HULA: Huwag mong balewalain ang mga bagay na binabalewala mo lang. Kahit pa ang mga gawain mong ginagawa sa araw-araw ay huwag mong tangkaing isumpa o kalimutan lalo na ang pagkain sa iyong hapag kainan. Dahil balang araw, malalaman mo rin kung bakit.... bakit! Hmmm bakit nga??
SCOOP: Kapag pala napalayo ka sa iyong bansa ang mga bagay na nasa harapan mo lang dati na binalewala mo ay nagiging napakahalaga nito kapag wala na sa paningin mo. Maging ang mga ginagawa mo dati at mga taong nasa tabi mo lang ay hahanap-hanapin mo talaga. Bakit kaya ganun? Pero kapag nandiyan naman binabalewala mo lang. Hay ang tao talaga walang kasiyahan sa buhay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Isa sa mga di ko pwedeng kalimutan o balewalain ay ang ulam ng Pinoy, at siyempre ito ang peborit ng halos lahat, ang sinigang na baboy! Ano naman kinalaman nito sa hula ko?? Oo nga ano??? Hmmm isip-isip....kasi sa Pilipinas kapag sinigang na baboy ang ulam dapat ang mga sangkap ay tama rin. Anu-ano ba ang mga sangkap nito?
MGA SANGKAP NG SINIGANG
*baboy na kakakatay lang (liempo o ribs) *sitaw *kangkong *sili *kamatis *sibuyas *gabi labanos sampalok o tamarind soup base powder mix
optional:
okra talong
sawsawan: patis na may sili, bahala na kayo sa diskarte
Note: * puro sariwa
Noong nasa Pilipinas pa ako (wag kayong mag-alala babalik ako sa bansa natin para magretire pag marami ng ipon na pera hehehe), kailangan tama ang mga sangkap kasi kung ang kangkong ay pinalitan mo ng pechay, ang sitaw pinalitan mo ng baguio beans at ang gabi pinalitan mo ng patatas hindi na ito sinigang, nilaga na yun! nilaga! hehehe pero kung ang lasa ay maasim pa rin, nilagang sinigang ang kakalabasan nito hehehe.
Dito sa Hilagang Japan (Northern Japan) kung saan ako napadpad ngayon (sa ayaw at sa gusto ko huhuhu) ay napakahirap makahanap ng kangkong at sitaw. Mayroon man pero mangilan-ngilan at kapag nakita ng mga kapwa ko Pinoy ang kangkong, bibilhin lahat ang mga ito, di man lang magtira sa iba na katulad kong sabik sa kangkong.Tapos gagawin lang nilang adobong kangkong. So kailangan talaga may nakalaan kang ipapalit sa mga sangkap ng sinigang dahil kundi mamumuti ang mata mo kakahintay. Ang sitaw naman, malabo talagang makabili isang beses palang akong nakakita dito sa loob ng isa't kalahating taon, binilhan lang ako ng kaibigan ko pa.
Ngayon nararamdaman ko na kung paano ko nilait ang pinsan ko nang minsan nagluto siya ng sinigang na ang sangkap ay cabbage baguio at baguio beans (hmmm pero di naman siya taga Baguio hehehe) at sinabihan ko siya ng "ang sarap naman ng nilaga mo" hehehe....sabi niya sa kin, sinigang yan no hmmp!....ayun napahiya na naman ako at pero mas lalo naman siya no hehehe.
