
▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
HULA: Minsan kailangan mong mag-isip ng malalim para mahasa naman ang pumupurol mong utak.
SCOOP: Ang mga Pinoy mahilig sa mga palaisipan kaya naisipan kong mag-isip ng malalim kaya eto di ko rin maisip ang mga sagot, matutulungan nyo ba kong mag-isip??? Ang problema baka wala kayong isip hehehe. Kaya mag-isip-isip ka na.
MGA NAKALILITONG TANONG NI SARDONYX:
1. Ang lahat ng pets ni Simang ay aso maliban sa isa. Ang lahat ng pets niya ay pusa maliban sa isa. Ilan ang aso at pusa ni Simang? Waaaaa, help!
2. Sabi ni Mokong kay Inday na may sasabihin siyang “lihim” sa araw bago mag-ikalimang araw mula sa araw pagkatapos ng bukas. Kung ngayon ay Tuesday, Oct. 23. Kailan sasabihin ni Mokong kay Inday ang lihim niya? (Di kaya buntis si Inday? hehehe pero ang tanong....kailan??)
3. Pinakilala ni Inggo si Miguel sa mga bisita niya, “ Ako ay walang kapatid na lalaki at babae, ang tatay ng lalaking ito ay tatay ng anak ko.” Anong relasyon ni Inggo kay Miguel? (Ma at Pa!)
eto pa:
Ang bawat titik sa sunod-sunod na mga titik ay ang umpisang titik ng isang salita. Ang bawat salita ay may relasyon sa isa’t isa. Pakibigay ang susunod na tatlong titik ( 3 letters please).
4. O, T, T, F, F, . . .
5. D, N, O, S, A, . . .
PAHULI: Nose bleed na ko!!!! Ayoko na! Kayo naman!!!
sa number 2, sa oct.29 yata? di ako sure. haha. hintayin na lang kelan sasabihin ang lihim!
ReplyDeletenumber 3, anak ni inggo si miguel.
sa dalawang tanong, wala na kong maisip kasi ayoko nang mag-isip. haha
sa number 1, ang sagot nun dalawa, isang aso saka isang pusa.
ReplyDeletesa number 2, oct 28
haha. nakaka-baliw
1. 2
ReplyDelete2. 28
3. Tatay
4. S,S,E
5. Hinde kaya "D, N, O, S, S," instead of " D, N, O, S, A,"? Kung tama ako ang sagot ay "S,Q,T"
choknat, led at blogus salamat sa mga sagot nyo, next post ko na lang sasabihin ang sagot hehehe para may thrill LOL
ReplyDeletesa #1 be specific, paki specify kung ilang pusa at ilang aso kasi nalilito ako pag number lang hahaha
blogus-tama yun letters na D, N, O , S, A? pero paki explain na rin bakit naging SQT sagot mo hahaha, na intriga ako dun e
Buti na lang di ako mahilig mag-isip hehehe..kakabaliw kaya!
ReplyDeleteang sagot ko ay sa number 1 lang dahil medyo madali:
1. 1 pusa at 1 aso
1. isang pusa at isang aso.
ReplyDelete2. Sunday, Oct. 28
3. S, S, E
4. Kasi yung apat na naunang letra sa "D,N,O,S,A" ay espangol, ngunit ang pang lima ay Tagalog. Kaya ang sagot ko ay espangol na "S,Q,T"! Pero kung tama ang "D,N,O,S,A", ang sagot ko ay "L,A,T". : )
sabi ko kanina magbabasa ako ng mga blogs nyo para ma-relax naman ako, ngayon biglang naturete utak ko ;).. wait ko na lang answer mo at ni blogusvox, o di mas ok, di ba..?
ReplyDeletePero wag naman sobrang-lalim, Sards! Medyo nahilo ako sa mga palaisipan mo!
