HULA: Mag-ingat at magmasid sa mga taong makakasalubong n'yo, baka kayo na ang hinahanap n'ya, kung bakit….. hindi ko rin alam, alamin nyo na lang….. paano?….basahin nyo tong scoop ko.
KAHULUGAN KO:
Magmasid- batong buto:
magma- uri ng rock o bato,
sid- buto; so batong buto (wag na kayong kumontra)
scoop- ideyang may kalokohan na hinalukay sa kung saan-saan na may kaugnayan sa hula
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SCOOP: Kayo ba’y nagmamasid sa mga taong nakakasalubong n'yo? Wala ba kayong napupuna sa mga kasuotan, porma, tindig, kilos o galaw at paano maglakad sila? Malamang ang isasagot nyo lang sa akin ay “Ma” at “Pa” Malay ko at pakialam ko.
Well ako may pakialam, kasi nga nanghuhula ako….o di ba? Kaya batay sa aking obserbasyon (wag na kayong makialam) ito ang napag alaman ko at ngayon nga ay ibinabahagi ko sa inyo:
Mga uri ng tao na nakasalubong at naradar ko:
Architect- laging nakatingala at chinicheck ang mga designs ng buildings at mga bahay sa dinadaanan, malamang namamangha at hinuhulaan kung anong klaseng materiales ang ginamit dito kung mahinang klase o nagtipid sa pera o maganda ang kalidad.
Telecommunications engineer - pag walang signal ang cellphone, ang ingay! asahan mo kung anu-ano ang mga reasons nya kung bakit may dead zone sa lugar na yun kesyo dahil wala raw cell tower, walang antenna sa lugar , may interference daw ….whatever their terms are, di naman tinatanong …. pero sa hindi engineer, basta walang signal tapos!
Doctor- yun stethoscope nakakabit pa rin sa tenga, feeling nya ipod nya yun (hmmm wala akong maisip sa kanila hehehe)
Fashionista- Pag naglalakad laging nakatingin sa mga bags at damit ng mga taong nakasalubong, bakit? ano pa, chinicheck kung fake ba o real ang bag nila o ang logo ba ng damit ay orig. Pag nagustuhan naman ang bag o damit pustahan tayo hahanapin na nila yun sa internet para icheck kung magkano at kung orig nga
Accountant/banker/teller- pag galing sa mall or any stores, asahan mo busy sa pagcheck ng resibo o sukli….binibilang ang pera kailangan mabalance at accounted sa check o credit card nya
Musician- kada may naririnig na music, gumagalaw ang mga daliri, akala mo nag gigitara, nagpipiano, nagda drum o nagta trumpet sa hangin habang naglalakad….ba’t di na lang nila lagyan ng glue ang mga instruments nila sa kamay nila no! kakainis!
Sales Agent- pormal ang suot na may dalang briefcase at laging may kausap sa cellphone, syempre kailangan kasing kumota sa month na yun
Customer ng Sales Agent- yun kasama ng sales agent na obviously hindi sila sweet, tinreat ng agent sa 5 star restaurant para siguradong aprub ang deal nila syempre…”ang lagay eh…ganun na lang?”
Programmer/IT- disente ang suot, kung walang contact lens syempre makapal ang salamin, laging tulala habang naglalakad, malalim ang iniisip, pag may kausap hindi napapansin at di naririnig...may sariling mundo, minsan ngumingiti, bakit nag-iismile? malamang may solution na s'ya sa program nila sa office....kaya ayun iniwan ang ka-date at haharapin na ang computer n'ya.
Stripper- laging nakatingin o napapalingon pag may nakikitang “bar” o “poste” sa daan gusto sigurong yakapin, maglambitin at magtutuwad dun hehehe
Snatcher- pagtingin ng tingin sa bag, cellphone at sa alahas mo, humanda ka iisnatchin na ang mga ito sa'yo! hehehe
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
PAUNAWA: Ang mga obserbasyong nakalahad dito ay pawang kathang isip lang at bunga na rin ng kalokohang imahinasyon ng may akda nito. Pasensya na kung nagkataong isa kayo sa mga ito....di sinasadya nagkataon lang.
PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay kuha ko sa loob ng train, naloka ako sa kanila pare-pareho ang mga suot nila, puro itim mahirap hulaan kung anong trabaho nila, di ko kinaya.
hahhaa..hindi naman masyado. konti lang. :0 though i have the tendency to take note of some interesting elements in my notebook. hahaha...
