HULA: Hindi mo matatanggihan ang sino mang makikisuyo sa'yo, pagbibigyan mo ito anuman ang mangyari dahil sa...mabait ka.
SCOOP: Usong-uso sa mga blog, friendster, myspace at facebook ang makatanggap ng "25 random facts/ things about me" at dahil mabait ako at matiyaga ako sa ganitong mga bagay ay narito na ang totoong talambuhay ko hahaha. Pasensiya na at super haba pala
25 Random Facts About Me
1. Noong bata pa ako ay mahilig na akong mag “text” ibang klase nga lang noon, lumilipad ang text namin na walang cellphone pero may pato ito. Pinipitik paitaas na may tatlong teks na magkakapatong. Mga kalaban ko ay mga lalaki at syanga pala babae pala ako mukha lang siguro akong lalaki hehehe. Ganito kami magbilang ng text noon : Pag lima ang bilang: I-sa, dala-wa, tsa (meron pa nga yun “isang babae….kagabi” di ko na matandaan bastos pala yun ngayon ko lang nalaman hahaha).
2. Nagtapos ako ng elementarya sa “Mababang Paaralan ng… “Pangalan ng Bayani na heneral” at ng high school naman sa “Mataas na Paaralan ng …“Pangalan ng Bayani na naman na heneral din”….” Hindi ko na sasabihin ang pangalan at di rin naman kayo magkaka interes sa mga ito, samakatuwid…public school. Pag kasi private kalimitan ay mga santo at santa ang mga pangalan ng school nila na masarap at sosyal pakinggan (halimbawa: St. Paul, St Joseph, St Scholastica, St. Bridgette, San Beda, San Sebastian, Santa Claus kung meron man hahaha, atbp) bukod pa sa kilalang paaralan na UP, Ateneo La Salle, atbp.
3. Nagtapos ako ng college sa hindi pa rin pangalan ng mga santo at santa (hay naku ano ba yan) pero hindi na ito pangalan ng bayani (wow di na ako poor…konti na lang hehehe), pangalan na ng may-ari ng school namin (noon). Kapit-eskwelahan namin ay PLM, Lyceum at Letran sa tapat ng Manila City Hall ang lugar namin. Sikat daw sa larangan ng engineering. Hmmmm uyy alam na nila.
4. Nagtapos muna ako ng PhD then MD at ang huli kong natapos ay BS. Ang kahulugan ng mga ito para sa akin ay: Phd- Pahinga (isang sem lang naman)Habang Di pa nanganganak; MD- Marriage Degree at ang huli BS- Bachelor of Science (eto ang totoo hehehe) in Electronics and Communications Engineering.
5. Nauto ako ng asawa ko nang kami ay magkaklase sa Calculus at mula noon ay di na niya ako pinakawalan,bantay sarado dekandado ang ginawa nya sa kin (gusto ko naman hehehe), hanggang ngayon ay maligayang nagsasama na para pa rin magkasintahan…hanep! (panay kasi ang ligaw niya at panay naman ang pakipot ko hehehe).
6. Lumaki ako na nakatira kami sa isang maliit na kuwarto sa QC sa bahay ng lolo't lola ko na mahigit kumulang na sukat na 20x20 na talampakan o 400 talampakan na kuwadrado (400sq.ft, tama ba ang tagalog?? a ewan), nagkasya kaming pito doon na parang sardinas at hanggang lumipat kami sa medyo malaki-laki na lugar sa loob pa rin ng bahay na yun na noong ako ay 11yrs old na. Pagpasok nyo ng bahay namin ay nasa labas na rin kayo hehehe….samakatuwid kami ay….POOR!
7. Mahilig ako sa pusa pero parang ako ay may pagkapusa, nabundol ako ng dyip at tumilapon lang naman sa kalsada sa sobrang takot ay nagawa ko pang tumakbo. Ako noon ay pitong taon palang at mahilig tumakas na parang pusa para lang maglaro sa labas.
8. NPA ako ngayon- No Permanent Address, dahil sa ako ay asawa ng US military kaya kung saan-saan kami tinatapong lugar. Nanggaling na kami ng California at Hawaii at ngayon nga dito sa Japan.
9. Magaling akong magluto ng barbecue, bananacue, turon at gumawa ng samalamig na sago’t gulaman, buko at milon pati na rin ice candy. Di nyo naitatanong (dahil alam ko naman hindi nyo talaga itatanong) ako ay dating nagtitinda ng mga ito nang ako ay bata pa sa tapat ng basketbolan sa lugar namin sa QC kada may liga sa amin.
