Sunday, February 28, 2010

HULA SCOOP: Umiwas sa apoy

A 10m Giant Spider at Roppongi Hills, Tokyo during day time (kuha ko last year)


During Night time


HULA: Umiwas sa apoy at sa singsing pero kung hindi maiwasan ok lang, ganun talaga, swerte swerte lang, kung mamalasin di ka talaga swerte kung swerte ka naman e hindi ka malas.

SCOOP: Ang swerte minsan hinahanap at minsan iniiwasan ang malas pero paano nga ba iwasan ang malas at hanapin ang swerte? Yan ang di ko masasagot. Pero ito pa ang mga tanong bakit apoy at singsing?? Dahil ba ang apoy ay nag-aalab?? na parang tukso?? E bakit singsing?? Dahil ba sa baka matukso ka sa taong may wedding ring??? heheheh Hmmm ah ewan!

----------------------------------------------------------------------------
Paano hahanapin ang swerte?

1. Umiwas sa feel mo na mamalasin ka.
2. Kung ang sabi ng hula malas ka ngayon, huwag hanapin ang swerte kasi nga malas ka nga.
3. Kung feel mo na swerte ka, malamang swerte ka nga so swerte mo talaga hehehehe....ang gulo!

Paano maiiwasan ang malas sa araw na ito, ang apoy at singsing???

Hindi ko pa rin alam!! Basta alam ko malas yata ako kasi lahat yata nang napuntahan ko ay may lindol! (Hello??? ano naman kinalaman niyan no??) Pero swerte pa rin ako dahil di pa ako nakapunta sa Haiti at Chile kung saan nagkaroon ng malakas na lindol. Pero malas yata talaga ako at sa tingin ko pagkatapos ng lindol laging may tsunami warning, lagi rin nakabuntot sa akin ang mga warning na yan! Katulad na lang nang una kong pag aabroad, sa California ayun nilindol kami doon, habang wala ang asawa ko pero mahina-hina lang yun time na yun compared sa nararanasan ko dito sa Japan at Pilipinas.

Sa Pilipinas ang malakas na naranasan kong lindol doon ay 7.7 noong 1990, grabe nasa 4th floor ako ng Mapua west building, may seatwork kami sa Differential Calculus, nilindol na kami e sige pa rin ang gawa ng seatwork pero sa sobrang tagal, ayun nagtakbuhan na rin kami sabay tapon ng mga papel. Wala ng stampede kasi kami na pala ang last na bumaba sa building hehehe. Naglakad lang naman ako mula Mapua hanggang Araneta Ave sa bandang QI (Quezon Insitute) at walang masakyan ng jeep....hay unforgettable!

Noong nasa Hawaii kami, 2006 nang nilindol din kami dun na may intensity 6.6 at nawalan ng kuryente buong island ng Oahu kung saan nandun ang sikat na Waikiki sa Honolulu. Pasalamat ako at Linggo nangyari yun wala akong pasok kundi nangatog na tuhod at tumbong ko (ooops excuse my word erase, erase hehehe) dahil nasa 28th floor ang opisina ko noon sa tapat ng Waikiki. Then may tsunami warning din kami noon nang magkaroon ng lindol sa Indonesia, kada yata may lindol sikat ang Hawaii sa tsunami warning (napansin ko lang hehehe).

At nang mapadpad naman kami dito sa Japan, 2 weeks palang kami, nagwelcome kaagad sa amin ang 6.8 na lindol gusto ko nang bumalik kaagad ng Hawaii nun hehehe sa sobrang takot, ang tagal kasi ng pagshake parang dinadambahan ang pinto ng kuwarto namin tapos may after shock pa, hay unforgettable talaga!

Pero ngayon pangkaraniwan na lang ang intensity 6.0 dito pero nakakakaba pa rin, kasi nagkaroon kami ng lindol after ng lindol sa Haiti tapos ngayon naman may tsunami warning dito dahil sa Chile's earthquake. Malas ko talaga dahil sa Northern Japan kami nakatira bandang east kaya nasa amin ang "major tsunami warning" mga 3m o 9ft or more ang ini expect na tsunami dito. Ang lapit lang kasi namin sa beach kung saan nandun ang Pacific Ocean, mga 5 to 10 minutes drive nasa beach na kami so gaano kaya kalakas ang hampas ng wave para kami mahagip dito???? Di ko alam, pero alam ko malapit kami sa dagat hindi katulad sa Pilipinas, California at Hawaii na malayo ang bahay namin sa dagat. Hay ano ba ang mga lugar na napuntahan ko eto yata ang malas ko.......apoy at singsing!!! "Ring of Fire!!" Anak ng tokwa!!!!! Ako pala ang tinutukoy ng hula ko!!!


