HULA: Hindi mo maiiwasan na hahanapin mo sa isang bagay ang kahulugan nito sa iyong buhay.Di mo alam kung bakit pero nasa isip mo na lang, basta hayaan mo na lang di ka naman niya inaano e.
SCOOP: Narito ang ilang sinipi ko na masasabi kong quotes na ginamitan ng isang uri ng “tayutay,” ang pagtutulad o simile.
TUNAY NA KAHULUGAN SA INGLES:
Tayutay- figure of speech; ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin
Pagtutulad – Simile; paggamit ng pariralang wangis, parang, katulad, mistula at iba pa.
Mga Quotes na Nagsasaad ng Tayutay, ang Pagtutulad o Simile:
1. Ang kaibigan ay parang ebak,
mainit at malambot, mahirap tiisin,
hindi mo magawang tapakan sapagkat madikit.
at once na matapakan mo sigurado aalingasaw ang baho mo.
2. Ang love, parang sintas ng sapatos.
Dalawang dulo ang kailangan para mapagbuhol,
pero isang dulo lang ang kailangan para kumalas.
3. Ang mga babae daw ay parang alak.
Edad:
17-18 lasang Shandy
19-25 like Champagne
26-35 Brandy
36-45 Whisky
46-50 Ginebra
51-55 Rubbing Alcohol
56 and up, formalin
4. Ang pag-aaral, parang beer.
Mapait sa simula pero masarap kapag nasanay ka na.
Masakit sa ulo at nakakaantok. Ang pagkakaiba lang, mas mura ang beer.
Kaya bakit pa tayo mag-aaral? Inuman na lang!
5. Minsan, nag-aaral akong maggitara.
Masakit sa kamay, mahirap pag-aralan.
Dun ko lang naisip na ang gitara, parang love.
Kailangan munang mangawit at magkakalyo ang kamay bago makaisa.
6. Ang pagkakaibigan ay parang bulate sa puwet,
hindi mo nakikita pero nadarama mo yung kiliti nito.
Salamat mga blog friends, kasi kayo ang bulate sa pwet ko,
ang kati nyo di ko kayo matiis mga prends!
PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay halimbawa ng pagkakaibigan, dalawang batang hapon mukhang nag-uusap bago sila magpakita ng galling sa pagtambol.
Bulate sa puwet?
ReplyDeleteAs usual, sa tuwi-tuwina, pinapatawa mo ako sa iyong mga posts. Halos humagalpak ako sa number 3. Formalin talaga?
Nebz- salamat sa dalaw, di ko alam kung formalin nga no wala pa naman ako sa edad na yan hehehe
ReplyDeleteSadyang nakatutuwa ang mga quotes na yan, favorite ko yung sa ebak eh. Haha, dami kong natututunan na kalokohan sa blog mo LOL.
ReplyDeleteBastusin yung sa alak! Habang tumatanda nagiging cheap LOL. Shandy ako. Ano yun? HAHA.
Bagama't Mahal na Araw na ngaun, ipagpaumanhin muna ni Bro ang aking sobrang paghalakhak habang binabasa ko itong post mo, lalo na iyong bulate sa puwet.
ReplyDeleteMaraming salamat iyong panulat at muli mo na naman akong pinasaya, purihin ka ngaung Mahal na Araw kaibigang Sardonyx.
halfcrazy- di ko rin alam anong lasa ng shandy e di kasi ako umiinom, ang beer lang na naiinom ko ay rootbeer hahaha
ReplyDeletePope- salamat at napatawa kita, bawal bang tumawa? hahaha e panay ang tawa ko sa blog ko di bale "ha ha ha" lang naman na mga salita pero di ako ngumingiti hihihi