Wednesday, July 29, 2009

HULA SCOOP: Magiging Palaisipan Sa'yo ang Pagkain Mo


HULA: Magiging palaisipan sa'yo ang pagkain mo malamang pagkatapos mong magbasa ng isang blog. Maging maingat sa kinakain, alamin kung ito ba ay nagpapagana sa pagkain o iba ang pinapagana nito sa katawan mo.

SCOOP: Paminsan-minsan dapat ay malaman mo kung anong klase nga bang pagkain ang kinakain mo. Lingid sa iyong kaalaman ay baka di mo alam na malaki pala ang epekto nito sa katawan at sa nararamdaman mo. Hmmmm nakakain na ba kayo ng "foods of love" o tinatawag nila din na aphrodisiac food?

"Aphrodisiac" [af-ruh-DEE-zee-ak]- is something that arouses you or intensifies sexual desires.

Ayan ingles yan ha ayoko ng tagalugin at baka saan pa mapadpad ang paksa natin. Syempre mula ito sa pangalan na aphrodite yun diyosa ng pag-ibig o goddess of love.

Narito talakayin natin ang mga aphrodisiac food:

SAGING- sa hugis palang talagang nakakagana na, habang binabalatan mo to e malayo na ang nararating ng isip mo

HONEY O PULOT- kaya nga may honeymoon kasi nagpupulot ang mag-asawa, nagpupulot ng katamisan sa sarap hehehe

TALABA- ang hitsura nito ay mahahalintulad sa…..ewan parang nakita ko na kasi ito di ko lang matandaan nasa dulo ng dila ko e tanungin nyo na lang ang mga kaibigan niyo malamang kabisado nila 'to, basta masarap din itong kainin lalo na yun masabaw sabaw pa para kang humihigop ng….ramen sabaw nga hehehe

CHOCOLATE- kaya pala ang mga lalaki ito lagi ang binibigay sa mga nililigawan nila???!!!! siguro para mapasagot kaagad sila, hmmmm mga girls, mag-ingat!

ALCOHOL/wine/champagne/beer- syempre pag lasing ka na walanghiya na ang dating mo, kahit sino, sinisino, kahit ano ay inaano hehehe

BALUT- ang pinaka popular na pampatigas….ng tuhod kahit ilang rounds kaya yan basta sa bakbakan walang urungan.....kayang-kayang kumain ng isang dosena basta may kasamang chicharon na may suka o beer pa

KAPE- akala ko ang kape ay nakaka cancer dahil sa kape-pindot yun pala mainam din pala ito na pampagising sa natutulog na isipan kung anong isip yun ay, isipin nyo na lang din hehehe

PINEAPPLE- kaya pala may movie si Rosanna Roces na “patikim ng P-inya” galing pala dito yun hehehe

SILI- ikaw ba naman ang kumain ng pagka anghang anghang na sili kundi ba naman mag-init ang buo mong katawan at kalamnan, tatayo ang dapat tumayo at mababasa ang iyong….mata sa pagluha sa sobrang anghang hehehe

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

UKOL SA LARAWAN: Mga talaba na nakuha namin sa tabing ilog, nalimutan ko na ang pangalan ng ilog, pasensiya na hayaan ninyo babalik pa naman kami dun para manguha uli, nakakagana kasing kumain lalo na pag sinawsaw sa suka na may sibuyas, hmmmm tsalap!




Saturday, July 25, 2009

HULA SCOOP: Mag-ingat sa Manloloko


HULA: Mag-ingat sa manloloko, maraming manloloko sa paligid mo.

SCOOP: Dalawa lang klase ng tao dito sa mundo, ang manloloko o naloloko. Kayo sa palagay ninyo, ano kayo?

------------------------------------------------------------------------------
SCAM MAG-INGAT


Nag-uusap kami ng asawa ko tungkol sa kuya ko na nasa Pilipinas na naulinigan ng panganay ko. Nagtanong siya, "Paano nalaman ni Tito "J" na may denge siya??? Natawa ako, palibhasa ang anak ko medyo marami na ring di alam na tagalog kaya namali ang dinig niya. Sabi ko, "denggoy"....nadenggoy si Tito mo. Tanong niya uli, ano yun? "Naloko" sagot ko naman.

