay hindi mo pa rin maintindihan kung anong kahulugan nito.

SCOOP: Narito ang mga ilan sa ginawa ko pero hindi ko maintindihan, kayo maintindihan nyo kaya?


1. Kung ito man ang magiging daan ng isang pagtahak sa landasin na di ko mawari kung ano, kung ano pa man iyon ay alam kong di magluluwat ay di magtatagal at magiging tulay ito patungo sa kawalan.


2. Masakit isipin na sa kapighatian ko ngayon ay tila pasan ko ang dalahin na kay bigat, datapwat alam kong mahirap ito para sa akin subalit kakayanin ko hindi man ito magaan alam kong malalagpasan ko rin ang mga balakid na humahadlang na patuloy na bumagabag sa akin.

3. Kahit ako’y naano, hindi ko ikaaano na ako’y naano na ni ano ngunit kahit anong ano ko di ko pa rin ipag aano ang ano na ito; sana maintindihan nyo kung bakit ano, kahit ganito ako alam kong nandiyan lang kayo… nagkaanuhan man kami ni ano, alam kong kahit kung sinu-sino pa ang nag aano sa akin na ako raw ay ano ay wala akong ano ang mahalaga ay meron pa rin akong ano.

4. Kung sino man ang maging ganito na kagaya nyan malamang ay magkakaganun talaga kahit kung saan-saan ka man magpaka anu-ano hindi niya magaganyan ganyan lang yan malamang sa pagkakaunawa ko ay humigit kumulang na yun ang palagay ko.

5. Sige ayan, ayan pa, bagal-bagalan mo na konting bilis! Dahan dahan na hinay hinay pero parang sigurado na alanganin. Sige pa malapit lapit na pero parang malayo layo pa nararamdaman ko na pero parang wala pa. Sige lang ng sige umpisahan mo sa simula at kailangan makatapos sa dulo, sa dulo ng walang hanggan sa magkabilang dulo ng walang kawalan…ahhhhhhh…...ahhhyan na ayan na hindi ko makita. Minimikaniko ni Moniko ang makina ng minika ni Monika, ah ewan tongue twister na nga lang! hehehe

PAUNAWA: Huwag nyo nang balaking pang basahin uli ang mga ito kahit ako di ko maintindihan ang sinulat ko....paumanhin sa lahat.

PAHABOL PA: Ang larawang nasa itaas ay kuha ko sa loob ng isang mall sa Sendai, Japan noong kami ay gumala dito pero di ko rin maintindihan ang sarili ko kung anong kaugnayan ng larawang ito sa hula scoop ko, hula ko malamang ay medyo.... pero sigurado yan hehehe.

Sunday, April 12, 2009

HULA SCOOP: Matutuwa at Mabibigla Ka Sa Matatanggap Mo




HULA: Matutuwa at mabibigla ka sa matatanggap mo ngayong araw na ito, kung ano man yun di ko na aalamin pa, pero sana naman ipaalam mo sa iba para mas masaya.

SCOOP: May natanggap akong award mula kay "The Pope" isang "Neno's Award" (yehey!! )at ang bahagi ng award na ito ay sagutin ang tanong na "Why you love blogging."

Bakit Mahal Ko ang Pagba Blog??

Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko ang pagbablog basta bigla na lang akong nandito sa "sapot" ng internet at parang bumagsak at lumagapak ako na ..."blog!" at doon nagsimula ang lahat....tingaling ngaling ngaling hehehe.

kahulugan ko:

web-sapot
blog- tunog ng bagsak


"Tabi muna bata" I mean "kidding aside" siguro namana ko ito sa lolo ko na mahilig magdiary....hmmm, "Si Lolo kasi, siya pala ang dahilan! hehehe." Kung pwede nga lang siya gisingin sa pagkakahimlay niya este sa pagkakabaon niya sa lupa ay ginawa ko na para sabihin na "Lolo you rock!!!" sabagay matigas na matigas naman talaga na si lolo, butong-buto na hehehe....ooopps patawad po 'lo, tao lang.

