Thursday, April 16, 2009

HULA SCOOP: May Mga Bagay Na Akala Mo Tama Pero Mali


HULA: May mga bagay na akala mo ay tama pero mali…mali! Kaya pilitin mong unawain ang mga bagay na mali pero tama pala, at pag tama huwag mong isipin na mali, tama ba ako? O mali ka?

SCOOP: May mga ginagamit na mga salita ang mga Pinoy na akala ng iba ay yun ang tamang kahulugan pero mali pala. Na kapag ginamit mo sa ibang bansa malamang pagtatawanan ka nila kasi nga sa Pilipinas lang natin ginagamit ang mga ito….only in da Pilipins.

TAMA PERO MALI:


TRIP
kahulugan: biyahe
Pinoy slang: gusto; interest
(ex: “ Trip ko talaga yun girl na yan.”)

FEELING
kahulugan: emosyon
Pinoy slang: mayabang o bilib sa sarili
(ex: Feeling niya maganda siya, heller???)

OWNER
kahulugan: may-ari
Pinoy slang: sasakyan ng Pinoy na ala military jeep
(“Wow ang gara naman ng owner niya... stainless!”)

SALVAGE
Kahulugan- naliligtas o nababalik
Pinoy slang- pinapatay na mga tao na hindi na naliligtas o bumabalik
(“Naku malamang na-salvage na si Totoy Bato ng mga pulis!”)

RACKET
Kahulugan- pandaraya, panlinlang
Pinoy slang- dagdag kita, sideline na kita
(“Bili ka naman ng Tupperware, bagong raket ko ito eh”)

CHICKEN
Kahulugan- manok
Pinoy slang- nagloloko, joke lang
(“Chicken lang yan!")

BIRDIE
Kahulugan- score sa golf o maliit na bird
Pinoy slang- e ano pa alam nyo na yun….hehehe
(kanta ng parokya ni edgar na double meaning- “Don’t touch my birdie”)

COMMANDER
kahulugan: opisyal ng military
Pinoy slang: si misis…ang hari ng bahay hehehe
(“Sige uwi na ako magagalit na si komander”)

UNDER
kahulugan: ilalim
Pinoy slang: si mister, ikli na salita na “under de saya”
(Uuwi na raw si Andres, under kasi ni misis niya bwahahaha”)

PANUTO:

Natakam ako sa binanggit ko tungkol sa "chicken" kaya ito ang nilagay ko na larawan, sana matakam din kayo....tara tikman nyo na.... "Chicken!!!

11 comments:

  1. Buti nga meron sa ating ganto eh. Pag sa English kasi mahirap mag express ng ibang nararamdaman.

    Pano mo nga naman gagamitin ang 'Feeling!' sa Ingles? 'You are so into you!'? Okay lang pero mas maganda talaga kapag Pinoy slang!

    Owner? Ni hindi ko nga masabi yun kasi alam kong mali! Sinasabi ko nalang Jeep eh LOL.

    ReplyDelete
  2. Pinoy nga talaga! Minsa'y hindi ko na alam ang mga meaning ng mga Pinoy slang na iba.

    Haay naku... minsan I need to ask my kids about the meaning... hehehehe.

    ReplyDelete
  3. korek! onli in da Pilipins lang talaga. pero pinapakita lang kung gaano ka-creative at kalawak ang lenggwaheng (tama ba?) Pinoy. at naghahanap ako ngayon ng manok! kagutom!

    ReplyDelete
  4. Got an award for you. Please get it at the desert coast by the Red Sea.

    ReplyDelete
  5. Nice post, ngaun ko lang napagtanto na iba nga ang kahulugan ng mga salitang Ingles sa slang Tagalog words, magkaiba... maraming salamat.

    ReplyDelete
  6. halfcrazy- oo nga ang hirap i-explain yun owner sa ingles hahaha kaya nga nilagay ko dito yan, pinadugo ang ilong ka nyan

    Desert aquaforce- outdated na rin nga ako sa mga slang ngayon sa Pinas kaya nakikibalita na lang dati nakakapanood pa ako ng TFC so kahit paano naa update ako pero ngayon di makarating dito TFC kakainis, ewan ko ba saang lupalop ng Japan kami napunta hehehe

    Syel- oo nga malawak talaga ang wikang Filipino at gusto kong pagyamanin dito sa blog ko naks naman hahaha makata na tayo! sige tikim ka lang ng chicken dyan

    Lizeth- salamat sa pagdaan hayaan mo makikiraan din ako sa blog mo

    desert aquaforce- uy salamat pala sa award sige punta ako dyan sa desert coast mo hehehe aalis lang muna kami kaya baka lang ako malate hehehe

    Pope- mukhang nahahawa ka na sa pagtagalog ko hahaha ok yan, mabuti at kahit paano may natutunan ka ngayon sa blog ko at sinantabi ko muna yun mga kalokohan ko pero baka di ko makayanan at magpopost uli ako ng ibang kalokohan ko hehehe

    ReplyDelete
  7. Natawa rin ang amo ko sa akin nang minsan sabihin ko sa kanya na: I'm waiting for my service, habang nasa gate ako ng opisina.

    Akala nya masahista hinihintay ko. D nya alam, sasakyan pala...hehehe.

    ReplyDelete
  8. hehehe, komander din minsan tawag ko sa misis ko. Anyway, sali ka sa pakontest namin? or hulaan mo na lang sino mananalo? hehehe

    ReplyDelete
  9. nebz- oo nga "service" isa pa ring slang na tagalog pero ingles hehehe

    Mr. Thoughtskoto- malamang huhulaan ko na lang sino ang mananalo at nakita ko na mga sample na gawa nila ang gagaling, "sisiw" lang ako kumpara sa kanila hahaha anyway thanks sa pag invite, excited na ako kung sino ang mananalo

    ReplyDelete
  10. Sarap ng chicken hehehe...

    Very true..daming kahulugan ng Pinoy sa maraming salita..ang susi dito para malaman ang tunay na kahulugan ay kung paano bigkasin ang salita, di ba?

    ReplyDelete