Hayyyyy ang buhay nga naman, marami talagang nanloloko sa atin sa Pilipinas, isa na dun ang kuya ko, hindi siya ang manloloko pero naloko siya ng manloloko. Eto ang scenario:

May natanggap na text message ang kapatid ko ang nakalagay (ito lang ang pinakabuod o summary ng sinabi ng kuya ko at hindi ito mismo ang natanggap niyang text):

"Si Sards ito, nakaroaming ako ngayon kaya piso lang ang text mo sa kin, may negosyo ako sa'yo. Mabenta ang roaming dito sa Japan, yun 500pesos na text load kikita ka ng 400pesos. Marami mga kaibigan ko na gustong bumili. Kaya kung pwede paluwalan mo muna at bumili ka ng load at itext mo sa kin ang card and pin number, sa katapusan ng July na lang kita babayaran. Siyanga pala nagpadala ako ng box dyan baka matanggap niyo na."

Parang ganito ang naging text sa kapatid ko at ayun paniwalang paniwala ang kuya ko na ako nga ang nagtext sa kanya. Dahil wala siyang trabaho kaya sabik na sabik na magkaroon ng pera at mabigyan ko ng maliit na negosyo pero di niya alam hindi pala ako ang kausap niya. Panay "daw" ang text ko sa kanya at pinipilit ko siyang bumili ng load at marami na raw akong buyer eto namang kapatid ko na wala namang trabaho at pera nangutang pa sa kaibigan niya dahil paniwala siya na ako nga ang ka text niya at umasa lang naman siya na magkaroon ng sariling pera o kita.

Sa madaling sabi, nauto siya ng katext niya at nakapangutang pa siya ng 30,000 pesos na tumataginting (aray ko!!!!!). Kanina lang niya na isip na parang may mali at parang "baka hindi ako" yun dahil bakit daw nagmamadali ako na isend lahat ang card and pin number na halagang 30,000 pesos. Kaya yun friend niya nagtext sa akin para iconfirm sa "business namin daw" na phone cards at nag iwan pa ng voice message sa kin na "importante" lang. Kaya dali-dali akong tumawag sa cellphone ng kuya ko.

Nang malaman ng kuya ko na hindi ako nagtetext sa kanya ay nanlumo siya at totoo nga yun kutob niya na scam lang yun, parang na high blood pa nga yata siya (wawa naman kaya kinalma ko na lang). Hindi siya nagduda ng una dahil, bakit nga naman alam ang cellphone number niya at name ko at bakit alam na nasa Japan ako at nang sinabi pa daw nun kausap niya na magpapadala ako ng box. Doon naman nabuo ang hinala ko na kaya nalaman ng "manloloko" na yun ang cell# ng kuya ko at name ko ay dahil sa box na pinadala ko last week. Dahil nakalagay sa box yun name ng kuya ko at yun name ko at ang cellphone number niya at ng Ate ko dahil wala naman sila kasing landline. Nagbago kasi ako ng forwarder, dati rati "forex" ang gamit ko pero nagtry lang ako sa isang forwarder na 'to (hinding hindi na ako magpapadala dito!!! grrrrr). Hindi ko naman masisi ang kumpanyang ito baka wala naman silang kaugnayan sa scam na yun dahil ang info ko ay nasa box kaya malamang marami ang nakakakita nito at ginamit lang ang name ko. Ang hirap malaman kung sino kasi kahit sino madaling magpalit ng sim card ng cellphone.