Para kasing diary itong "blog" yun nga lang open book sa lahat ng tao. Dito ko rin naibabahagi ang tinatago kong kalokohan at kaseryosohan sa buhay. At syempre pa gusto ko rin ibahagi ang konting nalalaman ko sa pagsulat sa "Wikang Filipino" kaya kung mapapansin ninyo medyo malalim pa sa balon ang mga hinuhukay kong mga salita at minsan naman napupulot ko lang sa kalsada ang mga salitang kanto.....lam niyo na...yun na nga! Medyo makabayan kasi tayo kahit pa nasa ibang bansa ako, naks naman parang totoo!! hehehe

Yun "Hula scoop" naman ay ang panghuhula ko, ang natatangi este "tinatago" ko na angking talino na namana ko siguro (siguro lang naman di pa sure) sa isang lolo ko, albularyo kasi siya kaya lang sinawing palad na lumipat sa kanya ang sakit ng kanyang ginagamot kaya ayun...dedbol na rin sa edad na 40 lang. Pero namana ng mga anak niya ang panggagamot niya. Teka tungkol pala sa akin ito at di tungkol sa mga tito, tita ko at nanay ko, pero di ko alam kung napunta sa akin ang "panghuhula"kasi di ba may kasabihan tayo na "it runs in the family" (tama ba yun ingles ko??) kaya ayun tumakbo ako ng tumakbo para di maibigay sa akin ang anting-anting hehehe, kasi panghuhula sa kalokohan lang ang alam ko. Ayoko naman na madedbol din ako no at magaya ako sa lolo ko, biruin ninyo nanggamot ka na nga ng sakit binigyan ka pa, di ba? Kaya nevah, di ko tinanggap, ok na sa akin ang manghula sa blog!

Yun isa kong blog na "Travelog" ay ang frustration ko sa buhay na magkodak-kodak ay wala pala akong kodak (kulit ko talaga, si lolo kasi panay ang banggit sa diary na "kodak" eh!), magnikon-nikon o magsony-sony pala hehehe at doon ko naibabahagi ang mga larawan na napuntahan ko nang lugar. Opo totoo po, ako rin si Missy ng Travelog kasi nauna kong ginawa ang blog na yun, medyo may sipon kasi ako nun kaya ang pinangalan ko sa sarili ko ay "Missy Pon" hehehe gets nyo?? hmmmm wateber! Di ko na pinalitan ang pangalan ko kasi, sakit sa ulo mag-isip eh wala pa naman akong isip kaya baka lang dumugo mahirap na, hayaan na lang natin na ganun, si Sardonyx ako sa Hula Scoop at Missy sa Travelog, di naman kayo inaano ng mga blog ko di ba?

Ang mga ibang hula scoop ko ay ginawa ko pa noong ako ay active member pa sa isang forum, sa pangalang "sardonyx" din, kaso ang hirap hanapin ng hula scoop ko kapag natabunan na ng ibang post kaya minabuti ko na lang na gumawa uli ako ng panibagong blog ko na puro hulascoop lang para mas madali kong makita ito pero syempre dinagdagan ko na rin ng "atbp" para may at iba pa na "pagtalakay sa mga bagay-bagay dito sa kaalamang munti," (hmmm parang pamilyar sa akin yun ah??)

Kung tutuusin noong 1997 pa ako nag umpisang gumawa ng homepage sa geocities.com (na binili na ng yahoo) at nahinto lang nang naging abala na ako sa aking trabaho, noon sa guestbook nakakapagcomment ang mga bisita ko pero ngayon di ko na na update ito simula noong 2000 pa. Dati mas mahirap gumawa, talagang html programming ang ginagamit ko ngayon mas madali may layout na. Itong hulascoop ko inumpisahan ko sa pinoyblogosphere noong 2007 pero biglang nawala yun blog ko ewan ko ba anong nangyari baka ninakaw hehehe kaya eto umpisa uli ako nitong December 2008 lang.

