Tuesday, January 26, 2010

HULA SCOOP: Magulo ang isip mo ngayon


HULA: Magulo ang isip mo ngayon parang tali na buhol-buhol. Mag-ingat ka at baka di mo makalas yan. Dahan-dahanin mo na bigla ang kailangan diyan hehehe.

SCOOP: Minsan talaga sa buhay may oras na magulo ang isip natin, buhol- buhol na parang buhok ooopps na parang tali pala. Kaya eto maraming gumugulo sa isipan ko na aking sinaliksik pa para lang maayos ko ang gulo sa utak ko. Hay buti na lang nandiyan lagi si mareng yahoo at kumpareng google laging kaagapay ko.

Ibinabahagi ko sa inyo ang aking natutunan:


Mga lalawigan sa Pilipinas at ang kanilang kahulugan:

1. ANTIQUE - hantik o malaking langgam (marami kayang hantik dito? ang alam ko maraming aswang dito hehehe)
2. BABUYAN ISLAND- tawag din sa lugar o lagayan ng mga baboy ( so talagang baboy pala meaning asa pa naman ako iba meaning ng babuyan hehehe)
3. MARINDUQUE- mula sa alamat na Marina and Garduke, a legendary couple ( so totoo pala na galing sa alamat ang name nito?? hmmm ang alam ko lang tagarito ang Nanay ko hehehe)
4. BULACAN- bulak or cotton (siguro maraming bulak dito o cotton candy)
5. COTABATO- mula sa salita na kuta bato or a stone fort ( sa Cotabato ba ay bisaya rin ba salita kaya yun "kuta" naging Cota?- "siguro" sagot ko hehehe)
6. ILOILO- ilong or nose (ano kaya maraming ilong dito? o ibang klase ang ilong nila kaya malambing ang salita nila kahit galit na? )
7. MINDORO- mula sa salitang Spanish mina de oro, or gold mine (wow mayayaman kaya tao dito o puro lang sila minero?? taga pala o taga piko??)
8. TARLAC- mula sa salitang Aeta word na ang kahulugan ay weed (madamo pala dito hehehe)
9. NEGROS- mula sa Spanish term for black people (marami kayang negro dun???)
10. MASBATE- masa bati, which means mix and beat as in making bread (ano ba yan? parang ang weird naman nun meaning na 'to lalo na pag binilisan ko ang pagbasa, parang mali pa yata na nalaman ko meaning nito hehehe)

Hay kakapagod naman mag-aral parang di na ko sanay, ang problema may natutunan ba ako o puro tanong din sa bawat meaning na binigay ko.

eto pa sana kaso tinatamad na ko, kayo naman kung sinisipag kayo kung hindi naman, ok lang ganun talaga ang buhay.....

paki ingles:

bulubundukin
alalaong baga
bukang liwayway
takipsilim
agaw-buhay

eto pa:

muta
libag
uhog
anghit
anit
surot
hanip
kingki
buhaghag
lamas

PASALAMAT AT PAHABOL: Salamat muli sa larawan na ginamit ko ngayon, dinekwat ko sa Kuya ko sa kanyang flickr (paki click na lang yun "flickr" kung gusto niyo silipin mga model at awesome photos niya hehehe- sorry lang at wala akong picture doon baka kasi wala ng dumalaw sa site niya hehehe). Kuha niya yan nang dumalaw siya sa lalawigan ng aking nasirang ina na kung saan naninirahan ang aking ama ngayon .....sa Marinduque, kuha sa Moriones Festival. Miss ko na ang Marinduque sana makadalaw ako ngayon taon na ito doon at sana lang....walang bagyo, kasi popular lang ito kapag may bagyo, laging signal no.3 hehehe.

Wednesday, January 20, 2010

HULA SCOOP: Magtataka Ka...


HULA: Magtataka ka kung bakit wala yun hinahanap mo.
SCOOP: Wala nga...wala talaga! Wala akong hula ngayon! hehehe. Babawi na lang ako sa pictures, pwede ba?


Three day weekend kasi last Jan 16 to 18 kaya nagdrive kami noong Linggo sa Ajigasawa, Aomori, sa Naqua Shirakami Ski Resort, mga 3 hours ang layo dahil may snow, pag walang snow mga 2 hours at 50 minutes siguro ang aabutin hehehe



Hindi masyadong zigzag papunta dito kasi sinipag mga Hapon kaya binutas na lang nila mga bundok para gumawa ng tunnel para mas mapadali ang byahe. Mabuti naman kundi sumuka na ako sa byahe kapag ala bituka ng manok ang daan.