10. Nagtrabaho ako sa Jollibee SM Cubao ng tatlong buwan habang ako ay nag-aaral ng kolehiyo, di ko kinaya ang batiin lahat ang mga customer batay sa pitong hakbang (7 steps to greet customers) habang pilit ang ngiti o hindi ko lang talaga linya ang makisalamuha sa mga customer, kaya minabuti ko na lang na sanayin ang sarili ko sa pagbuhat ng T-square at drawing board at makinig sa titser kong muntik na akong ibagsak (kakasurprise quiz!) na ubod na ng tanda at uugod na ay nasa school pa namin at minamani ang Chemistry at ako naman ay pilit intindihin ang namamaos niyang boses at walang maintindihan nyang turo.
11. Bago ako nagtrabaho bilang inhinyero sa California ay naging Chemist ako, “Chemist-er umasa ng halos kumulang sa higit na isang taon hehehe.
12. Nagpapa arkila ako ng komiks noon bata pa ako, ang paborito kong komiks noon ay Funny komiks at nailathala pa ang drawing ko noong 1978 at nagpadala uli ako ng isa pa. Ang mga drawing ko : Rabbit na nauna sa pagong (nag-uunahan sila di ko matandaan ano name nito) at yun pangalawang drawing ko ay si Mahimud Ali, yun kalabaw na boksingero.
13. Mahilig akong mag- KODAK ay di pala mag SONY at NIKON pala hehehe. Kahit saan ako pumunta dala-dala ko ang dalawang camera ko malimutan ko na ang lahat (wag naman ang anak ko), wag lang camera ko hahaha.
14. Noong high school ako, pag CAT na namin, ganito ako tumawag: “Mga pinuno ng talupad mag…..ULAT!!!” At minsan naman sinasabi ko sa buong talupad…”PASA-MASID!!”
15. Astig ako nang ako ay bata pa laging laman ng kalsada, ang mga peborit kong laro ay: agawan base, shato, luksong tinik, trumpo, patintero lagi akong patotot, text o teks, harangan taga, lupa, langit at impiyerno, Chinese garter, football, pitik bulag, larong goma, tumbang preso, jolens, laro ng tansan na may taya na balat ng sigarilyo na Marlboro, hope, Philips morris, more, Camel (pinakamataas na halaga)
16. Takot akong manood ng “horror movies” dahil sa pinagpapatuloy ko ang story sa panaginip ko na mas nakakatakot pa pero may creativity at artistic naman ang dating hahaha syempre ako ang bida at may anting-anting pa. Duda na nga ang asawa ko sa akin baka raw namana ko ang anting-anting ng Nanay ko, sabi ko naman baka yun hula lang …..nyahahaha
17. Marunong akong mag gitara, bandurya at electronic organ pero hindi ako magaling.
18. Ang unang TV namin ay bili na ng Kuya ko na panganay, colored TV na ito (walastik ha!!!) pero first year high school ako nang nagka tv na kami (grabe!!). Kaya di ko pwedeng awayin ang pinsan ko noong wala pa kaming tv, kundi di ako makapanood ng Voltes V at Analiza hehehe.
19. Lima kaming magkakapatid, hindi ako panganay lalong hindi pangalawa, pangatlo o pang-apat man. Masuwerte na rin ako kahit paano konting hirap lang naranasan ko at pinag-aral ako ng kapatid ko.
20. Ang pangalan ko ay galing sa pangalan ng Nanay ko nang siya ay nag-aaral sa Good Shepherd’s convent (sa may Katipunan, QC), noon kasi ay pinapalitan ng mga madre ang mga pangalan ng mga bata (kasama na ang Nanay ko) na pinag-aaral nila ng libre (pangmahirap lang) bukod pa sa mga batang pasaway (spoiled brats), kapalit ang serbisyo at pagrorosaryo araw-araw. Marami kasing tumatalon ng bakod na mga pasaway na estudyante…..ooppps chismis na to teka wala pala syang kaugnayan sa pangalan ko hehehe
21. Takot ako sa “kulong” na lugar o claustrophobic ako pero pinipilit ko pa rin labanan huwag mo lang ako dadalhin sa kweba na mag-isa, kulong at madilim o sa rides na madilim at walang lagusan at makakatikim ka ng batok at suntok na di mo pa nararanasan hehehe. Pero kahit paano ay nakakasakay na ako ng elevator na mag-isa…di ba may improvement na?
