Kitkat sa Japan, pare-parehong kitkat pero iba-iba
HULA: Magulo ang buhay mo ngayon. Pero kahit paano, malalagpasan mo ang lahat ng yan, basta madaanan mo lang, yun ang mahalaga. Pag di mo madadaanan di mo talaga malalagpasan.
SCOOP: Kapag ganitong magulo ang buhay kailangan may maisip ka na paraan para hindi lalong gumulo. Pasensiya na, tumatagal na ang mga araw na wala akong blog, mahirap talaga pag gulo ang isip e. Kaya eto, nakapag-isip-sip ako ng mga kwots uli . Wala lang....
---------------------------------------
MGA KWOTS NI SARDZ
May mga bagay na hindi mo maintindihan At may mga naiintindihan ka na hindi bagay. ----------------------------
May mga bagay na pare-pareho Pero iba-iba (katulad ni kitkat di ba?)
----------------------------
Minsan dumarating sa tao na nagkakasakit Nako "coma," o kaya cancer sa "colon" Pero ang mga babae kahit kelan lagi na lang masungit At laging dahilan, may "period!" Hello??? Nasan ang "point" dun??
---------------------------------------------
Mabuti pa ang gitara pag kinakalabit tumutunog bakit pag si misis ang kinakalabit, iba ang tunog?
-----------------------------------------------
Mabuti pa ang keyboard pag pinindot sumusunod Samantalang pag si mister ang pinindot may kasunod
------------------------------------------------
May mga taong kahit walang kwenta Humahanga sa kanyang gawa Kaya kahit tapos na siya sa pagkwento, sige tuloy pa Sa pagbasa ..... ng blog niya...
hoy hindi na to kwot no, wala na kong maisip!
Sige tutulog na ko may pasok pa ko bukas, ang hirap mag-isip!!
HULA: Hahanga ka sa isang tao, huwag kang mag-alala normal yan. Sige tuloy mo lang. SCOOP: Walang masama na humanga sa isang tao, minsan siya ang nagiging inspirasyon mo para gumawa ng tama sa buhay.
Sa pagba blog kong ito ay nakita ko ang mga quotes ng anak ko sa isa sa mga blog niya dito sa internet, sarili niyang gawa na naging inspirasyon ko ngayon para makabuo ng hula scoop. Masasabi kong ako ay isa niyang tagahanga sa larangan ng paggawa niya ng mga quotes.
Kaya naman pinilit kong unawain ang mga ito at sinalin ko rin sa tagalog, humingi muna ako ng pahintulot sa anak ko kasi baka lam mo nyo na.....basta ang salin ko ay "simple pero rock" hehehe.
MGA QUOTES NI SARDS NA SINALIN MULA SA QUOTES NG KANYANG ANAK:
1. "There's always that 50/50 chance you get in life, but for some reason... I always choose the "wrong answer." Then again... only until after I experience the consequences do I find out that the other choice was the right one. Either way... It's another lesson learned in life, right? Next time, I guess I have to make a wiser decision." --- Lei on August 18, 2009
"Pag nagkamali ka sa isa, malamang ang hindi mo pinili yun ang tama kaya wag ka na lang pumili para di ka magkamali." -Sards Oct 8, 2009
2. "Looks aren't everything. Being perfect is nothing. WHO YOU ARE is what makes others like you & it's what you do or do not do. " --- Lei on August 6, 2009
"Kung sino ka man, yun ka talaga"- Sards Oct 8, 2009
3. "Moving on requires letting go. Letting go requires forgiveness, a clear conscience, and a genuine heart. Without these... it's classified as 'holding a grudge' instead. " --- Lei on July 29, 2009
"Kung pakakawalan mo ang isang bagay, magaan ang pakiramdam, may puso... ang tawag dun.... walang bitbit"- Sards Oct 8, 2009
4. "All I want is to be number one for once. For once, I want to stop being the shadow of someone else. For once, I want to create an image for who I am & not what I do for others. Just....... for once." --- Lei on April 20, 2009
"Ayokong maging number 2"- Sards Oct 8, 2009
5. "I can see the world-- the colors of the rainbow in the sky, the snow falling delicately from the clouds, the visions you wanted to see that you couldn't-- I see all of that. The one thing I can't see is the path to walk in my life. How did you know where to go? Seeing darkness didn't seem to misguide you, but to me... I am already lost in a sea of colors." --- Lei on March 6, 2009 (AP English Essay: Letter to Helen Keller)
"Nakakakita ako pero nawawala lang"- Sards Oct 8, 2009
6. "Time is what we decide... it's just not ALL in our hands. We gotta go and grab what we can... :]" --- Lei on January 19, 2009
"Nakasalalay sa oras ang lahat, hala, halukay na bilis!"- Sards Oct 8, 2009
7. "We find our TRUE friends by, first, finding out who is NOT. " --- Lei on December 24, 2008
"Ang tunay na kaibigan ay matatagpuan mo sa hindi mga tunay."- Sards Oct 8, 2009
8. "It pains a person to see the one they love happy with someone else..." --- Lei on November 27, 2008
"Nagseselos ako, masakit yun!"- Sards Oct 8, 2009
"I've learned to numb myself from hurt because sometimes the pain is too much for me to bear." --- Lei on November 11, 2008
9. "Manhid na ako"- Sards Oct 8, 2009
10. "Every chapter of my book... makes me who I am. I've already 'written' that part of my life... and now I have the "outline" of a new chapter, but the empty pages are waiting for me to fill it in." --- Lei on September 24, 2008
"Di pa tapos ang diary ko."- Sards Oct 8, 2009
11. "I guess we expect happiness to be the outcome of our sacrifice, yet... the truth is, our sacrifice hurts us more because of the loss of our happiness." --- Lei on November 7, 2008
Ahhhh ang lalim! Nose bleed!- Sards Oct 8, 2009
Tama na ayoko na! Marami pa sana pero tama na.....kakasakit ng ulo hehehe
Mukhang ginaganahan nga ako ngayon, umaandar ang radar ko para magkaroon uli ng hula. Kaya eto ang naisip ko ngayon, ang tagalugin ang mga sikat na quotes sa mga taong humulma ng ating kasaysayan.