Teka, lumalayo na ang kwento ko napupunta na yata sa kasaysayan ng blog ko, sige tapusin na natin ito...."WAKAS" hehehe.

-----------------------------------------------------------------------------------


Sabi sa award ibahagi raw sa iba ang award mo, kaya eto na, "sa ayaw at sa gusto" nila ako naman ang mamimigay ng award na ito, sila ang naging inspirasyon ko na ipagpatuloy ang hula scoop ko, dahil kung wala sila, wala akong comments na matatanggap hehehe:

Reena's Thoughts
Dennis Villegas
RJ ng The Chook-Minder's Quill
Isla de Nebz
Ate Loida of 2L3Bs World
Thoughtskoto
NJ ng Desert Aquaforce
An Ardent Cosmic Journey


Eto ang rules pala:

The aims of this award:

  • As a dedication for those who love blogging activity and love to encourage friendships through blogging.
  • To seek the reasons why we all love blogging!
  • Put the award in one post as soon as you receive it
  • Don’t forget to mention the person who gives you the award.
  • Answer the award’s question by writing the reason why you love blogging.
  • Tag and distribute the award to as many people as you like.
  • Don’t forget to notify the award receivers and put their links in your post.

Saturday, April 11, 2009

ATBP: Ang Diary ng Aking Lolo (part 4)



PAUNAWA: Muli ko pong ipagpapatuloy ang naantalang kwento ng aking lolo sa ayaw pa rin at sa gusto ninyo, paki basa rin ang petsa na Abril 4 sa diary na ito, Holy Week ito noong 1928.

PAUMANHIN: Wala po akong binago sa lahat ng sulat ng lolo ko kung may mali sa grammar ay ipagpaumanhin ninyo na lang, at pag pasensiyahan nyo na lang din kung may mga typo error, kasalanan na ng mga daliri ko yan, hindi kasi sanay magpipipindot ang mga ito.


1928

Jan. 1 At Midnight

NEW YEAR: We celebrated the New Year's Eve in the yard of her uncle. Dearest did not come down to join us in the gathering and so it seems that I did not eat at all for she is not present.

Jan. 3, Afternoon

INDIFFERENCE: Dearest began to be cold with me. I don't know why. I met her in the street and tried to call her name but she did not ever mind me in my kind dealing.

Jan. 6, Morn

HIDING SOMETHING FROM ME: I was begging one of her Kodaks taken in the convent. But she said that they did not have picture taken at all. But later on I did discovered there is. (From Seds book I found it)

Jan. 21, Saturday Evening

FIESTA IN SANTA INEZ: Her aunts and she went to see the fiesta. They went in the house of Blas Yalung.Pab. and I went with them and ate there. Formerly I could not do such! But I do not know now I did not fear the presence of her aunts. Oh LOVE! Yes true Love encouraged me to do it. Then we attended the drama. R. is also present. I bought peanuts for the occassion but none of them dared to get them. Oh how disconsolate I am in what they had shown me. ( First observation of her aunts toward my courtship)

Jan. 22, Sunday Morning

SHE BEGAN TO HATE ME: Dearest got angry with me and decided not to talk with me anymore because of what I uttered against her which I observed during the preceding fiesta. Really, I did not like such habit that made me broken-hearted. But I have to blame myself for I happened to tell it to Sis. Seda which she also happened to tell to her.

Jan. 25 Wednesday Evening

OUR BARRIO FIESTA: As I could not find Dearest attend the Rosario Cantada, I peeped at her home to see her. Ah I found R. awaiting her in front of Seong's house. She is about to go down stairs but her Grandpa prevented her only (heard by me). My mind became more terrified. If they have no relation with each other, why should he wait for her there? I asked myself. So I could not sleep at all during that night.

Jan. 30, Morning

ON WAY TO SCHOOL: I asked her if there is any ray of hope for me in my affection. And she flatly answered that I am hopeless. But I never got disappointed for although she will hate me, still I love her just the same.

