Bangui Windmills, Ilocos |
HULA: Hindi mo malilimutan ang mga nakaraan sa'yong buhay na naging daan para maging ano ka ngayon, kung anuman ang nagpabago sa'yo, sige lang, push mo yan.
SCOOP: Gaano man katagal na kong di nakapanghula, hindi ko pa rin malilimutan ang blog ko. Ito ang naging daan para maging abala ako sa aking pag-iisa at ito ang humubog sa akin kung ano ako ngayon.
---------------------------------------------------
Halos dalawang taon din akong di nakapang hula kaya di ko na rin na update ang blog ko na to. Nasira kasi ang radar ko e hehehe. Ngayon medyo naayos ko na at mukhang pagsusumikapan kong makapag post ako ng regular. I wish hehehe......
Ano nga bang nangyari sa akin sa dalawang taon na nawala ako dito at ano ang mga natutunan ko? "Madlang people" ready na ba kayo? (Feeling nasa Showtime ako a hahaha)
1. Natuto akong tumutok sa mga teleserye, walang patlang talaga, dati rati napapalampas ko pa ang iba, ngayon hindi na, lahat talaga hehehe. Nandyan nagalit ako kay Nicole nang "Legal Wife,"
at nanggigil kay Franco ng "Ikaw Lamang" at hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako, kung pwede lang ipabaon na rin ng buhay yang si Franco na yan. Kahit ang babaeng puro buhok (Moon of Desire) ay nasundan ko rin ang kanyang buhay, kahit si Dyesebel na may buntot at si Galema na may ahas.
2. Magdadalawang taon na kong nawala, noon na adik ako sa Be Careful With My Heart at ngayon......hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang teleserye na yan, ako na ang sumusuko na panoorin ito e, OMG, nagagalit na ko, as in GRRR hehehe. Parang awa nyo na, tapusin nyo na! hehehe
3. Noong isang taon, August ginawa ako ng anak ko na "batang lola" kahit ayaw ko wala naman akong magawa. Iba pala ang pakiramdam na isa na akong lola sa edad na 41. Hayyy sabi nga sa kanta ni Jugs, "ayokong tumanda....ayokong tumanda" hehehe.
4. Nakadalawng uwi na rin ako sa Pilipinas, kahit na walang sapat na pera ay nagpapasalamat pa rin ako na nakauwi ako at nasilayan ang aking mga kapatid at ama. Tumatanda na ang Tatay ko kaya kahit walang pera pinipilit pa rin namin makauwi para habang malalakas pa ang Tatay ko at mga magulang ng asawa ko ay naipadama namin sa kanila ang aming pagmamahal, naks. Mas mahirap tanggapin, na uuwi lang kami kung wala naman na sila, di ba?
5. Noong umuwi kami ng June, isang kakaibang karanasan ang namalas namin sa aming Ilocos Tour. Nakapag sandboarding ako (plakda! hehehe) at napuntahan namin ang Bangui Windmills, Kapurpurawan Rock Formation, Paoay Church, Marcos Museum at Pagudpud Beach. Masaya dahil isang bus kami, buong pamilya, sama-sama.
6. Sa panonood ko ng TFC o ang The Filipino Channel ay hindi na ako nahuhuli sa mga bagong salita ngayon sa Pilipinas o ang mga slang words o kahit gay lingo pa yan, naks naman. "Wasto na You!" ang sabi nga nina Amy Perez at Rodrick Paulate sa Singing Bee. "Boom Panes" (Show Time at Gandang Gabi Vice) na sa kin ang mga slang nila, nakakasabay na ko, kerri lang hahaha (Pure Love).
7. Na adik na rin ako sa instagram at nawalan ako ng gana na mag twitter na, mas gusto ko kasing magpost ng pictures kaysa mag twitt, e wala rin kasi akong friends na sumasagot sa mga twitts ko hehehe. Kahit tumatanda na, eto panay ang hash tag pa rin as in "#". At pa throwback- throwback pics na lang ang "peg" hehehe. Marami rin na kong pina follow na mga artista since konti ang mga friends ko na kasing edad ko na nahilig sa instagram. At masuwerte ako na sinagot ako ni Kris Aquino at Pokwang sa mga comments ko, big achievements ko na yan, hahaha. Balak ko ngang ipa frame yun screen shot ng reply nila e, lol. "Para-paraan" lang yan hehehe.
8. Medyo kumapal n rin ang mukha ko dahil, pinilit ako ng mga anak ko na mag "ice bucket challenge" kahit ang huling sagot ko ay "never akong mag ice bucket challenge" heheheh, nahiya kasi ako kina George Bush, Oprah Winfrey, kay Mark Zuckerberg ng facebook at Larry Page ng Google (baka idelete pa ang blog ko e hahaha) na sila mismo gumawa ng challenge. So "go" na rin ako.
9. Nalaman ko rin na uso na ngayon na tawagin ang nakakatanda na "Ate" at "Kuya" dati rati, Tita o Tito o kaya "Aling" o "Mang, "Manang" o "Manong" at lagi nilang sinasabi na "Push mo yan 'te" at parang may kanta pa yata yan ;-) Parang nakakapagpa bata ang dating kasi Ate lang tawag nila sa kin, pero di ko pa rin tanggap na Ate na nila ko, feeling ko kasing age ko lang kasi sila e, mid life crisis na ba to?? huhuhu
10. Na adik rin ako sa pag gawa ng mga loom band, dati hindi ko alam kung ano o sino yang loom band na yan, hmmm napa isip nga ako kung sino yun soloista nila at bakit sikat, ay napahiya ako, akala ko kasi naman banda talaga no, hehehe rubber bands pala.
Nawa'y nadulutan ko kayo ng munting ngiti sa inyong mga labi. Hanggang sa muli.
PAHABOL:
At eto pa, bakit dumadami ang bakla ngayon? Hindi naman sila nanganganak? hehehe sana lang sa mga susunod na henerasyon ay hindi natin malimutan ang sarili nating wika at huwag mapalitan ng wika ng mga bakla, hehehe. "Havey" o "Waley?"
Ang kulit lng!!! namiss kita....AZEL
ReplyDeleteAzel- namiss din kita hehehe, thank you sa pagdalaw mo
ReplyDelete