Friday, March 6, 2009
HULA SCOOP: Huminahon Ka Sa Balitang Iyong Matatanggap
HULA: May mga pangyayari sa iyong buhay na maaari mong ikagulat sa balitang iyong matatanggap. Kaya huminahon ka at para huwag mabigla huwag ka na lang bumili ng dyaryo, baka nandun ang iyong balita.... e yun ay kung artista ka. Bakit artista ka ba?
SCOOP: Napag-uusapan ang tungkol sa balita kaya naisipan kong gumawa ng mga headlines na makakapukaw ng paningin ng isang mambabasa kung makita niya ang mga pamagat na ito, kalimitan ang unang talata lang ng balita ang binabasa ng mga abalang tao, kaya narito basahin nyo:
PALABAS SA SINE LIBRE
Magandang balita sa lahat, ang mga “palabas” sa mga sinehan ay LIBRE, ang “papasok” lang ang may bayad.
PATAY SA AKSIDENTE
Nagkaroon ng aksidente sa kanto ng EDSA at P. Tuazon, Cubao hinggil sa impormasyong nakalap ay dalawang SUV na BMW X5 at isang Lexus RX350 ang nagbanggaan at napag-alamang patay ang isa, patay ang makina ng Lexus.
NASAGASAAN, LASUG-LASOG KITA PATI BUTO
Isa na namang aksidente kaninang umaga sa kahabaan ng Northern Luzon Express Way; di umano’y may nasagasaan at kitang kita ng mga bystanders na nagkalasug lasog at kita ang mga buto…. ng mga kamatis na galing sa isang truck. Wala naman naitala na nasugatan sa insidente. Hanggang ngayon nagpupulot pa rin ang driver nito at napilitang isara ang dalawang lane na kinaantala ng mga commuters papuntang Maynila .
EMPLEYADO NAHULI
Isang empleyado ng pribadong kumpanya ang nahuli sa kanyang meeting sa dahilang abala di umano ito sa pag-uusyoso sa isang aksidente sa dinadaanan niyang expressway. Laking panghihinayang niya nang malamang kamatis lang pala ang nagkalasog lasog at kita ang mga buto. Ayan ang napapala ng mga “usi”….mga usisero! Kaya matraffic dahil sa mga usi!
MISIS BIGAY TODONG LUMUHOD KAY MISTER
Isang mister ang umuwi ng dis oras na ng hating gabi sa kanilang tahanan na ikinagulantang niya na sa dahilang muntik na syang madaplisan ng itak na hawak hawak ng naghuhuramentadong misis niya. Walang nagawa si mister kundi magtago sa ilalim ng kama, at si misis kinailangan pang lumuhod para makita ang hinahanap na mister na ngangatog na nasa ilalim ng kama.
NANGHULA, BINATO
Isang nanghuhula ng kalokohan na nagpopost ng HULA SCOOP sa kanyang blog ang binato...ng mga reply na posts na pagpapasalamat dahil kahit daw corny ang mga hula niya ay napagtityagaan pa rin daw nilang basahin....dahil wala raw silang choice.
PAUNAWA: Sana nabasa nyo ang pinaka huli, paramdam naman kayo.... ouch! ang sakit wag naman talagang post, wag naman poste ang ibato nyo sa kin... kayo talaga di mabiro....sige na nga maglurk na lang kayo hehehe.
PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay hindi mga usi-sero, abala lang ang tawiran na ito sa Shibuya Crossing sa Tokyo, isa daw ito sa pinaka abala (busiest) na tawiran sa buong mundo....at yan lang ang totoo sa hula ko hehehe
PAHABOL: Hanapin ninyo ako sa larawan na nasa itaas hehehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ayos ang mga headlines, ah! Hahaha! Naalala ko tuloy ang SNN (Showbiz News Ngayon) ng ABS-CBN. Napapanood mo ba 'yon Sardonyx?
ReplyDeleteKung hindi pa, hulaan mo nalang. U
Salamat sa muling pagdalaw, hindi nga ako nakakapanood na ng TFC eh hindi kasi naaabot ng TFC ang bayan namin dito sa dulo ng Japan. Pero hayaan mo sisilip ako sa abscbn.com hehehe para sa'yo naks naman at para ma update ang showbiz news ko.
ReplyDeleteNaiinis naman ako. Ang haba ng message ko tapos nawala!
ReplyDeleteI liked your humour. Oo nga, medyo parang identical yung topic natin kaya I decided na i-link kita dun sa post ko. Maya-maya. During lunchbreak.
True: Lahat naman tayo (no one's exempted) laging nakatoon ang pansin sa headline. Sadly nga lang mahilig talaga ang mga Pinoy sa anything bad and sad.