Thursday, October 29, 2009

HULA SCOOP: Mapapangiti ka na Mag-isa

Nawalang bata noon na natagpuan din ng Nanay

HULA: Mapapangiti ka na mag-isa para kang sira-ulo dahil wala ka naman kausap, kasi naaalala mo ang mga masasayang araw mo noon.

SCOOP: Pag napapangiti ka mag-isa malamang ang kausap mo lang ay sarili mo. Nagmumuni-muni ka, walang masama diyan dapat mong ibahagi yan kaibigan. Kaya ako eto nagmumuni-muni rin sa mga nakaraan ko , ewan ko ba bakit ganito? Kakainis kung pwede nga lang ibalik ang nakaraan…hay buhay. Yun bata sa larawan ay isa sa mga ikukuwento ko sa mga naalala ko noon.

Ang mga pinagmumuni-muni ko:

Book- di ako nahilig magbasa ng libro nang maliit ako, wala kasi kaming pambili nito, komiks lang kaya naming bilhin

Illustrator- ang peborit kong dibuhista sa funny komiks ay sina Roni Santiago (Planet op d eyps) , LS Martinez (Superkat), Pat V. Reyes (Niknok)

Raket- noong maliit ako nagpapa arkila ako ng komiks at nagtitinda ako ng sago’t gulaman at ice candy sa basketbolan kapag may paliga ng basketbol minsan naman nagtitinda ako ng barbecue sa tapat ng tindahan namin, yan ang mga raket ko nun

Talent- noong walong taon ako, tumula ako sa Tita Betty’s Children show sa DZBB sa sobrang haba ng tula ko (50 lines, 10lines/stanza), nalimutan ko tuloy yun tula ko at huminto ako pero tinuloy ko pa rin nang maalala ko hehehe pero kahit paano nanalo ako ng 2nd prize, ang pamagat ng tula ko, “Ang Kabataan at Ang Pananampalataya” hmmmm nasaan na kaya ang kopya ko nun??

Hobby- ang hobby ko noon bata ako ay mag-ipon ng tansan pipitpitin ang mga ito para gawing pangkalansing pag mangangaroling at mag-ipon ng tiket ng bus na hanggang ngayon di ko alam kung bakit ko inipon yun noon hehehe

Damit- noong bata ako, nagkakaroon lang ako ng magarang damit pag birthday ko at pasko

Author- kilala kong mga author ay hindi author ng libro kundi author ng komiks, sina Pablo Gomez, Carlo Caparas, Elena Patron, Nerissa Cabral at iba pa….hanggang komiks lang pala ako hahaha

Yaya- wala akong naging yaya meron yoyo naglalaro ako nito pero hindi ako marunong ng walking the dog o kahit ano pang exhibition ang mahalaga nakakabalik ang yoyo ko sa kamay ko kada tinatapon ko sa ere hehehe

Komiks- funny komiks ang paborito ko - dito ako natutong nahasa magbasa at nakilala si Niknok at pinangarap na makilala siya at makamayan hehehe; nagpadala rin ako ng dalawang drawing dito at nafeature din sa komiks tinago ko para souvenir pero nawala din huhuhu (paging Dennis Villegas baka meron ka copy hehehe)

Opo- ang natutunan ko sa mga magulang ko na napamana ko sa aking mga anak kahit bulol pa silang magtagalog basta may “opo” kahit minsan over na like “Mama po nasaan po yun gamit ko po” hehehe


NGAYON

pakibasa na lang ang mga unang letra sa mga sinabi ko at idugtong nyo yun ngayon hehehe at saka kayo magcomment hehehe….please para nyo nang awa lol

PAHABOL: Si Kris Aquino kahit super arte niya gusto ko siyang maghost ng show, ninanamnam ang mga sagot ng kausap at sabay banat ng kanyang nalalaman kahit wala nang masabi kausap niya hehehe; si Lea Salonga naman magaling kumanta at isa rin niya akong tagahanga. Silang dalawa kasabay kong nagtake ng NCEE ……so hulaan niyo kung anong kaugnayan nito sa akin hahaha. Kung di ninyo alam…..”you harden there!” manigas kayo! You rock!!! Bato kayo!!!! Hehehe


Monday, October 26, 2009

HULA SCOOP: Mag-ingat sa Taong Malapit Sa'yo



HULA: Mag-ingat sa isang taong malapit sa’yo baka ikaw ay linlangin niya.