PAUNAWA: Dalangin ko ang kaligtasan ng nakararami sa nakalipas na lindol sa Chile, sana wala ng tsunami na dumating dito sa amin at sa Pilipinas at iba pang karatig bansa.

LARAWAN: Imaginin ninyo na lang na kasing laki ng gagamba na yan ang tsunami na hahagip sana sa amin dito sa Japan, (pero ang minimum ay 3m o 9ft) pero maaring ganyan kataas. Kakatakot!

Thursday, February 18, 2010

HULA SCOOP: Magiging abala ka na naman

Hirosaki Castle


HULA: Magiging abala ka na naman sa iyong trabaho pero huwag mong kakalimutang bigyan ng quality time ang iyong sarili o pamilya mo. Remember yan ang lagi mong tatandaan, huwag mo lang kakalimutan hehehe gets mo?

SCOOP: Paano mo mabibigyan ng quality time ang sarili mo o pamilya mo?? Eh di mamasyal ka with your family, sabi ko nga "the family that pasyal together swak together" hehehe, yun ang sabi ko ewan ko sa iba.

---------------------------------------------------------------------------

Noong Sabado, Feb 13, 2010 habang abala ang mga tao sa paghahanda ng kanilang ireregalo sa kanilang ka Valentine (waaaa wag nyo ng paalala yan wala asawa ko) ay nagroad trip naman kami sa Hirosaki Castle Park, mga tatlong oras ang biyahe papunta dun. No choice ako, kaya I have to drive din.....pero sisiw lang yan sa kin kasi mga 10 to 15minutes lang ang aking minaneho papunta sa lugar kung saan kami sasakay ng tour bus hehehe mautak yata to ayokong sumagupa sa snow at magda drive na wala ang asawa ko baka kami mastranded no hirap na. Hayun nagbayad ako ng $100 sa trip ako at ang dalawa kong anak, ok na di ba?? ok na yun ang mahalaga hindi ako nagdrive hehehe.

Kaya eto share ko naman sa inyo ang aking mga pictures.

HIROSAKI SNOW LANTERN FESTIVAL


mga tao naglalagay ng candles kahit saan nila trip ilagay


Hello Kitty snow man ay snow kitten pala hehehe (namamaga yun pisngi niya siguro sa lamig)


Hawaiian show girl...ay snow girl pala hehehe (tama ba name?? hehehe)


parol na snow


pusong snow o snow na puso (whatever!)




building snow sculpture (di yan miniature ha)



ayan ganito siya kalaki kasing laki ng building


si mickey mouse ba 'to??? di ko siya kilala e


yan ang anak kong makulit


at syempre ang pinakahihintay ng lahat....ako...bow!! ayan nagbow pa ako hehehe

-------------------------------------------------------------

yun ibang picture dalawin niyo na lang sa isa kong blog para may bumisita naman sa kin dun hehehe, eto click nyo na lang ito "klik"


"paalam"

Friday, February 12, 2010

HULA SCOOP: Mabigat ang Loob Mo


HULA: Mabigat ang loob mo , wala namang hollow blocks sa katawan mo pero parang pasan mo ang daigdig ngayon. Sana lang, mailabas mo yan....baka kabag lang yan hehehe.

SCOOP: Minsan nararamdaman natin ang bigat ng loob na di mo alam kung paano mo ito papagaangin. Paano nga ba???

----------------------------------------------------------------------------

Kung mabigat ang loob mo, isipin mo lang ako lagi kasi, mabigat din ang loob ko....hehehe at least di ka nag-iisa.

Malungkot kasi ako dahil 4 na buwan na mawawala ang asawa ko tapos makatatanggap ka pa ng malungkot na balita na........baka i-end na ang contract ko sa trabaho, yun ang napakasakit!! Ilang beses nila akong pinalipat-lipat ng opisina, ni hindi ko nga nagawa ang job description na inaplyan ko e tapos dadalhin ako sa isang office para maging secretary, temporary lang naman, reliever ba dahil nasurgery yun secretary nila. Ni sa "hinagap" ng isip ko hindi ko inisip na makakapagtrabaho ko as secretary, ako kasi ang tipong di marunong sumagot sa telepono hehehe, shy kasi ako e (totoo yan! maniwala kayo....parang awa nyo na). Tapos eto na naman at ililipat na naman ako, admin position for 2 weeks, anak ng tinapa talaga! Hindi naman ako makapagreklamo kasi hindi naman nila ginagalaw ang pay rate ko. Para bang pinahihirapan nila ako at kung umayaw ako, e di ako ang talo. Pero ano sila hilo, di ako susuko, sino bang aayaw kung ang sinusweldo mo ay rate ng director sa opisina na yun (paano ko nalaman???? nun sinipag ako nagshred ako ng mga kalat ng boss ko nakita ko mga sweldo nila hehehe) tapos sinuswelduhan ka sa pagsagot lang ng telepono, wow sosy hehehe. Hay buhay......after 2 weeks di ko pa alam kung may trabaho pang naghihintay sa kin. Di ko talaga maisip na naghire sila ng isang posisyon na hanggang ngayon ay lulutang-lutang lang sa ere. Para bang nag-ubos lang sila ng pondo last year kaya naghire lang ng kahit anong posisyon. At ngayon, nagka cut down sila ng mga overhire at isa na ako doon.....huhuhu