Mas mataas ang snow dito sa Aomori kumpara sa aming lugar, pero ang pagkakapareho nag-iisnow rin hehehe, mga 1 inch siguro ang pagkakataas ng snow nila sa amin hehehe (actually di ko alam talaga) basta ang alam ko ang average ng snow dito nasa 10ft daw (daw kasi sabi lang ng asawa ko hehehe)



At ang pamatay dito...ayan! Sakit katawan ko kasi first time kong magsnowboard napasabak kaagad ako na bunuin ang napakataas na slope na 921m para lang makababa huhuhu kaya wala akong hula kasi bugbog pa rin katawan ko.


Natulog kami diyan ng isang gabi kahit mahal ok lang ang mahalaga importante talaga.

----------------------------------------------------------------


O sige na babay na tutulog na ako next time na ang mala alamat na kwento ko, paalam!

Friday, January 15, 2010

HULA SCOOP: Masanay Ka Na

babaeng nagpapala ng snow sa tapat ng bahay nila (kawawa naman siya)


HULA: Masanay ka na sa mga bagay o gawain na bago palang sa paningin mo o di mo pa nagagawa, dahil balang araw....masasanay ka rin kaya huwag mo ng hintayin magkaroon ng bala ang araw, sanayan lang yan!

SCOOP: Mahirap talagang masanay sa mga bagay na hindi mo nakagawian, pero dapat talaga tayong masanay, kasi yun ang sabi ko. Ikaw ba meron dapat sanayin? Bakit di ka pa ba sanay sa mga post ko? hehehe

Anu-ano ang mga bagay o gawain na dapat kong sanayin:

1. Dapat matuto na akong magpala o magshovel....kung dati lupa sa paso lang ang pinapala ko ngayon snow na sa harapan ng bahay namin.

2. Dapat na akong masanay sa lindol na may intensity 5.0 o pataas na kada linggo yata ay meron dito, yun bang akala mo inuuga ang pintuan mo eh yun pala lindol na. Kaninang umaga lang meron na naman at noong isang linggo rin parehong intensity 5.0, ang matindi pa nito ang tagal ng lindol dito!!! Actually (naks naman feeling artista ako kada sinasabi ko ang salita na ito e hehehe), unang dating palang namin dito sa Japan, nawelcome na kaagad kami ng 6.8 na dumadagundong. Dinuduyan lang naman kami sa 3rd floor ng inn na kung saan kami pansamantalang nakatira at habang kumakalampag ang sarado naming pinto akala ko katapusan na ng mundo yun pala umpisa palang pala yun ng karanasan namin sa maraming lindol dito. Hayyy naku di yata ako masasanay nito.

3. Dapat marunong na akong magpalit ng ilaw na pundido, magsungkit ng baradong inodoro, maglinis ng dalawang sasakyan, dalhin ang mga sasakyan sa autoshop para magpa change oil, marunong magjump start ng kotse pag nadiskarga ang baterya nito at mga bagay na ginagawa ng mister dahil sa nalalapit na pagpunta ng asawa ko sa isang lugar sa middle east. In other words (sa madaling salita....hmmm mali dapat mga salita di ba? whatever!) dapat maging mister na ako hehehe.

4. Dapat matuto na akong di gamitin ang salitang "kasi" kapag sinisisi ko ang asawa ko, papalitan ko na lang na "dapat ginawa mo ito...." hehehe para hindi masyadong obvious na naninisi pa rin ako hehehe.

5. Dapat...dapat....puro na lang ba dapat???? Hindi talaga ako masasanay kung walang salita na "dapat" kasi dapat meron talaga niyang dapat dahil kapag wala, hindi na karapat dapat ang anumang papalit sa akala ng iba na nararapat na dapat ipalit....dapat lang!!

6. Ayoko na!! Ang hirap masanay!


naks naman ang pose!! (hmmm kakainis bakit ba ako yan?? dapat hindi ako yan e hehehe)

PAHABOL: Nakikiramay ako sa mga nabiktima ng lindol sa Haiti. Nagpapasalamat pa rin ako na kahit panay ang lindol dito ay wala naman bumabagsak na mga building at nasasaktang mga tao.

Sunday, January 10, 2010

HULA SCOOP: Pag-ingatan Mo ang Mga Bagay na Akala Mo Ay Di Na Mahalaga



HULA: Pag-ingatan ang mga bagay na akala mong hindi na mahalaga sa iyo pero mahalaga pala sa ibang tao. Magagamit mo ito sa ibang paraan, isipin mo lang kung paano. Kung di mo maisip sige ipamigay mo na lang sa may gusto nito, ang mahalaga... importante talaga, di ba?