NIGHT: I learned from R. that she tore my poor KODAK I gave to her. I wonder why. The more I became broken-hearted. R. had known from Ody about the gift she gave me. The next day when going to school, I asked her why she tore my picture. She said that she is ashamed if her aunt might find it. But I do not believe so. If she fears it only to be seen, why did she even tell it to R.? She really hates me now, I thought. I then realize that she cares for him not I. But sometimes why does she tells me some secrets pertaining to him, if she does not care for me too? I could hardly understand the dictates of her heart.

Feb. 9

IN THE CLASS: Mr. Navarro scolded her for not knowing her lesson in Arithmetic. Then she reported him to her Grandpa and then her uncle, the treasurer took the matter. He wanted him be suspended but the supervising teacher sympathized with Mr. Navarro and so the action has not been taken.

Feb. 13, Afternoon

IN THE RICEFIELDS: Dearest did not go to school but she just went the field to catch Camaro. I was with her also in the fields. Juan told me that she wants me to make a view for her to be used in the school but she is only ashamed to tell me, canu. Then I tried to borrow drawing papers as I have none and did the task.

Feb. 24, Afternoon, after school

A DISAPPOINTMENT FOR ME: R is with her in the way and she told him about the drawing I made for her. She even spoke something against me which made me so disgusted. she said in this way,"I don't know why he made me a view when did not even asked him to make. I just gave it to Isabel Baking for I don't need it at all (by Seds herself for she was with them in the way). Oh how it hurts me! If she just knew how I have sacrificed in her behalf, she ought not to say that even! However, I did not open it anymore for her but I just simply forget it all.

Feb. 29, On way to school

HER CRUEL LETTER: She handed it to me in a small envelope. But I did not open it until I reached the school. Oh how happy I was to know its content! But alas! When I opened it, oh! how cruel it is! She rejected my love and even induced me to love girls whom I do not care at all.

March 2, UNHAPPY DAYS

MY SUPPOSED LAST LETTER: With tears in my eyes, I wrote my answer in Capampangan for I lack words to express my feelings in mere English. It is the most sorrowful and pitiful letter I have ever written. But later on, she just threw it away for she could not read dialects. She even misunderstood me. Oh if she could just read it, there is no doubt that she will not weep. From that time I am always sad and blue but still I love her. Days passed still I could not forget it. I have declined so much in my studies getting poor grades in recitation.

April 4, Afternoon

HOLY WEEK: Dearest took confession after the Tiniblas I am in my uncle's tailor shop and saw her passing. I did not intend to go with her for I do not want to disturb the tranquility of her clean mind and heart.


notes: Ang ibang mga pahina sa diary ay di na mabasa, malulutong na ang mga pahina na kinapunit nito. -- sardonyx


Nov. 17, Night

CAVISPERASAN OF THE FIESTA-- I am with her and some of her barrio mates were going home. We passed in the small street. We talked about her schooling and the letter I sent to her.

Nov. 18 Night

OUR TOWN FIESTA-- I did not see her at all. I don't know why.

Nov. 19 At noon

ON WAY FROM HER CLASS--She is with Rosario. I asked her why she did not attend the fiesta. She answers, "I did not attend it for I don't want to mingle with so many people." I then gave the Saturday Eve. Post. But to my disgust, she showed an indifference to me. She did not want to accept it I don't know why. Inspite of my happiness to meet her, still she shows me such indifferece! Ah how it tortures my heart!

Dec.3 MY LETTER FOR THAT MATTER

She did not go to school and so it was only delivered by one of her classmates. Her brother has sent it back to me again. (by herself)

Dec. 24 Night

MAYTINES-- When going home, I saw her with Dodong and his sister. I went behind them until they reached home but I did not show myself.

Dec. 25 Morning

CHRISTMAS-- I saw her going to market and decided to go with her but she was just returning when we met. How happy am I to meet my dearie! But she showed me another indifference! She hurried her steps I don't seem to understand. She said, "If they did not only forced me to buy cigarettes, I had not gone to market. They are always thinking something from." She told me the reason of sending back my letter that is, her brother joked her.