Ngayon ito na ang sangkap ko sa sinigang:
BAGONG SANGKAP NG SINIGANG SA AMING LUGAR SA JAPAN
frozen baboy (liempo o ribs o neck bone) baguio beans o bichuelas (sa tagalog) o green beans sa US spinach na dapat kangkong (pampalakas naman ito no sabi ni Popeye) *Japanese sweet chili pepper, sariwa(mahabang sili pero walang kaanghang-anghang, sweet nga no) *kamatis, sariwa sibuyas, sariwa *gabi sampalok tamarind soup base powder mix
optional: (depende kung mahal na ang mga ito)
labanos *okra talong
note: *magiging frozen na ang mga ito ngayong winter kasi nag imbak na ako ng mga kamatis at sili sa freezer dahil pag winter dito ginto na ang presyo ng kamatis nasa $2 na ang isang piraso at yun sili wala ka ng makikita as in wala, yun gabi naman may nabibili ng frozen na hubad na gabi, balat na kasi eh hehehe
Waaaaaa kakainis mabuti pa sa America (sa California at Hawaii kung saan ako napatira ng ilang taon, kahit nga sa Alaska na nag-iisnow kung saan galing ang friend ko meron din nga e) halos lahat ng gulay sa atin meron doon para kang nasa Pilipinas na. May kangkong, sitaw, bataw, patani, kundol, patola, upo't kalabasa at saka meron pa labanos, mustasa, sibuyas, kamatis bawang at luya, sa paligid-ligid ay puno ng linga. ...lalalalalala kumanta na hehehe. Teka nakahalata yata ako ahhh bakit walang kangkong sa "bahay kubo" na kanta??? Hmmm di pwede yun walang kangkong kung walang sinigang....at walang sinigang kung walang kangkong!!! Wala rin baguio beans, gabi at sili!! Sino ba composer nun??? Siguro di kumakain ng sinigang yun??? Di ba?? Ano sa palagay niyo? Di kayo mapalagay? Ako rin eh.
LARAWAN: Luto ko, tara kain na tayo! Sinigang with spinach and green beans hehehe
HULA: May karanasan ka na hindi mo malilimutan, magsisilbing aral ito sa’yo upang lalo ka pang tumibay. Magpakatatag ka kung ito man ay dagok, lunokin mo na lang ano man ang dumating sa iyong buhay, mapa tubig, soda, juice, beer o wine, iwasan mo lang na wag sumobra dahil ang lahat ng sobra ay nakalalasing.
SCOOP: Akala yata ng ibang readers ko e ako si Ate Charo, Dra. Holmes, Ate Helen, Joe D Mango, si Kuya Eddie o kung aino pang showbiz personalities. Kaya eto meron na naman naligaw na e-mail sa akin tungkol sa kanyang karanasan kaya narito.
Dear Sardex,
Hindi na ako nagpapatumpik-tumpik at magpapaliguy-ligoy pa tutumbukin ko na ang aking problema. Nag umpisa ito noong dinala ako ng boyfriend ko sa isang liblib na pook. Natakot ako dahil first time ko na sumama sa kanya sa ganoong lugar, kaming dalawa lang kaya nakakailang. Ang sabi ng bf ko magpalit na raw ako ng damit para daw hindi madumihan at malukot damit ko, pero una ayoko pero sabi niya dapat na raw ako magbihis, napilit niya rin ako ewan ko ba pag ang bf ko na ang nagsasalita nababato balani na ako sa kanya ayun wala akong nagawa kundi magbihis. Kinabahan ako sa mangyayari sa min, pero ang sabi nya sa kin sya raw ang bahala at tuturuan niya ako, dahil alam nya first time ko yun. Siya ang first bf ko at siyempre first date ko kaya as in wala talaga akong kaalam alam nakakahiya mang aminin pero siya ang first sa lahat. Tapos sabi niya sa akin sumampa na raw ako siya na ang bahala ewan ko kung paano pero ang bilis ng pangyayari basta naramdaman ko na lang nakasampa na ako at hinawakan ko na lang ang kamay ng bf ko, naramdaman ko ang init ng katawan niya kaya naging kampante ako sa ano man mangyayari. Niyakap niya ako ng mahigpit ako naman napapisil na lang ako sa kamay niya at ang sabi niya sumabay lang daw ako sa galaw so sumabay ako at ang sabi niya sa kin pag nararamdaman ko na ok na ang lahat at nasasarapan na ako pwede ko raw bilisan at medyo iangat ko raw ang pwet ko, ginawa ko naman. Napapikit nga ako nang una kasi di ko alam anong mangyayari sa akin, pero masarap nga medyo nga lang masakit at nakakangawit sa balakang pero nang katagalan na binilisan ko na ang indayog ko ang sarap pala, panay na ang angat ko grabe at binilisan ko pa ng binilisan hanggang sa aaaahhhhhhhhhh ray!!! Bog bog bog…yun na lang ang narinig ko, nahulog ako sa kabayo hu hu hu. Yung bf ko di man lang ako sinalo ang sarap ng pwesto niya sa likod ko!!!