Waaaaaaaaa, unang linggo ko palang sa trabaho, hindi pa nga ako sumusweldo may utang na kaagad ako hehehe. Wala naman akong magawa at naawa naman ako sa kuya ko, wala na ngang trabaho, wala na ngang pambayad sa utang, umasa lang naman siya na magkakaroon na rin siya ng kita sa pamamagitan ko......impostor pa pala ang bugok na hinayupak na yun, kung sino man siya hehehehe. Hay kung pwede lang banggitin ang lahat ng pangalan ng demonyo ay binanggit ko o kung pwede lang ngang mangkulam ginawa ko na hehehe pero hindi eh, dahil hindi ako mangkukulam hehehehe....ganun talaga.....kailangan tanggapin...."nadenggoy" ang kuya ko! Kailangan ko lang tanggapin ng maluwag na.....nadenggoy siya at ako ang magbabayad, sana lang ma karma ang gumawa nun hanggang sa ikasampung salinlahi niya (ang puso ko, ang puso ko hehehehe....ahhh nandito pa). Hindi ko na lang iniisip eh....baka lang ako tumanda, iniisip ko na lang na pera lang yan.....pero hindi eh dapat pala pera yun! waaaaaaa......mahirap kitain! Pero ang iniisip ko na lang na pampalubag loob ay sa unang linggo ko sa trabaho ko ay wala naman akong ginawa kundi basahin ang isang standard procedure na ilang beses, bilangin ang dumadaan na tao sa hallway habang naghihintay ng internet access ko na hanggang ngayon wala pa......yun, yun na lang ang iisipin ko na yun pambayad ko ay di ko naman pinaghirapan ng husto (sana lang makumbinsi ko sarili ko hehehe).

Sana maging aral ito sa lahat. Lalong lao na sa mga nagpapadala ng box, huwag niyong ilalagay ang cellphone number ng kamag-anak niyo at paalalahanin ninyo ang mga kamag-anak ninyo sa Pilipinas na huwag basta-basta maniniwala sa mga text messages na nanghihingi ng pera. Marami na talagang scam ngayon. Kahit may pinag-aralan minsan naloloko pa rin, walang sinisino-sino at walang sinasanto ang mga mokong na yun.

---------------------------------------------------------------------------------


PAHABOL: Sa sobrang gigil ng kuya ko gusto niyang isumbong sa XXX ng abs cbn. Sana lang may mangyari dito.

UKOL SA LARAWAN: Kuha sa EDSA habang ako ay nasa sasakyan. Parang gusto kong ipabugbog kay Pacquaiao kung sino man yun tao na nanloko sa kapatid ko at ibitin ng patiwarik sa flyover ng EDSA hehehe.

PAUNAWA: Pasensiya na at hindi ako makapagcomment sa ibang blog ninyo at pati magreply sa blog ko, di ko alam kung bakit. Hindi nagsho show up yun username ko at pati yun comment ko sa inyo. Sana maayos ko na ito bago ako mawalan ng pag-asa......dahil sa patong-patong na kamalasan na hehehe.


-----------------------------------------------------------------------------

Monday, July 20, 2009

HULA SCOOP: May matatanggap kang balita...


HULA: May matatanggap kang balita na ikatutuwa mo. Sa sobrang tuwa mo ipapamalita mo pa sa ibang tao kahit di mo pa sila kilala hehehe.

SCOOP: Parang tugma talaga sa akin ang hula kong yan o talaga lang na tinaon ko? hehehe Syempre hulascoop ko ito eh kaya lahat ng hula tama para sa akin dahil puro kalokohan lang naman ito.

---------------------------------------------------------------------------

MAGANDANG BALITA

M-asayang masaya ako
A-t di ko maipaliwanag kung ano, paano at gaano
Y-akapin ko man ang buong mundo

W-alang hanggan ang kaligayahan ko
O-o kahit ano pang dumating na bagyo
R-amdam ko man ang bigat ng dalahin ko
K-ahit ano pa lahat ng suliranin ko ay napawi ng totoo

N-ang dumating ang balita na ito
A-y biglang sumaya ako

A-ng saya- saya na di ko maipaliwanag kung ano
K-ahit gaano kahaba ang hinintay ko
O- Diyos ko maraming maraming salamat sa'yo dahil.........

(Pakibasa uli ang unang letra ng bawat linya ng tula ko at iyon ang "magandang balita ko sa inyo")


BOW!!!


UKOL SA LARAWAN: Kuha ko ito habang lulan ng sasakyan sa kahabaan ng Coastal Road. Ang "sunset" ang simbolo sa akin ng "May Bukas Pa' ngek hehehehe.....habang may sunset may sunrise hahaha......pagkatapos ng dilim ay may liwanag....BOW! wow-wowowow! hehehe sige na mali late na ako........first day ko kailangan maaga!! mamaya na ang proofread.

