Sunday, April 12, 2009

HULA SCOOP: Matutuwa at Mabibigla Ka Sa Matatanggap Mo




HULA: Matutuwa at mabibigla ka sa matatanggap mo ngayong araw na ito, kung ano man yun di ko na aalamin pa, pero sana naman ipaalam mo sa iba para mas masaya.

SCOOP: May natanggap akong award mula kay "The Pope" isang "Neno's Award" (yehey!! )at ang bahagi ng award na ito ay sagutin ang tanong na "Why you love blogging."

Bakit Mahal Ko ang Pagba Blog??

Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko ang pagbablog basta bigla na lang akong nandito sa "sapot" ng internet at parang bumagsak at lumagapak ako na ..."blog!" at doon nagsimula ang lahat....tingaling ngaling ngaling hehehe.

kahulugan ko:

web-sapot
blog- tunog ng bagsak


"Tabi muna bata" I mean "kidding aside" siguro namana ko ito sa lolo ko na mahilig magdiary....hmmm, "Si Lolo kasi, siya pala ang dahilan! hehehe." Kung pwede nga lang siya gisingin sa pagkakahimlay niya este sa pagkakabaon niya sa lupa ay ginawa ko na para sabihin na "Lolo you rock!!!" sabagay matigas na matigas naman talaga na si lolo, butong-buto na hehehe....ooopps patawad po 'lo, tao lang.

Para kasing diary itong "blog" yun nga lang open book sa lahat ng tao. Dito ko rin naibabahagi ang tinatago kong kalokohan at kaseryosohan sa buhay. At syempre pa gusto ko rin ibahagi ang konting nalalaman ko sa pagsulat sa "Wikang Filipino" kaya kung mapapansin ninyo medyo malalim pa sa balon ang mga hinuhukay kong mga salita at minsan naman napupulot ko lang sa kalsada ang mga salitang kanto.....lam niyo na...yun na nga! Medyo makabayan kasi tayo kahit pa nasa ibang bansa ako, naks naman parang totoo!! hehehe

Yun "Hula scoop" naman ay ang panghuhula ko, ang natatangi este "tinatago" ko na angking talino na namana ko siguro (siguro lang naman di pa sure) sa isang lolo ko, albularyo kasi siya kaya lang sinawing palad na lumipat sa kanya ang sakit ng kanyang ginagamot kaya ayun...dedbol na rin sa edad na 40 lang. Pero namana ng mga anak niya ang panggagamot niya. Teka tungkol pala sa akin ito at di tungkol sa mga tito, tita ko at nanay ko, pero di ko alam kung napunta sa akin ang "panghuhula"kasi di ba may kasabihan tayo na "it runs in the family" (tama ba yun ingles ko??) kaya ayun tumakbo ako ng tumakbo para di maibigay sa akin ang anting-anting hehehe, kasi panghuhula sa kalokohan lang ang alam ko. Ayoko naman na madedbol din ako no at magaya ako sa lolo ko, biruin ninyo nanggamot ka na nga ng sakit binigyan ka pa, di ba? Kaya nevah, di ko tinanggap, ok na sa akin ang manghula sa blog!

Yun isa kong blog na "Travelog" ay ang frustration ko sa buhay na magkodak-kodak ay wala pala akong kodak (kulit ko talaga, si lolo kasi panay ang banggit sa diary na "kodak" eh!), magnikon-nikon o magsony-sony pala hehehe at doon ko naibabahagi ang mga larawan na napuntahan ko nang lugar. Opo totoo po, ako rin si Missy ng Travelog kasi nauna kong ginawa ang blog na yun, medyo may sipon kasi ako nun kaya ang pinangalan ko sa sarili ko ay "Missy Pon" hehehe gets nyo?? hmmmm wateber! Di ko na pinalitan ang pangalan ko kasi, sakit sa ulo mag-isip eh wala pa naman akong isip kaya baka lang dumugo mahirap na, hayaan na lang natin na ganun, si Sardonyx ako sa Hula Scoop at Missy sa Travelog, di naman kayo inaano ng mga blog ko di ba?

Ang mga ibang hula scoop ko ay ginawa ko pa noong ako ay active member pa sa isang forum, sa pangalang "sardonyx" din, kaso ang hirap hanapin ng hula scoop ko kapag natabunan na ng ibang post kaya minabuti ko na lang na gumawa uli ako ng panibagong blog ko na puro hulascoop lang para mas madali kong makita ito pero syempre dinagdagan ko na rin ng "atbp" para may at iba pa na "pagtalakay sa mga bagay-bagay dito sa kaalamang munti," (hmmm parang pamilyar sa akin yun ah??)

Kung tutuusin noong 1997 pa ako nag umpisang gumawa ng homepage sa geocities.com (na binili na ng yahoo) at nahinto lang nang naging abala na ako sa aking trabaho, noon sa guestbook nakakapagcomment ang mga bisita ko pero ngayon di ko na na update ito simula noong 2000 pa. Dati mas mahirap gumawa, talagang html programming ang ginagamit ko ngayon mas madali may layout na. Itong hulascoop ko inumpisahan ko sa pinoyblogosphere noong 2007 pero biglang nawala yun blog ko ewan ko ba anong nangyari baka ninakaw hehehe kaya eto umpisa uli ako nitong December 2008 lang.

Teka, lumalayo na ang kwento ko napupunta na yata sa kasaysayan ng blog ko, sige tapusin na natin ito...."WAKAS" hehehe.

