HULA: Masaya ang araw mo ngayon at bukas. Makakatanggap ka ng isang regalo na alam ko namang inaasahan mo na darating.
SCOOP: Dahil bukas ay araw ng mga puso kaya malamang talagang makakatanggap ka ng regalo sa iyong “babes, ” "waswit," “honey, ” “mahal," "mokong" o "damuho" man. Masaya ka ngayon kasi sabik ka na rin kung ano ang matatanggap mong regalo bukas.
Wala akong maisip na iregalo sa aking honey kaya ako’y gumawa na lang ng love letter, matagal-tagal na rin akong di nagbigay nito sa aking asawa. Kaya paki check lang po kung ok ba ito, alam kong corny kasi tagalog na tagalog pero ok lang yun, "ang nagmamahalan daw ay talagang corny" hehehe. Paki iwan po ang inyong "puna."
AKING VAL,
Wala mang mamutawing mga salita
At ang pagkakataong makapangusap ay wala
Maririnig pa rin kita
Kung wala mang mga luha
Ang maramdaman sa loob man ay wala
May damdamin pa rin ako sa’yo
Kahit man ang araw ay sumuko nang magliwanag
Kahit pa ang paglalambingan ay di na tugma
Ang puso ko pa rin ay sa'yo lamang
Hanggang matapos ang kailanman
Ikaw ang tangi kong kailangan
Aking mahal, aking Val
Sa aking buong buhay
Ikaw lang ang aking hinihintay
At lahat ng iyon ay ‘yong ibinigay
Minulat mo ang aking mga mata
At tinuro mo sa akin kung pa'no maging mapagbigay sa pagmamahal
Pinangarap ko ang ganitong pagkakataon maka ilang libong beses na
Maging sa aking panaginip ang lubusang mahalin ka ay di ko magawa
Ibibigay ko sa’yo ang aking puso
Hanggang matapos ang kailanman
Aking mahal, Aking Val
Martina
PS:
La da da
Da da da da
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
PANUTO: Syanga po pala ang tunay na pangalan ni Val ay Valentine kaya paki palitan na lang ang pangalan na Val sa Valentine at pakisalin sa ingles….presto may lyrics ka na ng kantang “My Valentine” by Martina Mcbride hehehe
PAUNAWA: Wala po akong blog sa araw ng mga puso dahil kami po ay magba blog-blog-an muna kung anuman ang ibig sabihin ng “blog-blogan” ay sa akin na lang yan huwag nyo nang alamin pa, malay n'yo....malay ko rin hehehe.
PASALAMAT: Ako po ay nagkaroon ng inspirasyon na isalin ang kantang ito dahil sa nabasa kong blog mula kay Mr.Thoughtskoto, sana lang mathought moko este makilala mo ako hehehe.
Salamat na rin sa nag upload ng video na ito galing kay cha20
it is always fun here, especially with your unique wittiness. haha, di ko alam f may word na ganun. translation is good, but as always, we all need cash. :) nyehehe.
ReplyDeleteKeep blogging, happy hearts day!
Mr. Thoughtskoto- meron nga sana akong ibang salin ng kanta na yan kaya lang....mas corny hehehe at baka humaba na yun blog ko ngayon e wala na lalong magbasa pero kung meron magrequest e di ibigay ng bonggang bongga hahaha
ReplyDeletehi!
ReplyDelete"Wala mang mamutawing mga salita" >> Huh? anong mamutawing? hahaha. ang lalim mo naman magtagalog. :(
aww...ang sweet naman. So val nga name ni hubby mo? birthday ba niya sa 14? hehehe...
uy...enjoy the blog-blogan ha. i-blog mo nangyari sa 14th! happy v-day! see you soon. :) tc!
hi! naligaw lang po mula sa blog ni reena. at nasiyahan at naligayahan sa aking nabasa. mukang mapapatambay yata ako sa inyo pong makabuluhang muni-muni at dili-dili!
ReplyDeletehappy hearts day! :D
Reena- yun love letter ko ay tinagalog ko lang po ang lyrics ng "My Valentine" at hindi Val ang name ng husband ko...."si Val, si Val na walang malay?" ....hahaha hmmm famous line ni Ate Vi hahaha...yun "mamutawi" ay basta meron ganyang tagalog hehehe "lumabas" na lang sa bibig ko eh hehehe
ReplyDeletesyel- salamat sa pagbisita, sige lang tambay ka dito para mas ma inspired akong gumawa ng hula ko hehehe mas malakas ang vibes ba....
hello. binalikan ko yung hula mo. kasi feeling ko tlga totoo. :) in fairness, masaya nga ako nung friday and saturday...
ReplyDeletedid it say na malungkot ako today? kasi i am. waaaahhh...aalis na yung friend ko. she's migrating na. pinilit ko na huwag damdamin but i can't help it.
yun lang. ano kaya hula mo bukas?
Reena- cheer up nandito naman ako hahahaha biro lang, wala pa akong hula at ako'y nagbabaksyon sa Tokyo pero pagdating ko babawi ako, miss you hahaha at huwag malungkot dyan, mamimiss ko blog mo
ReplyDeletehahaha bespren pinost ko ito sa forum today. hahaha sabi ko nakuha ko sa site mo. nami-miss ka talaga namin :-(
ReplyDeleteguess who? gleng gleng mo talaga wala akong masabi.
Anonymous- sorry ngayon ko lang ito nabasa, hmmm parang kilala na kita hahaha, naku namiss ko na ang forum. Pakisabi sa kanila na yun mga pinopost ko na hulascoop noon ay ipopost ko uli dito.
ReplyDelete