Sunday, May 31, 2009

HULA SCOOP: Pag-isipang Mabuti Ang Mga Desisyon Mo Sa Buhay


Ang mababasa ninyong hula scoop na ito ay ang official entry ko sa 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards or PEBA

Kung kayo ay nasiyahan sa blog entry ko na ito, paki boto na lang po ako, paki click na lang ang logo at iboto ninyo ang #6 Hulascoop sa site na yan....salamat kaibigan.
-----------------------------------------------------------------------------------------






HULA: Pag-isipang mabuti ang mga desisyon mo sa buhay upang hindi magsisi balang araw. Sumali ka na lang kaya sa PEBA baka manalo ka pa at wala ka pang pagsisisihan, tara sali na!

SCOOP: Sa bawat desisyon mo sa buhay may epekto ito sa kasalukuyan at panghinaharap, kung anuman yun dapat ay maging handa tayo. Kaya eto, sasali ako sa PEBA. manalo man o matalo, ayos lang....handa na ako.



------------------------------------------------------------------------------------------

May 31, 2008, Ang bilis ng panahon isang taon na pala ang nakalipas, ito ang huling araw ko sa aking dating trabaho sa Honolulu, Hawaii, huling araw ng pag tanggap ng pay check at huling pakikisalamuha sa mga dati kong mga kaopisina. Isang taon na rin pala nang napagdesisyunan ko na magresign at piliin ko ang pamilya ko higit pa sa aking magandang trabaho. Isang taon nang walang sariling sinasahod at nag-aabang na lang sa sahod ng aking mabait na asawa at isang taon na rin na walang sawang nililibang na lang ang sarili sa mundo ng internet. Hay....Happy 1st Anniversary Sardonyx!!! hehehe Hmmm nagcecelebrate din ba ng ganun? Yun isang taong wala pa rin trabaho??? Ano kaya tawag dun, One year Jobless Anniversary?? Meron bang ganun?.....meron na....ako yun!

Marami ang nagsasabi sa akin bakit ako nagresign sa trabaho ko gayong maganda naman ang sahod at benepisyo ko dito, marami nga raw mga tao nali- lay off sa trabaho samantalang ako, eto ako pa itong nagresign pinagpalit ang malaking sweldo para lang makasama ang asawa't mga anak sa Japan, na kung tutuusin pwede naman daw akong maghintay sa Hawaii kasama ang mga anak ko habang nagta trabaho ang asawa ko dito sa Japan. Bakit pinili ko pa na tumira sa isang bansa na walang katiyakan kung may mahahanap ako na trabaho na kapalit ang magandang buhay sa Hawaii? Sa Hawaii, may sariling bahay, may magarang mga sasakyan, nabibili ang luho ko.....alahas, bag, damit, electronics, alahas, bag, alahas, bag, alahas, bag.....teka paulit-ulit yata? oo paulit-ulit ko mang bilhin ang alahas at bag kaya ko.....ang yabang no hehehe, hayaan n'yo na pagbigyan n'yo na ako, noon yun! Ngayon......tinititigan ko na lang sila, libre naman yun eh hehehe.

Pati nga mga kapatid ko nanghihinayang sa desisyon ko at sinasabi na kung kaya nga ng mga ibang Pilipino na nangibang bansa iniwan ang pamilya sa Pilipinas alang-alang sa magandang hanap-buhay malayo sa pamilya, bakit hindi ko raw kakayanin? Hmmm di ko nga alam kung concern sila o concern sila na baka mawalan ako ng padalang pera sa kanila? hehehe pareho siguro, kasi ramdam ko ang hirap ng buhay ng mga kapatid ko, hindi ko sila masisisi na masambit nila ito sa akin.

Sa kabila ng mga narinig ko sa mga kapatid ko at maging sa mga kaibigan ko, eto ako hindi natinag pinagpalit ko pa rin ang trabaho ko sa pamilya ko. Masama man ang loob ko at hindi ako regular na makapagpadala ng pera sa mga kamag-anak ko sa Pilipinas, dapat gawin ko ang nasa puso ko, ang makapiling ko ang asawa ko sa hirap at ginhawa. Dahil dito ako masaya, sa pamilya na binuo at hinabi naming dalawang mag-asawa upang maging matagumpay at lumigaya. Para sa akin, ang trabaho ay pera lang madaling mawala, madaling kitain pero ang pagmamahal sa asawa at mga anak para sa akin.... yun ang mahalaga. Marami nang naging kaso sa buhay militar na ang iba pinili ang mawalay sa asawa dahil sa trabaho, ang kinahitnan naman....hiwalay.