Dec. 30 Afternoon at 3:30

FIESTA IN BETIS-- While I was at the window, I saw her with her mother in a calesa. I then believe that they attended the fiesta there. Then I called Pab. and we both went in Betis riding on a train. From here and there, I have been trying to glance her. I was very restless. Then after a fruitless search, we happened to see Sof and we seated on her bench. As she heard me saying, "ALA CUNG MACAING CUSUELA ATA," she tried to joke me and that is why later on, she tried to joke her also which Dearest was telling.



Thursday, April 9, 2009

ATBP: Ang Diary ng Aking Lolo (part 3)


PAUNAWA: Muli pong nagbabalik ang diary ng lolo ko sa ayaw at sa gusto ninyo.


1927

Nov.16, Wednesday Morning

MY FIRST LETTER TO DEAREST- I pretended to borrow her Arithmetic book on way to school only to insert my dear letter secretly.

Nov. 18, Friday Evening

She attended the Novena. At first, I saw her and try to go with her but evidently she was lost from my sight. I tried all my best to find her but my efforts are in vain. Roman accompanied her and Oh! I was broken-hearted when I learned about this. My mind was always in distress for I cannot forget such an incident. (by Roman himself)

Nov. 20, Sunday Night

TOWN FIESTA-- I am with her and her small sisters in front of the church. Oh, I am very happy by her side conversing about sundry things. Then I tried to quiz her by asking, "Did you attend the Novena last Friday night?" she answered, "Yes, and Duman is trying to accompany me always when I don't want to be accompanied." So I then realized that he was really with her that night.

Nov.27, Night

A SECRET DISCOVERED-- Roman and I are conversing in the street. From him, I found out that they are engaged. But I don't know. She said canu, "IF YOU CAN WAIT, I CAN WAIT TO; BUT IF YOU CAN'T I MAY LOOK FOR MY OWN" And when R. wants something to tell her, he tries to whistle and she will then pretend to go to her aunt's house. Oh what a sad news is this to me, I who really care and love her.

Dec. 1, Sunday Morning

DEAREST FIRST LETTER TO ME-- I am buying bread and she handed it to me in a newspaper. Oh how my heart palpitated! I was thrilled with joy to receive her dear answer! So then I hurried home too anxious to learn its contents. The letter brought me a RAY OF HOPE. I then realized that she cares for me. She only prepares modesty rather than frankness. That is the very type of girl I appreciate. At night, I pretended to buy coffee in the store only to talk with her. She flatters me by saying, "On vacation I will stay in our barrio because of that affair. When I was there, I have never been troubled about that. I don't want to disturb my studies." I am about to answer her and convince her but her aunt suddenly entered thestore and our love talks was cut. Then I just went home.

Dec. 9, Afternoon

ON WAY TO SCHOOL: Dearest gave me a ticket for their cine benefit. At night I borrowed her prayer book for me to study. Then when she saw me in the street, she called Silia,their "ama" and let her give it to me.

Dec.10, Sunday after Mass

I tried to pay the ticket but she does not want to get the money even I put them in her hands. Oh! how she cares for me! Oh Dearie!

Dec. 24, Night

MAYTINES: Dearest went to the market and when she went home, R. accompanied her on her way home.

Dec. 28, Night

WHILE TAKING A WALK: I found R. in her store talking with her while Dandong is in front of her house waiting for him. Then to free myself from being seen, I went back and passed in the small street. Silently, I stood near the artesian hearing the conversation. He was giving her a gift but she did not want to accept it. That is what I learned on that very night.

Dec. 30, Night

IN THEIR STORE: I am conversing with her while she is MANIALUCSUC. I did not know why I feel no shame to her companions. Fear is unknown to me this time. Really, LOVE is the strongest thing on earth. Then the municipal treasurer came in and asked me to draw a picture to be used for the coming New Year. Then the next morning woke up early and accomplished the task.


