HULA: Huwag mong dibdibin ang mga suliranin mo sa buhay, hindi malulunasan ng beer ang mga ito, sakit ng ulo lang ang ibibigay sa’yo....mag rootbeer ka na lang kaya? At least beer din, di ba?
SCOOP: Ang paglalasing ba ay may buti ba o sama lang ang idudulot nito sa buhay ng isang tao?
Ating paghambingin ang una at pangalawang paksa:
UNA: Alam nyo ba na kahit ang lasinggero sa Pilipinas ay magaling sa mathematics, ano ang katibayan natin? Eto mga halimbawa:
Magaling sa unit ng Volume, ibang klase nga lang, di na kailangan sauluhin ang ml o milliliter o litro man, hugis lang swak na swak na......only in the Philippines:
LASINGGERO NA BUMIBILI :
halimbawa : Tawag- meaning (true volume)
Bilog- gin na ginebra (round bottle, 250 or 350ml)
Lapad- na tanduay (250 or 375ml)
Quatro kantos- na ginebra (square bottle, 350 or 700ml)
Long neck-na tanduay (750ml)
Maging ang bata mahusay din sa volume, kapag ang bata inutusan ng nanay nya na bumili sa tindahan lahat ng bote ng lasinggero niyang tatay e mapapakinabangan din nila. Heto:
BATA NA INUTUSAN NG NANAY NA BUMILI:
Bilog na toyo
Lapad na mantika
Quatro kantos na suka
Long neck na patis
PANUTO: Hindi nangangahulugan na kapag lasinggero ka at magaling sa mathematics ay magandang huwaran na ito sa mga anak nyo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
PANGALAWA: Eto naman halimbawa ng joke kung bakit masama maglashing:
Naglalakad ng gabi ang dalawang lasing na sina Noel at Jaime.
Jaime- pare may cake doon o
Noel- pare hindi cake yun, tae yun men
Jaime- hindi, shabi na nga cake yan eh.
Nagtalo yun dalawang lashing….
Noel- Tikman kaya natin para malaman natin
Jaime- Oo nga no, ang galing mo phare
Tapos tinikman na nila
Jaime- Oo nga, tama ka dun. Tae pala
Noel- Buti na lang hindi natin natapakan.
KONKLUSYON: Para sa akin, masama ang naglalashing masama ang naglalashing kasi kasi paulit- ulit paulit-ulit ang salita ang salita. Naiintindihan naiintindihan nyo ba nyo ba??
PAHABOL: Ang larawan na nasa itaas ay isang bar sa loob ng igloo. Kuha ko ito noong kami ay mapadpad sa Lake Towada Snow Festival.
Efeso 5: 18 Huwag kayong malasing sa alak na naroroon ang kawalan ng pagpipigil sa sarili, sa halip ay mapuspos kayo ng Espiritu.
At paki tagalog na lang itong Proverbs wala akong bibliya na tagalog hehehe
Proverbs 23
31 Do not gaze at wine when it is red,
when it sparkles in the cup,
when it goes down smoothly!
32 In the end it bites like a snake
and poisons like a viper.
Meron ka pang nakalimutan, Sardonyx.
ReplyDeleteMUCHO - beer; 1 litre
Di ako sigurado kung tama ang volume na 'yan, hidni kasi ako manginginom. Kaya tuloy madalas dinidibdib ang mga suliranin sa buhay. Hahah! Bagay 'ata sa akin ang hula ngayong araw, ah. U
Hindi ako naglalasing, kahit papaano ay medyo nasusunod ko naman ang sinabi sa Efeso 5.
Galing nung dalawang ungas na lasing...tinikman nila yung tae pero nagpasalamat pa at di natapakan.LOL.
ReplyDeleteTama ka parang sirang plaka ang mga lasing..
ako nga daw pinaglihi sa sirang plaka sabi ng nanay ko..
pero hindi ako naniniwala, hindi ako naniniwala, hindi ako naniniwala, hindi ako naininwala, hindi ako naniniwala
Sa unang post, napamangha mo ako sa kaalaman mo sa mga sukat at timbang ng alak sa Pinas. Bukod sa mucho beer ni RJ, ano naman ang sukat ng Grande?
ReplyDeleteDun sa pangalawa, humagalpak ako ng tawa. Bwahaha! Ikukuwento ko sa mga flatmates ko sa labas. Tamang-tama nagdi-dinner sila ngayon. Haha.
Dun sa biblical post mo, ang sabi: wag uminom at humawak ng ahas. In other word, bawal.
RJ- Di ko na nilagay yun mucho kasi gusto ko ihambing yun sa pagbata na ang bumili na gamit yun mga bote, noong nagtitinda pa kasi ako sa aming maliit na tindahan wala naman kasing bumibili ng mucho na suka o toyo hehehe, pero di ba 750ml ito
ReplyDeleteDennis- hahaha mas matindi ang kalashingan mo 5 beses mong inulit ulit ang salita, mas matindi ka hahaha
Nebz- medyo expert ako sa mga bote dahil sa ako lagi ang bantay sa maliit naming tindahan, kaya nasaulo ko mga volume nila hehehe, katulad ng mucho ni RJ di ko na rin sinama ang grande dahil sa wala rin bumibili sa akin noon na isang grandeng suka o isang grandeng mantika man, dahil mahal siguro ang deposito nito kaya binabalik kaagad hehehe at hindi ginagamit yun mga tinted na bote para gamitin sa toyo, suka o mantika kasi baka iba ang ilagay sa loob, baka lagyan ng ipis hehehe mahirap na
bawal talaga uminom kahit sa bibliya sinabi na, kasi kahit tikim nakakalason pala buti di nalason yun tumikim ng tae hahaha
i dont drink so i can't relate much...
ReplyDeletehaha. pwede naman kasing amuyin una diba? hahhaa...
bakit ang mga lasing, mahilig mag-ingles? eh kung lahat ng tambay na lasing pumasok sa call center? edi sana na-solve na ang unemployment problem ng pinas. hehe
ginagamit namin yang sukatan pag pinabibili kami sa tindahan nung bata pa ko. uso pa din ba yan na 'code' pag bumibili sa tindahan?
ReplyDeletekaya mahirap malasing eh, lumalabo na mata, nawawala pa pang-amoy. ayun kelangan pa tuloy tikman! hehehe!
Reena- ako rin di umiinom yun nga lang taong tindahan ako kaya alam ko hehehe, oo nga bakit sila magaling mag ingles pag lasing? pag napunta sila ng call center baka murahin lang nila mga customers hahaha pero at least in english naman hahaha
ReplyDeletesyel- di ko alam kung uso pa rin yang code na yan, huli akong nagtinda ay 13 yrs ago na hehehe