Thursday, July 16, 2009

HULA SCOOP: Tatamarin Ka Sa Araw Na Ito


HULA: Tatamarin ka sa araw na ito kaya idadaan mo na lang sa pagkain ang lahat. Hinay-hinay lang baka mabilaukan ka hehehe.

SCOOP: Nakakatamad nga ang panahon pero ang sarap naman kumain, hayyyy lalo na pag yun pagkain na nakita mo ay yun matagal na di mo na nakain, yun bang namiss mo ng pagkahaba-haba ng panahon at eto nasa harapan mo, e di ano sunggaban mo na! hehehe

-------------------------------------------------------------------------------

Nang umuwi ako ng Pilipinas, mga prutas na wala dito ang inuna kong binanatan....oooppps execuse me ibig sabihin nilamon, ay di pala....tinikman (Maria Clara kuno hehehe).....tikim sabay....sagpang hahaha. Di ko na kasi mapigil eh. Kaya eto ang mga nakain ko: Santol, manggang hilaw at hinog, lansones, atis at saging na lakatan.

At napag-uusapan natin ang prutas, napag-isip-isip ko lang na halos ang mga prutas ay may alamat. Ang pinaka sikat ay yun alamat ng pinya. Ang alamat ng santol, alam niyo ba?
Ako hindi ko alam dati pero may nakapagkwento lang sa akin nitong nakaraang taon lang, sa email pa ha. Eto, share ko sa inyo, maikli lang 'to kaya dapat basahin niyo.

ALAMAT NG SANTOL

Isang araw may naglalakad na isang matandang lalaki at bigla na lang namangha ito sa nakita niya, isang pagkalaki-laking puno at ang laki ng bunga nito na bilugan pa, ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya ang ganitong klaseng prutas, nakatanim ito sa bakuran ng isang ale. Kaya tinanong niya ang may-ari ng puno nito. "Ale anong pangalan ng prutas na yan na bilugan at mukhang ang sarap kainin?" Sagot ng ale, "ah yan ba....SANTOL yan!" Ayun mula noon, santol na ang tawag sa santol....hehehe.

-the end-

PAUNAWA: Ang alamat ng santol ay gawa-gawa ko lang patnubay ng matinong isipan ang kailangan, patawad po....tao lang na walang magawa at "tinatamad." Paki tanong na lang kay pareng google at kumareng yahoo kung may alamat nga ng santol tinatamad talaga kasi ako hehehe.

Tuesday, July 14, 2009

HULA SCOOP: Magiging Busy Ka Ngayon

Mt. Arayat- Kuha habang ako ay nasa sasakyan at binabagtas ang kahabaan ng SCTEX



HULA: Magiging busy ka ngayon sa ibang bagay. Matutong hatiin ang oras sa mga mahalagang bagay. Remember "time is rolex..... ay ginto pala."

SCOOP: Medyo naging abala nga ako sa mga nakaraang araw, pasensiya na po kung di ako nakakadalaw sa mga blog ng iba.

-----------------------------------------------------------------------------

Ano ba ang pinagkakaabalahan ko nang nagdaang mga araw at hanggang ngayon?

1. Ang hirap kasing magplow lalo na pag nagsisimula ka palang.

2. Naiinis kasi ako at hindi masinsin ang pagkakatanim ko ng mga alaga kong prutas at gulay.

3. Syempre pag nagplow ka, kelangan magtatanim ka rin kaagad para may maani at maibenta sa palengke.

4. Ang prutas na una kong tinanim sa aking bukid ay ubas, 4 na oras lang pwede ka ng mag-harvest.

5. Sinunod ko naman ang patatas, isang araw naman bago ka makapagharvest. At nakapagtanim din ako ng strawberry at maging ang palay di ko rin pinalagpas.

6. May nagregalo din sa akin ng puno ng mansanas, orange at lemon, naku tuwang-tuwa na ako, ang dami ko nang mga puno.

7. Pero gaano man ang paghaharvest ko, konti pa rin ang pera ko, mabuti na lang inalok ako ng mga prends ko, mag-harvest daw ako sa farm nila, may extrang pera yun. Sila rin ang dahilan kung bakit ako naging abala dito hehehe.