Kaya eto dalawang buwan na akong nakaratay sa kama at di pa rin makalakad kaya ako nakakapagbasa ng blog mo kasumpa sumpa talaga ang kabayo na yan! (hindi yun bf ko ha, kasi pogi sya no). Binreak ko na ang bf ko dahil sa ginawa niya sa kin, sinabi ko naman sa kanya first time ko sumakay ng kabayo pero ayun nahulog tuloy ako at ang nakakainis pa ni hindi niya pa ako nasalo o nahawakan sa kamay! Pero Sardx mahal na mahal ko pa rin siya, ano ang gagawin ko?
Ang iyong tagahanga Ineng
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear Ineng
Kung mahal mo pa talaga ang bf mo, balikan mo siya at siguraduhin mong siya na ang sakyan mo at nang di ka na mahulog, binitin mo pa ang mga readers ko ! hehehe
Sardonyx
LARAWAN: Mga rebulto ng kabayo sa Misawa Tonami Clan Park, you know....wala lang.
PAUNAWA: Patnubay ng matinong isipan ang kailangan, nasa isip lang ang naglalaro mong imahinasyon sa totoong pinapahayag ng nasasaad sa sulat. Mag-ingat.
HULA: Susuwertehin ka ngayon sa mga bagay na may kulay “kahel” o orange, simulan mo ng hanapin ang mga kulay na yan, kapag lumipas na ang araw na ito, malas na yan.
SCOOP: Suwerte nga ba ang kulay na yan sa’yo? Ewan ko no hehehe
Napag-uusapan ang kulay kahel, ano nga ba ang nagpapaalala sa akin kapag nakakakita ako ng kulay na kahel o orange, eto:
Pumpkin- kapag ganitong taglagas o “fall” or “autumn” season sa US o Japan (nandito nga pala ako nakatira hehehe), ang napakarami at naglalakihang pumpkin ang karaniwang makikita sa grocery stores. Kapag Oct. 31 o Halloween ginagawa nila itong “Jack-o-lantern” at kapag natapos na ang Halloween, ginagawang pumpkin pie ang loob nito. Bakit nga ba walang pumpkin sa Pilipinas??? Ano ba ang tagalog ng pumpkin? Malaking kalabasa?? Kamag-anak ng bayarang babae??? hehehe
Wala naman kasi tayong Halloween talaga, nakikigaya na lang tayo ngayon, e sino ba namang Pilipino ang bibili ng malaking kalabasa tapos tatanggalin o kakayurin mo lang ang loob nito at bubutasan ang harap para magkakorte ng mukha ng tao? At lalagyan mo ng ilaw sa loob??? at ididisplay mo lang sa gabi para takutin ang mga bata??? Sa hirap ng buhay ngayon mayaman lang ang makakagawa nito sa atin, ang kaso mas marami ang mahirap sa atin so malulugi ang mga magtatanim nito. Hindi rin mahilig ang Pinoy sa pumpkin pie, malamang gagataan ng mga Pinoy ang pumpkin at isang buwan nila itong ulam sa laki ng pumpkin matagal maubos hehehe. Pero wala naman sigurong pumpkin sa atin so wag na lang natin problemahin kaya hehehe.
Persimmon- first time kong makakita ng persimmon ay sa California, ang akala ko noong una ay chesa ito, pinaka ayaw kong prutas pa naman ay chesa. Hindi naman pala, ang lasa nito ay pinaghalong “papaya” na “chiko” hehehe, ano kaya ang tawag nito sa Pilipinas??? Papako? Hehehe Nagsaliksik ako kay pareng google at ang sabi ay mabolo daw ang kamag-anak nito sa atin. Di ko pa natikman ang mabolo kasi ang mahal nito noon siguro naman hanggang ngayon din. So kamag-anak pala siya ni Mabolo ... ay ng mabolo. Kulay red ang mabolo pero yun lasa hindi ko maikumpara kasi di pa ako nakatikim nga, hayaan n’yo pag balik ko ng Pilipinas bibili ako ng mabolo para malaman ko ang pagkakaiba. Ang alam ko ang mabolo ay mabalahibo ang balat nito ala velvet ang dating, samantalang ang persimmon ay napakakinis ala porselana ang dating hehehe.