Mahirap ang buhay ng isang asawa na nasa military, palipat-lipat ng bahay, minsan iiwan ka ng asawa mo dahil madedeploy siya sa ibang lugar.... ng ilang buwan minsan naranasan ko ang isang taon pa. Ang mahirap wala ka man lang kamag-anak sa lugar na pag-iiwanan sa'yo ng asawa mo mabuti sana kung nasa Pilipinas kami na kabi-kabila ang mga kamag-anak mo na tutulong sa'yo. Pero sa US, wala kaming malapit na kamag-anak, kahit pa "kapuso" o "kapamilya" pa, dagdagan mo pa ng "kabagang" o "kaututang dila pa" hehehe; dito KKB, kanya-kanyang buhay, ang mahirap aakuin mo ang lahat, habang wala ang iyong asawa, ikaw na ang tatay ikaw pa ang nanay, ikaw pa ang drayber at katulong. Kung pwede nga lang hakutin ang mga kamag-anak ko sa Pilipinas para lang gawin kong katulong at drayber namin ginawa ko na para matulungan na rin sa naghihikahos nilang buhay, pero di naman pwede, ang higpit ni Uncle Sam. Kahit katulong wala nga eh, drayber pa? Hay kaya nga di ganun kadali ang buhay sa US, minsan naiinggit nga ako sa mga mayayaman o nakakaangat sa buhay sa atin sa Pilipinas dahil may yaya, katulong at drayber pa, samantalang sa US, all around, bukod pa sa pagiging career woman ko, (naks naman, career woman daw hehehe)"kayod marino" talaga yung tipong bawal ang mapagod at bawal magkasakit.

Ito pa ang disadvantage, tuwing lilipat kami ng lugar o ng base, lagi na lang akong nadedemote sa career ko, sa halip na pataas eh, pabulusok pababa ang career ko, kumbaga sa ingles "nose dive" sa tagalog "pango," oo pango o sarat na nga yata ang career ko sa sobrang subsob hehehe. Mula sa pagiging engineer sa Pilipinas naging technician sa California, napromote naman ako at naging Senior Component Engineer, habang nilalasap ko ang magandang posisyon na ito na talagang masasabi ko na "job security" ito dahil nalagpasan ko lahat ng lay-offs ng kumpanya namin at ako na lang ang natira sa department namin, eto na naman, malilipat na naman ng base, nagresign uli para nga pumunta naman ng Hawaii.

Sa Hawaii, ayun balik technician na naman ako, (pasalamat nga ako at may nahanap kaagad akong trabaho dahil sabi ng dati kong amo, "lei greeter" daw ang bagsak kong trabaho, taga welcome at taga sabit ng bulaklak na calachuchi sa mga turista hehehe). Pero swerte pa rin dahil napunta ako sa manufacturing ng medical devices, napromote mula sa pagiging doc. technician at naging QA/RA Specialist (kung anuman yun, huwag ninyo nang alamin at sasama lang ang loob ko, basta nasa R& D o Research and Development ng medical device, di ba ang gandang pakinggan? Pero ito na naman bagong assignment na naman....Japan......ayun pinili ko pa rin ang pamilya ko.

Ngayon nasa Japan ako.....mukhang napromote yata ako.....yehey sa wakas......CHEMIST na ako, Chemist-er umaasa waaaaaa teka parang walang pinag-iba yata ito sa DH ah??? Oo nga, dakilang housewife!!! Isang taon na! Breaking the record! Waaa! Waaaaaaaa....tanga ba ako??? Engot? Hunghang??? Isang taon ng walang trabaho na dapat nagpapakasasa na ako sa magandang buhay sa Hawaii ngayon. Sabihin niyo ng tanga at eto bulag at bingi na rin yata ako, masaya pa rin ako at buo pa rin ang pamilya ko.

Sa tingin ninyo pag-asa pa ba ako ng Pilipinas at handog sa mundo? E isa na rin ako sa mga taong palamunin at walang maibigay na tulong sa nangangailangan. Ito ang lagi na lang palaisipan sa akin kung paano ako magiging karapat dapat sa sarili ko, sa ibang tao at sa bayan ko.