Ilang araw akong nagmuni-muni para makagawa ng hulascoop kaso wala talagang pumapasok sa utak ko. YUn ang isa pang problema kung may utak nga ba ako???

Kaya ayun, uminom ako ng uminom ng beer......iba pala ang lasa kapag iniinom mo tapos nasa isip mo ay beer pero yun mismong iniinom mo ay rootbeer at least beer din di ba???? hehehe.

Kung iinom naman ako ng kape eh pampanerbyos naman yun, kahit ang gatas ay pampalakas di naman ako umiinom ng purong gatas lang. Bawal din daw ang kape na may gatas kasi yun kape pampanerbyos, yun gatas pampalakas so pag kape na may gatas, pampalakas ng nerbyos, mas lalong ayoko naman nun.

Bakit nga ba ako magpapakalasing, gugugulin ko na lang ang panahon ko sa mga mahahalagang bagay. At pinaplano ko nga na magbusiness na lang ako. Since naumpisahan ko na ang resto ko ay pag-uukulan ko ng buong pansin ang tinayo kong ito, bukod pa dun may isa pa naman akong business na medyo lumalago na rin.....sshhh huwag kayong maingay, bumili ako ng napakalaking ekta-ektaryang lupain, dalawa pa say nyo, hindi ko na nga naasikaso at least kung wala na akong trabaho, sobrang buhos pansin ang gagawin ko sa dalawang negosyo kong ito.

O sige maiwan ko na muna kayo, maglalaro na ako ng restaurant city, farmville at farmtown medyo napabayaan ko na ang mga pananim ko eh malaki pa naman ang binili kong lupa sa mga farm na yan. Yun resto ko medyo umuunlad naman na, pero pag nawalan na ako ng trabaho buong oras ko nandito na talaga. O sige bye na! Kitakits na lang tayo sa facebook!

Friday, February 5, 2010

HULA SCOOP: Marami kang matututunan ngayon

May snow pa rin dito


HULA: Marami kang matututunan ngayon, ang problema lang ay paano ka matututo.
SCOOP:
Huwag mo na kayang alamin, hula-scoop lang ang makakasagot sa mga tanong mo hehehe
-------------------------------------------------------
PAUNAWA MUNA:
Huwag kayong mabibigla, nagbasa muna ako ng tagalog na bibliya kaya seryoso itong hulascoop ko.
BABALA:
Huwag hanapin ang "punchline" ng post ko, nasa Tomas Morato, QC makikita ito.

words for today:
Panaghoy-call/cry/lamentation/wail (magsawa kayo!)

Pakakak- trumpet
(kala ko frog)

Mga natutunan ko sa aking pagbabasa: (magpakabanal muna tayo)


1. Sino ang dalawang tao sa bibliya na hindi namatay?

Enoch (Genesis 5:24) at Elijah (2 Kings 2:11)


2. Ano ang pinakamaikling English/Tagalog verse sa bibliya?

Jesus wept (John 11:35)


3. Ilang tao ang sumakay sa arko ni Noah (kasama siya) na naligtas sa baha?

8 (noah & wife + 3 sons and their wives) -hmmmp sa baha kaya namatay ang mga dinosaurs baka di sila nakasakay sa arko ni Noah dahil mabigat at malaki sila??? ano sa palagay ninyo? di rin kasi ako mapalagay eh....inisip ko rin bakit pa kasi sumama ang ahas dun sa loob, takot pa naman ako dito


Pagkatapos kong magbasa ng bibliya ay eto naman ang aking binasa, BUGTONG!:

