Monday, April 27, 2009
HULA SCOOP: Kailangan mong harapin ang katotohanan sa balitang iyong matatanggap
HULA: Kailangan mong harapin ang katotohanan sa balitang iyong matatanggap.
SCOOP: Ang katotohanan na matatanggap mo ay depende kung hindi nagsisinungaling ang magsasabi sa'yo. Kung sinungaling, yun ang problema paano mo ito haharapin?? patalikod na nakaharap kaya? hehehe
----------------------------------------------------------------------------------------------
ISANG KAIBIGAN
May natanggap kaming balita nitong Sabado, malungkot pero sabi nga sa hula dapat tanggapin ang katotohanan. Namatay ang matalik na kaibigan naming mag-asawa, tinuring namin siyang isang kapatid mula nang kami ay nasa California pa naninirahan, 43 lang siya. Siya at ang pamilya niya ang naging pamilya namin sa dahilang wala naman kaming malapit na kamag-anak dito. Kung tutuusin kaming mag-asawa ay malayo sa mga kamag-anak namin, lahat nasa Pilipinas. Naging masaya ang pagtira namin sa California dahil sa kanya, sa lahat ng lugar kami ang magkakasama, mapa long driving na biyahe at kahit pa sa aksidente kasama namin siya at ang pamilya niya (mabuti at naligtas naman kami at eto nagba blog na nga ako hehehe). Siya rin ang may pakana na nagtanghalian lang kami sa Las Vegas at umuwi na rin kaagad matapos ang mahigit apat na oras na biyahe mula California.
Cancer sa lymph nodes ang ikinamatay niya, anim na taong nakipagbaka sa cancer. Pero naging huwaran siya sa amin, matapang niyang hinarap ang sakit niya. Dinadaan niya sa mga biro ang lahat; ang ilang mga jokes ko dito sa hula scoop ko ay galing sa kanya. Walang pagkakataon na hindi siya hihirit ng mga jokes niya kung kami ay nagkakausap, kahit ang sakit niya ay dinadaan niya sa mga biro. Ang tawagan namin ay "Chong at Chang, minsan chongki at changki ganun din sa asawa niya at asawa ko." Idol namin siya basta sa mga jokes, laging may hirit kahit sa mga seryosong usapan.
Kaya nga ang hula scoop kong ito ay iniaalay ko sa kanya, narito ang ilang mga jokes niya:
1."Walang problema na hindi ko kayang palakihin. "(shout out niya sa friendster niya)
2. Lahat ng mga ayaw ni misis, ginagawa ko: "ayaw niyang maglinis- maglilinis ako; ayaw niyang maglaba- maglalaba ako, ayaw ni misis na mamalantsa- mamalantsa ako."
3. Pag daw siya mamamatay, gusto niya parang natutulog lang daw siya (yun braso niya nakatakip daw sa mukha at mata niya, yun parang natutulog, gets n'yo hehehe).
4. Kung hindi ko daw siya madalaw, siya na lang daw ang dadalaw sa akin (naku "Chong wag mo naman gagawin yun, ninenerbiyos ako nito!")
5. Gusto raw niyang umuwi sa Pilipinas at doon mamatay kasi sa Pinas daw masaya, 24 oras may tao, may pasugalan, may pasakla, may pabiskwit at kape pa at maliwanag ang mga ilaw. Mura din daw mamatay. Hindi katulad sa US, may oras daw ang viewing, tuwing gabi lang minsan apat na oras lang, walang pasugal at hindi raw masaya. At gagastos pa raw ang pamilya niya ng $15,000 para ipalibing lang siya.
Nakakatuwang isipin pero bawat sambit niya sa pang lima na yan, tumatagos sa puso ko... naiiyak ako. Masakit pero totoo. Pero hindi naman siya hahayaan ng pamilya niya na maiwan sa Pilipinas na mag-isa kung nasa US na ang lahat niyang mahal sa buhay.
Ito lang ang masasabi ko sa kanya ngayon, malayo man kami at di na makadalaw sa kanya,
"Chong, alam ko payapa ka na, tapos na ang paghihirap ng katawan mo at higit sa lahat, ikaw ay ligtas na. "
PANUTO: Ang cherry blossom (sakura) lamang ang maipapadala ko galing pa ng Hirosaki, Japan yan, para sa'yo ito Chongki! At huwag mo na akong dadalawin, ok lang kami dito....salamat na lang sa dalaw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mas maganda sana kung blue ang sky nu'ng kinunan niyo ng picture ang cherry blossoms.
ReplyDeleteRJ- ayaw magblue eh hehehe, laging gloomy dito nagsnow pa nga kahapon, by the time na umaraw dito baka wala na yun sakura hehehe
ReplyDeletei didnt know that you're half marinduquenon. ganda ng marinduque. medyo maraming tao pag holy week pero it's still worth it. ganda kasi talaga ng moriones. i already decided to spend my holy week next year in marinduque again. that's how much i like the place and the moriones.
ReplyDeleteI can see that you and friends really share at least one wonderful thing - sense of humour! You were blessed by your friend's presence in your life. Wherever he may now, I'm sure he continues to have a blast.
ReplyDeleteThanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comment. Come back tomorrow!
joy
A Pinay In EnglandYour Love CoachI, Woman
hello po... (:
ReplyDeleteNGEK!!!
sabi lang ni RJ "sana blue yung sky!"
at sabi lang ni Dong "ay taga marinduque ka pala?!"
siguro naiyak rin sila(kaya hindi sila nagcomment about Tito Edgar). hahah. kung hindi naman sila naiyak, mga walang puso 'ata po sila.. hehe. =P
pero alam niyo po?!? naiyak po ako sa blog niyo...! hahah. (yaps! kahit po malalim ang ibang words... naintindihan ko po parin!! muwahaha)
REST IN PEACE Tito Edgar
August 11, 1965 - April 24, 2009
You will always be remembered forever... and your jokes too!
Your friend has lived and enjoyed life to its fullest, despite of his struggle against cancer, he was able to inspire and bring joy and happiness to you and his family which I am sure God will reward him on his way to join our Creator.
ReplyDeleteLet us offer a minute of prayer for your friend Edgar that may his soul find solace on his journey to the Kingdom of the Lord.
Natatawa akong nalulungkot para kay Chong. Habang binabasa ko ung mga jokes nya, I can't help but visualize him in my head: isang matabang lalaki na laging may baong jokes. Pakiparating sa kanya, hindi sya corny. In fact, natawa ako dun sa unang 3 jokes nya. Ung 4th and 5th, may kurot na sa dibdib.
ReplyDeleteMy prayers go to Chong and his family and yours din.
(Oo nga Lei, ako din nagtataka bakit ganun ang comment ni RJ at Dong. So detached. Siguro nga tinatago lang nila ang kanilang pain. Ganun.)
To Lei at Nebz: Iniwasan ko lang magbasa ng mga malulungkot na babasahin ngayon... U
ReplyDeleteSardonyx, parang nagbago ang picture ng blossoms.
Dong- yes dugong marinduquenyo ito hehehe, sana makadalaw ako ng Pnas ng holy week at gusto kong bumalik sa Marinduque at makita ang bahay kubo ng tatay ko
ReplyDeleteJoy- salamat,malamang nga naimpluwensiyahan ako ng kaibigan namin dati hindi naman ako ganito, tahimik at seryoso akong tawa, kahit ngayon naman...sa blog lang ako bumabawi hehehe
Lei- may dugo ka bang manghuhula??? hehehe, akala ko pa naman di mo maiintindihan ang hula scoop ko naintindihan mo rin pala, bakit nga ba kita naturuan magbasa at magsalita ng tagalog, wala tuloy akong maisekreto hehehe; ok lang yun mga comment nila, siguro busy lang sila o malungkot nga, basta ganun
Pope- thanks for offering a minute of prayer; maraming salamat talaga
Nebz- mali hula mo, di naman siya mataba at di rin payat pero laging may baong jokes, laging masaya kapag kasama siya, kahit sa huling mga araw niya na dumalaw ang asawa ko (2 weeks ago) nagawa pa niyang kunwaring mahuhulog sa kanyang saklay para lang alalayan siya ng asawa ko, hehehe ganun siya ka "joker"
RJ- pinalitan ko na yun picture kasi di ko magawan ng paraan na maging blue yun sky hehehe, malamang binasa mo muna yun blog kaya mo na laman na malungkot hahaha, ok lang yun ikaw naman paguilty effect pa, so musta na ang Pilipinas marami kang ikukuwento sa amin ha.
malungkot ang konteksto ng post na ito. nakikiramay ako sa pagkawala ng isang kaibigan na may malaking impluwensya sa iyo at sa buo mong pamilya. subalit, nasan man siguro sya ngayon, masaya pa din sya at nakangiti.
ReplyDeletepasingit, ang ganda ng sakura! galing ng detalye pag na-close up ung nasa gitna! galing galing mo naman din eh!
habol hininga na ang ating kapatid nung dumating ako nong viernes.masakit man ay tinanong ko sha kung gusto na niyang magpahinga.umoo naman sha kaya niyakap ko siya at ako'y nagpaalam.pahinga ka na at huwag mo kaming alalahanin, sabi ko.masyado ng pagod ang ating kapatid.matapang niyang hinarap ang kanyang kamatayan.he inspired me in so many ways.he touches our hearts with his simple jokes.counselled us when we have problem.simple lang naman an gusto nya,pumanaw siyang magkakasama ang pamilya nya.well,paalam kapatid.sana ay maging kasing tatag mo ako para magkita tayo sa bayang banal.we'll be seeing Edgar @ 10:00 AM.
ReplyDeletejoey- salamat sa pagcomment, nakakaiyak naman ang kwento mo; alam ko masaya na sya sa pagpanaw niya, mahirap tanggapin pero kailangan, nahihirapan na rin kasi siya at pati na rin kayo, magpakatatag na lang kayo diyan....condolence
ReplyDeletesyel- salamat pala at nagustuhan mo ang close-up picture ko hehehe, salamat sa pakikiramay
ReplyDelete