Tuesday, April 7, 2009

ATBP: Ang Diary ng Lolo Ko (part 2)



PAUNAWA: Wala po munang hula scoop ngayon dahil sa pagbibigay galang sa Holy Week na ipinagdiriwang taon-taon sa Pilipinas.

Narito po muli ang karugtong ng diary ng lolo ko na nilathala ko nang nagdaang araw.

FRIENDSHIP

1927

From that memorable moment, the flame of friendship kindled between us. We resume our purpose on way to the portals of learning. Then by gradual process, as if by Nature's influence I have felt the darts of Cupid's Arrow creeping in my heart. That is, I learn to love her of which I did not know. Of course, in our companionship, I found her as a true, loving and kind friend of mine. She is simple both in dress and in manners. That is the real type of girl I admire. She is always kind to me and so I tried all my best helping in her studies. To me, I always find courage in my hardships in giving what is for her happiness. Frequently, she used to ask me for my assistance in writing compositions pertaining to her studies and I, who really care for her tried my very best efforts in her behalf. No matter I remain till midnight, still I am very happy sacrificing for it.

Day by day, the intense heat of my sincere affection toward her ever glowed within the inner core of my heart. But I did not dare to tell her yet for fear that it might disturb her studies--- the very thing I mostly care for her to continue. So I have kept loving her in SILENCE. When often times we used to meet, she always throw a bit of pretty smile upon me which filled my hungering heart with enthusiasm and joy! Oh my--!

LOVE


Sooner, our friendship ripened to love and I could no longer endure the bitter pangs of Silence! Yes, I love her so dearly in my heart that I could not refrain myself from keeping this secret any longer. So I am prompted to pen her a letter in order that she may know how I really care for her. Oh! If she just know that I love her sincerely, Oh, how sweet to be in love!


Sunday, April 5, 2009

HULA SCOOP: HIndi Mo Maiiwasan Na Hanapin Mo Sa Isang Bagay Ang Kahulugan Nito sa Iyong Buhay


HULA: Hindi mo maiiwasan na hahanapin mo sa isang bagay ang kahulugan nito sa iyong buhay.Di mo alam kung bakit pero nasa isip mo na lang, basta hayaan mo na lang di ka naman niya inaano e.


SCOOP: Narito ang ilang sinipi ko na masasabi kong quotes na ginamitan ng isang uri ng “tayutay,” ang pagtutulad o simile.


TUNAY NA KAHULUGAN SA INGLES:


Tayutay- figure of speech; ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin


Pagtutulad Simile; paggamit ng pariralang wangis, parang, katulad, mistula at iba pa.


Mga Quotes na Nagsasaad ng Tayutay, ang Pagtutulad o Simile:


1. Ang kaibigan ay parang ebak,

mainit at malambot, mahirap tiisin,

hindi mo magawang tapakan sapagkat madikit.

at once na matapakan mo sigurado aalingasaw ang baho mo.


2. Ang love, parang sintas ng sapatos.

Dalawang dulo ang kailangan para mapagbuhol,

pero isang dulo lang ang kailangan para kumalas.


3. Ang mga babae daw ay parang alak.

Edad:

17-18 lasang Shandy

19-25 like Champagne

26-35 Brandy

36-45 Whisky

46-50 Ginebra

51-55 Rubbing Alcohol

56 and up, formalin


4. Ang pag-aaral, parang beer.

Mapait sa simula pero masarap kapag nasanay ka na.

Masakit sa ulo at nakakaantok. Ang pagkakaiba lang, mas mura ang beer.

Kaya bakit pa tayo mag-aaral? Inuman na lang!


5. Minsan, nag-aaral akong maggitara.

Masakit sa kamay, mahirap pag-aralan.

Dun ko lang naisip na ang gitara, parang love.

Kailangan munang mangawit at magkakalyo ang kamay bago makaisa.


6. Ang pagkakaibigan ay parang bulate sa puwet,

hindi mo nakikita pero nadarama mo yung kiliti nito.

