Monday, December 15, 2008

HULA SCOOP: Huwag maging balat sibuyas


HULA: Sa araw na ito ay masyado kang balat sibuyas, ibaon mo na lang sa hukay ang galit mo.

SCOOP: Sa araw-araw ng ating buhay, hindi natin namamalayan na nakakasambit tayo ng mga katagang malalim na iba ang pakahulugan. Katulad na lang ng mga katagang nasa hula na ito, halimbawa ito ng mga sawikain o idiomatic expression o idioms sa ingles.

Narito pa ang ilang mga halimbawa:

KAHULUGAN KO (walang kokontra):

Di makabasag pinggan- mahinhin(dutin)
Balat Sibuyas- amoy putok
Kaututang dila- kachokaran, ka telebabad
Ibaon sa Hukay- walang perang pamburol
Makalaglag Panty- Piolo!!!



Sawikain Noon at Ngayon:


Noon: Suntok sa Buwan
Ngayon: Asa ka pa!

Noon: Pana-panahon lang yan
Ngayon: Late ka na naman?!!


Noon: Larawan ng kawalang malay
Ngayon: Ma at Pa (Malay ko at Pakialam ko!)

Noon: Walang tulak-kabigin
Ngayon: Hirap pumili, parehong ok sa olrayt!!

Paunawa- Ang mga nabanggit ay mga kahulugan at expressions ko at hindi layunin na turuan kayo ng tamang kahulugan.

PASALAMAT: Salamat sa picture na ginamit ko mula sa aking kapatid na expert sa photography hehehe

No comments:

Post a Comment