Tuesday, March 3, 2009

HULA SCOOP: Marami ang Hahanga Sa'yo


HULA: Marami ang hahanga sa'yo sa natatago mong talento o talino pero magdadalawang isip ka kung itatago mo na lang nga ito o ilalabas pa.


SCOOP: Dahilan sa ibinahagi kong liham sa inyo galing kay Anonymous noong nakaraang blog ko (paki klik na nga lang ito kung di ninyo pa nabasa) ay nagdagsaan naman ang inbox ko ng mga e-mail na mula pa sa iba’t ibang anonymous, ang dami nila di ko malaman kung sino ang una kong babasahin.


Narito ang ilan di ko na tatapusin at nais ko lang ibahagi sa inyo kung ano ang nilalaman ng panimula nilang liham.


  1. Dear Sards, Ang galing mong gumawa ng hula scoop pwede ba akong magpaservice ng hula sayo, babayaran kita kahit magkano.
  2. Dear Sardonyx, I admire your writings, can I ask you a favor pwede bang paki gawan mo naman ako ng essay namin sa Filipino? Isa submit na namin next week pasensiya na bobo kasi ako sa subject na to.
  3. Dear Ms. Sardonyx, Mahuhulaan mo kaya kung may kabit ang asawa ko? Utang na loob naman oh, please huwag mo akong tanggihan.
  4. Dear Chards, Naalala ko pa nang dumating ang bagyo sa buhay ko, tandang tanda ko pa ang lahat....kuliling-ling-ling (sa tunog ng MMK maalaala mo kaya)
  5. Dear Ate Sardie, Napakasakit Ate Sardie ang mawalan ng mahal sa buhay.
  6. Ms. Sarj, Can I make a request? Pwede ba yun love song ko?
  7. Sardonyx, Magpakatotoo ka na! Umamin ka na, na talagang titser o writer ka! Di ba? Di ba? Ano???
  8. Dear Sards, Single ka pa ba? Pwede ba tayong mag EB, eyeball naman tayo.
  9. Dear Sardins, Para kang sardinas sa buhay ko, ikaw ang nagtatawid gutom sa kumakalam kong sikmura.
  10. Dear Xerex, Paano ko ba mapapaligaya ang kabit ko ginawa ko na ang lahat na posis…….(hay di ko na to tinapos grabe sensored napagkamalan pa ako na sex guru nito)


PS: Kung di ninyo kilala si Xerex e ang ibig sabihin nyan: matagal ka nang nakatira sa US/ abroad o matagal ka nang wala sa Pilipinas.....o ayaw mong umamin na kilala mo siya hehehe


PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay kuha muli sa Tokyo, dito ako uminom ng beer.....A&W rootbeer para languin ang sarili ko matapos mabasa ang mga email ng mga anonymous na yan....hay dumugo ang ilong ko....nose bleed!!!

6 comments:

  1. Iba na talaga ang sikat! U Napakarami niyo na palang taga-hanga, Sardonyx.

    Sinong Xerex?! Huh!

    ReplyDelete
  2. RJ- oo marami na akong tanga-hanga hehehe, sina Guni-guni, Bang Ngungot, Anony Mous, Impo Sible, Dina Bale at marami pang iba hehehe.

    tanungin mo na lang kay kumareng google at kumpareng yahoo kung sino si xerex hehehe

    ReplyDelete
  3. hahaha, galing mo kasi talaga, in less than two months na lagi kong pagtatambay, although di ako lagi nagcocomment, napapatawa ako, napapasmile kasi sa galing ng talent mo. Parang writer nga eh, at ECE. More blogging!!! We want more SardS!

    ReplyDelete
  4. hahaha.. this is hilarious. grabe ang galing mo magsulat. hehe...

    sarili mo ata hinulaan mo eh. i'm impressed! :)

    ReplyDelete
  5. Mr. Thoughtskoto- salamat sa muling pagdalaw at napangiti rin kitang muli....writer ng kalokohan lang ako hahaha

    ReplyDelete
  6. Reena- mga guni-guni ko lang yun mga Anony Mous na yan hahaha, salamat sa pagdalaw

    ReplyDelete