Sunday, February 8, 2009

HULA SCOOP: Boring ang araw mo ngayon




HULA: Magiging boring ang araw na ito sayo, kaya kailangan haluan mo ng ibang sangkap ang buhay mo para magkalasa….manood ka ng mga bagong teleserye ngayon, bahala na kayo kung ano gusto nyo mapa kapamliya o kapuso pa ito.

SCOOP: Alam nyo ba na sa bawat ulam kailangan may sawsawan, kasi ito ang nagpapasarap sa pagkain natin? At sa bawat sawsawan ay may kahulugan ito…para sa akin…. ewan ko lang sa inyo basta blog ko to kaya huwag na lang kayo kokontra hehehe


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Toyo- laging may “T” ang tao na to, “topak” at “toyo” pero pag tinanong mo kung may toyo sya ngayon, ang isasagot niya ay lumalagapak na “Wala! Wala! Wala akong toyo, meron ako, patis! Patis! Hmmm hay naku pagbigyan nyo na lang at tatabang din yan.

Patis- Mahilig sa maalat at mabantot na ulam ang taong ito, ang motto niya kasi ay “Ang mabantot na pagkain, masarap kainin.” Di ko lang alam kung anong klaseng ulam ang sinasabi nya, kung luto ng kusinero o luto ng diyos.

Suka- Mag-ingat sa taong ito, may “usi at kalibre 45” na laging bitbit, super lakas ng putok!! Mahihimatay ka sa amoy, ang intindi pa sa amoy ng suka! Pero mag-ingat ka sa tao na to, kahit edad 50, may asim pa.

Banana ketchup- sweet at favorite ang red ng tao na ‘to gusto laging napapansin kaya naman mapa fried chicken, adobo, menudo, corned beef at pritong isda laging may ketchup sa pinggan nya, namumula!

Suka na may sili- hot na hot ang tao na ‘to, mahilig pa….mahilig uminom ng tubig dahil sa anghang na kinakain nya. Pero wag ka, ang lutong adobo, kare-kare, tinola at nilaga baka may sili pa, check nyo kaya.

Toyo o patis na may kalamansi- may toyo na e mabantot at di pa maipinta ang mukha ng tao na ‘to kaya mag-ingat ka. Pangarap ng tao na to ang maging leader….datu puti nga lang ang kinalabasan.

Bagoong- lumaki sa hirap ang tao na ‘to kaya kahit bagoong lang ay ulam na ito sa kanya, dessert na nya ang manggang hilaw. Minsan namimiss pa nya ang pandesal w/ bagoong spread (eewwww). Handang makipagpatayan sa kapitbahay maluto lang ang kanyang bagoong sa loob ng bahay na umaalingasaw sa kapitbahay.

Suka na may toyo, sibuyas at sili at hinaluan pa ng konting asukal- mataba at pangit ang tao na to ipagsama sama mo ba naman ang katangian ng ibang sawsawan dito e di may toyo na, may putok pa, maasim ang mukha at hot na hot pa, grabe! Mahilig din! Mahilig…….sa malalaking pata! Gusto pa niya ang masabaw at nagsesebo…..hmmmmm…na crispy pata! Tsalap!

PAUNAWA: Nawa’y kinatakaman nyo ang hula ko ngayon at magsilbing sawsawan sa ulam nyo. Hala pili na! Wala pong berde dito, maghanap na lang kayo ng sili, sigurado may berde yun at hot na hot pa!

PAHABOL: Ang larawan na nasa itaas ay walang kinalaman sa hula ko ngayon, wala kasi akong makitang toyo, patis, suka at ketchup na maipopost ko dito kaya ang kuhang ito ay kinodak ko pa este ni-sony ko pa sa Maui, Hawaii hehehe

12 comments:

  1. Naku naman naglaway ako ng husto lalo na yung may suka, sili, sinuyas at hinaluan pa ng asukal...tsk tsk...sarap nito...
    Galing mong manghula Missy, nakakagutom hehehehe

    ReplyDelete
  2. Heheheh Ni-Sony mo pala yung larawan sa taas? Galing ah...ako ni-Pentax ko mga shots ko eh..ayush ba mare? hehehehehe

    ReplyDelete
  3. Teka, ang tamang word yata ay Sinony, hindi ni-Sony harharhar!

    ReplyDelete
  4. Ni-Pentax...mali rin ako...dapat Pinentax...naaliw ako masyado sa post mo kaya dami koment LOL

    ReplyDelete
  5. hahaha oo dapat sinony yun kaso para magcomment ka ginawa kong ni-sony hahaha naisahan yata kita doon, ganyan kasi magtagalog mga anak ko buyoy hahaha...thanks for dropping by

    ReplyDelete
  6. Bawat sawsawan ay napapabuntung-hininga ako. Hahaha! o",)

    Ako ang paborito ko talaga bagoong. Lalo na kapag may pritong talong. Kahit nilaga, sinigang, monggong may karne, talbos... sinasawsaw ko sa bagoong. Kahit nga rito sa Australia ay hindi ako nawawalan nito, may gawang Pilipinas at may gawang Thailand.

    Pero hindi ko naman sinasawsaw sa bagoong ang pan de sal. Whew! Hindi ko pa nasubukan 'yon.

    VERY CREATIVE ang blog na ito. o",) Ipagpatuloy.

    ReplyDelete
  7. yey! i will follow your blog ha. naaaliw ako sa mga hula mo. mahilig kasi ako makinig sa hula, magbasa ng horoscope and magbasa ng feng shui kua calendar ko. pero hindi ako chinese ha. :)

    ReplyDelete
  8. haha! ang saya talaga ng mga hula! salamat po pareng Sardonyx sa pag-add ng Kablogs na banner sa sidebar mo, i updated the post and added you na rin po sa list ng mga nagdisplay. salamat ulit!

    natawa ako sa suka. marami dito sa middle east ng may ganyan! haha

    ReplyDelete
  9. RJ-ako rin peborit ko yun bagoong hehehe pero di ko pa rin nasubukan sa pandesal, yun frend ko lang. Salamat muli sa pagbisita

    Reena- thanks for following my blog I also followed you hahaha, sige bukas feng shui naman hehehe pero ngayon nagpost ako ng isang letter muna basahin mo na lang muna

    Mr. Thoughtskoto- natawa naman ako at mukha pala kong lalaki sa porma ng blog ko hahaha

    salamat sa mga lurker din kung meron man, huwag lang sana akong matuluan ng laway nyo hehehe (biro lang po)

    ReplyDelete
  10. Nakakatuwa naman itong blog mo. Ano ba work mo, writer? Pwede ko bang makuha ym mo para makapag chat naman tayo? Sanay mapagbigyan mo ako. Thanks in advance.

    ReplyDelete
  11. ay susme grabe...eto ipo-post ko bukas sa forum bespren. wala na talaga akong masabi pa. mishu na. si batman hindi na rin nagpaparamdam sa forum :-( kami na lang ni prenship ang natitirang masipag at si moderator. si prend tammy, anirod, bcbee, kablag...konti na lang talaga kami. balik ka na pleeeeeeease! mishu!

    ReplyDelete
  12. Pringles- salamat pala sa comment mo ngayon ko lang nabasa, busy kasi ako kakapost ng hula ko hehehe joke lang, pwede mo akong i-YM, sardonyx2h@yahoo.com, salamat sana lagi kang dumalaw

    anonymous- naku prend sige babalik-balik ako sa forum don't worry

    ReplyDelete