Saturday, December 5, 2009

HULA SCOOP: May Karanasan Ka Na Hindi Mo Malilimutan


HULA: May karanasan ka na hindi mo malilimutan, magsisilbing aral ito sa’yo upang lalo ka pang tumibay. Magpakatatag ka kung ito man ay dagok, lunokin mo na lang ano man ang dumating sa iyong buhay, mapa tubig, soda, juice, beer o wine, iwasan mo lang na wag sumobra dahil ang lahat ng sobra ay nakalalasing.

SCOOP: Akala yata ng ibang readers ko e ako si Ate Charo, Dra. Holmes, Ate Helen, Joe D Mango, si Kuya Eddie o kung aino pang showbiz personalities. Kaya eto meron na naman naligaw na e-mail sa akin tungkol sa kanyang karanasan kaya narito.

Dear Sardex,

Hindi na ako nagpapatumpik-tumpik at magpapaliguy-ligoy pa tutumbukin ko na ang aking problema. Nag umpisa ito noong dinala ako ng boyfriend ko sa isang liblib na pook. Natakot ako dahil first time ko na sumama sa kanya sa ganoong lugar, kaming dalawa lang kaya nakakailang. Ang sabi ng bf ko magpalit na raw ako ng damit para daw hindi madumihan at malukot damit ko, pero una ayoko pero sabi niya dapat na raw ako magbihis, napilit niya rin ako ewan ko ba pag ang bf ko na ang nagsasalita nababato balani na ako sa kanya ayun wala akong nagawa kundi magbihis. Kinabahan ako sa mangyayari sa min, pero ang sabi nya sa kin sya raw ang bahala at tuturuan niya ako, dahil alam nya first time ko yun. Siya ang first bf ko at siyempre first date ko kaya as in wala talaga akong kaalam alam nakakahiya mang aminin pero siya ang first sa lahat. Tapos sabi niya sa akin sumampa na raw ako siya na ang bahala ewan ko kung paano pero ang bilis ng pangyayari basta naramdaman ko na lang nakasampa na ako at hinawakan ko na lang ang kamay ng bf ko, naramdaman ko ang init ng katawan niya kaya naging kampante ako sa ano man mangyayari. Niyakap niya ako ng mahigpit ako naman napapisil na lang ako sa kamay niya at ang sabi niya sumabay lang daw ako sa galaw so sumabay ako at ang sabi niya sa kin pag nararamdaman ko na ok na ang lahat at nasasarapan na ako pwede ko raw bilisan at medyo iangat ko raw ang pwet ko, ginawa ko naman. Napapikit nga ako nang una kasi di ko alam anong mangyayari sa akin, pero masarap nga medyo nga lang masakit at nakakangawit sa balakang pero nang katagalan na binilisan ko na ang indayog ko ang sarap pala, panay na ang angat ko grabe at binilisan ko pa ng binilisan hanggang sa aaaahhhhhhhhhh ray!!! Bog bog bog…yun na lang ang narinig ko, nahulog ako sa kabayo hu hu hu. Yung bf ko di man lang ako sinalo ang sarap ng pwesto niya sa likod ko!!!

Kaya eto dalawang buwan na akong nakaratay sa kama at di pa rin makalakad kaya ako nakakapagbasa ng blog mo kasumpa sumpa talaga ang kabayo na yan! (hindi yun bf ko ha, kasi pogi sya no). Binreak ko na ang bf ko dahil sa ginawa niya sa kin, sinabi ko naman sa kanya first time ko sumakay ng kabayo pero ayun nahulog tuloy ako at ang nakakainis pa ni hindi niya pa ako nasalo o nahawakan sa kamay! Pero Sardx mahal na mahal ko pa rin siya, ano ang gagawin ko?

Ang iyong tagahanga
Ineng

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dear Ineng

Kung mahal mo pa talaga ang bf mo, balikan mo siya at siguraduhin mong siya na ang sakyan mo at nang di ka na mahulog, binitin mo pa ang mga readers ko ! hehehe

Sardonyx


LARAWAN: Mga rebulto ng kabayo sa Misawa Tonami Clan Park, you know....wala lang.

PAUNAWA: Patnubay ng matinong isipan ang kailangan, nasa isip lang ang naglalaro mong imahinasyon sa totoong pinapahayag ng nasasaad sa sulat. Mag-ingat.