Salamat mga blog friends, kasi kayo ang bulate sa pwet ko,

ang kati nyo di ko kayo matiis mga prends!


PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay halimbawa ng pagkakaibigan, dalawang batang hapon mukhang nag-uusap bago sila magpakita ng galling sa pagtambol.


PAHABOL: Kapag wala kayong makitang bagong blog dito dalawin ninyo ako sa isang blog ko, click nyo ito. Minsan kasi dito ako tumatambay.

Friday, April 3, 2009

ATBP: Ang Diary ng Aking Lolo (Part 1)



ATBP- Ang Diary ng Aking Lolo

Nalimutan ko nga pala na ang pamagat ng blog ko ay "hula scoop atbp" kaya ngayong araw na ito ay baka magtaka kayo na wala akong hula ngayon. Gusto ko lamang ibahagi sa inyo ang "atbp" o at iba pa sa blog ko para maiba ng konti at mapahinga ng bahagya ang "radar" ko sa panghuhula.

Nakita ko ang diary ng lolo ko noong bata pa ako at hanggang ngayon ay tinatago ko pa ito yun nga lang di ko pa makita ngayon sa sobrang tago ko nito hehehe siguro dahil na rin ilang beses na kaming nagpalipat-lipat ng bahay at bansa. Ang ilan sa mga ito ay nailagay ko sa homepage ko na ginawa ko pa 10 years ago kaya dito ko naman ibabahagi sa blog ko ang diary niya na naging inspirasyon ko sa buhay may asawa.

Malamang kung di namatay ang lolo ko buhay pa siya hehehe (syempre) at baka nagba blog na rin ngayon pero hula ko di na rin makakapagtype at 100yrs old na siya ngayon kung nabubuhay siya. Namatay ang lolo ko noon pang 1978, humigit kumulang na pitong taon ko rin siyang nakasama at nakilala. Habang naghahalungkat kami ng mga abubot niya ay nahanap ng Tatay ko ang diary niya at akin itong tinago. Ang diary niya ay nakatype written na at nakacompiled na mula nang nanligaw siya sa lola ko at hanggang sa mga pangyayari sa buhay nila mula sa panganay hanggang bunso niyang anak; para itong isang buod ng kanyang lahat ng diary. Sayang nga lang naitapon na namin yun iba niyang diary na sulat kamay talaga. Sinali ko rin ang diary na ito sa contest ng Germs Espesyal noon, nanalo ito bilang "oldest diary."

Hindi naman siguro magagalit ang lolo ko kung ito ay ilagay ko sa blog ko.

Ito ang ilan bahagi ng diary ng lolo ko:

THE ACQUAINTANCESHIP

1927

It was in May when the petals of blooming flowers are all moist with dew and the atmosphere is filled with fragrance and sweetness. There--in a humble home which I frequently visited, lives a fair maiden of sweet sixteen whose name I never knew. For many times I used to catch frogs in her yard, buy pieces of bread in her store and often see this fair maiden but never did I mind her at all.

Then one day, I was fetching water from an artesian by her home, and she was then coming from the market with a small basket on her head. Suddenly, I heard a loud voice followed by unwholesome words from the lips of her guardian (aunt). She tried to scold and blame her for spilling the bottle of KETSAP over the basket full of fresh rice. Oh! I could not help but pity her for such punishment she received. I knew she was yet too young to be very precautious for this mishaps.

Then June came and I have often escorted her on way to school. I did not know why we have always meet each other. She was a six grader and I was a Senior in high school. Oh what a nice schooling for me to be with somebody! Many times we used to converse about our studies. And on August 24, I gave her one of our pictures taken during our picnic in Taldawa. Oh she liked it very much that she also bestowed me one of hers in her class. She was giving it without any dedication at all but I refused to accept it. then she brought it home and the next morning, she gave it with a nice dedication. Oh how sweet such a dedication. I cherished and embraced it so dearly in my heart for it is the only precious thing on earth for me.


