HULA: Magiging madrama ka sa araw na ito, pero lilipas din kaagad ito at maaaliw ka rin, sa pamamagitan ng paglipat lipat ng channel…matatagpuan mo rin ang pelikula o teleseryeng makakapagpasaya sayo.
SCOOP: Ang buhay ng tao ay parang pelikula minsan madrama, may comedy, may horror at minsan may action pa, kaya nga naisipan kong maghanap ng mga pelikulang tagalog na pwede ninyong panoorin para maibsan naman ang inyong lungkot. Narito na at para sa mga nahihirapan magtagalog ay isinalin ko pa sa english. Kaya hanapin nyo na to online at umpisahang panoorin na.
Masikip Sa Dibdib- Heartburn
Bituing Walang Ningning- Moon
Walang Kapalit- No Return No Exchange
Hula Mo Huli Ko- It’s a bird!
Di na natuto – Dumb
Kung Ako Na Lang Sana- Let Me Try
Tuhog- Barbecue
Bayarang Puso- Heart of Gold
Milan- Only me
Sabel- In Bell
Bakit Ikaw Pa Rin?- Next!
May minamahal- Taken
Sukdulan- Climax
Ama, Ina, Anak- Family
Honey, nasa langit na ba ako?- Honey, am I in yet?
Bata Bata Paano Ka Ginawa?- In and Out?
Eto na naman ako- Oh I’m coming again
Kaya kong abutin ang langit- I can come
Ngayong Nandito Ka- Now you’re in here
Hindi Pa Tapos ang Laban- Let’s have another round
PANUTO: Ang larawang nasa itaas ay pinilit ko talagang iugnay sa hula ko. Ito ay kuha sa Akihabara, Tokyo Japan. Bilihan yata (may DVD kasing nakasulat di ba??) ito ng mga DVD syempre Japanese, at least may "DVD" at may kaugnayan sa hula ko kahit katiting hehehe
Friday, February 27, 2009
HULA SCOOP: Magiging Madrama Ka Ngayon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyp hmmmm ako sa hula mo ngayon. Pero infairness nanonood naman ako ngayon ng ibat ibang teleserye sa ibat ibang channel ngayon. oo nga naman ang buhay natin eh nasa drama, action, comedy at kung minsan horror. Pero ang pagkakaiba ng buhay natin sa buhay ng mga artista eh totoo tayo at walang script. At hindi denying showbiz hehehe. Happy good friday Sardonyx. may u have more bountiful knowledge to hula hula every day. Have a safe weekend!!!
ReplyDeleteAno kaya ang English equivalent ng May Bukas Pa ni Santino, at Tayong Dalawa nina David Garcia? Heto pa magandang malaman, may teleserye rin sa Kapuso network na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Hahaha! Aabangan ko ito rito. o",)
ReplyDeleteParang ayaw ko ng hula ngayong araw ah. Kailan kaya ang comedy? 'Yon ang kailangan ko ngayon. U
anony- salamat kahit di akma ang hula sayo nandito ka parin naks naman hehehe, have a nice weekend too, next time pakilala ka na kasi ginagawa mo akong manghuhula kung ano name mo hahaha
ReplyDeleteRJ- ang hirap naman ng binigay mo na mga teleserye na iingles ko hehehe, pero try ko na rin:
May Bukas Pa- Can we "do" it tomorrow?
Tayong Dalawa- Let's "Do" it together
Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang- My Eve
Sensiya na at ang corny ko ngayon hehehe
yun bang teleseryeng Gaano Kadalas Ang Minsan na gagawin ng GMA sa english eh redundant?
ReplyDeleteeh yung saan darating ang umaga? tama bang will the sun rise at east?
haaay dumudugo ang ilong ko nyahaha
abe- salamat sa pagdalaw, ang "Gaano Kadalas ang Minsan" ay hindi redundant, conflicting lang hehehe (tama ba?)
ReplyDeleteeto ang ingles bersion ko naman:
gaano kadalas ang minsan-how often is the few (hahaha)
saan darating ang umaga- where is sunshine
grabe madugo nga di ko kinaya kaya dpat pag tanong ang pamagat ng teleserye sinasagot na lang hehehe kagaya nito:
gaano kadalas ang minsan- madalang na palagi
saan darating ang umaga- sa pagbuka ng liwayway sisikat ang araw
hay naku ayoko na! hahaha corny na
Hahaha! Ayos! Pwede rin sigurong ang:
ReplyDeleteTayong Dalawa - You Are not Alone o",)
So very Japanese - the photo, I mean. Love it!
ReplyDeleteThanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comment. Come back tomorrow!
joy
A Pinay In England
Your Love Coach
I, Woman
Hi Joy- thanks and I will always visit your site :-)
ReplyDeleteAs usual, tawa ako nang tawa sa post mo! Pero pansin ko lang ha, may mga sexual connotations. Hmmm...babaeng bakla ka no?
ReplyDelete