Thursday, February 5, 2009

HULA SCOOP: Maging huwaran ka ng ibang tao



HULA: Hayaan mong maging huwaran ka ng ibang tao, sabi nga ng matatanda para kang isang butil na palay sakop ang buong buhay.

“Isang butil na palay, sakop ang buong buhay” ay hango sa isang bugtong na ang ibig sabihin ay “ilaw.” Kaya dapat lang na maging ilaw ka sa mga madilim ang pananaw sa buhay kaya, para lumiwanag ang inyong araw.....

bugtungan na!!!!

SCOOP:

Ang bugtong ay bahagi na lang yata ng “Filipino subject” sa elementary at high school na kapag hindi natin ito pinagyaman, baka mauwi na lang sa ibang kahulugan. Kagaya na lang ng bugtungan na ito, mukhang di yata natutunan ng sumasagot ang bugtong kaya iba ang kinalabasan. Ating silipin ang, “battle of the greenminded” hehehe sardonyx style

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Host: Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Contestant 2: ulo? Puno na mga patay na buhok?
Host: Mali , nagsisimula ito sa letter “P”
Contestant 1: Pubic hair?
(Sagot: posporo)

Host: Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.
Contestant 1: halinghing?
Host: Hindi, It starts with letter "K"
Contestant 2: Kinikilig na humahalinghing??
(Sagot: kulog)

Host: Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Contestant 1: Manoy?
Host: Ano??? Nag-uumpisa sa letter ‘K”
Contestant: Kanoy?
(Sagot: kandila)

Host: Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Contestant 2: Yan ang Manoy !
Host: Anong pinagsasabi mo? Gulay ito.
Contestant: Lantang gulay si Manoy?
(Sagot: ampalaya)


Host: Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Contestant 1: Ano bang mga tanong yan puro sagot e Manoy! Manoy?
Host: Hindi, maitim ito na lagi mong kasama
Contestant 2: Maitim na manoy?!
(Sagot: anino)

Host: Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Contestant 1: Piolo?!
Host: Ang layo naman, nasa pants mo ito.
Contestant 2: Manoy?!
(Sagot: siper)

Host: Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Contestant 1: Ano ba yan, e di manoy?
Host: Hindi no
Contestant 2: Manay?
(Sagot: kubyertos)

Host: Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Contestant 1: manoy ? Kasi nasa baba yun ulo e
Host: Mali ! Nag-iistart sa letter K
Contestant 2: ahhh alam ko na “Kiti”
(Sagot: kulambo)

Host: Heto na si Kaka, bumubuka-bukaka.
Contestant 1: Manay?
Host: Mali , hinawakan ito at nag-uumpisa sa letter “G”
Contestant 2: G spot?!!
(Sagot: gunting)


Host: Nagbibigay na, sinasakal pa.
Contestant 2: Manoy!!!
Host: Mali ! Ginagamit ito!
Contestant 1: Dildo??
(Sagot: bote)

Host: Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Contestant 1: lalaki?
Host : Ang layo naman ng sagot mo?
Contestant 1: Syempre lalaki ang may-ari ni manoy? Hilahin ba naman si manoy kundi sya mapasigaw no
(Sagot: kampana o batingaw)


PAUNAWA: Pagpaumanhin po ninyo na ang mga nabanggit na sagot ay hindi nararapat sa mga bata, Patnubay ng magulang ang kailangan.

ISA PANG PAUNAWA: Kilala nyo naman na siguro ano ang “manoy” at "manay" ginamit ang mga pangalan na ito upang hindi naman brutal at nakakarimarim basahin at pakinggan sa ibang taong makitid ang pang-unawa. Pasensya na po sa hindi natawa, paki ignore na lang po ito.

PAHABOL: Anong kinalaman naman ng ilaw sa mga bugtong na ito hehehe....Yun ilaw kasi kulay..."BERDE!!" Di nyo gets? Hay di ko kayo kilala?? Hello???

ISA PANG PAHABOL: Ang larawan na nasa itaas ay wala po uling kinalaman sa hula ngayon, pero pwede nyo na ring hulaan kung saan kuha ito hehehe.

2 comments:

  1. Magaling ang istilo mo sa pagba-blog Sardonyx!


    Sa totoo lang, ngayon ko lang na-appreciate ang mga bugtong na ito. Kailangan nga natin itong pagyamanin.

    ReplyDelete
  2. RJ- salamat sa dalaw mo at sa pagcomment. Naappreciate mo ba ang green na ugtong o yun totoong bugtong??? hahaha

    ReplyDelete