Wednesday, August 26, 2009

HULA SCOOP: Patuloy kang magbibilang


HULA: Patuloy kang magbibilang ng kung anu-ano kahit sinu-sino pa sila basta ano man ang bibilangin mo....malamang mapapabilang ito sa mga nabilang mo na dati. Kaya bilang ka lang ng count to ten, basta count to ten lang ng count to ten....bilisan mo lang ha.

SCOOP: Kung ano man ang nabilang mo malamang, may numerong kasama yan. Kaya nga bigla na lang nasagi sa isipan ko ang mga numero. Bagama't tayo ay Pinoy may mga salita tayo na di maiiwasang gamitin ang salitang spanish at ingles, lalo na sa numero, yang salita palang na yan spanish na, di ba? ----------------------------------------------------------------------

Numero (bilang)


oras
- bakit kay hirap bigkasin ng oras pag gagamitin ang tagalog, kagaya na lang ng 11:59pm, paki basa nga ito sa tagalog? di ba mas mabilis sa spanish? lalo na sa ingles?

barya- bakit pag barya ang pag-uusapan, nandyan lagi ang singko, dyes, bente singko, bakit di ba pwedeng sampung sentimo, dalawampu't limang sentimo (teka may "s" ba dapat sa sentimo? kung meron, paki lagyan na lang di kasi ako sanay hehehe)

petsa-
madalang na rin natin gamitin ang tagalog dito, Oct. 29, 1971, paki bigkas nga ito sa tagalog? di ba ang hirap, malamang iningles mo nga ng basahin mo ito eh. Bakit kasi kelangan pa ng "ika" bago ang petsa....teka ang petsa di ba ay spanish din? ano bang petsa sa tagalog? sitaw? bataw? patani? hehehe petchay pala yun.....sorry...ahhh "araw" nga pala hehehe, mas maganda kasing pakinggan pag ingles, "date" parang lagi akong in lab hehehe

bilang
- bakit pag nagbibilang tayo ng bagay, hayop o tao man....ay gamit pa rin ang ingles, minsan sa tagalog hanggang sampu, suwerte na kung may marining ka pa hanggang dalawampu....ang hirap kaya magbilang hanggang isang daan sa tagalog.

sandata
- bakit ang kalibre kuwarenta y singko (45) ay di pwedeng tawagin sa tagalog? pag ba tinagalog natin baril pa rin kaya yun? (kalibre apatnapu't lima hehehe) e bakit ang balisong bente nuwebe, bakit di na lang tawaging dalawampu't siyam??? (itanong kaya natin sa mga Batangenyo hehehe).

grade o marka
- bakit pag narinig mo ang salitang "uno" ang sarap pakinggan, pero pag sinabi mo ang grade mo ay "isa" ....ay ano ba yun??? walang kabuhay-buhay....baka tanungin ka pa ng iba "ano yun" hello number kaya yun hehehe.....katulad na rin ng tres at singko tagalugin mo ang mga grades mo....walang dating, di ba?

area o sukat
- paki basa nga ang 2x2....di ba iningles mo rin, eh kung spanish ano basa mo dyan? dos por dos di ba??? sabihin mo kayang magpapakuha ka ng ID na dos por dos baka ka pagtawanan ng photographer hehehe, kung sa spanish nga di uubra ano pa kaya ang tagalog nito? dalawa taymis dalawa ba? dalawa tapos dalawa?? hehehe ang bantot!!

teka baliktarin natin, pag bibili ka ng kahoy, sasabihin mo ba na pabili ng kahoy na 2 by 2, maintindihan ka kaya ng mga trabahador sa hardware? alam ko dos por dos ang alam nila o de kwatro yata o de singko? tama ba? di kasi ako bumibili sa hardware eh....ibang hard ang binibili ko noon hehehe...hard drinks naman (kayo talaga!)....teka mali, nagbebenta pala ako noon at di bumibili hehehe....pero ngayon iba ng hard ang alam ko talaga......hard drive na hehehe....


Hay ang laki talaga ng problema ko, de "numero" talaga ang nasa isip ko, ewan ko ba mula nang na "onse" ang kapatid ko ganito na ako, ni "singkong" duling di ko na talaga nabawi ang pera na yun. Kaya panay ang bilang ko eh hehehe.