SCOOP: Sa panahon ngayon dapat tayong mag-ingat sa mga taong ating kakilala lalo na sa bago lamang nating kakilala. Huwag basta-basta magtiwala kaagad sa isang tao lalo na kung pera na ang pinag-uusapan.


```````````````````````````````````

Mayroon akong ibabahagi sa inyo na aking sariling karanasan na nawa’y kapulutan ninyo ng aral. Hindi lang ito tungkol sa kaibigan, higit pa sa kaibigan dahil ito ay mismong anak ko. Pasensiya na at medyo seryoso ako ngayon dahil anak ko na ang pinag-uusapan dito. Ito ay tungkol sa anak kong lumaki sa kalayawan. Ibinigay ko ang lahat ng gusto, video games, laptop, damit, sapatos at kahit anong gusto binibili ko pero ang kapalit pala ay pagwawaldas ng pera ko. Nakakahiya mang ibahagi dito pero gusto ko rin ipamulat sa iba na huwag masyadong bigyang layaw ang anak na kalaunan ay lilinlangin din pala kayo.


tingaling-ngaling..........


Nang minsan iniwan ko ang kuwarto naming mag-asawa na bukas ang pinto at bukas ang laptop ko (actually palagi namang bukas ang pinto namin, tuwing gabi lang sarado de kandado ito hehehe) at eto na po ang magaling kong anak ay lihim na ginamit ang account ko sa online at presto…….bumili ng bumili ng gamit na hindi ko naman kailangan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya para gawin ito. Nalaman ko na lang nang makita kong ubos na ang pera ko sa account. Ginawa na niya dati yan pero pinatawad ko siya pero this time ginawa na naman niya uli, inilipat niya ang ibang binili kong gamit sa account niya. Hindi ko na talaga siya pagbibigyan ngayon. Hayyyy nagalit ako sa anak ko at nag-away talaga kami, eto ang sinabi ko sa kanya, “Huwag na huwag mong pakikialaman ang account ko, kaya pala naubos ang pera ko pinagbibili mo ng gamit na hindi ko naman kailangan ginawa mo dati yan sa “farmtown” ko bumili ka ng “fruit stand, windmill, tool shed at water well” na hindi ko naman kailangan, ngayon pati ba naman sa restaurant city ko ay gagawin mo??? Bakit kailangan mong isend as a gift ang mga gamit ko???? Hala isend mo uli sa kin pabalik ang couch ko at mga upuan ko! “ Hehehe ayun pinagalitan ko nga ang anak ko pinakialaman ba naman ang games ko sa facebook na farmtown at restaurant city, sino ba naman ang hindi magagalit nun, di ba??? hehehe. Laro lang yun pero paano na lang kung totoo na yun??? Napaisip ako bigla ng malalim ……”Hayy siguro dapat na yata akong mag-ipon ng pampiyansa sa anak ko hehehe (katukin ang kahoy......"knock on wood" naku wag naman sana magkatotoo hehehe). “ Yun anak kong binabanggit ko dito ay ang walong taon kong anak na lalaki. Na isa na rin addict sa Farmtown, Farmville at ngayon nga ay yun Restaurant City. Hay ang bata nga naman, sarap minsan tirisin hehehe.

ARAL: Minsan “nakakabata” ang maglaro ng pambata pero ang batang naglalaro ng pangmatanda, ay kailanman hindi “nakakamatanda”.

LARAWAN: Kuha sa harapan mismo ng aming tirahan....ang aming malawak na palayan na inaangkin na hindi naman amin hehehe.....ito ang tunay na "farmtown" o "farmville."

Wednesday, October 21, 2009

HULA SCOOP: May makakasalubong ka na "maitim"



HULA: May makakasalubong ka na itim na pusa, kung walang pusa pwede na rin ang ita, nognog, baluga, daga, ipis, aso, langaw, bubuyog o lamok basta may maitim ka na masasalubong. Kapag nasalubong mo, huwag mong pansinin makakalagpas din sa’yo yan... hehehe

SCOOP: May naalala ba kayo sa itim na pusa??? Pag may itim na pusa akong nasasalubong naaalala ko lang ang pamahiin tungkol dito na mula pa sa ating mga ninuno, ang ilang pamahiin ay patuloy pa rin sinusunod ng mga tao lalo na ang ma konserbatibong Pilipino. Ako, hindi ako naniniwala sa mga pamahiin, pagpasensiyahan nyo po ako lumaki kasi akong hindi namulat sa mga ito.

Narito ang ilang pamahiin na pilit kong intindihin pero di ko maintindihan, kaya ako’y mag-iiwan ng katanungan, kayo alam nyo ba?


PAMAHIIN

1. “Bawal paliguan ang pusa”

Sardz: Anong wala ang pusa na meron ang aso??? ano???? aw-aw (kahol??)?? hehehe bakit di pwedeng paliguan??? kaya pala amoy laway lagi ang pusa, naliligo na lang ng laway hehehe

2. “Huwag mamimigay ng mga sapatos na walang bayad. Sa halip, itapon ang mga sapatos paitaas sa hangin at kung sino man ang makadampot ng mga ito ay siya ang magmay-ari, o di kaya ay bayaran niya ang mga sapatos ng singko sentimos.”

Sardz: hahaha, bakit pahihirapan mo pa ang pagbibigyan mo??? why?????

3. “Bawal magpakuha ng larawan pag tatlo kayo”

Sardz: Pa'no na lang kung iisa lang ang anak ninyo, hindi ba kayo pwedeng magpa family picture????Paano ko kung tatlo kayong BFF as in bestfriends forever??? iiwan nyo ba ang isa't isa?

4. “Upang maalis ang iyong takot habang ikaw ay nagsasalita sa harap ng publiko, maglagay ng isang sentimo sa loob ng iyong sapatos”

Sardz: Wala ng centimo sa atin, bente singko nga binubutas pa eh hehehe


5. “Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan”

Sardz: Lagi na lang ba akong iiyak sa gabi at mugto ang mata sa umaga para lang masaya???


6. Mga pamahiin kung kailan hindi dapat maligo:

- Huwag maliligo sa araw ng Biyernes

- Huwag maliligo sa hapon

- Huwag maliligo sa gabi

- Huwag maliligo sa unang Biyernes ng buwan

- Huwag maliligo sa araw ng Biyernes Santo

- Huwag maliligo sa Araw ng Bagong Taon

- Huwag maliligo sa araw ng piyesta ni San Lazaro

- Huwag maliligo sa ika-labing tatlong araw ng buwan

- Huwag maliligo kapag ikaw ay gutom

- Huwag maliligo matapos kumain

- Huwag maliligo bago magsugal

- Huwag maliligo pagkatapos magsimba

- Huwag maliligo kapag may bahag-hari

- Huwag maliligo sa kabilugan ng buwan

Sardz: Anak ng putakte, anak ng pating, anak ng boogie, anak ng kamatis, anak ng tilapia, anak ni Hudas....grabe, ang daming bawal! Ang baho pala ng Pinoy noon???!! hehehe

PAUNAWA: Ang mga pamahiin na nabanggit ay mula sa mga narinig at nabasa ko, huwag babasahin ang hula ko sa gabi na nakahiga.....baka ikaw ay mabulag.

UKOL SA LARAWAN: Mga larawan ng pusa na hindi naliligo sa bahay ng Ate ko hehehe, peborit nilang unan ay yun may punda na "hello kitty" hehehe hmmm malalaki na kaya sila o baka naman naitapon na? Miss ko na kasi sila eh waaaaaaaaaaaa




Wednesday, October 14, 2009

HULA SCOOP: Huwag hayaan manlamig sa iyong "minamahal"

Kung gusto ninyo magkaroon ng lifetime pakner tulad nila, sundin lang ang tips ko ngayon


HULA: Huwag hayaan manlamig sa iyong "minamahal" patuloy mo pa rin siyang mahalin at pahalagahan, huwag kang magsasawa sa payo kahit ilang beses mo na itong nabasa sa hula, go ka pa rin wala namang mawawala.

SCOOP: Sa relasyon ng mag-asawa o kahit na magkasintahan man, ang isang daan para manatiling matatag ang pagsasama ay ang kung paano natin pasalamatan at purihin ang bawat isa, sa ganitong paraan natin naipapakita kung gaano kahalaga siya sa’yo at ikaw sa kanya.