ReplyDelete1. 1 Aso at 1 Pusa;
2. Oct 28 din (bago mag-ikalimang araw starting on Oct 24);
3. Hindi ko alam...mag-ama sila?
4. No idea! Cities sa Japan na may pinakamalaking populasyon? Hehe.
5. H,H,M? (the months in reverse order starting from Disyembre?)
Hindi ako makakatulog ngayong gabi kapag hindi ko nalaman ang sagot! Kaya please...sirit na po.
naku pasensya na, sardz... pasado ala-una na ng madaling araw ng mabasa ko itong post mong 'to (translation : hindi ko na nakuhang mag isip ng sagot! hahaha). mind-boggling! epistaxis (nosebleed) ako! pero kung may premyo, balik ako, pag isipan ko, joke! ...wait ko na lang sagot mo, hehehe.
ReplyDelete1, 1 aso at 1 pusa
ReplyDelete2 Oct 28
3 mag-ama si Inggo at Miguel
4 di ko na alam....puro hangin na laman ng utak ko! :P
Salamat sa lahat na sumakit ang ulo at nagbigay ng kanilang sagot hehehe, narito ang mga tamang sagot, (lahat may nakakuha ng tamang sagot pero walang perfect score hehehe):
ReplyDelete1. Ang lahat ng pets ni Simang ay aso maliban sa isa. Ang lahat ng pets niya ay pusa maliban sa isa. Ilan ang aso at pusa ni Simang?
Sagot:ISANG PUSA AT ISANG ASO
2. Sabi ni Mokong kay Inday na may sasabihin siyang “lihim” sa araw bago mag-ikalimang araw mula sa araw pagkatapos ng bukas. Kung ngayon ay Tuesday, Oct. 23. Kailan sasabihin ni Mokong kay Indayy ang lihim niya?
Sagot:
OCT29- SASABIHIN NI MOKONG ANG LIHIM NIYA KAY INDAY:
OCT. 23- NGAYON
OCT. 24- BUKAS
OCT. 25- ARAW PAGKATAPOS NG BUKAS (START NG ARAW NG PAGBILANG)
OCT. 26- UNANG ARAW (HALIMBAWA: 8AM NG OCT 25, HINDI NAMAN ISANG ARAW KAAGAD ANG NAGDAAN NUN DI BA? SO ANG ONE DAY NUN AY OCT 26 8AM, SO NGAYON PALANG ANG UNANG ARAW)
OCT. 27- PANGALAWANG ARAW
OCT. 28- PANGATLONG ARAW
OCT. 29- PANG-APAT NA ARAW (ARAW BAGO ANG IKA LIMANG ARAW)- ITO ANG ARAW NA SASAIBIHIN NI MOKONG ANG LIHIM NIYA
OCT. 30- PANG LIMANG ARAW
3. Pinakilala ni Inggo si Miguel sa mga bisita niya, “ Ako ay walang kapatid na lalaki at babae, ang tatay ng lalaking ito ay tatay ng anak ko.” Anong relasyon ni Inggo kay Miguel?
Sagot:ANAK NI INGGO SI MIGUEL
Ang bawat titik sa sunod-sunod na mga titik ay ang umpisang titik ng isang salita. Ang bawat salita ay may relasyon sa isa’t isa. Pakibigay ang susunod na tatlong titik ( 3 letters please).
4. O, T, T, F, F, . . .
Sagot:
S, S, E (Six Seven Eight)
(One, Two, Three, Four, Five, Six, Seven, Eight)
5. D, N, O, S, A, . . .
Sagot: J, J, M (July, June, May)
(Dec, Nov, Oct, Sept, Aug, July, June, May)
PAHABOL:
ReplyDeletetama rin pala ang sagot ni Nebz na H, H, M kung sa Tagalog at sa english ay J, J, M
Highest score: Blogus at Nebz (hanep!!!)
Sa mga nag-isip pero di nakayanan, maraming salamat kahit paano nag iean pa rin kayo ng komento...hehehe...it's the tot dat kawnts LOL
hahaha!!!
ReplyDeleteMore! More!
ReplyDelete