SCOOP: Ang labo talaga ng hula ko. Ang mahalaga may hula hehehe, pero teka alam ko na.....speaking of "pag-iingat" mayroon akong natatagong o tinatagong katangian na nakahiligan ko ....ang magtago ng ilang bagay na di ko naman alam kung magagamit ko nga ang mga ito.


"May mga bagay na basura sa paningin ng iba pero kayamanan naman sa ilan" - Sards (ngek hehehe, asa ka pa na iba ang nag quote nito??? serious yan huh!)

Tama ba?? katulad na lang nito.....

Collection #1- Stamps o Selyo

Ang isa sa nakahiligan ko ay ang pagkokolek ng stamps, naging inspirasyon sa akin na gawin ito nang makita ko ang stamp album ng lolo ko (yes si Lolo na naman ang bida, hehehe)

Nag-umpisa ito nang nasa 4th year high school ako, naging pangulo ako ng Philatelic Society Club sa school, ang adviser at principal namin noon ay mahilig din sa pagcollect ng stamps kaya siguro tinayo ang club namin. Dahil sa wala naman akong masyadong stamps noon ay dinala ko ang stamps album ng Lolo ko sa school ayun sabi ng adviser ko dapat daw hindi dinikit ni Lolo sa mismong papel ang mga stamps, sayang pero tinago ko pa rin. May mga loose stamps siya na nakaipit sa album yun ang iningatan ko at binalot ko pa sa plastic ang bawat isang stamp.


Eto ang gutay-gutay na 2 stamp albums ng Lolo ko, masuwerte siya nakarating na siya ng California, Hawaii at Japan tinalo pa ang mga kapatid ko hehehe


Unang pahina, si Lolo colorful magdesign hehehe, ano kaya ang hobby#1 ng Lolo ko? kasi hobby #2 na ito eh




Stamps ni Lolo na nilagay ko sa medyo magarang album, binalutan pa ng plastic para di masira ang perforation, mga scientific names ng ibon at hayop




Stamps pa rin ni Lolo, mga quotations ng mga dating Pangulo ng Pilipinas




Si Idol, Jose Rizal siyempre laging nasa stamps, mula 2 centavos meron na ang Lolo ko, galing niya!



Eto ang mga stamps na nasayang ang value dahil sa dinikit mismo ni Lolo sa papel ng album, dapat kasi may "hinges" na nilalagay sa likod nito para maingatan ang mga stamps




Eto ang bago kong collection, hello kitty at naruto stamps from Japan! hehehe


LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas ay ang mga stamps na binigay sa akin ni Nebz, salamat Nebz! Kahit basura na sa'yo pinagtiyagaan mo pa rin ipadala dito para mapakinabangan ko. Pasensiya na di ko pa naasikaso at nalalagay sa album. Paki click ninyo para makita ninyo yun sobre na pinaggalingan nito, galing Saudi pa hanep! hehehe Yan ang pangalawang bida si Nebz! Idol!! Number 1 ng PEBA (sipsip!!)

PAHABOL: Ang nakakatawa, nagtago pa kami sa mga pangalan namin eh mabubunyag din pala ng PEBA hehehe.

Teka parang wala yun mga stamps na kinolek ko dito sa post ko??? Dami ko pang stamps kaso di ko mahalughog ...next time na lang pag nagpakita na sila sa akin hehehe

Tuesday, January 5, 2010

HULA SCOOP: Matatagpuan Mo Ang Isang Bagay....

Binili ko ang pagkain na ito para sa New Year na hanggang ngayon di ko alam kung ano


HULA: Matatagpuan mo ang isang bagay na magiging inspirasyon mo sa iyong tinatahak na buhay. Kung anuman ang tatahakin mo, sana lang.....alam mo. Dahil kahit ako hindi ko alam saan yun.

SCOOP: Ano ba ang nagbibigay sa'yo ng inspirasyon ?? Yun ang hanapin mo para matagpuan at matamo mo ang hula sa araw na ito. Para sa akin iba ang inspirasyon ko.....eto:

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Habang uso pa ang "New Year's Resolution" ay natagpuan ko uli ang diary ng lolo ko, napahiya ako sa pinost kong New Year's Resolution noong isang araw dito sa blog ko kasi nabasa ko uli ang version ng lolo ko. Parang gusto ko tuloy bawiin ang post ko hehehe.

Wala na pala ang www.geocities.com kung saan doon ko pinost ang diary ng lolo ko mabuti na lang nasave ko ang ilang pages kaya nandito muli si lolo.