````````````````````````````````````````````````````````````````

Narito ang mga tips kung ano ang dapat natin sabihin sa mga "lab"natin para lalo pa syang mapamahal sa iyo kahit na iba ang kahulugan nito sa isip mo:


1. "Ang macho mo na, lumalaki na ang muscles mo sa braso.” (Hmmm ano ba yan parang palo-palo lang wala na bang ilalaki yan, ni langaw di mamatay sa hampas mo e.)- Para sa mga misis o dala na o dalaga pala ito hehehe

- Kahit na alam mong hindi naman lumalaki ang muscles niya sa braso dahil di naman siya nagwo work out sabihin mo na rin na lumalaki ito, yun nga lang sa ibang paraan malay mo kakabuhat niya sa mga pinapabuhat mo o baka naman pati ikaw nagpapabuhat din, diba?

2. "Ha ha ha ha ha ha ha." (ang corny mo talaga kakainis)

-Minsan kailangan mo rin matawa sa mga corny jokes niya, o kaya isipin mo na lang na nakakatawa kahit na siya na mismo ang nakakatawa at hindi ang jokes nya.


3. "Wow." (ay bakit ganyan yan?)

-Ito ang pinakamaikli na masasabi mo na gaganahan ang pakner mo. Bahala ka na ano meaning nito sa iyo malaki man o maliit basta wow ka na lang…huwag mo na lang sundan pa ng ibang salita baka mabad trip pa siya.


4. ”Ano sa palagay mo? (feel mo ikaw masusunod, hello?!!)

-Para sa mga misis o dalaga- Syempre kailangan bigyan mo si mister/bf ng kahalagahan, kaya tanungin mo siya sa ano mang opinyon niya sa mga desisyon ninyo sa buhay tapos syempre sayo pa rin ang final approval kahit ano pa sinabi niya, at least di ba nagtanong ka….e ikaw yata ang alas, hari lang siya.


5. “Ang cute naman ng mga paa mo” (parang luya, watak watak ang mga daliri, kadiri!)

-Kahit pa kamag-anak ng luya ang paa niya, sabihan mo pa rin na cute ito sabayan mo na lang na mas maganda kung magpa pedicure siya. Sabagay pag sa gabi o madilim di mo na yun makikita at di ka naman niya tatapakan no, kaya ok lang yun.


6. "Meow." (harrr para siyang daga, sarap siyang gutay gutayin hehehe)

- Kaya nyo ba maging pusa? Bahala ka na kung ano isagot niya basta nag ala pusa ka ayos na yun hehehe. Malas mo pag sinagot niya na ala pusa din na "not now" hehehe


7. " Hanep!” (yah right!)

Para sa mga misis ang tip na ito- Kailangan ng guy ang ganitong word from you kahit ano pang ginawa niya learn to appreciate him. Aba mahirap ang manginain… ng tirang ulam, magpipindot….ng remote control, magtutuwad…para tanggalin ang bara ng toilet, sumisid….sa pool dahil nahulog ang wedding ring nyo at anu-ano pa.


8. "Gusto Kita!” (gusto kita sa ilalim....ng kama kaw talaga hehehe)

- Hindi lang gusto mo ang mga mata niya o pananamit niya dapat buong buo sya na gustuhin mo kahit pa tumataba na siya at napagkakamalan mo na siyang refrigerator niyo hehehe.


