
HULA: Hindi mo maiintindihan ang sarili mo. May pagkakataong kahit gaano mo man isipin ang nangyayari sa iyong buhay hindi mo pa rin maintindihan kung anong kahulugan nito.
SCOOP: Narito ang mga ilan sa ginawa ko pero hindi ko maintindihan, kayo maintindihan nyo kaya?
1. Kung ito man ang magiging daan ng isang pagtahak sa landasin na di ko mawari kung ano, kung ano pa man iyon ay alam kong di magluluwat ay di magtatagal at magiging tulay ito patungo sa kawalan.
2. Masakit isipin na sa kapighatian ko ngayon ay tila pasan ko ang dalahin na kay bigat, datapwat alam kong mahirap ito para sa akin subalit kakayanin ko hindi man ito magaan alam kong malalagpasan ko rin ang mga balakid na humahadlang na patuloy na bumagabag sa akin.
3. Kahit ako’y naano, hindi ko ikaaano na ako’y naano na ni ano ngunit kahit anong ano ko di ko pa rin ipag aano ang ano na ito; sana maintindihan nyo kung bakit ano, kahit ganito ako alam kong nandiyan lang kayo… nagkaanuhan man kami ni ano, alam kong kahit kung sinu-sino pa ang nag aano sa akin na ako raw ay ano ay wala akong ano ang mahalaga ay meron pa rin akong ano.
4. Kung sino man ang maging ganito na kagaya nyan malamang ay magkakaganun talaga kahit kung saan-saan ka man magpaka anu-ano hindi niya magaganyan ganyan lang yan malamang sa pagkakaunawa ko ay humigit kumulang na yun ang palagay ko.
5. Sige ayan, ayan pa, bagal-bagalan mo na konting bilis! Dahan dahan na hinay hinay pero parang sigurado na alanganin. Sige pa malapit lapit na pero parang malayo layo pa nararamdaman ko na pero parang wala pa. Sige lang ng sige umpisahan mo sa simula at kailangan makatapos sa dulo, sa dulo ng walang hanggan sa magkabilang dulo ng walang kawalan…ahhhhhhh…...ahhhyan na ayan na hindi ko makita. Minimikaniko ni Moniko ang makina ng minika ni Monika, ah ewan tongue twister na nga lang! hehehe
PAUNAWA: Huwag nyo nang balaking pang basahin uli ang mga ito kahit ako di ko maintindihan ang sinulat ko....paumanhin sa lahat.
PAHABOL PA: Ang larawang nasa itaas ay kuha ko sa loob ng isang mall sa Sendai, Japan noong kami ay gumala dito pero di ko rin maintindihan ang sarili ko kung anong kaugnayan ng larawang ito sa hula scoop ko, hula ko malamang ay medyo.... pero sigurado yan hehehe.
nahilo yata ako sa kakabasa! hahaha! wala akong naintindihan. hahaha! hindi ko din maintindihan kung bakit ginawang sumbrero ung mga dahon sa picture!
ReplyDeleteGaling nitong post na ito! Parang tulang hindi ko mawari kong saan ang patungo sa dulo ng walang hanggan! Nyyyaahahahaha!!!
ReplyDeleteako...basta nabasa ko ng buo pero dahil sa purol ako sa Tagalog hindi ko alam kung magulo ba o talaga lang na hindi ko maintindihan...ahahahaha.
ReplyDeleteCheers kahit na magulo ang mindo!
dumaan muna ako dito bago ako pumuta dun sa sinasabi mong award.. hahahaha Missy, nakakaloka ka talaga..! nakakawala ka ng sipon pero aaminin ko, sumakit uli bigla ulo ko.. pero at least sumaya at tumawa akong mag-isa.. hehe.. inggit nga mga officemates ko e, ang saya ko daw kasi.. para daw akong baliw. kung alam lang nila, tila mas baliw kesa sa akin 'yung reason kaya ako tumatawa.. tama ba? hahaha.. Have a nice day dear missy.
ReplyDeletesyel- oo ako rin walang naintindihan eh hehehe
ReplyDeletedennis- hahaha oo walang patutunguhan ang mga nakalagay kasi wala kang maiintindihan talaga
desert aquaforce- wala kang problema at matalino ka pa rin NJ pero wala ka lang maintindihan talaga dito hehehe
Ate Loida- mabuti natawa ka kasi ako di ko alam kung bakit ko pa naipost ito e hehehe, salamat sa muli mong pagdalaw
thanks for the birthday greeting. i'll drop by again soon. no time to read this post and the previous posts yet. cu!
ReplyDeletePinilit kong unawain sa abot kaya ng aking kaisipan pero tila nakasakay ang aking isip sa isang mabilis at umiinog na tsubibo nang sapitin ko ang ika-3 mong salaysay, kung saan tila tumilapon ng aking utak sa pagkahilo.
ReplyDeleteIsang magandang mind exercise ito, pero wag dadalasan ang pagbabasa at baka magtuloy tuloy ang pagkahilo at mauwi sa pagkasira ng ulo hehehehe.
Purihin ka mutya kong Sardonyx, pinasaya mong muli ang araw ko.
As usual, you put a smile on my face. Thanks!
ReplyDeleteThanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comment. Come back tomorrow!
joy
A Pinay In EnglandYour Love CoachI, Woman
Reena- salamat sa pagdalaw kahit alam kong busy ka ngayon, ingats
ReplyDeletePope- hahaha ang lalim nun ah di ko yata natarok!!! salamat at muli ko na naman nahapyaw ang natutulog mong isipan at napatawa kita
Joy- salamat sa pagdalaw hanggang sa muli