Monday, March 30, 2009

HULA SCOOP: Mawiwili Ka Sa Isang Libangan



HULA: Mawiwili ka sa isang libangan….ang pakikipagchat, mag-ingat sa iyong kausap baka madala ka ng kanyang matamis pero huwad na salita.

SCOOP: Nauso na ang pakikipagchat ngayon, isa sa dahilan ng pagkakaroon natin ng bagong kaibigan sa internet ay sa pamamagitan ng instant messenger …syempre sikat sa mga Pinoy ang Yahoo Messenger (YM). Minsan mapapansin nyo na maraming features ang YM, may phone call, may avatar, IM environment, smiley icons o emoticons at ang audible; ilan lang yan sa magagamit mo pag nakikipagchat ka. Kung di ka marunong nito…di ka “in”…your out!

Ang nakakatuwa merong audible para sa mga pinoy, ito yun animated characters na may sinasabing expressions in Filipino o Tagalog. Matagal na rin itong naglipana sa YM. Pero syempre sa bawat expressions may hidden meanings din, so ihahambing ko ang dalawang klase ng meaning; isa para sa nagliligawan o MU (mag "UN") at ang isa naman ay para sa magkaibigan lang o di type ang nanliligaw. Kaya kung ginamit ng kaibigan mo ang audible na to….think twice…baka niloloko na kayo nito hehehe. Kaya check nyo na audible nyo, kung wala kayo nito…hay naku di ko kayo kilala…dali maghanap na!

Audible expressions and their hidden meanings....sardonyx's version:




1. “Hello ok ka lang”-


Nagliligawan o MU- I miss you, do you miss me na?
Di Type ang nanliligaw o friend lang- Ano, Sigurado ka?



2. “Ang cute cute mo talaga”


Nagliligawan o MU- Hay naku crush talaga kita
Di Type ang Nanliligaw o friend lang- Feeling mo cute ka?



3. “Korek ka dyan”

Nagliligaw o MU: Ang smart mo talaga, Bilib na ko
Di Type ang Nanliligaw o friend lang: Sige na, tama na… feeling mo matalino ka?


4. “Hanep! Astig ng dating mo pare!!”


Nagliligawan o MU- Ang galing ng porma mo, kaka in love
Di Type ang Nanliligaw o friend lang- Baduy mo!! yuck kadiri!


5. “hmmm…teka muna”


Nagliligawan o MU- Sana mamiss mo ko kahit sandali
Di Type ang Nanliligaw o friend lang- Manigas ka dyan! Ang boring mo!


6. “Sori, strict ang parents ko”


Nagliligawan o MU- Type kita kaya lang pakipot muna ko
Di Type ang Nanliligaw o friend lang- Di kita type


7. “Ganun?”


Nagliligawan o MU- Yun lang? Wala bang I love you?
DI Type ang Nanliligaw o friend lang- Maniwala ako

---------------------------------------------------------------------------------------------

PAUNAWA: Ito’y sariling opinyon lang at huwag personalin at baka mamaya ang kausap mong kaibigan ay awayin…hehehe

ISA PANG PAUNAWA: Ito ay hawi sa isang e-mail uli na naglipana sa internet, pero itong ginawa ko ay galing sa yahoo audibles....pasensya na at mahirap magpiga ng utak...lalo na pagwalang laman hehehe.

TANONG: Sa palagay nyo madedemanda ba ako ng yahoo nito??? Abangan....

PAHABOL: Ang larawan na nasa itaas ay sa Sendai na pinuntahan ko kaya ako'y nawala ng ilang araw....wala itong kaugnayan sa hula ko.....nagkataon lang na blog ko ito kaya kahit ano ok lang ang ilagay ko hehehe.

9 comments:

  1. haha. i use ym pero never ko pa na-experience ang audibles. wala din akong webcam. :) shucks, saang planeta kaya ako galing? hehehe...

    ReplyDelete
  2. Wala akong Filipino audibles. Parang hindi ko gusto kasi maingay.