Pero ang alam ko, nagpapadala pa rin ako ng pera sa Pilipinas yun nga lang madalang na lang sa patak ng ulan, kada dalawa o tatlong buwan na lang, para sa Tatay at mga kapatid ko at minsan inaambunan ko pa ang tiyahin at mga pinsan ko. Nagpapadala pa ako ng balikbayan box , jumbo pa ang kahon dito kaya ang hirap pang punuin, parusa! hehehe. Pero iba talaga ang pakiramdam sa bawat hulog mo sa box kahit pawis at luha ang nilaan mo rito ang hatid pala nito ay ligaya at payapa ang pakiramdam na alam mong may makikinabang sa mga padala mong ito. Ano kaya iyon pwede na rin siguro akong maging pag-asa ng ating bayan, di ba? Dahil nakakapag remit pa rin ako ng dollar$$$ sa atin hehehe.

E paano naman ang handog sa mundo, "pasok" ba ako dito??? E jobless ako??? Hindi ako napapakinabangan ni Uncle Sam eh?? Wala ngang job opening sa field ko dito sa nakakainis na US base dito sa Japan, di ko naman kayang mag Japayuki no at wala akong "k" hehehe at ayoko namang makipag kumpetensiya pa sa mga kababayan nating Pinay na naghahangad mapadpad ng Japan, di ba?

Bakit ba parang "TH" ako as in "trying hard" magpapansin? Bakit marami akong katanungan na pinipilit kong sagutin. Ano nga ba ako ngayon? Ewan ko, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, naaawa ako sa sarili ko, ganun ba? Sinasambit ang mga bagay na yan para lamang pampa "lubag-loob?"Dahil sa parang wala na akong silbi sa ating bansa o kahit na lang sa mga kapatid at tatay ko? Masisisi ninyo ba ako na sa bawat letra ng tema ng PEBA na "Pag-asa ng Bayan, Handog Sa Mundo" parang lumalatay sa katawan ko ang mga kataga na ito. Hindi ko alam, kung bakit, basta ang alam ko ngayon nasusulat ko ang mga hinaing ko dito sa blog ko. Walang halong kaplastikan pero ito ang nararamdaman ko hindi lang dahil sa pacontest na ito kundi ito ang totoong nararamdaman ko.

Kaya hayaan ninyo babalitaan ko na lang kayo kung natanggap na ako sa trabaho. Sabi nga sa patalastas ng Champion, at ito ang aking pananaw sa buhay, "laging buo ang loob" at alam ko ako yun kasi pakiramdam ko pag kasama ko ang pamilya ko "abot ko ang mundo" teka....parang commercial yata ng Globe yun ah??? hehehe tsk tsk tsk homesick na talaga ako, iba talaga ang pakiramdam pag nasa sarili kang bayan...oo, sa bayan kong sinilangan. Walang katulad, walang kaparis, nandito pa rin sa puso ko at kailanman patuloy na mananaig ang pagiging isang tunay na Pilipino.




----------------------------------------------------------------------------

43 comments:

  1. Hinahangaan ko ang ginawa mong desisyon, sa aking pananaw laging priority ang family, pangalawa lang lagi ang hanapbuhay... makakakita ka pa ng panibagong trabaho, pero ang family, iisa lang iyan... hindi napapalitan.

    Ang dami mo ring pinagdaanang pagsubok bilang OFW, kahanga-hanga at pinagpala ka naman dahil nalagpasan mo ang mga iyan.

    Teka, nalilito ako, ito na ba ang entry mo sa PEBA? O isang panimula pa lang ito, kung baga sa kanta ay uma-"ad lib" ka pa lang.

    Marami kaming naghihintay sa iyong official entry.

    ReplyDelete
  2. Pope- Salamat pinapatatag mo na tama ang ddesisyon ko hehehe. Siyanga pala nalimutan kong ilagay ang banner ng PEBA pero ito na ang official entry ko, habang inspired pa ako sa paggawa nito, kasi bukas hindi na ito 1 yr anniversary ko kaya nakagawa ako ngayon ng entry para ihabol sa exact 1 yr anniversary ko hehehe dahil bukas 1 yr and 1 day na ito hahaha.

    ReplyDelete
  3. Wow! Ito na... o",) ...ang pinakaaabangan ng lahat!

    Personal story ni Madamme Sardonyx para sa PEBA. Huhmn, nagtatanong kayo kung pwede na ba ito sa PEBA? Sa tingin ko pwede na, tiyak maraming makaka-relate sa kwento niyo. U

    Ang dami niyo palang isinakripisyo, para sa sarili niyo, para sa pamilya, para sa bayan at para sa buong mundo!

