HULA: Huwag damdamin ang mga nakaraang hinagpis; hindi makakatulong sa iyong pagtahak sa kasalukuyan. Kung ikaw ay naiinis idaan mo na lang sa paglinis at ayos ng inyong bahay at baka makatulong pa ito sa pagbalanse mo ng inyong kalusugan, ng yaman at syempre ang suwerte nyo sa buhay…yan ang feng shui! Bow!
SCOOP: Pag love ang pinag-uusapan sa feng shui, mas maganda talakayin ang aspeto ng romantic love, mas mabenta sa mga readers…ewan ko ba kung bakit.
Kung gusto nyo ng maganda at maayos na relasyon umpisahan nyo ito sa bedroom.
Ang pinakamahalagang furniture sa bedroom syempre ang kama, mas maganda ang kahoy na frame kesa sa metal. Mas maganda bumili kayo na may apat na matataas na poste, para pwedeng pwede kayong maglambitin dito at pwede nyo rin itali si mister pag ayaw umalis sa computer at di kayo makasingit sa kanya, siguro mas gugustuhin nyang maposas sa kama habang pinapanood ka nya na tawa ng tawa sa harap ng computer kesa magluto.
Narito ang ilan sa feng shui’s do’s and don’ts sa bedroom (totoo ito ha!):
1. Ayon sa feng shui, ang bedroom daw ay dapat hindi nasa taas ng garahe.
Kaya ilagay nyo na lang sa baba ang bedroom at sa taas ang garahe.
2. Hindi daw pwede sa immediate, above or below the toilet, kitchen, next to living room or children’s playroom.
-E san natin ilalagay? So sigurado dun nga sa labas ng bahay dun sa pwesto ng garahe.
3. Ang sleeping position at door entrance ay magmamatch sa personal trigram ninyo.
Di ko alam ano ang trigram ninyo e kaya malamang ang magandang sleeping position e nakatuwad o nakapatong….sa kama. Ang door dapat lagi sarado at dekandado pa, mahirap na baka pagpiyestahan pa ang position nyo.
4. Iwasan ang paggamit ng synthetic, chemicals, as well as electrical appliances such as synthetic curtains, electric blankets, waterbeds,computers, tv etc.
- So that means huwag bibili ng waterbed, mahirap naman kasing lumuhod dito at masyadong maalog pa at pag nadaganan pa kayo ng asawa nyo malamang di ka na makakaahon dito.
- Wag na mag electric blanket, buhay na kumot ayos na ayos na
- Naku bawal pala computer at tv sa loob, di pala kayo pwede magsurf sa internet at lalo na ang manood ng triple x (dusa to!)
- Huwag magtipid sa pagbili ng kurtina bili na kayo ng cotton o kung gusto nyo leather curtain hehehe
- 5. Kailangan maluwag ang bedroom na pwede nyong malayang maaayos ang mga kasangkapan sa loob depende sa mood nyo.
Ang ipinapayo ko pag ganito ay kama na lang ang ilagay nyo sa bedroom nyo, para di na kayo mahirapan maglipat ng gamit at pwede pa kayong maghabulan at mag paikot ikot sa kuwarto nyo.
- 6. Kailangan lagi full of energy, fresh at sensual ang bedroom.
-Laging maghanda ng oil, kahit anong klase siguro pwede, baby oil o cooking oil o efficacent oil, di ba pwede KY jelly?
Maglagay na rin ng kandila para just in case matabig nyo ang lampshades kakaalog nyo at napundi ang lahat ng ilaw meron kayong back-up.
PAUNAWA: Nawa’y kapulutan nyo ng pamahiin ang bawat payo na ibinigay ko sa inyo. Ang 6 na do’s and don’ts ay nakuha ko sa www.knowfengshui.com at ang payo syempre bukal sa aking pusong ibinabahagi ko sa inyo.
PASALAMAT: Salamat muli sa aking Kuya sa larawan na nakalathala ngayon. Maaari ninyong dalawin ang iba pa niyang mga larawan sa http://www.flickr.com/photos/ompoint59
ganda naman ang picture. Ok yung advise mo tungkol sa kama. kailangan matibay na kama para itali ang pasaway na asawa. LOL
ReplyDeleteNatawa talaga ako sa number 1, hahahaha!
ReplyDeleteGinagawa ko naman ang nakasulat sa number 6. Sa ngayon tatlong uri ng mga oils/liniments ang nasa silid-tulugan ko. o",)
You are so funny! :D Thanks for making me smile.
ReplyDeleteMany thanks for your visit to A Pinay in England and leaving your comment. Have a fab Valentine's Day!
joy
Norwich Daily Photo
I,Woman
Your Love Coach
Salamat po sa lahat!
ReplyDeleteNanaybelen- ganda nga ng picture pero hiniram ko lang sa Kuya ko hehehe
RJ- hahaha make sure di mo mabunggo ang mga oil mo ha at naku mahirap na hehehe
Joy- Joy ikaw rin ba yun sa Norwich Daily Photo? Thank you naman at nagsmile ka kahit corny hahaha, ok lang corny ganun talaga hehehe