    Tulad ng sinabi mo, Sardonyx na dapat mawili nalang sa isang libangan: sa blogging nalang ako (huwag na muna sa chatting).

    ReplyDelete
  3. paano pa lagi ako OL sa YM pero sa Mobile Phone, walang audible...yun. minsan nga ang sad na face ang labas sa mobile phone, galit na smiley! hahaha.

    Pero narinig ko na yan lalo na sa mga kaibigan ko from US na walang ginawa kundi mangungulit. Ang ingay pa naman lalo na paulit ulit. hehehe Ang galing ng interpretation mo Ms Sardz. Mas magaling pa kaysa sa yahoo na mga wordings. At Ngayon ko lang napansin, oo nga no, parang para sa magMU at magfriends yung pagkakahati ng mga audi na yan.

    ReplyDelete
  4. Ano un? D ko alam un. OMG, nagkakaedad n nga ba ako?

    Nagcha-chat ako pero 2 lang yata lagi ang ka-chat ko. Ung isa kapatid ko na super bagal magtype kaya after half hour, inip na inip ako. Happy n lang akong makita sila sa webcam.

    Ung isa naman sa love ko, super bilis magtype pero nauubusan ako ng kwento. Happy na rin lang ako na makita sya sa webcam.

    Promise this weekend, i-try ko ung audibles.

    ReplyDelete
  5. Hinahanap ko iyong audible na nakalarawan na bungo na nagsasabing "Wow pare...Bigat" na tila sinasabi ng lalaki sa kanyang ka-chat mate na sa unang pagkikita nila sa cam ay taba-ching-ching pala ito. I really enjoyed reading your blog, minsan iniisip na bakit hindi mo ito ilimbag, gawing isang libro.

    Kaibigang Sardonyx, ipinapasa ko pala sa iyo ang aking UBER AMAZING BLOG AWARD, nawa'y pagdamutan po ninyo ang aking munting handog. Salamat po

    ReplyDelete
  6. Reena- ano ba yan? san ka nga bang planeta galing hahaha? bak anaman wala ka kasi masyadong kachat kaya ganun hehehe

    RJ- oo mas ok nga ang blogging kung wala ka namang nililigawan sa chat hehehe

    Mr. Thoughtskoto- ay wala ngang audibles sa mobile phone no, hayaan mo next generation ng mobile phone design malamang meron na yan hehehe

    nebz- ngek ba't di mo alam ang mga ito?? ano ba yan??? sige try mo gamitin ang mga audibles na yan w/ my hidden meaning huh hehehe

    pope- di ko na naisama yun bungo kasi di ko makuha yun picture niya hehehe, pero may meaning din ako dun, eto:

    "Wow pare...bigat"

    Mag MU- Ang galing mo talaga!
    Di Type ang Nililigawan- Ang yabang mo, mabigat ba yan?

    Pope salamat pala sa award, teka ano itong UBER Amazing Blog Award? Pano 'to? Salamat ha, nakakain ba ito? Ube flavor ba?? Ano gagawin ko pag nareceive ko ito??? Ishi share ko ba ito??? Please paki linaw hehehe at ngayon lang ako nakatanggap nito...very excited ako hehehe, matagal na kasi akong di nakakadalaw sa blog mo hehehe at sa ibang blog at naglimayon kasi ako




    mag MU-

    ReplyDelete
  7. oo nga nagtaka ako sa picture ahaha

    ReplyDelete
  8. haha. eh parang ikaw nga lang may alam ng audibles eh. hehehe...baka ikaw yung naliligaw ng planeta. :)

    ReplyDelete
  9. kcatwoman- salamat sa pagdalaw kahit nagtaka ka sa picture hehehe

    Reena- oo nga malamang ako ang taga ibang planeta eh hahaha, nasaan ba kayong lahat nang nagsabog ng mga audibles ang yahoo? hahaha meron pa nga akong chinese at japanese pero di ko na ishi-share at magmumukha na akong tanga hahaha

    ReplyDelete