    ReplyDelete
  4. Congrats, Sardonyx. Madami kang na-achieve sa isang taon mong pagiging walang trabaho. At saka ung choice mo to become a full time mom and wife is a feat in itself. Totoo di ba? Mas mahirap ang maiwan sa bahay kesa sa magtrabaho sa labas.

    Para sa akin, you deserve an honor to be a PEBA finalist.

    Your blog is inspiring and like Nokia, you're 'connecting people'.

    Nakakaalis ka ng homesick. Ivory e, kasi..."ang gaan-gaan ng feeling".

    Kakapulutan pa ng aral ang mga kwento mo (at siempre ang kwento ng iyong lolo). Para sa akin you're a Motolite. Dahil ikaw ay..."kombinsing"!

    (Tama na at baka hindi k n maniwala).

    ReplyDelete
  5. Kahanga-hanga ka Hula Scoop! To give up your promising career for your family is such a great act. That is the best gift you can give to your husband and to your kids. On the other hand, I don't say that mothers/wives who leave their families and hold on to a job, whether domestically or globally, are of a lesser degree in greatness.

    They say behind every successful man is a woman... and that woman may be beside the husband at home or in her workplace helping the husband to make both ends meet... Sabi kasi that the woman is a helpmate.

    Great post. Ibang klaseng genre ang entry na to...

    ReplyDelete
  6. Thank you for joining PEBA and you're entry give variety and strength sa PEBA. This time, hindi ako naiyak, bagkus natawa at namangha, alamat ka Sardz!

    We have also the same line of profession! hehe.

    In a few hours, a PEBA Representative will inform you with the status of your entry. Your post is unique, isang hula na nagkatotoo! hehe

    ReplyDelete
  7. Thank you for joining PEBA. Start displaying the 2009 Nominee banner in you sidebar and have it linked to PEBA website.

    You are already in the poll. Nominee #6.

    I love your entry. A sacrifice. it must have been hard... but i know it's worth it!

    ReplyDelete
  8. hehehe, Sardz, hindi ito entry. Rants mo ito. : )

    ReplyDelete
  9. I thought I can vote as much as I can heheh bawal pala ehehehe...Atche saludo ako sayo...manalo man o matalo ikaw pa din ang number one sa family mo....pero sana manalo ka :) mwahh

    Total Comments 1 | Start A New Comment
    Post Info Comment
    Posted By: Search Project Organizer

    Posted On: Jul 15, 2008
    Views: 1709
    Multiple Voting
    --------------------------------------------------------------------------------

    We thank you for your participation in the voting process. Please avoid multiplicity of voting. We are tracking IP and cookie addresses and enforce maximum security to ensure that the Pinoy Expats/OFW Blog Awards Poll is credible and reliable.

    The voting result will definitely impact the overall result of the selection process but it is just one of the criteria. For more details please visit www.pinoyexpatsblogawards.com

    Thank you again! Mabuhay ang mga Pinoy Expats and OFW Bloggers!

    ReplyDelete
  10. RJ- oo entry ko na walang kwenta puro hinaing hahaha, walang panama sa blog entry mo, nunal palang ni madame panalo ka na kagad hahaha

    Nebz- yan ang gusto ko sayo eh, laging may commercial slogan ang comment hehehe, medyo nag-alangan nga akong magjoin para lang masaya hala join na rin, sabi nga ng canesten "wala ng hiya-hiya" at "tuloy ang sigla" sa "Eden" ngek hahaha

    NJ- salamat sa comment, kakainspire naks naman, oo nga ibang klase ang genre ng entry ko hahaha, parang "diary" yata hahaha

    Mr. thoughtskoto- "alamat" na ba? tipo bang dapat na akong iukit at ibaon? hahaha; ikaw totoong "chemist" ako peke lang chemist-er lang umaasa ngayon hehehe

    Azel- salamat, nailagay ko na rin yun badge di ko ma copy and paste yun logo kaya I downloaded it and uploaded sa blog ko.

    blogusvox- entry na rants ito hahahaha o kaya rants na entry hehehe, kahit ano pa yan ok lang pamparami ng nominees hehehe

    crazypinay- salamat sa boto, at salamat sa laging pagsuporta (para akong kumakadidato nito sa pagka pulitiko ah? hehehe)....kitakits na lang tayo sa forum at sa email hehehe

    ReplyDelete
  11. Magko-comment pa ba ako? eh puro may matataas na katungkulan sa PEBA ang mga nagkumento eh lolzz

    Basta talaga kwento ng buhay masarap basahin at marami nakakarelate :)

    Kita kita tayo sa finals lolzzz

    ReplyDelete
  12. Chemist ka pala heheheh--chemister harharar!