15 comments:

  1. Hehehe :D Langya naman oh! Umaangat na puwet ko eh, bigla pa akong nahulog sa upuan lolzz

    Bigay mo nga email add ni ineng sa akin at tuturuan kong mangabayo nyahaha

    ReplyDelete
  2. naku... parental guidance! tsk!

    sabi na nga ba mahuhulog eh.. binilisan kase!!! lolz!

    buti na lang ako di pa nahuhulog sa kabayo! hahahahaha!

    ReplyDelete
  3. CM- teka bakit ka nalglag sa upuan>> kaw talaga hehehe, invalid na yun email add ni ineng, baka naging Nene na siya ngayon hehehe

    AZEL- parental guidance ba?? nasa isip mo lang yun no hahaha, ayan dinagdagan ko na ng "paunawa" just in case may maligaw na bata hehehe; baka ibang kabayo naman ang sinakyan mo?? baka katulad ng statue sa larawan ko? hehehe

    ReplyDelete
  4. abot tenga na naman ang ngiti ko missy sa pagbasa ng post mo. talaga naman yang si ineng o, muntik na din ako malaglag sa pagkakaupo, LOL =) ...kasi naman magde-date sa 'liblib na pook' pa! ano naman kasi pwedeng gawin doon, alangan namang mag-jack en poy! pwede din ano, kaysa maghorse back riding =)

    ReplyDelete
  5. Masakit po ba talaga kapag nangangabayo? Hindi ko pa po kasi nata-try...(virgin pa po kasi ako pagdating sa usaping ng pangangabayo).

    :-)

    ReplyDelete
  6. hahahaha...sabi na nga ba eh, tungkol sa pangangabayo eto eh. lol.

    ReplyDelete
  7. docgelo- oo nga si Ineng talaga pumayag pa maghorsebackriding sa liblib na pook e kasi baka kala niya may mangyayaring iba hehehe...yun pala mahuhulog lang siya LOL

    Nebz- masakit sa babae e compared sa lalaki hehehe, I exprienced it ayoko ng ulitin kakangawit talaga LOL kasi yun gulugod ng kabayo gumagalaw kapag naglalakad e lalo na pag tumakbo pa hehehe...next time itry mong sumakay sa rebulotng kabayo katulad ng nasa picture hehehe

    Reena- hehehe buti alam mo kagad

    ReplyDelete
  8. Matindi talga ang naging karanasan nya. Tumatayo na tuloy ang ... oopps balahibo ko sa pagkakabasa. Mabuti na lang at nagumpisa ako sa itaas at pabababa ng dahan dahan kundi baka pati ako malaglag sa kinauupuan ko hehehe!

    Nebz pasyal ka sa Azizia para makasakay ka ng kabayo doon, oh di kaya sa Kamel na lang :)

    ReplyDelete
  9. Magaling magsulat ang letter-sender! U

    ReplyDelete
  10. Pakisabi mo kay Neneng pag nakakalakad na siya sa kalabaw na lang siya sumakay LOL.

    ReplyDelete
  11. LifeMoto- hahaha akala ko anong tumatayo balahibo pala, naisahan ka ni Ineng ano? LOL

    RJ- oo nga galing ni Ineng gusto ko nga siya makilala in person eh;;-) hehehe

    bertN- hahaha oo nga sana sa kalabaw na lang siya sumakay at di naman tumatakbo ng mabilis yun, nanunuwag lang nga hehehe

    ReplyDelete
  12. hahaha! aliw naman ako kay neneng. kapalit ng konting sarap eh santambak na hirap. kawawa naman tuloy. sana matuto ng leksyon at wag mangabayo agad iba muna ang sakyan nya! :D

    ReplyDelete
  13. syel- hehehe malamang magkaphobia siya sa kabayo at baka nga iba na ang sakyan niya LOL

    ReplyDelete
  14. haha....Grabe naman na experience....

    ReplyDelete
  15. Interesting blog! Is your theme custom made or did you download it from somewhere?
    A design like yours with a few simple adjustements would really make my blog jump out.
    Please let me know where you got your design. With thanks
    Feel free to surf my blog : best cigarette brand

    ReplyDelete