Nabigla ako nang makita ko na marami pala nito dito sa Japan at kung itinda nila ay kahon-kahon. Ang tawag nito sa Japan ay “kaki” pero di naman kulay kaki hehehe kulay orange din siya. Para sa akin, mas masarap ang persimmon nila dito kumpara sa California o Hawaii. Hindi kasi ako nahilig kumain nito nang nasa California at Hawaii kami e at iba ang hugis nito doon. Eto pa, dalawa ang klase ng persimmon, astringent at non-astringent akala ko ang astringent ay pang eskinol lotion lang hehehe so pati pala prutas ginagamit ang term na yan, na ang ibig sabihin ay “to bind fast” o “ “mabilis na pagdikit?” o “madikit na mabilis??” o rugby??? hehehe whatever! Iba-iba rin pala ang species nito, may itim or black persimmon, mabolo or velvet-apple (kulay red), date-plum (lasang date at plum) , American persimmon (orange) at ang Japanese persimmon (kaki)….kaya pala iba-iba ang lasa nito, kahit pare-pareho sila ay iba-iba rin pala hehehe, ang labo talaga!
Paano ito kainin- ibuka ang bibig, kagatin,ngatain, lunukin….teka babalatan mo pa pala hehehe
Orange- alam niyo naman kung ano ang orange so ok na yan, super haba na itong scoop ko no. Ask niyo na lang si mareng yahoo naman.
PAUNAWA: Walang kinalaman ang pumpkin at persimmon sa suwerte niyo, nasa tao yan. Kung suwerte ka, di ka malas at kung malas ka di ka naman suwerte. Ganun lang yun, pareho yan pero iba.
kuha sa tapat ng bahay namin......ahhhh ano tawag nga sa mga ano na yan?? yun mga yun, nakikita ko yan sa farmtown at farmville eh
HULA: May sasabihin ka, pero malilimutan mo ang sasabihin mo. Kaya kahit wala kang dapat isipin mag-iisip ka ngayon kung ano bang iniisip mo na nalimutan mong isipin. Hay kakalitong mag-sip! Di ko maisip!
SCOOP: Bakit nga tayo minsan pag nagsasalita bigla na lang malilimutan mo na ang sasabihin mo o kaya wala ka na talagang masabi. Kaya mapapa ahhh ehhh ihhh oohh uhhh ka na lang hehehe, anu-ano kaya ang mga dahilan nito??
MGA HALIMBAWA NG MGA SALITA O KATAGANG NABIBIGKAS KAPAG WALA KANG MAISIP (ano nga bang tawag sa mga salitang ito??? di ko maisip tawag eh)
1. ahhh- kalimitang nabibigkas sa unahan ng pangungusap at nababanggit kapag nagtatalumpati sa maraming tao o kapag kinakabahan
halimbawa: ahhhh ahhhhh ahhhh kinakabahan kasi ako pasensiya na po
2. eh- kapag walang masagot na dahilan; o kaya nag-isisip kung paano magsinungaling
halimbawa: mister- eh eh sensiya na dear ginabi kami ng uwi kasi galing kami sa patay eh eh eh...... dear- anong patay???baka sa "patay sindi" na mga ilaw kayo galing??? at umaga na no!!!! @#$%%^&@@!@!!!!!!!!!
3. ano- kapag hindi alam ang tawag sa isang salita, alam mo ang pangalan na tinutukoy mo pero nasa dulo ng dila mo at di mo masabi (kamayin mo kaya dila mo no ng maalala mo hehehe)
halibawa: kasi yung ano di ako makapag ano kapag naaano ako kaya wala akong maano, paki ano na lang ha makakaano ka rin kapag naano mo
4. yun- kapag may tinuturo na di alam ang pangalan o may tinutukoy na ayaw banggitin ang pangalan o di lang talaga alam ang pangalan
halimbawa: paki abot nga yun, oo yun, yun nga!