1933 RESOLUTIONS FOR MAKING A COMFORTABLE, PROGRESSIVE AND HAPPY FAMILY LIFE

As we have now realized and actually experienced during our two years of marital life that we had never made any possible progress, it is then best and proper for us to adopt a Family resolutions beginning January 1, 1933, in order to develop our moral, mental, physical and financial standard of living. And for this, we should then cooperate and help each other to make our present mode of living more lustrious and progressive in the days ahead, God granting:

Being then the sole head of the family, we should now strive to the best of our ability, do everything in our power to make life worthy of living as the very success of our endeavor largely lies upon us. In our daily toils and struggles for existence, there must be a definite goal which we should aim at. And such goal would comprise the following:

· A model of love and kindness in the community.
· A good and ideal home of our own.

· A good savings bank account.

· A good family income.

· A decent and proper education of our children.

· A good sari-sari store.

· Alertness of mind and good judgement of the day’s problems.


The main weakness which hampered the progress of our homemaking were:

1. That we had not cultivated the habit of wise saving which often led us to borrow in most occasions.
2. That we had opened a Chinese account which was the chief cause of our financial ruin.

3. That we have easily provoked ourselves to anger without just cause.
4. That we lacked good humor and had no resistance to overcome our everyday worries.
5. That the wife must be humble in every instance and little highness should necessarily be avoided.

6. That the wife had sometimes ignored her dear husband’s good advices.

7. That the wife’s fond of commanding her husband should be eliminated.

8. That the wife had been always nagging and suspecting her dear husband from other girls.

9. That we have not quite developed our physical culture which is an asset to our health.

10. That we have little neglected our Christian duty which is the chief helper of our struggles.


Hereafter, all the above deficiencies should now be corrected and abolished and that these will only serve as the Stepping Stone to a brighter and better prospect in the future. With the record of the past on hand, we could know what to be avoided and what are to be perfected.


Tama na, tama na Lolo masyado mong pinapaliit sa mata ng tao ang mga ginawa kong New Year's Resolution huhuhu, ang galing mo talaga...IDOL!!!

Kayo, may ganito bang Resolution???? Ako....WALA hehehe. Isa lang ang sa akin...."kailangan kong magdiet!" hehehe

PAHABOL: Sa totoo lang meron pang duties of husband and wife yun resolution niya kaso masyado ng mahaba para ipost ko hehehe. Eto pa, meron pang "love and harmony at ang pinaka dito yun family budget, grabe! Di ko kinaya ang New Year's Resolution ni Lolo. Eto lang masasabi ko sa Lolo ko, "Kung nasaan ka man 'Lo suportahan ta ka!" hehehe




Sunday, January 3, 2010

HULA SCOOP: Salubungin ang bagong taon ng may pag-asa....



HULA: Salubungin ang bagong taon ng may pag-asa at tibay ng pananampalataya sa Ama; saya at may pagmamahal sa bawat isa. Lahat ng lungkot ay kalimutan na sapagkat ang 2009 ay tapos na.

SCOOP: Happy New Year sa Lahat! Happy 2010!! Paalam 2009

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Uso na naman ang New Year's Resolution kaya eto wala akong maisip kaya pagpasensiyahan ninyo na, lahat ng mga nagawa ko last year ay hindi ko na gagawin ngayong taon na ito:

1. Hindi na ako maglalaba
2. Hindi na ako magluluto
3. Hindi na ako maglilinis ng bahay
4. Hindi na ako mamalantsa
5. Hindi na ako magpapala ng snow


Teka parang may mali????

Baliktarin natin, ang mga hindi ko nagawa last year ay gagawin ko ngayong taon na ito:

1. Maninigarilyo na ako kahit dadalahikin ako ng ubo
2. Iinom na ako ng beer kahit mapait o kaya alak na mapait pa rin kahit na may allergy ako sa mga ito
3. Magba bar hopping ako nang makita ko naman anong meron sa loob ng bar dito sa Japan, kung gaano kaseksi ang mga Haponesa at kung paano sila rumampa
4. Makikibarkada ako ng husto, party dito party doon, banda rito, banda roon.....sayaw dito sayaw doon
5. Manlalalaki ako ....ngek mali, mali!!!! mambababe na lang?? ngek mali pa rin!! di ko kaya to! nevah! nevah! erase, erase!!! erase lahat ng mga yan!!!

mali talaga, bawal ang lahat ng yan!

sige wag na lang balik na lang ako sa kung anong ako, sabi nga ni Maricel Soriano, "I am what I am" ah peborit pala niya yang kantahin hehehe........eh ano nga ba ako noon 2009? next hula na lang hehehe, inaantok na ako at may pasok na naman bukas, ang bilis naman ng apat na araw na bakasyon! kakainis sana wala na lang pala akong trabaho hehehe para araw-araw may hula scoop at makapaglimayon sa ibang mga blogs...hay ayan na naman ako.....