MGA QUOTES NILA AT KWOTS KO:
1. "When it is obvious that the goals cannot be reached, don’t adjust the goals, adjust the action steps"- Confucius
"Kung di mo kaya, huwag kang pasaway"- Sards Shoes
2. "Whether you think you can or you can’t, you’re right!”- Henry Ford
"Kung alam mong mali, tama ka."- Sards Toyota
3. "It is better to remain silent and be thought a fool than to open one’s mouth and remove all doubt."- Abraham Lincoln
"Huwag kang magsalita kung tatahimik ka lang." - Sards Lingkod
4. "Never give in, never give in, never, never, never, never - in nothing great or small, large or petty - never give in except to convictions of honour and good sense."- Winston Churchill
"Huwag bumigay kaagad, huwag na huwag, sabi ng huwag eh, wala ng pero-pero" - Sards Chapelhill
5. "If a man will begin with certainties, he shall end in doubts, but if he will content to begin with doubts, he shall end in certainties."- Francis Bacon
"Huwag kang maniniwala kung magdududa ka rin naman dahil kung magdududa ka hindi ka rin naman maniniwala.- SardsTocino
6. "When one door of happiness closes, another opens; but often we look so long at the closed door that we do not see the one which has been opened for us."- Hellen Keller
"Kung sarado ang kanyang kaligayahan, magbubukas din yun. Tinititigan mo kasi ang sara eh meron naman tumitiwangwang para sa atin."- Sards Killer
PAUNAWA: Ang mga salin na salita ay binungkal ng may akda sa kanyang mababaw na pananaw kaya patnubay ng isipan ang kailangan. Huwag asamin na magkatugma ang ingles at ang pagsa sa tagalog.....asa ka pa.....si Sards pa??? Ako Pa???
PASALAMAT: Ang unang quote ay galing kay Confucius (syempre) pero pinost ng prend ko sa kanyang facebook's status kaya nagkaroon ako ng inspirasyon na isalin ang iba pang quotes dito sa hulascoop ko. Salamat Jazz, my prend (sana lang nagbabasa siya nito).
LARAWAN: Nabanggit ko sa hula ang facebook, ang larawan na yan ay kinodak ko at pinost ko sa facebook ko....yan lang ang naiisip ko na pwede kong iugnay sa hula ko hehehe
HULA: Hindi mo maiintindihan ang sarili mo. May pagkakataong kahit gaano mo man isipin ang nangyayari sa iyong buhay hindi mo pa rin maintindihan kung anong kahulugan nito. SCOOP: Narito ang mga ilan sa ginawa ko pero hindi ko maintindihan, kayo maintindihan nyo kaya? 1. Kung ito man ang magiging daan ng isang pagtahak sa landasin na di ko mawari kung ano, kung ano pa man iyon ay alam kong di magluluwat ay di magtatagal at magiging tulay ito patungo sa kawalan. 2. Masakit isipin na sa kapighatian ko ngayon ay tila pasan ko ang dalahin na kay bigat, datapwat alam kong mahirap ito para sa akin subalit kakayanin ko hindi man ito magaan alam kong malalagpasan ko rin ang mga balakid na humahadlang na patuloy na bumagabag sa akin. 3. Kahit ako’y naano, hindi ko ikaaano na ako’y naano na ni ano ngunit kahit anong ano ko di ko pa rin ipag aano ang ano na ito; sana maintindihan nyo kung bakit ano, kahit ganito ako alam kong nandiyan lang kayo… nagkaanuhan man kami ni ano, alam kong kahit kung sinu-sino pa ang nag aano sa akin na ako raw ay ano ay wala akong ano ang mahalaga ay meron pa rin akong ano. 4. Kung sino man ang maging ganito na kagaya nyan malamang ay magkakaganun talaga kahit kung saan-saan ka man magpaka anu-ano hindi niya magaganyan ganyan lang yan malamang sa pagkakaunawa ko ay humigit kumulang na yun ang palagay ko. 5. Sige ayan, ayan pa, bagal-bagalan mo na konting bilis! Dahan dahan na hinay hinay pero parang sigurado na alanganin. Sige pa malapit lapit na pero parang malayo layo pa nararamdaman ko na pero parang wala pa. Sige lang ng sige umpisahan mo sa simula at kailangan makatapos sa dulo, sa dulo ng walang hanggan sa magkabilang dulo ng walang kawalan…ahhhhhhh…...ahhhyan na ayan na hindi ko makita. Minimikaniko ni Moniko ang makina ng minika ni Monika, ah ewan tongue twister na nga lang! hehehe
PAUNAWA: Huwag nyo nang balaking pang basahin uli ang mga ito kahit ako di ko maintindihan ang sinulat ko....paumanhin sa lahat.
PAHABOL PA: Ang larawang nasa itaas ay kuha ko sa loob ng isang mall sa Sendai, Japan noong kami ay gumala dito pero di ko rin maintindihan ang sarili ko kung anong kaugnayan ng larawang ito sa hula scoop ko, hula ko malamang ay medyo.... pero sigurado yan hehehe.