5. you know- nahawa ka na sa ingles ni pacman o baka idol mo na si pacman, you know
halimbawa: Kuto (Cotto) is tough "you know" that's why i let him hit me you know....
6. lalala- kapag hindi mo na alam ang kanta yan na ang lyrics na kinakanta mo
halimbawa: la la la la la
7. nanana- bagong "lalala" para maiba naman kakasawa na kasi ang lalala
halimbawa: eto click nyo yun video
Marami pa sana kaso di ko na maisip ang iba, kayo naman mag-isip kung may maisip kayo kung wala naman ehhh ok lang yun! Anuman yun basta ano yun, yun na!
HULA: Magmamahal ka ng lihim sa isang taong lagi mong nakikita, mag-ingat ka baka ka mabulag ng iyong paghanga.
SCOOP: Talaga ngang nakakabulag ang humanga sa isang tao lalo na kung iba ang lakas ng dating sa iyo, nandito ang isang liham mula sa isa sa aking masugid na tagasubaybay. Kayo na ang humusga. Love can move grammar hehehe ano ba yan.
I know your blog is so popular now a weeks, months, or years especially to the people of blogosfir. And maybe you are strong to back out me with Papa Piolo. I’m so in lab with him, his eyes, his look, his ear ( I only like his right ear), his black, his 6 puck ab… , "you know" what I meant and that made him very sex appeal to me. I saw him here in personal but I was in disappointed. Here’s my letter I hope you understood why I’m mad at him but don’t correct me I still love him.
Its’ mhee Duh-na
Letter:
Papa Piolo,
You always snob me, you know that Heller, I’m not there, stupidly waiting and still hoping for your love. Are you blind, even your blind you will look to me. I know your blind, I’m not moving I’m waiting always not now but maybe someday you will page me to find me Somewhere down the road, me and you, you and me My heart is pulpitating like cow and yours is tibuking like mine.
I hope, there’s something happen, why not now I wish you can love me somewhere in time You know nothing, that I’m here, waiting like punching to the moon In the future I will have a nytmare nightmer nightmeyr dream that you will love me I told you, you will love me. Maybe today, next week, or next year not now bullet day you know it will come.
Your fan Duh-na
PS: Please pardon my French fries I meant my english muffin, I can’t utter words to say how much I love Piolo so I copied one of my pinoy songs and converted it to english, you know it’s like transformer from 110V to 220V or vis verse. I bet I’m better in english than in tagalog when it comes to writing penpals. I hope you like it and post it to your frends in your hulascoop.
PAUNAWA: Yun sulat iningles lang yun isang kanta, ano kayang kanta yun? Eto yun video, bahala na kayo. Basahin nyo yun sulat uli habang pini play nyo itong kanta hehehe
Larawan ni Manny galing sa yahoo, nanalo laban kay Cotto sa WBO Welter weight boxing title
HULA: Matutuwa ka ngayon kasi yun inaasahan at hinihiling mo ay natupad din.
SCOOP: Congrats sa'yo kaibigan, natupad din kung ano man yan inaasahan mo. Ako hindi lang tuwa ang nararamdaman ko ngayon, masayang-masaya na tuwang tuwa na ngiting ngiti habang tumatawa na mag-isa dahil natupad lahat ang inaasahan ko, nanalo kasi si Pacman hehehe.
Sa mga umasa na mananalo si Pacman, congrats! Sa mga umasa na matatalo siya, congrats next time baka manalo na ang manok nyo hehehe.
Ito lang ang masasabi:
Sard's headline:
Manny "sinuyod' si Cotto Cotto tiniris ni Manny Hiniling "cotto," manalo si Manny "Manny cotto" (ooppps pangit pakinggan hehehe)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Interview ni Manny pagkatapos ng laban niya kay Cotto: (napanood ko lang sa ESPN)
Brian Kenny ng ESPN ininterview si Manny:
Brian: Rounds 2, 3 and 4 were all time rounds, what is it like being involved in those rounds? Manny: First 3 rounds I'm trying to measure his power that's why I didn't move and I'm trying to get hit to measure what I said, power.