    Yan na nga ba ang sinasabi ko sa mga nag-aabroad, kikita ng malaki at makakabili ng magarang bahay, sasakyan, at gamit, pero di naman nakitang lumaki ang anak! Tuloy parang estranghero ituring ng anak...Palagay ko ay di ito kayang pantayan ng anumang dolyar, o yen, o dinar, o ranbu--teka wala palang perang ranbu, imbensyon ko lang hehehe.

    Pero di natin sila masisi sapagkat ang talagang dahilan kaya nag-abroad ay hindi ang sarili kungdi ang pamilya. Yan ang dahilan kung bakit dapat na ituring na bayani ang OFW, at hindi lang dahil sa lintik na "remittance".

    Palagay ko ay malaki ang tsansa mo na manalo sa PEBA dahil nakakaantig ng puso ang iyong isinulat huhuhu ay hehehe pala.

    Pwede ba akong bumoto kahit hindi ako OFW?

    ReplyDelete
  13. tsk! tsk! tsk! mahirap talaga ang desisyon mo pero tama! tama! tama! tama siya! may tama ka!

    bow ako sa iyo at pinagpalit mo ang luho gaya ng bag, alahas, alahas, bag, bag, alahas at alahas at bag. :-( pero aanhin mo ang mga ito kung wala ka namang pamilyang ilalabas para ipasyal? THE! eh di hindi mo rin siya magagamit at makukulong ka lang sa bahay! di ba?

    pero sa tutoo lang mahirap ang ginawa mo pero saludo ako sa iyo sa desisyon mo. bihira na ngayon ang tulad mo. hindi lahat ng babae naiisip ang ganyan. sa iba mas importante ang perang kikitain kaysa sa pagsasama-sama ng pamilya.

    tignan mo nga iyan....naka-isang taon ka na palla ng di mo man lang namalayan. pasasaan ba at babalik ka ulit sa hawaii. :-)

    good luck to you and your family and a big "TOAST" to you!!!!

    ReplyDelete
  14. Lord CM- salamat sa pagdalaw, sana nga magkita0kita tayo hehehe

    choknat- long time no see sa blog, bigla kang nawala at di kita mahanap hehehe, salamat sa muli mong pagbisita

    Dennis- pwede kang bumoto, sige iboto mo na ako para madagdagan ang boto ko hehehe, salamat at naantig ang puso naks naman hehehe

    jazzams- salamat sa dalaw at pagboto hehehe, sa wakas nadagdagan na rin :-) sana nga makabalik sa Hawaii kaso wala na rin akong trabaho dun huhuhu....pero salamat talaga, nakaktaba ng puso, naks naman sipsip! hehehe

    ReplyDelete
  15. Hayan binoto na kita hehehe...pag nanalo ka ay wag mo lang kalimutan na isa ako sa bumoto sayo hahahahah!!!!

    ReplyDelete
  16. Dennis- salamat, oo di kita makakalimutan hehehe kahit matalo pa ako di rin kita malilimutan ganyan kita ka idol hehehe

    ReplyDelete
  17. wow... parang gusto ko na ring gumawa ng entry para sa PEBA..lols

    ReplyDelete
  18. Happy Anniversary nga :) And I believe that you made the right choice. A great job is hard to find, but you have demonstrated that your relationship is more important.

    Thanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comment. Come back tomorrow!


    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    I, Woman

    ReplyDelete
  19. ang mahalaga na masaya ka sa ginawa mo diba.. :)


    one year jobless anniversary. ang galing! ahaha

    natawa rin ako sa alahas, bag, alahas, paulit ulit. haha.

    ayos!

    ReplyDelete
  20. kosa- salamat sa dalaw, hinihintay ka ng PEBA para madagdagan ang kalahok :-)

    Joy- salamat sa komento sa bati hehehe, nakakataba ng puso

    choknat- oo nga masaya ako sa ginagawa ko basta kapiling ang pamilya; salamat sa pagbati hehehe

    ReplyDelete
  21. isa kang dakilang ina. maganda ang ginawa mong decision. sabi nga family first. napakasarap ng pakiramdam kung magkakasama kayong family.

    ReplyDelete
  22. life moto- salamat sa comment, at salamat at muli mong pinalakas ang loob ko na tama nga ang desisyon ko :-)

    ReplyDelete
  23. isa kang tunay na Handog sa Mundo...kaya wag kang magduda! kumbaga nagawa mo na yung share mo---wag kang magalala pagbigyan mo naman yung iba na umangat..lols jokeness

    pero seryoso po,
    saludo ako sayo iilan lang ang tulad mo.
    pinagpapalit ang kitang pera para sa pamilya!