PAUNAWA: Ayan tama na yan sana may napulot kayong aral sa mga tips ko na pwede niyong itapon pagkabasa hehehe

Thursday, October 8, 2009

HULA SCOOP: Hahanga Ka Sa Isang Tao

Downtown Aomori, Japan



HULA: Hahanga ka sa isang tao, huwag kang mag-alala normal yan. Sige tuloy mo lang.
SCOOP: Walang masama na humanga sa isang tao, minsan siya ang nagiging inspirasyon mo para gumawa ng tama sa buhay.

--------------------------------------------------------------------------

Sa pagba blog kong ito ay nakita ko ang mga quotes ng anak ko sa isa sa mga blog niya dito sa internet, sarili niyang gawa na naging inspirasyon ko ngayon para makabuo ng hula scoop. Masasabi kong ako ay isa niyang tagahanga sa larangan ng paggawa niya ng mga quotes.

Kaya naman pinilit kong unawain ang mga ito at sinalin ko rin sa tagalog, humingi muna ako ng pahintulot sa anak ko kasi baka lam mo nyo na.....basta ang salin ko ay "simple pero rock" hehehe.

MGA QUOTES NI SARDS NA SINALIN MULA SA QUOTES NG KANYANG ANAK:


1. "There's always that 50/50 chance you get in life, but for some reason... I always choose the "wrong answer." Then again... only until after I experience the consequences do I find out that the other choice was the right one. Either way... It's another lesson learned in life, right? Next time, I guess I have to make a wiser decision." --- Lei on August 18, 2009

"Pag nagkamali ka sa isa, malamang ang hindi mo pinili yun ang tama kaya wag ka na lang pumili para di ka magkamali." -Sards Oct 8, 2009


2. "Looks aren't everything. Being perfect is nothing. WHO YOU ARE is what makes others like you & it's what you do or do not do. " --- Lei on August 6, 2009

"Kung sino ka man, yun ka talaga"- Sards Oct 8, 2009

3. "Moving on requires letting go. Letting go requires forgiveness, a clear conscience, and a genuine heart. Without these... it's classified as 'holding a grudge' instead. " --- Lei on July 29, 2009

"Kung pakakawalan mo ang isang bagay, magaan ang pakiramdam, may puso... ang tawag dun.... walang bitbit"- Sards Oct 8, 2009


4. "All I want is to be number one for once. For once, I want to stop being the shadow of someone else. For once, I want to create an image for who I am & not what I do for others. Just....... for once." --- Lei on April 20, 2009

"Ayokong maging number 2" - Sards Oct 8, 2009


5. "I can see the world-- the colors of the rainbow in the sky, the snow falling delicately from the clouds, the visions you wanted to see that you couldn't-- I see all of that. The one thing I can't see is the path to walk in my life. How did you know where to go? Seeing darkness didn't seem to misguide you, but to me... I am already lost in a sea of colors." --- Lei on March 6, 2009 (AP English Essay: Letter to Helen Keller)

"Nakakakita ako pero nawawala lang"- Sards Oct 8, 2009


6. "Time is what we decide... it's just not ALL in our hands. We gotta go and grab what we can... :]" --- Lei on January 19, 2009

"Nakasalalay sa oras ang lahat, hala, halukay na bilis!"- Sards Oct 8, 2009

7. "We find our TRUE friends by, first, finding out who is NOT. " --- Lei on December 24, 2008

"Ang tunay na kaibigan ay matatagpuan mo sa hindi mga tunay."- Sards Oct 8, 2009


8. "It pains a person to see the one they love happy with someone else..." --- Lei on November 27, 2008

"Nagseselos ako, masakit yun!"- Sards Oct 8, 2009

"I've learned to numb myself from hurt because sometimes the pain is too much for me to bear." --- Lei on November 11, 2008

9. "Manhid na ako"- Sards Oct 8, 2009

10. "Every chapter of my book... makes me who I am. I've already 'written' that part of my life... and now I have the "outline" of a new chapter, but the empty pages are waiting for me to fill it in." --- Lei on September 24, 2008

