
HULA: Pahalagahan mo ang bawat oras sa iyong buhay, batbat man ito ng kahirapan o puspos ng pagpapala, ang mahalaga…wag kang makikisawsaw sa buhay ng iba.
SCOOP: Atin munang balikan ang mga salitang ginamit ko at ang kahulugan ko nito.
KAHULUGAN KO: (walang kokontra)
Batbat-palo-palo (you know when you play baseball, you use the "bat" like palu-palo)
Puspos-tulak-tulak (push is tulak so puspos is tulak-tulak, "_alf kapampangan ako kaya wala yun "h" ng push)
Sawsaw-dip-dip (wala lang gusto ko dip dip eh)
Marahil napansin ninyo ang mga ginamit kong mga salita, ang paksa natin ngayon ay ang mga inulit-ulit na salita, slang man o hindi. Narito ang mga salita na ginagamit sa pagluluto.
PAGLULUTO:
Pakpak
Pukpok
Dikdik
Tadtad
Gadgad
Budbod
Dagdag
Sawsaw
Pitpit
Sapsap
Halimbawa: handa sa hapunan
PINUKPOK NA PAKPAK NG MANOK RECIPE
1. Linisin maigi ang pakpak (wag papabigkas sa mga "kano" ang salitang ito, mag-iiba ang kahulugan) ng manok, tanggalin ang dulo nito para maalis ang lansa
2. Ipukpok ng malaking kutsilyo kung kinakailangan.
3. Magdikdik ng bawang
4. Magtadtad ng sibuyas.
5. Maggadgad ng niyog
6. Ilagay ang mga pakpak ng manok sa kaldero.
7. Ibudbod ang dinikdik na bawang at tinadtad na sibuyas sa kalderong may manok.
8. Magdagdag ng asin, paminta at suka.
9. Himasin este Lamasin maige ang ginadgad ng niyog at lagyan ng tubig.
10. Pitpitin ito hanggang kumatas ang gata.
11. Ibuhos ang gata sa manok at pakuluan.
Ayan, may ginataang manok na kayo na ginamitan ng dinoble-dobleng salita recipe hehehe….ternuhan natin ng….
PRITONG SAPSAP
Mga sangkap
Teka nakakahalata na ako ahhh, marunong naman kayong magprito di ba?? ok tapusin na natin ito.....TAPOS na! hehehe
PANUTO: Wala akong larawan ng pinitpit na manok kaya, "laslas" na itlog at "bilbil" ng manok ang nailagay ko na lang. At least dinoble na salita pa rin hehehe....pinilipit ko nga lang ang mga pangalan nito hehehe.
PAHABOL: Hindi ko pa tinangkang lutuin ang recipe na yan, patnubay ng "kaalaman" ang kailangan at gamot na diatabs ay huwag kakalimutan.
sardonyx namiss na kita!!! :) hahaha...naalala ko mga kababata ko sa post na eto...eto names nila:
ReplyDeleteging ging
pit pit
don don
jun jun
may may
bing bing
o diba? hehehe..kami angmga batang batibot...
manok manok manok! doble doble dobleng mga salita na nakakatuwa! masubukan nga ang recipe mo para sa manok!
ReplyDeletehahaha! pinupurga na kami niyan dito sa Saudi kasi may Swineflu di ba? Paano kung may magsubok magluto niyan, hehehe
ReplyDeleteI always admire your way ng pagiisip ng mga post. They just freely flow from your minds? Galing eh. Gawa ka book balang araw.
Reena- meron din akong hula scoop about sa mga names na doble-doble no hehehe, nandito
ReplyDeletehttp://hulascoop.blogspot.com/search/label/pangalang%20pinoy
eh anong name mo dyan, bing bing ba??? ang mga pinsan ko rin ang mga names ay: leng-leng, det-det, jun-jun, lot-lot pero ako walang doble eh
syel- naku di ko pa natry yang recipe na yan hahaha, ingat ka at may swine flu ngayon hehehe
mr. thoughtskoto- si syel susubukan daw hahaha, basta ba may back-up na silang diatabs ok na yan o kaya imodium hehehe; oo galing sa utak ko ang mga hula ko hehehe dugong pinoy ang nananalantay sa aking isipan hehehe
Cholesterol! Hmmm...dapat malaman kay RJ kung totoo nga ang paniwala na ang pakpak ng manok ang pinaglalagakan ng pinakamaraming cholesterol. At dahil may dagdag na gata ang pinukpok na pakpak (talaga bang dapat lasug-lasugin ang buto?), mas lalong macholes.
ReplyDeleteTumpakpak ba kaya ako?
Nakakatuwa naman ang iyong recipe na ginataang manok na iniluto sa mga inulit-ulit na salita, pinasaya mo naman ang aking Byernes - bilang pagtugon sa iyong likha, magluluto ako ng chiken curry para sa aming tanghalian.
ReplyDeleteHave a great weekend Bb. Sardz.
ah ganun ba. hindi ko napansin yungpost na yun ah. :)
ReplyDeletereena reena ang nickname ko. :) jk...walang doble name ko
nebz- oo nga makolesterol daw nga ang pakpak ng manok, totoo kaya yun?? di pa nadalaw si RJ dito eh; dapat-lasug-lasugin yun para ma "tak-tak" ang taba hehehe....pero actually wala lang para lang may dobleng salita no hahaha
ReplyDeletepope- hmmm masarap yang chicken curry na yan, mag"pitpit" ka ng luya ha at mag "taktak" ng curry powder hehehe
reena- di mo nga mapapansin kasi luma na yun hahaha, at wala pang nakakapansin sa blog ko noon
syel- pahabol, bakit ko nga ba nasabi ang swine flu ehhh pig disease yun.... hahaha wala lang kasi baka gawin mong pinitpit na baboy eh hehehe