Friday, March 20, 2009

HULA SCOOP: Iwasan Ang Makipag-away


HULA: Iwasan ang makipag-away, kung batuhin ka ng bato, batuhin mo ng tinapay…..may palamang corned beef……na nasa lata…..yun tinapay footlong……yun corned beef, tatlo.

SCOOP: Sabi nga sa salawikain noon, “kung batuhin ka ng bato, batuhin mo ng tinapay” pero ngayon parang iba na talaga ang nagiging kahulugan nito sa tunay na pakahulugan noon, kagaya na lang nga ng hula ko….mismo! "siyang-siya" ang halimbawa nito.

Kaya narito tayo nang magsalawikain muli pero walang kahulugan ang ibibigay ko kundi paghahambingin lang ang bersiyon noon at ang bersiyon ko....remember bersiyon ko as in sardonyx's version po.



NOON: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
hindi makakarating sa paruruonan.
SARDS: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
wala ng leeg sa katabaan


NOON: Ako ang nagbayo ako ang nagsaing
saka ng maluto'y iba ang kumain.
SARDS: Ako ang nagbayo ako ang nagsaing
saka ng maluto'y sunog pala ang kanin.


NOON: Aanhin mo ang palasyo,
kung ang nakatira ay kuwago
SARDS: Aanhin mo ang palasyo,
kung ang nakatira ay multo


NOON: Mabuti pa ang bahay kubo,
ang nakatira ay tao.
SARDS: Mabuti pa ang bahay kubo,
laging may pusa at aso.

NOON: Ang paala-ala ay mabisang gamot,
sa taong nakakalimot.
SARDS: Ang paala-ala ay mabisang gamot,
sa may utang at taong kuripot

NOON: Ang taong nagigipit,
kahit sa patalim ay kumakapit.
SARDS: Ang taong nagigipit,
kahit sa pangit nangangalabit.

NOON: Magsisi ka man at huli
wala nang mangyayari.
SARDS: Magsisi ka man at huli,
huli pa rin ang pagsisisi.

NOON: Matalino man ang matsing,
napaglalalangan din.
SARDS: Matalino man ang matsing,
walang salawal pa rin

NOON: Kung nasaan ang asukal,
naruon ang langgam.
SARDS: Kung nasaan ang asukal,
naruon ang kape

NOON: Ang tunay na kaibigan,
karamay kailan man.
SARDS: Ang tunay na kaibigan,
kahit sa lamay mo ay nandyan.


NOON: Kapag may isinuksok,
may madudukot.
SARDS: Kapag may isinuksok,
may butas na natusok

NOON: Ang lumalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim.
SARDS: Ang lumalakad nang matulin,
kung walang tsinelas talagang matinik malalim.

NOON: Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
SARDS: Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
isang hataw lang wala na siyang pakiramdam.

NOON: Huwag magbilang ng manok,
hangga't hindi napipisa ang itlog.
SARDS: Huwag magbilang ng manok,
kung wala ka namang itlog.


NOON: Kung sino ang unang pumutak,
siya ang nanganak.
SARDS: Kung sino ang unang pumutak,
siya ang manok.

NOON: Kapag bukas ang kaban,
nagkakasala sinuman.
SARDS: Kapag bukas ang kaban,
wala ng bigas na mararatnan.

NOON: Sala sa lamig,
sala sa init.
SARDS: Samalamig,
sago sa tag-init.

NOON: Aanhin pa ang damo,
kung patay na ang kabayo.
SARDS: Aanhin pa ang damo,
kung meron ng shabu.

NOON: Bato-bato sa langit
Ang tamaan ay wag magagalit
SARDS: Bato-bato sa langit
Ang tamaan ay talagang masakit

NOON: Ang sakit ng kalingkingan,
damdamin ng buong katawan.
SARDS: Ang sakit ng kalingkingan,
damdam ng ilong ang kalungkutan.


PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay halimbawa ng salawikain, pinilit kong lumingon kasi ayokong masabing di ako marunong lumingon sa pinanggalingan kaya at least kaya ko pang lumingon di pa naman mataba ang leeg ko hehehe.

7 comments:

  1. Hahaha. You are amazing. Where do you come up with all of these?

    Thanks for visiting A Pinay In England. Come back soon!


    joy
    Norwich Daily Photo
    Your Love Coach
    I, Woman

    ReplyDelete
  2. ahahaha...ang daya. sana humarap ka man lang sa camera. :)

    ReplyDelete
  3. Sardz, napanood mo ba ang Ang Tanging iNa N'yong Lahat? U Naalala ko ang mga salawikain ni Ina Magtanggol:

    Ang taong nagigipit, sa Bombay kumakapit.

    Kung kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila.

    Ang batang masipag, paglaki... pagod!

    Hahaha! o",) Ikaw 'ata ang isa sa mga scriptwriters ng pelikulang 'yon. (,"o

    ReplyDelete
  4. Joy- ganito talaga ako pag walang magawa, marami tumatakbo sa isipan ko kaya minabuti ko na iblog para di ko malimutan hehehe

    Reena- "shy" kasi ako kaya di makaharap sa camera hehehe

    RJ- hindi ko pa nga napapanood ang movie na yan, may sequel na pala ang Tanging Ina??? Sige hayaan mo papanoorin ko, saan mo nakuha ang libreng movie?? hehehe pero hindi ako ang isa sa mga scriptwriters nila no, wala akong alam sa script eh yun pa kayang magwrite? at ayoko nang mag-aral pa no hehehe

    ReplyDelete
  5. Actually, Sardonyx, tama si RJ. Naalala ko ang TINL ni Aiai habang binabasa ko ung mga salawikain. Natawa ako dun kaibigan at lamay.

    Dun sa picture, akala ko may sinisilip ka kaya ganun. Nakalingon ka pala nung lagay na un?

    ReplyDelete
  6. hahaha! natawa talaga ako sa una...as in. oo nga naman, sa sobrang katabaan ang hirap kaya lumingon...wahhhahaaha!

    What a great day! para akong timang basa ng basa at tawa ng tawa habang nagbabasa celpon ko kanina, di ko napigilan, i need to comment!

    ang galing mo talaga!

    ReplyDelete
  7. Nebz- di ko pa talaga napanood ang movie na yan, hahanapin ko nga sa internet hehehe, napalingon ako sa picture kasi biglang umihip ang malakas na hangin eh hehehe

    Mr. Thoughtskoto- salamat at natawa ka at gawain ko rin dati yan ang magsurf sa internet through cellphone sobrang adik na yan hehehe pa rehab ka na, narehab na ako kaya tinanggal ko na ang internet sa cell ko hahaha

    ReplyDelete