Monday, April 20, 2009

HULA SCOOP: Magiging Masaya at Mapagbigay Ka

HULA: Magiging masaya at mapagbigay ka ngayon, di ko alam kung bakit. Nanalo ka kaya sa lotto? Hayaan mo na lang, ganyan talaga ang mahalaga hindi ka malungkot.

SCOOP: Masaya ako dahil nakatanggap ako ng mga awards mula kay NJ ng Dessert Aquaforce. Kahit kokonti palang ang mga tagasubaybay ko ay pinataba niya ang puso ko at pati na rin ni Pope na kapwa nagtiyaga (sa ayaw at sa gusto nila hehehe) at binigyan pa nga ako ng mga awards.

eto po ang makabagbag damdamin kong "TALUMPATI:"

Taos puso kong tinatanggap ang mga awards na ito
Aking pasasalamat kay NJ mula pa sa lupain ng disyerto
Lahat naman silang tumanggap ng awards ay magagaling na totoo.

Umaapaw na kasiyahan at inspirasyon talaga ang dulot nito
Mahirap man gumawa ng hula ay kakayanin ko
Pigain man ang munti kong utak at kahit pa imartilyo
Ang mahalaga lagi nang napapasaya at napapangiti ko kayo

Tumibay at magbuklod-buklod pa ang samahan nating mga Pilipino
Itong mga awards na ito nawa ang maging inspirasyon ng kapwa ko ka-bloggero.

BOW


PAUNAWA: Baka hanapin po ninyo ang talumpati ko, nagsisimula lahat ang bawat linya ng tula ko sa mga letra ng "TALUMPATI" hehehe (uuyyy babasahin niya uli). Tula pala tawag diyan pasensiya na sabi ko naman sa inyo tao lang ako.


Narito po ang ipinagmamalaki kong mga awards, yehey!!!


The Blogger Award (ang bigat!!!)




Blogger Friendship Award (wow prendship daw!!)




Uber Amazing Blog Award (kulay penk! kala ko purrrpel hehehe)



Dahil sa ako'y mapagbigay, ibinabahagi ko ang mga awards na ito (na ilan sa kanila ay kapwa nakatanggap din ng ganitong mga awards mula kay NJ, kaya ok lang kung mabanggit ko pa rin sila, ang mahalaga ay importante) sa mga ka blog ko na walang sawa na sumusubaybay sa aking hula scoop, bagama't may pagka corny ay naroon pa rin sila, pilit na tumatawa para sa akin....sa inyong lahat, karapat dapat din kayo na makakuha ng mga awards na ito:


The Pope of Palipasan

Kenji of Mr. Thoughtskoto
Nebz of Isla de Nebz
RJ of The Chook-Minder's Quill

At eto pa:

Reena of Reena's Thoughts
Ate Loida of 2L3Bs World
Dennis Villegas
Joy of Norwich Daily Photo
Syel of Snapshooting
Halfcrazy of An Ardent Cosmic Journey

PANUTO :

Uber Amazing Blog


Uber (synonym to Super) Amazing Blog Award is a blog award given to sites who:

~ inspires you

~ makes you smile and laugh

~ or maybe gives amazing information

~ a great read

~ has an amazing design

~ and any other reasons you can think of that makes them uber amazing!

The rules of this award are:

* Copy the badge and put the logo on your blog sidebar or post.

* Nominate at least 5 blogs (can be more) that for you are Uber Amazing!

* Let them know that they have received this Uber Amazing award by commenting on their blog.

* Share the love and link to this this post and to the person you received your award from.

* Come back and comment here so that your link could be added to the masterlist of awardees


10 comments:

  1. Haaay...ganda ng trophy at ng plaque na naka-display sa aparador ng Hula Scoop!

    Congratulations sa blog mo... it's deserving to have those awards.

    Sali na sa PEBA 2009!

    ReplyDelete
  2. Dahil sa patuloy mong pagbibigay inspirasyon at kasiyahan sa aming mga OFW, you deserve all these awards.

    At salamat rin sa penk na Uber Amazing Blog Award, may kapares na rin ang blue Uber Amazing Blog Award ko, maraming salamat Bb. Zardz.

    Aabangan ka namin sa PEBA 2009.

    ReplyDelete
  3. thank you Sardz, you're the best! This time hindi ako natawa, pero natutuwa, hehehe...parang kelan lang when you started...paplug-in ng PEBA? at will definitely wait to read your sound take on the theme, Hulaan mo... hehehe

    ReplyDelete
  4. NJ- ganda nga ng trophy sarap idisplay hehehe, masayang masaya na ako niyan

    Pope- naku salamat naman, oo nga may kapakner na ang uber award natin hahaha

    Mr. thoughtskoto- wag kang mag-alala ipopost ko yun PEBA, teka pano ba sumali dyan??? hahaha hmmm mahirap manghula yata ngayon

    ReplyDelete
  5. salamat sa pagbigay ng award Sardonyx ! nahawakan este na-touch ako! :D galing ng iyong talumpati, makabagbag damdamin :D katuwa naman k'se talaga ng blog mo eh, nagbibigay ng aliw at ligaya sa mga mambabasa! :D

    ReplyDelete
  6. Congrats Madam Sardonyx, ang galing mo sa panghuhula ay umaani na ng maraming tagumpay. Hula ko'y marami ka pang award na darating sa iyong buhay.

    Ay inawardan mo rin ako? Salamat huhuhuhu

    ReplyDelete
  7. dyel at dennis- salamat at walang anuman sa inyong dalawa, mukhang magaling ng manghula si pareng dennis hehehe, syel pagbutihan mo ang pagbabasa may quiz tayo hahaha

    ReplyDelete
  8. "dyel" ay "syel" dapat sorry po tao lang hehehe, nagkamali ang mga daliri sa kapipindot

    ReplyDelete
  9. Maraming salamat po. Meron lang po akong tinatapos. Babalik ako upang suklian ang iyong kagandahang loob. Naks!

    ReplyDelete
  10. hahaha! magkadikit k'se ang 's' at 'd' eh!kala ko naging pomada na ako sa buhok! lol! kelan ba ang quiz?! :D

    ReplyDelete