22. Nagcocollect ako ng mga stamps, iba’t ibang klase, namana ko yata sa lolo ko ang libangan na ito. Kinokolek ko lang pero di ko pa nailalagay sa album dahil sa kaka blog ko hehehe.
23. Marunong akong magdrawing pero kailangan may kopyahan, nahasa nang bahagya nang matuto ako ng autocad mula sa sariling sikap sa pag-aaral habang nagtatrabaho, nagtipid kasi amo ko….mokong na yun, user!
24. Lagi akong nakukuhang muse sa klase namin (elementary at high school) pero laging talunan, wala kasing pera pambili ng dyaryo, ganun ang mga pacontest sa pampublikong paaralan, Ms. Junkshop Contest hahaha.
25. May dalawa akong anak, isang sweet 16 na babae at isang makulit na walong taon na lalaki at iisa pa rin ang asawa ko hehehe ang one and only ko. Labing anim na taon na ring nagbobolahan at 16yrs x 365days (+/- 3 I love you tolerance per day) na nagsasabi ng “I Love you” bukod pa sa ligaw days hahaha.

PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay kuha sa Tokyo DisneySea, hinalintulad ko ang buhay ko sa globe ay sa mundo pala...ang mundo ay bilog minsan nasa ibabaw ka at minsan nasa ilalim...bow!
PAHABOL: Salamat pala kay Reena sa pag tag niya sa akin (pahabol niya hehehe).
aba. pati sa random things mo nagpapahula ka parin ha. :)
ReplyDelete#3. sa mapua ba eto? :)
#7. nabundol din ako. kinda. :) bus mung college. but i never had any physical injuries. superwoman!...umiyak nga lang ako.
#14. i was a CAT officer too! masaya ang CAT diba?
#25. wow, may teenager ka na palang anak. :)
saya naman. well travelled ka na pala. hehe.
thanks for doing this. we know more about you. pero madami parin kelangang hulaan. haha
nakakatuwa naman ang mga hula mo. at anong brand ba ng bolang kristal ang gamit mo?pahiram naman? hehe
ReplyDeletesalamat po sa pagdalaw sa blog ko.
hahaha ang saya mo talagang ka-blog mate.. nakakawala ng inip.. ang galing mong magkwento. ikaw rin pala sina missy, travellog at hulascoop. paprepareho silang nasa blog list ko. enjoy ako kasi talaga. kaya pala, you're one and the same. salamat kabayan. nice knowing you. salamat ha..
ReplyDeleteReena- balak ko nga sana yun 25 na yan ay pahulaan ko hehehe, may tama ka sa number 3 hahaha, yes masaya ang CAT nakakamiss din at naku tumatanda na pala ako at may teen-ager na ako hahaha (batang isip lang at batang nag asawa).
ReplyDeleteeliment- may brand ba ang bolang kristal? di ko pa sya natatagpuan eh hahaha nawawawala, thanks din sa pagdalaw dito
2L3Bs- yes pareho pareho pero iba-ba....ibang blog hahaha, salamat at natatawa ka kahit corny hehe salaamt s apgdalaw
Knock...knock...ang galing galing mo talagang manghula! medyo MMK ang dating ng hula mo ngayon at true to life story pa. Oks na oks ka Sardonyx. Napakagifted mo sa hula. Masarap sa buhay ang masaya kahit anong hirap ng buhay kapag masaya ka hindi ka nasiistress kaya naman nagustuhan ko ang hulascoop web mo. Isa ito sa nagpapakulay ng araw ko na wala ang mahal ko sa tabi ko...as usual inlove naman parati. Salamat Sardonyx sa hulascoop mo marami kang napapasaya sa araw araw. God Bless u
ReplyDeleteMIT grad ka pala. Okay ang mga nag tapos dyan. Kakopyahan ko ng answer sa exam noong nagre-review pa kami. At yung mga school na ipinangalan sa mga patay na heneral, marami yan dyan sa Cavite. : )
ReplyDeleteBlogusVox
http://blogusvox.blogspot.com
marami akong natutunan about you sa 25 things ms. sardz. akala ko nuon boy ka, kaya buti di kita tinawag na pareng sardz. hahaha. i feel a lot of respect lalo nung malaman ko na mother ka at may 2 kids. at mas lalo akong humanga, sa MIT ka nagtapos. ang galing!
ReplyDeleteHahaha! Natawa naman ako sa hulang ito! Hahaha!