UKOL SA LARAWAN: Kuha ko habang tumatakbo ang sasakyan namin, kung inyong papansinin may mga numero yan sa sign board, basahin nyo lang. Puro numero kasi ang daan dito, wala lang gusto ko lang iugnay ang hula ko sa larawan kahit walang kaugnayan hehehe.

Wednesday, August 19, 2009

HULA SCOOP: Mapapansin Ka Rin Ng Iba


HULA: Mapapansin ka rin ng iba kahit gaano ka pa tagal naghintay, ang mahalaga napansin ka nila. Ang masakit pag nagpapacute ka na ni anino ng lamok at yapak ng langgam ay di mo man lang nakita.

SCOOP: Yehey napansin din ako! hehehe. Salamat sa lahat ng bumubuo ng Kablogs team at nabigyan ako ng parangal bilang "funniest blog" sa karamihan ng mga OFWs. Mabuti na lang at hindi "corniest blog" ang pinangalanan at pumasa pa ako sa funny blog. Kaya sa lahat, maraming maraming salamat po uli! HIndi ko na kayo babanggitin na isa-isa (hmmm feeling artista ako ah hehehe) at baka may malimutan pa ako.


---------------------------------------------------------------------------

Nasabi ko na dati ang "speech" ko nang ako ay naparangalan ng mga kablogero ko, pero "S-P-E-E-C-H" as in "speech!!!" lang sinigaw ko noon, hayaan n'yo naman akong makapagbigay ng maikli pero malaman na mga quotations ko:

Sard's quotations: (hay nalimutan ko na tagalog ng quotations, pasensiya na ninenerbyos ako sa award ko e naku araw ng wika pa naman ngayon)

"Ang buhay ay parang gulong, minsan para kang sinisilaban ng apoy at minsan naman para kang bato sa tigas....kaya nga may "fire stone."

Teka ano naman kinalaman nito sa napanalunan ko? Di ko rin alam eh pero isa pa, pagbigyan n'yo na ako:

"Ang buhay parang gulong talaga, minsan mabuti ka, minsan feeling mo rich ka at minsan feeling mo ok talaga ang may boyfriend, kaya ba may BF good rich?"

isa pa pwede?

"Ang buhay ay gulong na gulong (mabilis ang bigkas ha) talaga, minsan ang buo mong taon ay napakabuti para sa'yo, kaya pasalamat talaga ako dahil ako ay nanalo! "good year" talaga ang 2009 na to!"

BOW!


Sa mga kapwa ko awardee congrats sa inyong lahat mapa OFW o mga kababayan natin sa Pilipinas.......manigas kayo! (You rock! hehehe) Congrats uli!

PAHABOL: Sana pagkatapos kong ipost ito ay hindi bawiin ng kablogs team ang award ko dahil sa kakornihan ko ngayon hehehe.

---------------------------------------------------------------

Sunday, August 16, 2009

HULA SCOOP: May Mga Katanungan Ka


HULA: May mga katanungan ka na minsan di mo masasagot kung hindi ka mag-iisip ng paraan. Hala mag-isip ka naman!

SCOOP: Alam niyo tama yang hula ko eh (syempre! ako pa... hahaha), may mga katanungan ako na hindi ko talaga masagot kaya si pareng google at si mareng yahoo lang ang katapat pero minsan mahirap hanapin ang sagot sa kanila lalo na kung wala akong tiyaga kaya ayun tinanong ko na lang ang anak kong panganay para mas madali hehehe.

----------------------------------------------------------------------------

Nang wala pa akong ginagawa sa aking bagong trabaho, marami akong naisip na kaisip-isip at napag-isipan ko .....(hehehe daming isip yan) na kung ang mga tao ay may iba-ibang salita siguro pati mga hayop din. Hay malamang epekto ito ng kakalaro ko ng farm town sa facebook. May mga hayop din kasi sa farm town, s'yempre bukid nga eh.

Kaya ayun tinamad akong magtanong kina pareng google at kumareng yahoo kaya sa anak kong nag-aaral ng Japanese ako nagtanong. Salamat sa kanya at nasagot niya ang mga Japanese na salita na di ko alam.