"Di pa tapos ang diary ko."- Sards Oct 8, 2009


11. "I guess we expect happiness to be the outcome of our sacrifice, yet... the truth is, our sacrifice hurts us more because of the loss of our happiness." --- Lei on November 7, 2008

Ahhhh ang lalim! Nose bleed!- Sards Oct 8, 2009


Tama na ayoko na! Marami pa sana pero tama na.....kakasakit ng ulo hehehe




Monday, October 5, 2009

HULA SCOOP: Iwasang pag-usapan ang buhay ng iba


HULA: Iwasang pag-usapan ang buhay ng buhay ng iba. Sa madaling salita, huwag makipagtsismisan!

SCOOP: Ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao ay walang idudulot talaga sa buhay mo, manapa ay baka ka madapa….kung saan man di ko na alam.


---------------------------------------------------------------------------

Basta “chismis” talagang huling huli ako sa balita, kasi ayoko talagang madapa hehehe pero may maidudulot bang kabutihan din ito? Ewan ko basta ako may di makakalimutang kahihiyan na nagawa ko:

1. Matagal ko ng nakikita ang isa sa kasamahan ko sa trabaho at palagi ko siyang nakikita sa front desk na may ginagawa at di ko pa siya nakasabay sa pagpasok o pag-uwi. Minsan nagkasabay kami sa pag-uwi habang naglalakad kami ay nakita ko siyang iika-ika, tinanong ko siya kung bakit siya napilayan. Ang sagot niya sa akin hindi raw siya napilayan, may polyo raw siya. Waaaaa hiyang-hiya ako nang malaman ko yun wala kasing nagsabi sa akin na may polyo siya at di rin naman ako nagtatanong. Nang malaman ko yun para akong mauupos na kandila (buti na lang di ako kandila hehehe) at di ko rin alam kung tatakbo ba ako sa kahihiyan sa tanong ko na yun. Kaya humingi ako ng pasensiya sa kanya at sinabi ko na hindi ko alam na may polyo siya, di kasi halata (nagpalusot pa no hehehe).

2. Nakita ko yun asawa ng kasamahan ko sa church, tinanong ko kung nasaan na yun asawa niya at matagal ko ng hindi nakikita. Ang sagot nun asawa (lalaki siya ha), ay sumama na raw sa dati niyang bf yun asawa niya, iniwan na siya at umuwi ng Pilipinas. At di ko na siya naawat, kinuwento pa niya ang buong pangyayari hehehe. Ngek, nabigla ako sa sagot niya as in wala akong kaalam-alam na balitang-balita na pala sa lahat ng sulok ng kasulok-sulokang lugar ang tungkol sa "pag-ipot" sa kanya ng asawa niya (hehehe) eh ako lang yata ang hindi pa nakakaalam. At yun guy naman panay pa ang kuwento di ko na napigilan ang pag kwento niya na may kasamang hikbi na nga eh (mabuti rin palang walang alam at nakakasagap ng totoong balita hehehe)…..sabi ko na lang “pasensiya na at naitanong ko pa siya sa’yo kasi di ko naman alam ang nangyari.” Hindi naman siya nagalit, akala raw niya alam ko ang balita na yun. Kinuwento ko sa asawa ko yun kapalpakan ko sa pagtatanong, at naku alam din pala niya ang balita na yun, buong tropa niya ay napagtsismisan na pala yun hehehe ako lang yata ang di nakakaalam. Grabe! Sinisi ko pa asawa ko at bakit di niya kinuwento sa kin hehehe.

3. Hay marami pa sana pero ayoko na tama na yun dalawang kuwento baka mahalata na ako niyan hehehe.....

KONKLUSYON: Minsan mahirap talagang maging tanga dapat din paminsan-minsan may alam ka sa buhay ng iba...BOW!!! hehehe....tama ba???

UKOL SA LARAWAN: Ang larawan ay isang halimbawa na walang kwentang pag-usapan pero hinahanapan ng pakukuwentuhan. Si Tatang ba o ang seksi na babae ang baduy? Hulaan niyo? Ayan chismis na yan! hehehe ayoko niyan