Monday, December 29, 2008

HULA SCOOP: Horoscope Mo Sa Araw Na Ito


HULA: Sa araw na ito mapapatingala ka na lang sa langit at masasabi mo na lang na ahhhh…ohhh

SCOOP: Alam ba ninyo na pag tumingala kayo sa langit ay makikita nyo ang araw sa umaga at mga bituin at buwan sa gabi at minsan makikita nyo rin ang Venus na napakaliwanag? Obvious ba?? hehehe Ang mga ito ay may kaugnayan sa mga nangyayari “daw” sa ating mundo. At alam ba ninyo anong tawag sa pag-aaral na to? Astrolohiya o astrology! Hanep! Mag-aaral tayo nito!!Totoo to!

Mag-aaral tayo ng horoscope na may kinalaman sa ating mga zodiac signs, opo totoong totoo na to!

Kahulugan:

Astrology at Zodiac from the greek words:

Astrologia - star study; pag-aaral ng artista
Zodiakos- circle of animals; bilog na mga hayop

Mga zodiac eto na ang inyong hulascoop for today:

Aries (ram)- mag-ingat sa kaibigan, baka di ka makapagpigil sa kagandahan ng kanyang asawa ay manuwag ka pa.

Taurus (bull o toro)- Iwasan ang mga pula o naka pula pero mas iwasan mo ang babaeng may “period” baka ka ma “coma” sa bugbog ng mga tao, pag pati “doon” ay iyong masuwag, masakit yun, mapapa exclamation point sya (!!!).

Gemini (twins)- Di ka na raw “in” ang sabi nila, sikat na sina pareng Ford, Lexus, Beemer, Nissan at Jaguar kahit sina mareng Honda, Toyota , Acura at Mercedes. Dumating pa ang makalaglag panty na sina Corvette at Ferrari hay naku magbagong image ka na!

Cancer (Crab)- Iwasan makipagtalik sa may AIDS hindi ka na lalong gagaling, huwag ka naman mag utak talangka, pag-isipan mo ang iyong mga hakbang kahit mabagal.

Leo (Lion)- Iwasan maging mabangis, feeling mo hari ka? Hello? Hindi ka naman si Simba ng Lion King no.

Virgo (Virgin)- Mag-ingat sa mga kaibigan na may green minded baka ma impluwensiyahan ka ng mga yan at mag pa “do” ka pa sa iyong bf, mahirap na….huwag isuko ang Bataan kung meron namang…...Boracay!

Libra (Balance)-Mag-ingat sa mga manggagantso sa palengke baka makabili ka ng gulay, timbangin mo man ay kulang.

Scorpio (Scorpion o Alakdan)- Mag-ingat sa taong may pangalan na “Pio” makamandag ang tao na yan, baka salisihan ka sa yong asawa at maka “score” ito. (Score Pio…Score!!)

Sagittarius (archer o half tao half horse)- Gayahin si Eli alamin kung sino ang ama’t ina mo, baka si Petrang kabayo ang nanay mo na pinana ng tikbalang na nakatago sa puno sa inyong bakuran.

Capricorn (goat)- Iwasan magalit ang kaibigan na Ilocano, baka gawin ka nilang kaldereta, aanggo ka! At mapapa meehh meehh ka sa sakit.

Aquarius (water bearer)- magbago ka na ng trabaho, itigil na ang paglalako ng tubig, magtinda ka na lang ng bottled mineral water baka bumili pa kami.

Pisces (Fishes)- Fresh na fresh ka ngayon, iwasan madakma at masima baka pagpiyestahan ka ng mga tao sa palengke at di mo gugustuhin na matuhog ka.

Monday, December 15, 2008

HULA SCOOP: Huwag maging balat sibuyas


HULA: Sa araw na ito ay masyado kang balat sibuyas, ibaon mo na lang sa hukay ang galit mo.

SCOOP: Sa araw-araw ng ating buhay, hindi natin namamalayan na nakakasambit tayo ng mga katagang malalim na iba ang pakahulugan. Katulad na lang ng mga katagang nasa hula na ito, halimbawa ito ng mga sawikain o idiomatic expression o idioms sa ingles.

Narito pa ang ilang mga halimbawa:

KAHULUGAN KO (walang kokontra):

Di makabasag pinggan- mahinhin(dutin)
Balat Sibuyas- amoy putok
Kaututang dila- kachokaran, ka telebabad
Ibaon sa Hukay- walang perang pamburol
Makalaglag Panty- Piolo!!!



Sawikain Noon at Ngayon:


Noon: Suntok sa Buwan
Ngayon: Asa ka pa!

Noon: Pana-panahon lang yan
Ngayon: Late ka na naman?!!


Noon: Larawan ng kawalang malay
Ngayon: Ma at Pa (Malay ko at Pakialam ko!)

Noon: Walang tulak-kabigin
Ngayon: Hirap pumili, parehong ok sa olrayt!!

Paunawa- Ang mga nabanggit ay mga kahulugan at expressions ko at hindi layunin na turuan kayo ng tamang kahulugan.

PASALAMAT: Salamat sa picture na ginamit ko mula sa aking kapatid na expert sa photography hehehe

HULA SCOOP: Ingatan ang Kalusugan


HULA: Ingatan ang iyong kalusugan. Huwag kumain ng mga pagkain na pampabata….madadali ang iyong buhay.

SCOOP: Narito ang mga payong pangkalusugan upang maiwasan ang maratay sa higaan.