Kaya nang masagot niya ang mga tanong ko ay nabuo itong hula scoop ko ngayon:

mga salita ng hayop:

pusa:
US: "meow"
Pilipinas: "ngiyaw"
Japan: "nya nya"

aso:
US: "woof woof"
Pilipinas: "aw aw"
Japan: "wan wan"

manok:
US: "cock-a -doodle-doo" (ang haba naman???)
Pilipinas: "tiktilaok"
Japan: "kokekokko"

Ayan, di ko na hinabaan p,a sa sobrang dami ng hayop sa bukid eh yan lang ang kinaya kong alamin.

Hay kahit pala ang mga hayop iba rin ang mga salita nila kung saan man dako ka mapadpad. Sa Saudi, Dubai, China, Singapore, Australia ay ano kaya ang mga salita nila??? Hmmmm kayo natanong nyo ba yan???

Eto pa may naisip na naman ako, paano kung nagdala ako ng pusa sa US at ngayon nga napadpad na kami dito sa Japan at dala ko rin ang pusa ko (kunwari lang naman), paano kaya magligawan ang mga pusa??? Hula ko lang naman ito:

Nagliligawang Pusa:

Lalaking Amcat (amerikanong pusa): "now??"
Pakipot na Hapcat (hapon na pusa): "yoko"
Go na go na Pincat (pinay na pusa): "now na!!" hehehehehe (ala Kris Aquino pa siya!)

Alam ko may kwento pa sa mga hayop sa bukid eh pero....baka alam niyo na ang kwento na yun kaya yan na lang hehehe.

UKOL SA LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas ay kuha ko sa Pilipinas, mga pusa ng ate ko yan. Only in da Pilipins na kumakain ang mga pusa ng McChicken....dahil sa US at Japan wala namang McChicken hehehe...only in da Pilipins talaga.

Monday, August 10, 2009

HULA SCOOP: Hindi Ka Makakapag-sip Ng Mabuti


HULA: Hindi ka makakapag-isip ng mabuti dahil sa nabitin ka sa pahinga mo nitong nakaraang weekend. Mabuti pa huwag ka na lang mag-isip, isipin mo na lang na iisipin ka rin ng iba, malamang magdalawang isip ka pa at makapag-isip isip din.

SCOOP: Hindi nga ako makapag-sip kaya eto nabuo kong scoop, halatang hindi na nakapag-isip. Lumang paksa at mukhang "palasak" na pero wala kayong magagawa nagbabasa lang kayo kaya wag na magreklamo.

Marami sa mga ginagamit nating salitang tagalog ay hango sa salitang Kastila na namana natin nang masakop nila tayo ng higit tatlong daang taon. Kaya narito ang mga salitang Kastila at ang tunay na kahulugan sa tagalog o wikang Filipino.

Part 1:

Lamesa - hapag kainan
Bintana- durungawan
Eroplano- salipawpaw
Kuwarto- silid tulugan
Kasilyas o kubeta- palikuran
Pera- salapi
Aritis- hikaw
Bisita- panauhin
Entablado-bulwagan
Diyaryo- pahayagan
Kotse- sasakyan
Grupo-pangkat
Almirol- gawgaw

Part 2: (humirit pa, tama na nga eh)

Baso- salong tubig
Tasa- salong sabaw
Kutsilyo- panghiwa
Kutsara- pangkain
Tinidor- pantulong ng pangkain

Matagal na nating alam na:

Sinturon- salong bewang
Silya- salong puwet
Panty- salongguhit
Brief-salongganisa

Rayuma- salonpas (hehehe puro salon kasi eh)



BABALA: Sabi nga sa hula wala akong maisip kaya yun part 2 di ko maisip ang kahulugan sa tagalog kaya inisip ko na lang, kayo may maisip ba kayong tagalog ng kutsara at tinidor, di ko kasi maisip e? Actually (hmm feeling artista ahh hehehe) yun ibang salita sa part 2 e hindi na spanish iba dun hehehe.....pampagulo lang at ginulo ko lang kayo hehehe.

LARAWAN: Yan ay puto, pero huwag niyo na itanong sa akin kung ano sa spanish nito, dahil masama ang ibig sabihin.....muntik na akong mapaaway sa dati kong kasamahan sa trabaho ng mag-alok ako ng puto sa kanya hehehe.



