Friday, February 6, 2009
HULA SCOOP: Iwasan mapuyat ngayon
HULA: Iwasan mapuyat at mapagod sa gabi, hinay-hinay lang ang paggawa….sa gawaing bahay man o paggawa ng bata.
SCOOP: Tayo nang mag-aral ng gawaing bahay at nang dapat nating pagkaabalahan na sports, tara kaibigan basa na.
KAHULUGAN ko:
Hinay-hinay- dahan-dahan
Puyat- di natutulog ng maaga, kung anu-ano pang pinagkakaabalahan sa gabi ewan ko kung anu-ano yun.
Gawaing bahay- mga ginagawa sa bahay:
Halimbawa:
- paglilinis ng…kuwarto o kusina…wateber
- pagkalkal ng….bakuran, garden
- paghimas…ng manok
- paglamas ng….dough
- pagsundot ng….barang toilet
- pagbunot ng...damo
- pagkiskis ng…kawali
- paghugot…ng hose para magdilig
- pagdidilig…ng mga halaman
Ang mga sumusunod na sports ay halimbawa na dapat nating pagkaabalahan para maiwasan ang magkasakit, dapat tayong magsanay sa mga ito para maging expert sa larangan ng sports, pili na!
GOLF- kahit 18 holes kayang pasukin nito, wet, dry o bushy ayos sa kanya swing lang ng swing. May "birdie" at "Tee" pang pinag-uusapan kahit ano pang ibig sabihin, sounds like...you will love it!
SWIMMING- Magaling sumisid, mapabreast stroke o patalikod man
BOWLING- Inaasinta muna bago tumira, pag tira siguradong tumba
BASKETBALL- Wow, dribble muna bago shoot! O kahit pa shoot muna bago dribble. Mapa two o three points ayos na ayos, opensa o depensa man ok sya!
BOXING- matibay sa labanan, kahit 12th round nakatayo pa rin, kaya nyo yun??
FENCING- Ang galing sa espadahan
FOOTBALL- Ang galing dumakma, pa side man o paharap, walang kawala
BILLIARD- Tumututok muna bago shoot pag tumira naman sapol na sapol ( Tisa muna! Hehehe)
BADMINTON- pinaglalaruan ang cock, ay ang galing, palipat lipat lang sya. Ano? Shuttlecock ba tawag dun?? Hmmm pareho din yun!
CHESS- masyadong pinag-iisipan bago ‘tumira’ at pag tumira siguradong “mate” kagad!
EQUESTRIANISM- syempre pa magaling mangabayo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hi. tnx for the blog visit. are you and missy together in japan?
ReplyDeletepwede bang magpa-hula? hehe. tc!
Hahaha! Ayos ah. Sa ngayon wala akong time sa sports, eh. o",)
ReplyDeletehehehe galing ng mga hula! pwede rin po ba magpahula?
ReplyDeletehello po, exciting at enjoyable dito sa post mo. I just want you to know I added you to the KABLOGS pinoy blogs abroad aggregator, at http://thoughtsmoto.blogspot.com under The Pacific and Asia Region
ReplyDeleteSa lahat po ng nagcomment maraming salamat po:
ReplyDeleteReena- si Missy at ako ay iisa hehehe sensya at di ko alam kung paano ko ililink ang 2 kong blog na isa ang name
RJ- pag napadalas ang dalaw mo dito mahihilig ka na sa sports hehehe
Dennis- pwedeng pwede kang magpahula hehehe basta kalokohan ayos lang
Mr. Thoughtskoto- salamat at ini-add mo ang bog ko, sa ngayon po di ko pa alam paano magfollow ng blog hehehe pero pag-aaralan ko at i-aadd ko po kayong lahat
Ang hula ko pong pinopost ngayon ay mga collection ko palang po yan na dati kong pinost sa isang forum na pinupuntahan ko until now, gusto ko pong ishare at marami kasing natuwa sa forum na yun.