HULA: Iwasang magsukat o magbilang ng kabutihang naitulong mo sa kapwa bagkus gawin mong isang pasasalamat ang mga ginawa mo sa kanila. Sandamakmak man ang naitulong mo sa iyong kapwa kung ang turing sayo ay kalaban ituring mo na lang na natalo ka sa sugal, pero kung gusto mong makapitik man lang e magsolian na lang kayo ng kandila? At least may kandila ka pa, pampabango rin ng bahay yan.
SCOOP: Nabanggit ko ang salitang sandamakmak, isa ito sa slang words ng Pinoy kung ang unit of measurements ang pag-uusapan at hindi ko maubos maisip kung may translation ito sa ingles. Narito pa ang ilan:
Konti- iilan
Kapiranggot- konti
Katiting- konti rin
Gahibla- kasing nipis ng hibla (ng nylon, ng buhok)
Gabuhok- kasing nipis ng buhok
Gabutil- kasing laki ng butil ng palay, asin, bigas, mais depende sa gusto mo
Gadaliri- kasing laki ng daliri, ewan anong daliri, mamili na kayo
Sandamukal- madami
Sankaterba- madami rin
Sankatutak- madami pa rin
Sandamakmak- madaming madami
Sandakma- isang dakma ng kamay, kung paano ka dumakma ng …ibon ganun, pero dapat kalapati para swak na swak
Himaymay- isang bahagi (fraction)
Dingding lang ang pagitan- yun na rin ang kahulugan
Isang dangkal- sukat ng inunat na kamay mula dulo ng hinlalaki (thumb) at dulo ng hinlalato (middle finger)
Isang dipa-sukat mula dulo ng 2 hinlalato pag inunat mo ang dalawa mong braso; pag di mo magets, kung alam mo ang UP oblation ganun magsukat ng isang dipa…ang braso ang susukatin at hindi yun nakatiwangwang sa gitna ha hehehe
PANUTO: Dagdagan nyo na lang kung meron pa kayong alam wala na akong maisip. Gabutil ng asin lang kasi ang utak ko e hehehe...
PAHABOL: Ang larawan na nasa itaas ay isang halimbawa na sandamakmak na tao sa tawiran ng Shibuya, Tokyo Japan. Nikon-an ko ito noong Feb. 19, 2009.
[Kahapon pa po ako nandito ayaw lumabas ang word verification.]
ReplyDeleteSeryoso akong binabasa ang hula ta's sa huli natawa akong bigla dahil sa scented candles! Hahaha! o",)
Nakaka-miss ding magawi sa lugar na maraming tao, tulad niyang nasa Shibuya, Tokyo.
hello sardonyx'
ReplyDeleteako iyong tagahanga
malalim na vocabulary moy ako'y napapanganga
kaya naman akoy naghihintay
sa susunod na hula scoop moy akoy nagsusubaybay
kaya please
nasaan na ang latest
salamat muli Sardonyx!
dahil akoy
RJ- salamat for trying to leave a comment kahit nga si Joy ayaw din daw magwork yun word verification kaya nag email na lang siya sa akin. Baka nagkaproblema sa blogspot anyways thanks for dropping by.
ReplyDeleteanonymous- mukhang naging makata ka na rin ah? hehehe magpopost na ako ng hula ko ngayon kaya wait ka lang ha, salamat.
Di masukat ang kasiyahan ko sa pagbabasa ng blog mo Sardonyx, keep it up, isa akong susubaybay sa metro por metrong mga panulat mo.
ReplyDeletePope- Salamat sa pagsubaybay mo sa mga hula ko gaano man ikaw kalayo sa akin, pindot lang ang pagitan natin sa pandaigdigang sapot hehehe
ReplyDelete