ReplyDeletepero i love ceiling details. ewan ko nga ba!
Hinanap ko talaga rito sa scoop mo ang isang uri ng taong baka ako ang hinahanap, pero parang wala...
ReplyDeleteMANGGAGAMOT, pakiramdam ko ang tingin nila sa bawat taong nakakasalubong nila ay isang pasyente. Kinikilatis kung malusog ba ang mga mucus membranes o balat, ayos ba ang respiratory rate; at malamang nagmamasid sila baka may biglang hihimatayin o masusugatan sa mga pampublikong lugar (o mga sasakyan tulad ng tren na nasa larawan sa itaas) para makapag-alay sila ng first aid sakaling kinakailangan. o",) Di ko alam kung tama ito.
Tuwang tuwa ako sa mga ginawa mong pagsasalarawan sa katauhan ng mga tinatawag na propesyunals including the snatchers hahahaha.
ReplyDeleteSayang hindi ako napasama sa iyong mga na-radar hahahaha, isa po aong taga-lipon ng mga datos, isang statistician, kung ilang segundo sa isang taon, kung ilang beses umiikot ang gulong ng sasakyan bago ito mapudpod, ilang beses ba na magbukas-sindi ang switch ng ilaw bago ito mapundi, at marami pang bagay akong binibilang na tila walang kwenta sa ibang tao, subalit sa akin ito ay mahalaga, dahil ito ang aking trabaho, isang raket na aking pinagkakakitaan hehehehe, nakakapraning ba?
hahaha! para akong IT or Programmer ah, iiwan nasi Mrs. Thoughtskoto at kaharap ang computer!!! Pahula naman po ng Chemical Engineer?
ReplyDeletehehehe
Siguro ako ung musician. Kahit kasi walang music basta mahaba ang biyahe o kaya malayo ang nilalakad ko, I hum a song (silently lang siempre dahil ayokong madiscover).
ReplyDeleteAko naman I guess their breakfast: Pag nakangiti, ahhh power breakfast ito (egg, hotdog, cereals). Kapag jolly ung paglalakad, ahhh a strong black coffee. Kapag constipated ung mukha (mukhang hindi maipinta), ahhh kanin ito at ung tirang ulam kagabi. Kapag lalamya-lamya, ahhh no breakfast ito; siguro na-late ng gising.
Or sometimes din, I value people that I meet by way of juicy fruit: ahhh piso and 1 juicy fruit, ahhh 10 pesos and 1 juicy fruit, ahhh 1 juicy fruit, ahhh balat lang ng juicy fruit. Sama ko no?
Reena- so napaptingala ka pa rin kasi sa ceiling details hehehe kahit paano may konti akong tama sa hula ko hehehe
ReplyDeleteRJ- salamat sa pagdagdag about manggagamot hehehe kaya lang baliktad yata kasi yun hula ko, impression ng tao sa nasasalubong nila na manggagamot at hindi yun impression ng manggagamot sa nakakasalubong nya hahaha, pero ok lang at least nalaman ko ganun pala impression mo sa tao hahaha
pope- mahirap ngang malaman kung statistician ang kasalubong ko hehehe, pero at least nabigyan mo rin ako ng kaalaman sa mga ginagawa mo, hayaan mo pag ako nakasalubong ng ganyang tao malamang, manghuhula na talaga ako hehehe
mr. thoughtskoto- parang ang hirap din hulaan ang chemical engineer maliban na lang kung katext kita at ang ilagay mong short cut sa tubig ay H20, gold- Au, silver ay Ag, lead ay Pb, parang ganito ang text mo: "Nplkas ang inom ko ng H20 c mrs kc ask me 2 buy ng Au hikaw at Ag na bracelet..."- hahaha
nebz- natawa naman ako sa juicy fruit, bakit sa dinami dami ng pagkain o candy juicy fruit pa?? sabagay may "tama" ka minsan may story na tayo pag may nasalubong tayo na tao, yun nga lang iba ang story ko, may pagka green hahahaha...uy ibang green ha....organic hahaha
hahaha! isa ako sa mga arkitektong nakatingala at laging nagmamasid ;-) very observant!
ReplyDelete