Monday, February 9, 2009

HULA SCOOP: Huwag Mawawalan ng Pag-asa sa Pag-ibig


HULA: Huwag kailanman mawawalan ng pag-asa lalo na sa larangan ng pag-ibig mo at ng iyong minamahal. Ipaglaban mo anumang balakid ang humahadlang sa dinaraanan ninyo. Kung patuloy ito sa paghadlang …tumalon na lang kaya kayo?

SCOOP: Narito muli ang isang liham na galing sa isang taong in love, dito niya ipinakita kung paano siya umasa na sila pa rin ng mahal niya sa buhay gaano man ang kahadlangan sa kanila; muli kong ibinabahagi sa inyo ang liham na ito na nagkamali ng padala at sa akin bumagsak:

Dear Sarj

Sa titig palang ng iyong mga mata ay kinilig na ako.

Hay naku lukaret talaga ako pero naantig mo pa rin ang puso ko.

Akala mo pagkatapos ng lahat wala na akong mararamdaman gaya ng dati

Pero grabe lumambot na ang lahat hindi pa rin nagbago ang sa akin.

Umaasa ako na pagdating ng panahon mahal pa rin natin ang isa’t isa

Nanaginip nga ako na nakita natin ang isa’t isa…lam mo na in love pa rin

Araw-araw masaya ako kasama si Joy sa lahat ng paghahanap ko

Alam mo di ako ganun ka desperado
Naku kung may pagkakataon lang nga talagang hahablutin kita ng dalawang kamay ko

Talagang dapat lang na masundan pa ng ikalawang pagkakataon ito kahit na ikasunog ko pa.

Huwag na huwag na wag na wag na wag na wag Babes…. kailangan kita

Naniniwala akong magkakakasama pa rin tayo
Kung maniniwala lang tayo na ang tunay na pag-ibig ay hindi kailanman magwawakas

Kinakailangan din natin na mahalin muli ang isa’t isa

Naniniwala pa rin ako, oo, na balang araw mamahalin pa rin natin ang isa’t isa
Oh Babes oo talagang nanaginip ako na magkakasama pa rin tayo.

Naniniwala pa rin talaga ako, (oo talaga Babes, totoo yan) na balang araw tayo pa rin, bigyan mo lang ako ng pangalawang pagkakataon.

Sabi ko nga sayo na nanaginip ako (namimiss ko ang pagmamahal mo) na magkasama pa rin tayo, (Oo naniniwala pa rin ako) na talagang magmamahalan pa rin tayo Babe balang araw.

Maria Karengkeng

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dear Maria

Ang masasabi ko lang e……ang hirap! Ang hirap itagalog ng kanta mo grabe! Di ko malagyan ng green hehehe. Pero infernes peborit ko yan kanta mo na yan…kaka in lab! High school days ko yan. I love you Mariahhhhhhhhhhhh!!!!! hehehe

Sards

PAUNAWA: Salamat sa lahat ng tagsubaybay ng hula ko at nagkaron ako ng inspirasyon na makabuo ng panibagong imahinasyon sa larangan ng awit este pambobola sa inyo hehehe…teka alam n’yo ba ang pamagat ng kanta na tinagalog ko? Awit ito ni Mareng Mariah Carey ko??? Hello???

PAHABOL: Ang larawan na aking nilathala ay mula pa sa aking mabait na Kuya siya ang idol ko sa larangan ng photography (hmm ano ba ang tagalong nun?? Hmmm ahh basta photography ok na yun), ki-nanon niya yan (canon-an??) (ni-canon??) hehehe wateber. Pakidalaw na lang ang iba pa niyang mga larawan sa www.flickr.com/photos/ompoint59



6 comments:

  1. ang galing! anong mariah carey song yan? hahaha. kakatuwa ka. ang tiyaga ong mag-translate. :) kala ko pa naman totoong love letter na eh.

    ReplyDelete
  2. Thanks Reena, "I Still Believe" hehehe ssshhhh wag kang maingay hehehe

    ReplyDelete
  3. Salamat sa entertainment! :D

    Thanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comments.


    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    I, Woman

    ReplyDelete
  4. Hindi ko alam na kanta pala ito, kung hindi mo sinabi sa dulo. hahaha! Ang galing! U

    Mahusay kayong magsalin-wika ah!

    Sige, sige, kung patuloy na may hadlang, tatalon na rin ako. o",)

    ReplyDelete
  5. Salamat Joy sa pagbisita mo.

    RJ- salamat sa pagdalaw at natutunan mo na rin na pag may hadlang ikaw ay tatalon hehehe

    Reena-salamat uli

    ReplyDelete
  6. wow pwde bah apply ko parents ko...lagi kasi silang nag aaway..!! :(

    ReplyDelete