Brian: What do you think his (Cotto) power? Manny: Well, strong but I'm pretending that I'm not hurting his punches and "you know" I made it.....
Brian: Where is this rate in your career among the worst you fought? Manny: One of the hard fight of my boxing career......I considered "kuto" is tough.....
Di ko na tinuloy kayo na magtuloy, nose bleed ako talaga sa ingles ni Manny, pero panalo ka pa rin Manny! galing mo sa "boxing", 7 titles, a really great boxer!
PAHABOL:
Dahil sa laban ni Pacman nawalan ako ng boses, kakasigaw bukod sa nabingi yun katabi kong kaibigan hehehe. Sakit din ng palad ko, kakapalo at hampas ko sa asawa ko hehehe
Nang iinterview-in na si Manny parang gusto kong ifast forward yun interview di naman pwede, wala kasi akong maintindihan sa mga sagot niya, "you know" hehehe
HULA: Mag-ingat sa mga taong nasa paligid mo baka magoyo ka ng kanilang matamis na pananalita kamukat mukat mo dupang pala. Matutong dumiskarte sa ganitong pagkakataon, mahirap nang maisahan baka mapraning ka lang.
SCOOP: Goyo? Dupang? Diskarte? Praning? Gets nyo ba ang mga salitang ginamit ko? Muli natin tatalakayin ang mga salitang kanto o slang. Narito ang ilan sa mga napulot ko sa internet na mga halimbawa nawa’y kapulutan nyo rin ng aral:
1. banil- libag na makikita sa leeg at batok na mahirap matanggal sa kapal; pinagpatong-patong na libag 2. baktol- matinding putok o body odor 3. balbonik- taong mabalbon o mabuhok sa katawan 4. bakti- bakat ang panty 5. tutsang- buhok na lumalabas sa ilong 6. atchaka- buhok sa ilalim ng labi (from the phrase bigote “atsaka” balbas) 7. baskil- basa kilikili 8. karug- buhok sa ilalim ng pusod (“karug” tong ng buhok sa baba hehehe) 9. mcarthur- "dumi mo" na bumabalik pagkatapos mong iflush ang toilet (eeewwww) 10. wetpaks- pwet 11. hindot- bayarang babae 12. Booblets- maliit ang boobs (ooopps sorry, ano bang magandang ilagay ingles o tagalog nito??) 13. Boyoyong- malaki ang labi 14. Bumper- boobs o malaking hinaharap (ayan mukhang mas tama to) 15. nikotin- mantsa sa underwear na kulay tsokolate hehehe
BABALA: Ang mga salitang ito ay napulot lang sa tabi-tabi, patnubay ng matinong kaisipan ang kailangan. Kung nalaswaan kayo sa kahulugan paumanhin na lang kaibigan, sensiya na tao lang.
Malapit na laban ni Pacman kaya nandito ang lumang mga jokes tungkol sa kanya, matalo, manalo, si Pacman pa rin sa akin ang panalo!!
Lumang Pacman Dyoks uli > > > Pacquiao: honey, buksan mo na yung sweets... > Jinky : lambing mo talaga. mwah !! nasan ang sweets honey? > Pacquiao: yung sweets ng ilaw. di ako makakita... ang dilim!! > > ************************************************************ > > Noodle!! Noodle!! Noodle!! > > - Manny Pacquiao sa Deal or No Deal.. =) > > > > ************************************************************* > > > -Sa Las Vegas- > > Waiter: May i take ur order, madam? > Aling Dionisia: Soup > Waiter: Chicken, asparagus, noodle, fish or soup of the day? > Aling Dionisia: Soup drenks! > > **************************************************************
> 'you iS!' > > 'you is!' > > 'you is!' > > -sigaw ni Aling Dionisia pgdating sa Amerika. Andito na aq sa 'you is!'
Mahilig maglakbay sa malawak na daigdig ng sapot. Mahilig na rin magkukuha ng mga larawan ng walang kabuhay-buhay.
NPA- no permanent address, laging palipat lipat