    ReplyDelete
  24. kosa- salamat uli, wag kang sasaludo sa kin di pa ako capitan hehehe, marami lang kumakapit sa balikat ko hehehe

    ReplyDelete
  25. hello sardonyx! nde ako mahilig magpost, last week i voted already, then try ko ulit hehehehe once ka lang pala pedeng bumoto andito ako sa haws ng sister ko may computer sya, meaning iba ang IP address kaya vote ulit ako, i know leading ka na, pero gusto ko pa ring sumuporta so everytime magkakaroon ako ng chance sa ibang computer, try ko lang lagi, buti na lang memorya ko ang website ng ating bahay online kaya pag nakakita ako ng computer, log on agad ako sa ating forum para lang hanapin ko kung paano ulit bumoto , i admire your dedication sa family mo at ever since fan ako ng hula scoop mo.keep up the good work, sa panahon ngayon bihira na ang kagaya mo....

    ReplyDelete
  26. choknat- salamat sa boto hehehe, gudam and gudnyt din

    ReplyDelete
  27. des10ni11- salamat sa boto at nakakatuwa naman na fan na pala kita sa hula scoop ko noon pa hehehe, at salamat nagustuhan mo ang blog entry ko sana mapadalas ang dalaw mo.

    ReplyDelete
  28. follow my blog naman po? :) thanks!

    ReplyDelete
  29. I will quote this line, I don't know the original author may he/she forgives me.

    "Motherhood is the hardest job that you will learn to love".

    ReplyDelete
  30. reo- salamat sa pagbasa nito at I did follow your blog na

    Kuya Ronnie- it's indeed a nice quote and really inspires the mothers, isa na ako doon

    ReplyDelete
  31. tama sabi mo skin nkakatawa pro naiiyak ako prang drama na hehehehe ang galing mo congrats my farmtown friend... gudluck

    ReplyDelete
  32. nakakatuwa ka dakilang ina! :)

    ReplyDelete
  33. minsan mahirap mag desisyon sa buhay..pero sa tingin ko ginawa mo ang karapat-dapat na desisyon..good luck sa peba~

    ReplyDelete
  34. Been busy but I posted your link sa facebook and e-mailed it to my Filipino friends. Keep in touck

    ReplyDelete
  35. I Posted your link sa Facebook. Miss you..
    Roz

    ReplyDelete
  36. anonymous- my farm town friend salamat sa bisita, sana lagi mo akong padadalhan ng mango o coconut trees hehehe

    roanne- salamat sa comment at sa dalaw, sana nga dakila ako hehehe

    euroangel- salamat sa inspirasyon na comment na ito, nakakataba ng puso, bumoto ka na ba? hehehe joke lang kaw talaga

    Roz- salamat sa paglink sa facebook at sa pagsuporta

    ReplyDelete
  37. i'm sure u've made a right decision. sabi nga, unahin ang pamilya bago ang iba. isang mahirap at mahigpit na desisyon, kasiyahan at kapayapaan ang kapalit.

    one time, hihingi ako ng advice sau, since napagdaanan na ito, alam ko tama ang maisasagot mo.

    on behalf of PEBA team, thank you for joining and God Bless Us All!

    ReplyDelete
  38. Jon d mango- salamat sa pagdalaw at pagcomment akala ko nga ikaw na si joe d mango e hehehe ako sana ang hihingi ng advice lol...anytime kahit anong problema kaya nating solusyunan yan hehehe sige itanong mo lang sa akin nkung ano ba yun- lovingly yours- Ate Sardz hahaha joke lang

    ReplyDelete
  39. Dex- salamat sa bati ha, ngayon ko lang nacheck ang post ko hehehe

    ReplyDelete
  40. Hello Kabayan,

    For Foodcart Franchise Business opportunities please call or text me, if ever please give me an email so I can give you further details on how to start your future foodcart business plans.


    Thanks hope to hear from you, god bless you…


    Respectfully yours,

    Mr. Dee Vergara

    Franchise Consultant

    +63905.413.88.22 globe
    +63923.727.12.45 sun
    +63946.346.91.96 smart
    +632.901.17.07 loc.113
    YM ID: dee_metro
    email: dee_metro@yahoo.com
    http://www.metrofoodcart.com

    ReplyDelete