Wednesday, March 4, 2009

HULA SCOOP: Ipagmalaki Mo Kung Saan ka Nagmula


HULA: Ipagmalaki mo kung saan ka nagmula, huwag ikahiya. Sabi nga sa idiom, blow your own trumpet….hala iblow nyo na ang inyong trumpet.

Hayaan ninyong isalin ko muna sa ingles ang ilang tagalog na ginamit ko sa hula.

KAHULUGAN KO sa INGLES: (walang kokontra)

Ipagmalaki- make it bigger
Ikahiya- every shy (ika is every; hiya- shy)

SCOOP: Napag-uusapan ang idioms, eto na naman tayo, idioms uli pero ngayon ay ang english version na isasalin sa tagalog…syempre may sarili akong kahulugan (blog ko ito no). Alam naman natin na ang idioms o idiomatic expressions ay ang mga pananalita na iba ang kahulugan sa mismong salita, gets nyo? Kung hindi nyo gets, ask nyo na lang si mareng encarta o kumpareng webster mga kachokaran ko mga yan.

IDIOMS:

Actions speaks louder than words- chancing muna bago magsabi ng “I love you”
Cloud nine- chocolate na nabibili sa Pilipinas
Cold Feet- patay na
Draw the line- maglaro ng patintero
Hang on- sampay

Not have a leg to stand on- pilay
Pay through the nose- putol ang kamay
Give me a ring- gusto engage agad
Bitter End- matapos ng maayos
Black and white- dalmatian

Bring home the bacon- pasalubong na bacon
Water under the bridge- kanal
Wet behind the ears- luga
Holy smoke- insenso
Cut and dried- daing

Below the belt- bird?
Find your feet- lumpo
Pork barrel- sandamukal na baboy
Pot luck- hataw palayok (swerte ka kung mahataw mo)
Man of straw- pulubi

Music to my ears- ipod
Man’s bestfriend- kabit ni misis
Hold all the aces- si misis yan
Work your fingers to the bone- fingeran mo hanggang sa buto (ooopps sorry)
What will be will be- kung mag-aano, mag-aano

PAUNAWA: Kung ang salin sa tagalog ay hindi ninyo nagustuhan malamang ....ayaw nyo nga. Alam ko naman hindi nyo rin ibibigay ang tamang sagot kaya....hayaan n'yo na lang ako.

PAHABOL: Ang larawan na nasa itaas ay kuha ko sa isang train station sa Tokyo nang ako nagbakasyon dito.....hindi ko rin siya maintindihan kaya nilagay ko dito....intindihin na lang natin hehehe....

4 comments:

  1. Huhmn, ano kaya sa Filipino ang 'poke a hole through something'?

    Hindi ba masama ang maging mapagmalaki?

    ReplyDelete
  2. LOL...galing ng translation ng idioms..hehehe Below the belt---bird ahahahaha

    ReplyDelete
  3. ayos

    edi pinakamadali ang apple of an eye? mansanas ng mata? kung ganun pwede ring grapes of an eye, guava of an eye, star apple of an eye or duhat of an eye?

    ang ibig sabihin ba noon takaw mata sa ganuong mga prutas?

    ReplyDelete
  4. RJ- ang poke a hole ay "sundutin mo yun ano" hehehe at iba ang mapagmalaki sa ipagmalaki hehehe, mapagmalaki ay mapagmataas at ipagmalaki ay yun na nga hahaha

    Dennis- hehehe wala akong maisip sa below the belt eh lagay ko sana "no fear" ni manny pacquaiao na laging nasa short nya

    abe- may tama ka hahaha, galing may natutunan na kayo sa hula ko hehehe

    takaw mata sa mga prutas??? hmmmm hindi pa rin e, mga mata ng prutas pwede pa hahaha lalong lumabo

    ReplyDelete