Pwedeng paki "pick-up" nyo ko sa baba? hehehe ...kuha ko nang nag zipline ako sa Palawan
HULA: Mapapadalas ang tanong mo sa sarili tungkol sa mga bagay-bagay at buhay-buhay pero kalimitan wala rin sagot..... kung anuman yun, tanungin mo na lang uli ang sarili mo o kaya magtanong ka na lang sa iba.
SCOOP: May mga katanungan ba kayo lagi na minsan inihahalimbawa mo na lang sa mga bagay na nakapaligid sa inyo para lang masagot mo ang tanong mo? O kaya para mapasagot mo ang tinatanong mo? o para mapahanga mo ang tinatanong mo? teka sino ba tinatanong mo? ang labo no?? di bale lilinaw din yan.
--------------------------------------------------------------
Nauso na naman sa panahon ngayon ang mahilig magtanong, ewan ko ba kung bobo ba sila o nagmamayabang lang kasi alam naman nila sagot.....alam na ninyo siguro ang tinutukoy ko ang sikat na sikat sa tv at sa text, ang pick-up lines ng Pinoy! hehehe narito ang mga nakalap kong mga pick-up lines na nagpaangat sa akin ng labi at nakitaan ako ng...... ngipin dahil sa ....ngiti hehehe:
PICK-UP LINES ng PINOY (pick-up nga ba? hehehe)
1. Mangga ka ba? Bakit?
- Mukha ka kasing kalabaw
2. Refrigerator ka ba? Bakit?
Kasi nagyeyelo ang ngipin mo
3. Si Sponge Bob ka ba? Bakit?
Kasi butas-butas mukha mo
4. Bola ka ba ng soccer? Bakit?
Kasi gusto kitang sipain e
5. Utot ka ba? Bakit?
Tahimik ka pero ang lakas ng dating
6. Tae ka ba? Bakit?
Kasi di kita kayang paglaruan
7. Aswang ka ba? Bakit?
Kasi sa lahat ng laman loob na dinukot mo, puso ko pa
8. Cactus ka ba? Bakit?
Kasi handa akong masaktan mayakap lang kita
9. Trumpo ka ba? Bakit?
Sarap mo kasing ihagis sa sahig
10. Kutsara ka ba? Bakit?
Kasi napapanganga ako sa tuwing lumalapit ka
11. Puno ka ba? Bakit?
Kasi inuugat ka na e
12. Pogi ka ba? Bakit?
Kasi hindi halata
13. Pangit ka ba? Bakit?
Tinanong mo pa
14. Google ka ba? Bakit?
Kasi lahat ng hinahanap ko na sayo na
15. Multo ka ba? Bakit?
Kasi sa'yo lang ako takot
16. Libro ka ba? Bakit?
Kasi ang kapal mo e
17. Bobo ka ba? Bakit?
Di mo kasi ako masagot
18. Tanga ka ba? Bakit?
Pareho na tayo
19. Eroplano ka ba? Bakit?
Lagi kang lumilipad sa isip ko at lumalanding sa puso ko
20. Pinoy ka ba? Bakit?
Pinoy ka nga