ReplyDeleteTiming sa iyo, Sardonyx, kasisimula palang ng Hula Scoop mo, may tag na kaagad sa iyo tungkol sa25 Facts About Yourself. Somehow, may idea na kami sa iyo, ginagawa mo nga lang kaming manghuhula rin. U Parang panlalaki ang Sardonyx, babae ka pala?!
Barter tayo ng stamps. o",)
hahahaha...ikaw talaga sardonyx...sumakit na naman panga ko sa katatawa (baka sa susunod ulo ko na heheheh)..
ReplyDeleteNaku ang galing mong magsulat ha? Kakatawa talaga at naalala ko yung kabataan ko...naka re-late ako sa teks( hindi text), CAT, Funny Komiks at Mahimud Ali yung boksingerong kalabaw hahahhah..
At may pagkapusa ka pa ha..nasagasaan ka na eh nakatakbo ka pa...hahahaqhahahahahahahah
i like your blog!!!!!
anonymous1- salamat at napaluha ka sa hhula hehehe biro lang bakit naman MMK masyadong madrama yun hehehe pero salamat at napapasaya kita
ReplyDeleteanonymous2 aka as blogusvox- oo sa MIT nga pero dagdagan mo ng Philippines at baka akala nila sa US hehehe, naku sayang di tayo naging magkaklase sa review kung nagkataon ako ang kokopya sa'yo sa exam hahaha
mr. thoughtskoto- actually dalawang beses mo nga akong sinabihan na pareng sardz (yata) hehehe pero kinorek naman kita baka di mo lang nabasa hehehe, ok lang yun mukha naman akong lalaki hahaha
RJ- oo naman babae ako since pinanganak ako hehehe ok lang na pagkamalan akong lalaki kasi yun tipo ng hula ko siguro, lam mo naman mga kaklase ko sa collge ay lalaki kaya siguro ganito kinalabasan hahaha. Walang problema kung magpalitan tayo ng stamps, ano isesend mo ba sa email ko?? hahaha
Dennis- naku wag naman sanang sumakit ulo mo mahirap na kung saan pa mapunta yan hahaha. Ang galing nyo ngang magsulat at nabasa ko rin yun blog nyo about Pilipino komiks kaya nga nilagay ko rin dito para sana kung may time kayo mabasa nyo ito at mabola ko kayo at makahingi ng scan copy ng "this is your page" from funny komiks yun nandun un picture at drawing ko hahaha, nagbabakasakali lang naman hahaha
at sa mga lurkers salamat na rin sa pagbasa ninyo, sana magkaron kayo ng time na magcomment hehehe
grabe ka bespren! tsk tsk tsk wala akong masabi. gleng gleng bravoooooooo! kakatuwa ang hula hula natin. sana naman mag post ka ulit sa forum natin at miss na miss na miss na miss na miss na miss ka na namin :( ako naman sa gulong ng kariton ng sorbetes ang buhay ko. minsan nasa ibaba....minsan nasa itaas. ang hirap lang pag nasa itaas ako dahil tinutungtungan pa ako ng sorbetero :) salamat sa pag share. sorry at hindi ako agad nakadalaw at busy ako sa kakanuod ng alam mo na hehehe!
ReplyDeleteAte Gigi- salamat sa pagdalaw, hindi ko kasi kayo naaabutan sa forum kaya malungkot pag walang kausap dun hehehe, natawa naman ako na tinutuntungan pa kayo ng sorbetero, hayaan di mo naman namamalayan binubuhat ka naman ng Diyos kaya di mo nararamdan ang bigat ni mamang sorbetero hehehe
ReplyDeleteAlam mo, masarap kang basahin. Nakakaaliw at nakakatuwa. At kahit hindi pa kita nakikita ng personal, parang kilala na kita. (Siempre! Sa dami b naman ng confessions mo dito). Tulad ng iba, akala ko lalaki ka.
ReplyDeleteAt siguro, magkasing-edad tayo...28?
PS: Marami akong stamps. Hindi ako kolektor pero meron akong isang kasama dito sa Saudi ang umalis at iniwan nya sa akin ang kanyang mga stamps. Ewan ko lang kung magugustuhan mo. But I'm more than willing to give them all to you.
Nebz- sensiya na at ngayon ko lang nabasa ang comments mo hehehe, uy ang bait mo naman at ibibigay mo pa sa akin ang mga stamps mo hehehe naku nahihiya pa kasi ako sa'yo no, pero kahit anong stamps ok lang sa akin hahaha, hayaan mo pag marami na akong hulascoop malamang makakabawi ako sa'yo pero saka mo na ipadala pag marami na akong hula no pampondo hehe
ReplyDelete