-----------------------------------------------------------------------------------


Sabi sa award ibahagi raw sa iba ang award mo, kaya eto na, "sa ayaw at sa gusto" nila ako naman ang mamimigay ng award na ito, sila ang naging inspirasyon ko na ipagpatuloy ang hula scoop ko, dahil kung wala sila, wala akong comments na matatanggap hehehe:

Reena's Thoughts
Dennis Villegas
RJ ng The Chook-Minder's Quill
Isla de Nebz
Ate Loida of 2L3Bs World
Thoughtskoto
NJ ng Desert Aquaforce
An Ardent Cosmic Journey


Eto ang rules pala:

The aims of this award:

  • As a dedication for those who love blogging activity and love to encourage friendships through blogging.
  • To seek the reasons why we all love blogging!
  • Put the award in one post as soon as you receive it
  • Don’t forget to mention the person who gives you the award.
  • Answer the award’s question by writing the reason why you love blogging.
  • Tag and distribute the award to as many people as you like.
  • Don’t forget to notify the award receivers and put their links in your post.

12 comments:

  1. Ikaw lang yata kakilala ko na kung magsulat eh pure Wikang Filipino. Namimiss ko na gamitin yan sa pagsusulat. Wala na kasi akong Filipino classes sa College eh LOL.

    Wait, iisa lang si Sardonyx at Missy? LOLS di nga? Hahaha kala ko partners lang kayo sa blogs!

    Hahaha, salamat sa Award, mag blog ako bukas kasama yan!

    ReplyDelete
  2. Haaay naunahan na naman ako ni Pope... hehehe. Thanks anyway for the award. I'm going to pass it around.

    Happy Easter to you! May His Life in us be the reason for our Easter celebration!

    ReplyDelete
  3. Namiss ko ang Hulascoop a! Matagal din akong hindi natawa dahil nga sa Semana Santa. Pero dahil Easter na (ay tapos na rin pala), dalaw agad ako kay Hulascoop.

    Happy easter, Missy! (Tama ba ako sa pangalan?!).

    Salamat po sa award.

    Teka ha, talon muna ako sa iba mo pang posts. D b sabi ko dati, elibs ako sa lolo mo. Bweno ngayon ko pa lang sya babasahin ulit. Cheers.

    ReplyDelete
  4. happy Easter! naaliw na naman ako! di ko mapigilan ang matawa sa iyong akda. ayan pati tuloy ako diretsong tagalog ang komento. hahaha!

    ReplyDelete
  5. halfcrazy- yes iisa lang lang kami, bipolar kasi ako e hahaha joke lang

    desert aquaforce- salamat sa pagdalaw, sa uulitin hehehe

    nebz- salamat at namiss mo ako, ako rin namiss ko blog mo hehehe; sige basa ka alng ng diary ng lolo ko medyo mahaba pa yan, marami pang kasunod pero babagal bagalan ko muna pagpost ng diary baka matabunan na ako ni lolo at di na ako makilala sa blog ko hahaha

    syel- salamat at nahahawa ka na sa akin hahaha, nakakahawa talaga ang hula scoop ko, nahuhulaan ko sa mga komento ng iba kung sila ay matagal ng sumusubaybay sa akin hehehe, kung paano...secret hahaha

    ReplyDelete
  6. "Idol" - yan ang dapat kong itawag ko sa iyo, I have a high sense of humor, but the problem is how to put laughter into my writings just like how you do it naturally, that's why I am dedicating my latest post - Power of Laughter, alay ko sa iyon sa iyo IDOL.

    ReplyDelete
  7. Pope salamat ha! Di ko nga alam kung paano ako nakakapagpatawa eh siguro sa mukha palang matatawa ka na sa kin hahaha. May isang member din ng forum na pinupuntahan ko ang tawag sa akin ay idol hehehe dahil din sa hula scoop ko.

    ReplyDelete
  8. Para akong baliw dito sa harap ng kompyuter tumatawa mag-isa kababasa sa mga pinagsususulat mo hehehehe...sakit na ng panga ko talaga heheheh.

    Galing ni Lolo! "Lolo rocks!!!"

    ReplyDelete
  9. Dearest Missy,
    Salamat sa Award. Ramdam na ramdam ng puso ko ang award mo.. grabe ba? Gusto ko sana tagalugin lahat kaso paano na ang ating mga kaibigan sa hilaga, silangan, kanluran at kung saan saan pang parte ng mundo na hindi nakakauanawa ng ating wika..? wehehehehe.. sa pagtanggap ko ng award magiging ingles na ito para naman maibahagi ko sa ating mga "friday shoot out friends", ok lang ba? ang kaso marami sa kanila ang hindi naglalagay ng award sa site nila. Di bale marami naman iba pang mga kaibigan diyan.

    Tila missy na rin pangalan ko ngayon, "missy pon" ako at nahihirapan ako mag type..

    Salamat uli ng marami.

    Nagmamahal,
    Ate loida

    ReplyDelete
  10. Dennis- salamat kahit paano ay napasakit ko rin ang panga mo sa kakatawa hehehe, hanggang sa muling hula ko uli

    Ate Loida- ok lang na ingles ang pag accept ng award mo kahit ano pwede kahit pa intsik pwede rin, basta hindi ka na pipilitan hahaha ang drama no

    ReplyDelete
  11. I couldn't stop laughing after reading your post. You definitely deserve the award!

    Thanks for visiting A Pinay In England. Come back soon!


    joy
    Norwich Daily PhotoYour Love CoachI, Woman

    ReplyDelete
  12. Joy- salamat sa pagdalaw pala ngayon ko lang nabasa comment mo.

    ReplyDelete