1. May dila nga ngunit ayaw namang magsalita,

kambal sila’t laging kasama ang isat isa
Itali o igapos kahit higpitan mo pa

tiyak silang sa iyo ay sasama- SAPATOS


2. Mahaba ang bituka at itoy lumilipad

Kapag hindi mahangin ito ay tinatamad- SARANGGOLA


3. May ulo’y walang buhok

may tiyan walang pusod- PALAKA


4. Maliit pa si Nene marunong nang manahi- GAGAMBA

5. Dala mo, dala ka, dala pa ang iyong dala- SAPATOS, TSINELAS


SARD'S BUGTONG VERSION:


1. Binabasa mo muna at pinapatigas

Bago isusuot sa butas- SINULID


2. Pinasok ko ng matigas

Malambot na ng lumabas sa butas- BUBBLE GUM


3. Nilalabasan na nga sinasakal mo pa- BOTE


4. Anuman ang tago mo nito, basang-basa(wet) pa rin ito- DILA


5. Ulo aso, katawan aso, paa aso, buntot aso, pero hindi aso- TUTA


Tuesday, February 2, 2010

HULA SCOOP: May Lungkot Sa'yong Mga Mata

Zoom! Zoom!


HULA: May lungkot sa'yong mga mga mata at kay bigat ng yong dinadala.....
SCOOP: Hindi ko hula yan, kanta ni Rey Valera yan hehehe, pero sa totoo lang malungkot talaga ako....huhuhu

Eto ang talagang scoop ko....

Malungkot nga ako kasi:

1. Umalis kanina ang asawa ko papuntang Qatar (bakit kasi di pa ipull out ang US troops sa Middle East, dami nadedeploy tuloy!) huhuhu at mananatili siya doon ng apat na buwan

2. Mamimiss ko ang Papa ko (buti sana kung lagi kaming nag-aaway at talagang di ko siya mamimiss no baka nga ipagtabuyan ko pa siya, kaso di na nga kami nag-aaway nun e huhuhuhu)

3. Akala ko tapos na ang pag iisnow dito, hindi pala so walang magpapala ng driveway namin kundi ako lang....ako lang (tapos na ang pagpopose ko sa picture, totoo na 'to hehehe)

4. Mapipilitan akong magdrive sa malayong lugar kapag weekend para makapamasyal (ang tamad ko pa namang magdrive lalo na pag may snow huhuhu talaga, bakit ba kasi mahal ang taxi dito!!)

5. Walang magmamasahe sa kin kapag masakit ang likod ko kakapala ng snow ( magiging best friend ko nito talaga si kumareng salonpas)

6. Wala akong katabi, walang mayakap, walang malambing......walang........ayoko na ayoko nang mag-isip!!! hehehe baka saan pa mapunta ......Gusto ko pasayahiin ang sarili ko.....paano?? pumunta na lang kaya kami ng Tokyo Disneyland?? Di ba sabi nga sa slogan nila "Disneyland is the happiest place on earth" so dapat talaga pumunta ako doon, masaya raw doon eh. Pero ayoko pa rin, wala rin si Papa ko e, maraming paraan......eto na lang


Paano ba maging masaya kapag alam mong malungkot ka?


1. Magbasa ng palaisipan at sagutin mo ito, tulad nito:
"What occurs once in every minute, twice in every moment, yet never in a thousand years??? (hayyy sumakit ulo ko kaya dapat may back-up kayo kung anong next na pwedeng gawin)


2. Mag-aral ng tagalog words na isasalin mo sa ingles, tulad ng mga ito (ayan nasagutan ko yan huh!):

"Pamatok"- yoke pala yun akala ko patpat na ibabatok mo sa ulo e hehehe
"bagabag"- hardship (naks naman hindi yan mga bag huh )
"matuwid"- right (bakit hindi left?? e diretso din naman yun left, di ba?)
eto pa:
bukong-bukong-
alak-alakan-

3. Magbasa ng mga jokes:

“Oo na Pacquiao, People’s champ ka na. Pero tandaan mo kung may makapagpapadugo ng ilong mo, ako lang yun! Tanging ako lang!” -english.

Lasing1: Pare, syota ko noon ang nanay mo.
Lasing2: (Tahimik)
Lasing1: Nakikinig ka ba pare? Sabi ko, syota ko noon nanay mo.
Lasing2: Tama na, itay! Lasing na kayo eh! Shot na!

4. Magbasa ng mga quotes:

Love is like a bowl of oatmeal; warm, mushy and good for you. Lust is like soup, it is only good when it is hot. =)

It is not who I am underneath, it is what I do that defines me. - Batman. Iniisip nila ay hindi mahalaga, mahal kita maging sino ka man. - Robin.


Tama na! Baka di na ako makapagpost ng blog nito hehehe, siguro naman di na ako malulungkot lalo na kung mag-iiwan kayo ng comments hahaha