Thursday, August 6, 2009

HULA SCOOP; Magiging Abala Ka sa Pagbibilang


HULA: Magiging abala ka sa pagbibilang.
SCOOP: Ang pagbibilang ay naging bahagi na ng ating buhay. Maging ano man ang binibilang mo malamang di mo rin na mabilang kung anu-ano ang mga ito.

----------------------------------------------------------------

Napag-usapan ang pagbibilang, ang subject na statistics ay isa sa gumagamit ng pagbibilang at malaki ang naging tulong nito sa akin dahil naging abala ako sa aking bagong trabaho. Paano???

1. Nabilang ko kung ilang tao ang nagdadaan sa hallway kada isang oras.

2. Sa paghagod ko sa aking buhok sa pamamagitan ng dalawa kong daliri, ang hintuturo at hinlalaki, nabilang ko kung ilan ang patay na buhok at ilan ang uban. Mas marami na pala akong uban.

3. Binilang ko rin kung ilan parking spot ang nababakante pag oras ng ng lunch tuwing 11am, 11:30am, 12nn at 12:30pm. At nalaman ko na magandang maglunch ng mas maaga ng 11:30am, dahil pagbalik ko maganda na ang nakukuha kong parkingan.

4. Sa anong oras ang panay ang hikab ko at anong oras ang hindi ako nahikab.

5. Anong probability sa pera na inihagis, kara o krus....ay di pala, tao o ibong agila (quarter na dollar kasi ang gamit ko e).

6. Nabilang ko rin kung ilan ang nakasuot na khaki, gray, puti, itim o walang panty....ooooppps pants pala hehehe.

Ngayon balak kong gamitin ang SPC (Statistical Process Control) para ilagay sa chart ang mga nakalap kong data, ayos ba??? Ang problema anong klaseng chart ang gagamitin ko? Saka ko na iisipin yan......malaki pa ang problema ko......wala pa rin akong ginagawa sa opisina ko! hehehe


UKOL SA LARAWAN: Inisip kong mabuti kung paano ko iuugnay ang hula ko sa larawan na yan??? Eto, sa sampung pugita na nakain mo ilan kaya ang babae? hehehe....Siyanga pala ang mga pugita na yan ay nilalagay sa tako yaki, ang japanese version ng squid ball sa atin....ay octopus ball pala nila ito hehehe....pareho din yun magkamag-anak naman sila basta walo ang galamay magkamag-anak na yun hehehe


tako (pugita) yaki yan

Tuesday, August 4, 2009

HULA SCOOP: Makikidalamhati Ka Ngayon


HULA: Makikidalamhati ka ngayon.
SCOOP: Alam nating nakidalamhati ang sambayanang Pilipino sa pagpanaw ng dating pangulo ng Pilipinas.....Paalam Cory.


P-ayapa ka ng nakahimlay
A-ng lahat ay nalungkot at nakiramay
A-t kahit ikaw ay wala na
L-alaban pa rin sa demokrasya
A-ng mga Pilipinong iyong kinalinga....
M-uli ang aming taos pusong pasasalamat sa'yong ginawa

CORY Aquino

Isa kang dakilang ina at pinuno ng Pilipinas.

Sunday, August 2, 2009

HULA SCOOP: May Maaalala Ka Na Lang Bigla


HULA: May maaalala ka na lang bigla, malamang ang tao o mga taong naging bahagi ng buhay mo dahil..... wala kang magawa.

SCOOP: Kung minsan may pagkakataong matatawa ka na lang bigla sa sarili mo na para kang sira, dahil siguro sa naalala mo ang taong minsan nagpasaya o kahit pa nagpahirap sa'yo....di ba? tama o mali?

------------------------------------------------------------------

Mahirap kapag walang ginagawa sa trabaho lalo na pag nagsisimula ka palang, nabilang ko na ang lahat ng taong nagdaraan sa hallway at nabilang ko na rin ang mga langgam na kumakaway sa akin habang pabalik-balik sa dingding na kanilang nilalakaran. Hmmm kaya ayun bigla ko na lang naalala ang naging titser ko na naging parusa ng college life ko pero naging katawa-tawa pag naalala ko siya, hmmm nasaan na kaya siya? Kung nasaan man siya....sana nandoon pa rin siya hehehe.