8. Kaya nang ako naman ang maghaharvest at hindi ko na talaga kaya, kakapagod din kasi no, ayun nag-alok din ako sa mga kapitbahay ko na kung pwede sila naman ang magharvest sa farm ko at babayaran ko na lang sila, go naman sila.

9. Ngayon medyo natuto na ako sa paghandle ng farm, pero di pa rin ganun kalakihan ang perang nakukuha ko pero sapat na para makabili ng ilang bakod, hayop at mga bulaklak.

10. Hay........kakaadik talaga ang "facebook" sa "farm town" na laro nagkaroon ako ng maliit na farm....hehehe. Kayo nasubukan n'yo na ba yun?

PAUMANHIN: Sa mga hindi nakakaunawa nang pinagsasabi at pinagsusulat ko ngayon dahil sa wala kayong facebook at wala kayong oras para dito, pagpasensiyahan niyo na lang po ako, tao lang.....at "mababaw lang ang kaligayahan ko" hehehe. At sa mga may facebook at naglalaro ng farmtown....enjoy! hehehe

PAHABOL: Sa mga bumoto po pala sa akin, maraming-maraming salamat po. At sa mga hindi pa po nakaboto parang awa n'yo na po at pakiboto lang po ako hehehe. Paki click na lang po ang logo ng 2009 PEBA nominee at makakarating na kayo sa botohan. Salamat pong muli. Ito po pala ang blog entry ko, click mo to.

LARAWAN: Ang kuha ko ay bukid sa Pilipinas....kaya kahit paano ay may kaugnayan sa hula ko ...hmmm meron nga ba??? hehehe basta meron.


Thursday, July 9, 2009

HULA SCOOP: Huwag Mahihiya Pag Pers Taym Ka Sa Isang Bagay

SCTEX (Subic, Clark, Tarlac Expressway)




HULA: Huwag mahihiya pag pers taym ka sa isang bagay o karanasan man. Pahalagahan mo ang bawat karanasan sa buhay mo, maging ito man ay "una" o "huling" pagkakataon kahit gitna pa siya o pangalawa, pangatlo o pang-apat basta ang mahalaga naranasan mo ito hehehe.

SCOOP: Marami tayong maikukuwento sa buhay na una nating naranasan kaya isipin nyo na ang mga ito bago pa maging huli ang lahat hehehe.

---------------------------------------------------------------------

PERS TAYM:

1. Pers taym kong nagbiyahe papuntang Pilipinas na lakip ang pag-asa na libre ang pamasahe namin, "I wish I wish" lang pala ang lahat.

2. Pers taym kong umuwi ng Pilipinas na walang bitbit na pasalubong, kawawa naman ako o kawawa naman sila? Pareho! huhuhu

3. Pers taym na iniwan ang sasakyan sa train station at walang "pakundangan" na lumisan lulan ang tren papuntang Tokyo "di alintana" kung may madadatnan pa kaming sasakyan sa aming pagbalik, ang alam langnamin noon, kailangan na namin umuwi ng Pilipinas....now na. Kundi ba naman itong mga hapon na ito, nagpaskil ng "babala" e japanese naman ang pagkakasulat kaya di namin alam kung may multa o wala......"lakasan ng loob" lang ang katapat.

4. Pers taym kong sumakay ng bullet train papuntang Tokyo, akala ko pa naman malilibre ang pamasahe namin mula dito sa Misawa hanggang Pilipinas lulan ang libreng eroplano, hindi pala.....akala ko lang ang lahat huhuhu....nadale kami dun ng humigit kumulang na $578....waaaaaaaaaaaaaa ang mahal!



5. Pers taym kong sumakay sa regular train mula Tokyo na "rush hour" kulang na lang magkapalitana ang mukha ng asawa ko at mga ibang pasahero dahil sa sobrang sikip, "hindi mahulugang karayom" ang tren na yun, kasumpa-sumpa! Masuwerte pa rin at nakaupo ako at si bunso ko. Pero bantay sarado ko ang mister ko kasi baka nga mapalitan ang mukha niya, mahirap na no.