MGA DAPAT IWASAN:


Gulay:

Talong- pampatirik ng mata, maaring maging sanhi ng epilepsy

Sili- pampainit ng katawan, baka maghubad kaagad ang makakain nito na ikasanhi ng stroke lalo na kung matanda ang nakakita dito

Patola- maraming nag-aakala na mainam ito na alternatibo sa talong pero hindi, dahil magaspang ito baka masugatan pa kayo….sa pagtatalop

Ulam:

Binurong mani- kapag binuro ang mani ay maantot ito at maalat, hindi ipinapayo sa mga may high blood pressure ang maalat

Kinilaw-kaw na talaba- iwasan ito lalo na pag may red tide

Pinitpit na talong- nawawala ang linamnam ng talong pag napitpit na ito


Iba Pang payong pangkalusugan:

Ang kape ay pampanerbyos samantalang ang gatas ay pampalakas. Kaya huwag uminom ng kapeng may gatas dahil ito ay pampalakas ng nerbyos

Kung ikaw ay kinakati, bumili ng pipino, maiibsan ang kati mo.

Ang pagkain ng balot ay mainam pero dapat alam ninyo kung paano ito kainin:

  • 1. Hawakan ang balot at pakiramdaman kung mainit pa, mas masarap kapag mainit ito
  • 2. Pagkabukas na pagkabukas higupin kaagad ang sabaw nito
  • 3. Kapag nakita ang ulo ay pumikit na lang at isubo at namnamin ang sarap sabay lunok.

Saturday, December 13, 2008

Hula Scoop: Maaalala Mo Ang Iyong Kaibigan

HULA: Muli mong babalikan at sasariwain ang mga nakalipas sa iyong buhay isa na dito ang dati mong pinagsamahan sa iyong kaibigan.

SCOOP: Iniaalay ko ang tulang ito sa mga magkakaibigan na nawalay na ng tuluyan dahil sa di maipaliwanang na kadahilanan. Nawa’y maalala niyo pa ang inyong minsang naging kaibigan na matalik.



NOONG UNANG PANAHON

Kailangan bang limutin ang dating samahan?
At di na muling gunitain sa ating isipan
Kailangan bang limutin ang ating pagkakaibigan
Sa panahong sa ati’y lumipas at nagdaan

Sa panahong nagdaan, my dear
Sa panahong yaon
Ating pagsaluhan sa isang tasa ang ating magandang nakaraan
Para sa ating pinagsamahan

Malamang bibili ka pa ng isang tasa na takalan
At sinisiguro ko na bibili rin ako ng para sa akin
At muli tayong magtatagayan
Dahil sa ating pinagsamahan

Tayong dalawa noon ay tumatakbo sa gulod
Namimitas ng mga daisy pa noon
Marami tayong nalibot kahit na pagod na ang ating mga paa
Noon tayo pa ay nagsasama

Tayo rin ay nagsagwan sa isang batis
Mula umaga hanggang hapon
Kahit ang lawak ng karagatan ay umangal sa atin
Noon tayo ay nagsasama pa

At may isang kamay, aking kaibigan
Ilalagay mo ang iyong kamay din
At tayo ng…..magtatagay, toma na!!
Noon panahong nakalipas na.


TANONG: ano ang title ng kanta na ito na tinagalog ko sa tulang ito?? 20 points! hehehe

SAGOT: Sige na nga, eto na ang sagot alam ko namang walang magrereply hehehe, AULD LANG SYNE ang english version po nito.

Friday, December 12, 2008

HULA SCOOP: Makakaraos Ka Sa Iyong Mahal

HULA: Ang dating mahal mo sa buhay ay muli kang babalikan pero huli na ang lahat….nakaraos ka na….sa kanyang pagmamahal. Huwag mo na syang hayaang makapasok pa sayo.

SCOOP: Narito ang isang halimbawa ng paghihinagpis sa buhay iniaalay ko ito sa aking kaibigan.


MAKAKARAOS AKO

Sa simula natakot ako
Sobrang takot
Iniisip ko hindi ako mabubuhay
Nang wala ka sa tabi ko

Pero nakaraos ako ng maraming gabi
At inisip ko kung anong nagawa mong kasalanan sa kin
Naging malakas ako
Nakaya kong buhatin sarili ko


At ngayon bumalik ka
Mula kung saan lupalop
Pumasok ako at nakita kita
Na nakabusangot ang mukha
Dapat pinalitan ko na lang yun bwiset na kandado
At pinaiwan ko na lang sana ang iyong susi
Kung alam ko lang na sa isang kisap mata
Na babalik ka para lang ako guluhin


Hay naku, lumayas ka!
Bumalik ka na sa pinaggalingan mo
Di ka na pwede dito
Di ba sinaktan mo ako nang magpaalam ka
Akala mo magwawala ako
Akala mo magkikikisay ako sa sahig na parang mamamatay
Hoy hindi no, hindi ako yun!

Makakaraos ako
Hangga’t alam ko umibig
Alam kong mabubuhay ako
Nasa akin na ang buhay para mabuhay
Nasa akin na ang lahat ng pag-ibig para ibigay
At mabubuhay ako

Makakaraos ako
Kinailangan ko ang lakas para lang ako wag mag gutay gutay
Nagsikap akong buuin ang pira piraso kong puso
At maraming gabi ang ginugol ko
Para lang kaawaan ang sarili ko

Dati umiiyak pa ako
Ngayon taas noo na ako
At makikita mo akong isang taong bago
Hindi ako batang nakatali pa rin sa pag-ibig mo

Pakiramdam mo makakabalik ka
At inaasahan mong ako’y magiging malaya
Ngayon iipunin ko na ang pagmamahal ko
Sa taong mamahalin ako.

PAUNAWA: Pasensiya na tinagalog ko lang naman ang kantang “I will survive” na kalimitang kinakanta sa karaoke o magic sing sana nagustuhan ninyo ang tagalog version ko.