Isa sa mga kinatatakutan o "kinawiwirduhan" na instructor sa amin noong kapanahunan ko sa Mapua ay si Mr. Sison o si Sison ika nga ng iba (isa na ako dun hehehe). Hindi raw kumpleto ang stay mo sa Mapua kapag hindi mo siya naging instructor. Bakit kaya??? Kasi....

1. Naglalakad siya ng patalikod sa hagdan, baka raw kasi may tumulak sa kanya.

2. Ginuguhitan niya ng chalk ang bawat madaanan niyang wall para hindi raw siya maligaw pagbalik hehehe.

3. Sobrang talino kaya galit kay Isaac Newton kaya lahat ng unit namin na Newton sa subject niyang Strength of Materials pinalitan niya ng "Killton" gusto raw niya kasing patayin si Newton (hello patay na siya no!!) Kaya pag Newton o "N" ang nilagay mo sa sagot mo sa test (sa unit ng force) siguradong mali ka na! Dapat "K" as in Killton. Hay huwag niyo na tanungin sa kin paano na yun kilogram hehehe nalimutan ko na yun symbol nun sa subject niya, dami niya kasing pinalitan!

4. Bawal ang negative sign sa kanya dapat ang symbol ng (~) ang ilalagay mo yan ang negative sign niya.

5. Pinapatay ang upos ng sigarilyo kapag nasa loob na ng klase namin at binabalik ang natirang sigarilyo sa beltbag niya na suot suot niya habang nagkaklase, malamang gagamitin pa niya yun tirang yun.

6. Ang style niya sa pagsuot ng barong ay naka tuck in sa harap dahil nandun nga ang beltbag niya syempre yun likod tuck out.

7.Ang quiz namin ay laging "take home" pero hindi kami makapagkopyahan dahil lahat kami iba-iba ang sagot. Ang sagot kasi naman laging 4 decimal places from the right of decimal point. Yun tipong ang sagot ko ay 1.2345 at ang katabi ko naman ay 1.2352 kapag mali ang isang number mali na. Kasi nag assign pa siya ng seat number at ateb number (baliktad ng beta) doon nagkakatalo ang mga given numbers namin sa quiz. Hayy nakakahilo, basta ganun wagnyo na isipin yun hehehe.

8. Napakanta namin siya ng "Silent Night" (with matching actions huh) sa klase pero hindi namin naintinidhan, German version yata ang kinanta niya kasi kamukha niya si Hitler hehehe.

9. Lahat kami hindi namin maintidihan ang turo niya, may sariling style pero tama naman, galit sin sya sa author ng isang libro ng strength of materials (nalimutan ko na name ng author) kaya lagi niyang kinumpara ang method niya dun sa libro, mas maikli nga sa kanya pero....hello di pa rin namin siya magets.

10. Minsan lang ako makakuha ng mataas na grade sa Mapua na yan, sa kanya pang subject! Ako ang highest sa klase pero wala akong naintindihan at di ko rin alam kung paano ko napeperfect ang quiz niya??? Siguro sa sobrang takot na bumagsak hehehe. Ang nakakahiya pa, tinawag pa ako sa klase at pinakilala na ako ang highest tapos uutusan lang pala niya ako na pumunta sa harapan para icheck at sabihin sa kanya kung ang bawat kaklase ko ay may permit, ang sasabihin ko lang daw, "yes." (grabe hiyang hiya talaga ako nun!!! shy type pa naman ako....ngek....noon yun hehehe). Di ko alam kung magmamalaki ako sa nakuha kong grade o ikahihiya ko hehehe kasi hindi deserving wala akong natutunan (as in wala!!), pattern lang sa lecture ang ginawa ko sa quiz para makapasa hehehe....ika nga resourceful pero hindi smart. Ayun...yun lang, ang weird niya di ba??? Oo na lang kayo!

UKOL SA LARAWAN: Ginuhit ko ang larawan na yan, habang wala akong ginagawa sa aking munting opisina. Pagpasensiyahan n'yo na ang drawing ko, hindi ako magaling pero ganyang-ganyan talaga ang mukha ng titser ko hehehe, yan lang tumama sa mga drawing ko. Wala yun sapatos niya kasi hawak-hawak niya sa likod, nakatupi yun pantalon kasi baha, ganyan hitsura niya nang masalubong ko siya sa underpass ng cityhall, bitbit ang sapatos.