6. Pers taym kong narating ang Singapore at kung saan nakaranas nang "discrimination" ng isang Singaporean, yun nagtitinda pa ang galit sa bumibili basta ang alam ko ang sabi sa amin, "if you don't want it, don't buy it!!" ganun pala dun, ang customer is always wrong hehehe lalo na siguro pag Pinoy. Ikaw ba naman ang di magreklamo eh yun display niya iba sa binigay sa akin....hayyy. Lucky Plaza pa naman ang tawag dun pero hindi lucky sa kin hehehe.....malas, malas!!!

7. Pers taym kong sumakay ng eroplano mula Singapore to Manila via PAL (one way lang) na hindi pwedeng gamitin ang mabuhay miles kasi promo daw ang binayaran namin na mahigit sa humigit o kulang-kulang na kinulang hehehe..... na ~$500 kaming apat na tao na (ako, si mister, si panganay at si bunso).....mura na sa katulad naming bumili ng ticket ng Biyernes at kinabukasan ng Sabado ng gabi ang lipad papuntang Pilipinas...."hataw!"

8. Pers taym kong hindi nabigla sa sobrang traffic sa Metro Manila dahil sa ang gumulantang sa akin ay billboard ni Papa P hehehe (walang kokontra).



9. Pers taym kong madaanan ang bagong NLEX at ang SCTEX (Subic, Clark, Tarlac Expressway)....ang galing at ang luwag.

10. Pers taym kong maranasan na maputukan ang gulong ng sinasakyan namin sa kahabaan ng NLEX at may tumulong sa aming mga Patrol Crew at palitan ang gulong ng sasakyan namin; tinanggihan ang aming "lagay" na paraan ng aming taos pusong pasasalamat.....mabuhay sila at may mga tao pa palang matitino sa atin hehehe.

At marami pa, saka na lang yun iba.....hirap na akong magtype....sorry "tuldok system" pa rin ang alam ko eh hehehe.

Tuesday, July 7, 2009

HULA SCOOP: Mararamdaman Mo Na Hot na Hot Ka Ngayon

Mga building sa Singapore (sorry di ko alam ang mga pangalan nila)


HULA: Mararamdaman mo na hot na hot ka ngayon. Try mong maligo ng tatlong beses isang araw nang mapawi ang init sa 'yong katawan.

SCOOP: Oopps huwag masama ang isipin, basta salitang "hot" mabilis tumakbo ang utak ng Pinoy, mas mabilis pa sa kuntador ng Meralco hehehe. Well, super hot ang naramdaman ko nang kami ay tumigil sa bansa na Singapore....as in ang "SOBRANG INIT!!!"

----------------------------------------------------------------------
SINGAPORE


Kapag pala galing ka sa malamig na lugar at bigla kang mapadpad sa mainit, hindi mo alam kung anong gagawin mo sa sarili mo. Hindi naman para maghubad ka kundi parang gusto mong maligo sa yelo o magbabad sa batya na puno ng malamig na tubig. Gusto mo mang pigilin ang tumatagaktak na pawis mo e di mo magawa at di mo rin naman maawat sa paglalag ng mga butil nito, mahirap saluhin lalo namang mahirap tikman hehehe. Hindi sa ang "arte" namin kundi dahil siguro nga galing kami sa malamig na lugar.

"Super hot" ang naramdaman namin nang kami ay tumigil ng dalawang araw sa Singapore bago kami nakarating pauwi sa Pilipinas, para kaming sinisilaban sa init. Akala ko ang Singapore ay medyo malamig kumpara sa Pilipinas.....mali pala ako, mas matindi pala init doon, isusumpa ko talaga (nang araw lang na yun naman hehehe). Dahil siguro sa ang iniwan naming temperatura sa Japan ay nasa 14C (summer na dito ng lagay na yan ha) at pagyapak namin sa Singapore ay niyakap kami sa init yata na 30C+ ! woooah! Hindi kaagad nakapag adjust ang katawan namin sa init.

