Thursday, February 26, 2009

HULA SCOOP: Maiinis Ka sa Isang Tao



HULA: Maiinis ka sa isang tao, easy ka lang huwag patulan ang mga ganitong tao na makakapagpasira ng iyong araw daanin mo na lang sa hula.

SCOOP: May mga kaibigan tayo na sa katagalan makikita natin ang kanilang mga ugali, pero gaano man siya kasama o kabait dapat alam mo kung paano mo siya pakikitunguhan na hindi masisira ang inyong relasyon. Narito ang mga iba’t ibang salita na pag-aaralan natin tungkol sa kaibigan, mapa slang o bansag man.


Prend- slang word ng friend o kaibigan

Friendship- slang word na tawag sa kaibigan, ang unang nagpasimula ng slang na ito ay si Rufa Mae Quinto (ayon sa magazine na nabasa ko na pinadala pa sa akin ng byenan ko, kaya walang kokontra…. sipsip hehehe) na nagpasalin salin na sa bibig ng mga artista like Ai-Ai, Kris, etc at sa bibig ng bading, babae o kaya kayo.

Mababaw- dalawa ang pakahulugan nito kundi mababaw ang kaligayahan at humahagalpak ka kaagad ng tawa kahit sa corny jokes o mababaw ang dahilan para makipag away ka sa prend mo.

Nandadamay- kapag mababaw ka, malamang idamay mo at awayin ang prend mo na prend din ng inaway mong prend kahit wala syang ginagawa sa’yo…ngek parang ang gulo?? Yun na yun

KSP- kulang sa pansin; lahat ay gagawin magpapansin ka lang sa mga tao na hindi kumakausap sa’yo na gusto mong kausapin

TH- trying hard, hind ito yun taong magaling magpatigas ng ano…o ng kahit ano…..kundi super ang effort niya gawin ang isang bagay pero di pa rin pasado sa taste ng ibang tao, feeling niya in na siya sa crowd pero hindi pa rin

Ahas- kapag inagaw mo ang bf/gf o asawa ng prend mo

Tupperware- plastic ka, mabait ka sa prend mo pag nakaharap pero pag nakatalikod ang daming sinasabi sa prend niya, prend ka nga ba pag ganun?

Balimbing- pag mabait ka sa kaharap mong prend at sinisiraan mo ang other prends mo sa kanya then pag kausap mo naman ang other prends mo sila naman ang mabait at sinisiraan mo ang other prend mo… hay mas lalong magulo! Basta ganun!

Doble kara- e syempre dalawa mukha, parang bipolar siguro paiba iba ang ugali di mo alam kung may tama o may mali hehehe

Tirador- mahilig manira ng tao

BFF- best friend forever, syempre umulan man o bumagyo nandiyan pa rin siya sayo…prends mo pa rin, kahit ang lakas ng toyo mo, kahit patis pa, basta lagyan mo lang ng kalamansi ayos na hehehe.

Close friend- malapit na sa best friend, super close na kayo as in iingatan ang friendship nyo at gagawa ng paraan huwag lang masira ang friendship, hindi mandadamay

Berks- barkada, sa lahat ng lakad magkakasama

Kuyog- barkada na when it comes sa awayan laging magkakasama, gugulpihin ang kaaway ng isa

PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay inuugnay ko sa hula ngayon, ang "friendship" bow!! Gaano man kaikli ang shorts nila hindi nila ito kinakahiya ang mahalaga terno ang sumbrero at medyas sa short nila hehehe. Kuha ito sa Tokyo habang ako ay naglalakad, mga estudyante na tila di nilalamig at super ikli ng shorts nila.

6 comments:

  1. hi! uy, nagkatotoo na yung hula mo! haha. nainis nga ako sa isang tao kanina pero i didn't let it ruin my day. hehe...

    ei, i tagged you nga pala. hanapin mo nlng yung post na yon. i tried commenting here nung isang araw pero parang sira yung comments page mo.

    anyway, the tag is to list 25 random things about yourslef. try doing it during your free time, okay? tc!

    ReplyDelete
  2. Ayos ang 'ahas'. Dapat nga lang ang definition ay, "kapag inagaw mo ang bf, GF o asawa..."

    Kapag halimbawang maagaw ang mahal mo o mahal ko, sa tingin ko ay magkakatotoo itong hula ngayong araw. o",)

    ReplyDelete
  3. Reena- salamat sa pagdalaw mabuti naman at nagkatotoo ang hula ko ngayon hehehe, sige magpopost ako ng 25 random things dito sa hula ko in tagalog ha, abangan mo salamat sa pag-tag

    RJ- pasensiya na at mali ang nalagay kong definiton hehehe, kasi itong hula scoop ko ay collection ko pa ito na pinopost ko sa forum na pinupuntahan ko e puro kasi mga girls ang nandun e di ko na po nareview hehehe, di bale papalitan ko na lang at pati na yun iba. Salamat sa pagdalaw hanggang sa muling hula hehehe

    ReplyDelete
  4. Sardonyx,
    salamat at may palaman na naman ang araw ko, palaman hindi sa tinapay pero palaman ng kasiyahan. Gusto ko ang mga katagang sinasagisag ng iyong kaalaman tungkol sa bagay bagay sa ibat ibang pakikisama ng ibang tao sa ibang tao. Nakakaloka

    ReplyDelete
  5. hahaha pinasakit mo na naman tiyan ko sa katatawa..hehehe makopya nga tong hula mo at i-post ko sa opisina namin para matawa naman mga nakasimangot lagi hahahahah

    ReplyDelete
  6. Dennis- ok lang po na ipamahagi ang post ko, salamat po

    ReplyDelete