----------abangan........sa susunod -----------------

PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay ang lolo ko, tatay ko, pinsan ko at ako. Ito yata ang huli kong kuha na kasama ko ang lolo ko.

PAHABOL: Titigan at kilatisin ninyo na ang kuha ko na yan at baka mawala na lang bigla dito sa blog ko hehehe

PASALAMAT: Salamat pala kay kay Reena na naging inspirasyon ko para ipost ko itong diary ng lolo ko, dahil sa blog niya naalala ko na naman itong diary ng lolo ko na ilipat dito sa blog ko (mula sa homepage ko at mula sa friendster ko nandito na uli ito hehehe).

Wednesday, April 1, 2009

HULA SCOOP: Iwasang Maloko sa Araw Na Ito



HULA: Iwasang maloko sa araw na ito. Dalawa lang ang uri ng tao sa mundo, ang manloloko at naloloko; kaya ano ang pipiliin mo? Pili na!

SCOOP: Napag-isip-isip nyo ba na ilang beses na kayong naloko mula ng kayo ay sinilang sa mundo?? Ako maraming beses kong naiisip ito lalo na pag ganitong Abril a uno.

Narito ang ilang mga karanasan ko ng pagiging tanga ko:

1. Noong nagkaroon kami ng bagong telepono, sabik na sabik ako na may tumawag sa amin. Isang beses ako ang nakasagot ng phone kaya dali-dali ko itong sinagot....eto ang aming dialog ng lalaki na tumawag:

lalaki: Magandang tanghali, from Meralco po ito, pwede po bang malaman kung tumatakbo ang kuntador ninyo?

ako: Ay ok lang po, sandali lang po. (chineck kung tumatakbo naman at bumalik sa kausap) Opo tumatakbo po.

lalaki: Ah ganun ba?? Sige habulin mo! (sabay baba ng phone)

ako: (nabigla)....waaaa naloko ako!!! (hahaha)

2. Nakipag blind date ako, usapan namin ng ka date ko magsusuot ako ng "red" na blouse at siya naman ay "green" shirt. Dinescribe naman niya ang sarili niya noon so may clue ako kung anong hitsura ng guy na yun. Nang makita ko yun isang guy na naka blue shirt (pero usapan namin green ang susuotin niya) lakas ng kabog ng dibdib ko feel ko siya na yun pero nun tinanong ko siya, ang sagot ng guy, "Sorry di kita kilala, bakit naka green ba ako?" (gets n'yo?? waaaaaaaaaaaaaaa)

Marami pa sana, pero....April Fools' Day!!!! Naloko ko kayo di ko pa naranasan ang mga yan no, jokes ko lang yan hahahaha!!!! Never akong makipag blind date no!!! Yun #1, kaibigan ko ang naloko at hindi ako at never pa akong naloko hahaha dahil iniisip pa lang ng mga manloloko eh maloloko lang sila ng kakaisip kung paano nila ako lolokohin, lokohin nilang lelong nilang sea-man loloko.


PASASALAMAT: Salamat pala kay "The Pope" sa pagbibigay niya ng "UBER Amazing Blog Award" first time ko pong makatanggap ng award sa pagba blog kaya sa ayaw at sa gusto niya eto ang speech ko:

"SPEECH!" hahahaha




PAHABOL: Di ko tuloy alam kung niloloko lang ako ni Pope sa pagbigay nito pero kahapon pa niya niya pa ito binigay sa akin at hindi ngayong April 1, so malamang totoo ito hehehe.

Ibinabahagi at ipinapasa ko ang award na ito sa lahat ng mga fans ko hehehe hindi ko na kayo iisa-isahin pa baka kayo magselos pa hahaha. Lahat kayo ay karapat dapat na makatanggap ng "Uber Amazing Blog Award!"

PAHABOL PA: Ang larawang nasa itaas ay anak kong "niloloko" ang sarili, pilit na gustong lunukin ang tokyo tower kahit sa picture man lang hehehe