Mahina talaga ako sa geograpiya, ang Singapore nga pala ay malapit sa equator , 85 milya ang layo bandang hilaga ng equator hmmm kaya mas mainit talaga doon kumpara sa Pilipinas. Hmmm natutulog yata ako nang ituro ng titser ko ang subject na yan hehehe at malay ko bang mapapadpad ako sa Singapore no.

Napamangha ako sa mga nagtataasang gusali dito, parang wala na yatang mga lupain para sa pananim? kaya pala halos condominium ang tirahan nila dito, puro pataas at wala nang pahalang hehehe. Ang kainaman dito ay maraming taxi at marunong mag ingles ang mga tsuper di tulad sa Japan sa dinami dami ng sinabi nila, "hai" lang kalimitan ang naiintindihan ko....kaya lagi kong sagot sa kanila "bahala kayo sa buhay niyo di ko kayo maintindihan" (hehehe).

Malinis at kaaya-aya ang paligid sa Singapore sabagay ang dami ba namang bawal dito kundi pa luminis ang paligid nila, talaga palang "fine city" ito. Bawal chewing gum, bawal dumura, bawal magkalat, bawal mamitas ng prutas o bulaklak, atbp lahat nang yan may "fine" ka....hay kaya pala "fine city ang halos nakikita ko sa mga souvenir t-shirts nila hehehe.

Bukas ko na lang ikukuwento ang iba pang nangyari sa amin dito sa Singapore, tinatamad na akong magkuwento at magtype.



Sa sobrang init at uhaw ng anak ko, pati ang tubig na nanggagaling sa merlion ay ininom na rin niya

------------------------------------------------------------------------------------

PASALAMAT: Nagpapasalamat ako at pinalad na doon nagta trabaho ang kuya ko kaya may tourist guide na may libre pang lodging (nang pabalik na kami dito sa Japan). Pag nga naman sinusuwerte ay di mamalasin hehehe. Kuya....salamat! .....sa uulitin hehehe

PASALAMAT ULI: Salamat sa "space A" (space available o parang chance passenger) travel ng US military at nalibre ang pamasahe namin mula Yokota to Singapore. DC-8 ang sinakyan naming eroplano, pakpak lang ang nakunan ko na souvenir, bawal kasi ang kodakan dito. Tanungin niyo na lang kay kumpareng "google" at kumareng "yahoo" kung ano hitsura ng DC-8 at kung ano ang "space A", close kami nun, sasabihin nila kung ano ang mga tanong ninyo.

Sunday, July 5, 2009

HULA SCOOP: Darating Na Ang Pinakahihintay Mo


HULA: Darating na ang pinakahihintay mo, kung ano man yun o kung ito man ay bagay o kung sino pa siya o kung sila man ay marami hindi ko na alam yun. Ang mahalaga, darating na ang hinihintay mo.

SCOOP: Dumating na rin ako!! Yahoo!! Nakabalik na sa aming munting tahanan....teka ako ba ang hinihintay ninyo??? Aminin! hehehe Kung binabasa mo na ito ngayon malamang isa sa hinihintay mo ay dumating na....ang hulascoop ko! hehehe.


--------------------------------------------------------------------

Labing walong araw akong nawala dito sa Misawa, Japan upang dalawin ang mga mahal namin sa buhay sa Pilipinas, pero labing isang araw lang kami sa Pilipinas.....kung bakit.....eto ikukuwento ko sa inyo....@#$%^&*()_!@#$%%^&&**()~!@#$%^&*

ayan finast forward ko na lang kasi wala naman magkaka interes sa kwento ko e hehehe

Ang mahalaga nandito na ako at buhay at masigla.

UKOL SA LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas ay kuha ko sa una naming nilandingan nang kami ay sumakay sa libreng eroplano....ito ay sa SINGAPORE! Pasensiya na at maraming gasgas yun salamin nila at kami ay nasa buntot lang nakasakay hehehe kaya nakaharang ang pakpak ng aming sinakyang eroplano.

PASALAMAT: Salamat pong muli sa mga bumoto ng blog entry ko sa PEBA, kahit hindi ako naging active sa hulascoop ko ay nadagdagan din pala ang mga boto sa akin. Salamat sa lahat!