Friday, January 9, 2009
HULA SCOOP: Ilabas ang Kalungkutan
HULA: Maaalala mo ang iyong mga mahal sa buhay lalo na ang mamuhay sa iyong bayan. Hayaan mong ilabas ang lahat ng iyong hinanakit at kalungkutan upang ito’y mawala at ikagaan ng iyong kalooban. Magbanyo ka kaya, baka masolusyonan kaagad?
SCOOP: Mayroon akong ibabahagi sa inyo na isang liham na nagmula sa isang lurker dito sa aking walang kwentang blog, isang seryosong tao na nangangailangan ng isang kaibigang masasandalan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear Sardonyx
Matagal tagal na rin akong tagasubaybay mo sa iyong hulascoop, yun nga lang ako’y nahihiya na sumagot sa iyong mga posts.
Ako’y bago palang dito sa US kaya ako’y nalulunod sa kakaibang kulturang nakikita ko na malayong malayo kung ikukumpara sa ating bansa.
Minsan pumunta ako sa McDo, nag order ako ng spaghetti wala daw sila, ano ba namang klaseng McDo dito walang spaghetti buti pa sa Pilipinas meron kaya nag order na lang ako ng Chicken McDo w/ Rice nag extra garlic rice pa nga ako hay naku wala rin daw sila kaya ayun bumili na lang ako ng bigmac yun ang sikat sa atin e kaso marami pang tinanong e di ko naman maintindihan ang ingles, ang huling narinig ko kung daw bang plain ang gusto ko kaya para di na ako mag ingles pa e sinabi ko na oo plain na nga, ayun binigyan ako na hamburger na wala man lang lettuce at kamatis ni cheese wala, di ko tuloy makain ni ketchup wala nga e.
Nag order din ako ng softdrink ano raw yun, hello? Ingles na nga di pa naintindihan sabi ko yun coke ayun saka palang kami nagkaintindihan soda pala tawag nila hmmmp arte!….pero sabay banat na wala raw sila coke, pepsi lang daw….hay ang tao nga naman pag minamalas hindi talaga sinuswerte at ang nakakainis pa di ako binigyan ng tissue so nanghingi ako ng tissue, ibinigay ba naman sa akin e pamunas ng pwet, bathroom tissue ba naman! Nagreklamo ako at sinagot ba naman ako na napkin daw tawag dun, ang alam ko ang napkin kasi sa atin ay pantapal sa pekpek ooppps sorry excuse my french. Nagtawanan ang ibang mga Filipino na nakarinig sa akin, naulinigan ko ang sabi nila FOB daw ako at nalaman ko ang kahulugan nito nang itanong ko sa aking kaibigan, Fresh of the Boat daw parang promdi version sa atin yun …..nakipagtalo pa nga ako sa kaibigan ko sabi ko hindi naman ako sumakay ng barko o lantsa o kahit bangka man papunta dito, nag-eroplano naman ako, kahit ganito ako di naman ako tangang magbabarko papunta dito sa States ang tagal nun ah!
Nang papauwi na nga ako tumawid ako sa tinatawag nilang crosswalk, hanap nga ako ng hanap ng krus e wala naman akong makita buti pa sa ‘tin pedestrian lane ang tawag, e totoo naman na mga tao naglalakad doon. Natuwa nga ako kasi high tech ang sign dito para maglakad at huminto sa tawiran. Noong makita ko na ang sign na “walk” lumakad na ako pero wala pa ako sa kalagitnaan ng kalsada nag flash na kaagad ng “don’t walk” kaya napahinto rin ako, baka ako hulihin ng pulis mahirap na no, naku nagbusinahan mga sasakyan sa kin pano ba naman nasa gitna ako ng kalsada, ang tanga naman kasi nun sign na yun ang bilis bilis pinahinto ba naman ako sa gitna tapos magrereklamo mga hinayupak na mga drivers na yun!
Minsan naiinis na nga ako dito gusto ko nang umuwi, puro kasi nag iingles mga tao at ang masaklap puro Amerikano sila kundi nakakasilaw ang didilim nila!!! Sa totoo lang Sards ang labo naman talaga nila kahit nga english words nila di ba? Kagaya na lang ng boxing ring, bakit bilog ba ang ring noong may laban si Pacquiao di ba square naman? Tapos ang mga lemon juice dito gawa naman sa artificial flavor samantalang ang mga dishwashing liquid soap gawa raw sa real lemon. Hay kakaloka!! Hello???
Mahaba-haba na ito, malamang tatamarin ka ng magbasa nito.
Salamat Sards at pinagbigyan mong basahin ang liham kong ito at
sana ay maunawaan mo ang aking nararamdaman ngayon. Kung may panahon ka sana naman magchat tayo ha, marami pa akong ikukuwento sa iyo.
Ang iyong masugid na tagasubaybay,
Anony Mous
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment