Saturday, February 28, 2009

HULA SCOOP: May Matututunan Ka Ngayon




HULA: May matututunan kang aral sa araw na ito; huwag ka lamang lituhin ng magtuturo sa’yo.

SCOOP: Noong nakaraang blog (dalawin nyo naman baka di nyo pa nabasa) ko napag-aralan natin ang sawikain o idioms ngayon naman dumako tayo sa salawikain o proverbs.

KAHULUGAN:

Salawikain: Mga kasabihan ng mga matatanda na nagpapahayag ng payo batay sa kanilang mga karanasan, ito ay nagpasalin- salin na sa ating lahi.


SALAWIKAIN AT ANG KAHULUGAN KO:

1. "Walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin."

-Magtiyaga ka mang manalangin di ka na makakakuha ng virgin.

2. “Habang maiksi ang kumot, magtiis kang mamaluktot.”
- Kuripot ka lang


3. "Ang mahaba ay putulan, ang maiksi ay dugtungan."

-Mamili ka maiksi o mahaba? Huwag na kaya nating putulan?


4. "Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kanin, iluluwa kung mapaso."

-Huwag mag-asawa kung iluluwa mo lang pag napaso, di biro ang maging kanin.

5. "Kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan, tumawag ka at ikaw ay pakikinggan, humingi ka at ikaw ay bibigyan."

- Pulubi


6. "Buntot niya,hila niya, sungay niya, sunong niya."

-Kalabaw


7. "Damit na hiniram mo lamang kung di masikip ay maluwang."

-Manghihiram ka lang ng damit magrereklamo ka pa, bumili ka na lang kaya?


8. "Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis."

-Matibay man ang walis mas ok na ang vacuum di na kelangan ibigkis.


9. "Ibong sa hawla'y ikinulong ng mahigpit, pag nakawala'y di na babalik ."
- Huwag higpitan ang ibon niyo maging mapagbigay para labas masok man ay sulit

10. "Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad."

-Malas mo, magtiyaga ka na lang dyan sa maliit mong ibon, asa ka pa (suntok sa buwan hehehe).

PAUNAWA: Dahilan sa ang mga salawikain ay nagpasalin salin sa iba’t ibang salinlahi ay nagkaroon na ng ibang pakahulugan ang iba’t ibang tao lalo na sa taong gumawa nito, huwag maniwala, nililito ka lang nito.

PAHABOL: Ang larawan ay pandisplay lang, kuha ito sa Tokyo DisneySea, alam ko naman hindi nyo mahuhulaan kung saang lugar ito hehehe

4 comments:

  1. hahhaa...

    "...di biro ang maging kanin." pwede pala maging kanin ang isang tao. :)

    "Matibay man ang walis mas ok na ang vacuum di na kelangan ibigkis." i agree! pero paano mag-vacuum sa garden?

    ReplyDelete
  2. Ang gaganda talaga ng mga salawikaing Pilipino! Sa panahong akala nati'y sa boxing at kantahan lang nakikilala ang mga Pilipini, dapat nating alalahaning ang ating wika ay talagang maipagmamalaki, rin! o",)

    TAMA ang hula ngayong araw, may natutunan nga ako.

    ReplyDelete
  3. As usual, your words of wisdom are brilliant!

    Thanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comment. Come back tomorrow!


    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    I, Woman

    ReplyDelete
  4. Reena- oo pwedeng maging kanin ang isang tao...dito lang sa hulascoop ko hehehe

    RJ- salamat at may natutunan ka kahit paano hehehe

    Joy- salamat sa muling pagdalaw, galing mo talaga!

    ReplyDelete