HULA: Huwag mong dalhin mag-isa ang iyong mga suliranin, mararamdaman mo ang bigat na ito kung iyong kikimkimin. Kung gusto mong umiyak ng umiyak at tumakbo, sige lang huwag kang tamarin, tumakbo ka na….takbo! Good exercise yan, bawas bilbil, bawas taba...nakakagaan ng feeling.
SCOOP: Alam naman natin na ang bawat isa ay may mga suliranin o problema sa buhay kaya naman narito ang mga sinipi kong inspirational quotes at ang ilang mga payo ko sa inyo, nawa’y kapulutan ninyo ito ng aral at magbigay saya sa inyong malungkot na buhay. Sa ganitong kadalamhatian, kailangan din natin ng kasiyahan upang humupa at magpagaan man lang ng unos sa ating buhay. Kaya narito….tawa naman kayo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MATINDING PROBLEMA:
Kung may problema ka, mahirap idaan ito sa walang kibo.
Mahirap idaan sa walang salita. Mahirap idaan sa pag-iyak.
Bakit di mo sabihin sa mahal mo? Malay mo? Malay ko din!
PAG-IISA
Minsan, naglalakad ako, nag-iisa.
Lumingon ako sa kanan, wala akong nakita.
Lumingon ako sa kaliwa, wala rin akong nakita.
Kaya ayun, tumawid na ako!
Huwag kang malulungkot o
magdaramdam kapag ika'y nag-iisa.
Sapagkat sa mata ng duling, lahat tayo ay dalawa.
Hangga't may duling, hindi ka nag-iisa!
ULAN:
Ang buhay ng tao ay parang ulan,
handa ka man o hindi, bumubuhos.
Pero sa tuwing pagpatak nito,
may isang taong handang mabasa kasama mo.
Sya yung taong wala ring payong!
Minsan, sa buhay natin, hindi
maiiwasang mabasa ng ulan, maranasan ang bagyo.
Pero sa mga pagkakataong ito,
tandaan mo, magdala ka ng payong
ng hindi ka na mabasa, hunghang!
DILIM:
Kung dumating ang oras na
madilim ang iyong tinatahak na daan
at parang wala ka nang makitang sikat ng
araw sa iyong buhay, sigurado, gabi na!
Matulog ka na kaya? Hello!
Minsan,
Nasaktan sa maling pagmamahal, umiyak sa maling dahilan.
At kung tatanungin mo ako?
Wala akong alam dyan, ako pa ang tinanong mo,
hula-scoop gusto mo?
In our life, there will come a
time where in we will hate the things
that hurt us but we should
never give the blame to our lives because...
whateber! Waah! Hirap mag-english!
Sige na nga good bye na lang!
PAHABOL ULI: Ang larawan ay kuha ko dito sa likod bahay namin noong summer pa. Mga magsasaka ng Japan na tila walang mga problema sa buhay. Masayang nagpakuha ng litrato sa akin sa kabila ng hirap ng kanilang hanap-buhay…. ang magbungkal ng lupa at mag-ani ng gulay. Sana ganito tayo lagi….laging masaya.
Ito ba ang sinasabi Sardonyx na tawanan dapat ang mga problema?!
ReplyDeleteMaganda ang iyong mga tula. Very creative, kahit kailan ay napakabilis ng utak mo sa mga lathalain! Pinapahanga mo ako.
Bagay rin sa akin ang hula mo, malaki na kasi ang bilbil ko. Di bale, mas mainam ito para sa darating na winter (autumn na kami ngayon dito sa Au), marami akong stored fat. U
hehe. ang galing mo talaga. alam mo dapat gumawa ka na ng libro eh. :) i will support you promise!!
ReplyDeletethank po Ms. Sardonyx. I am directing Yanah sa blog mo na ito para mabasa niya right now. Everything seems to be lighter for her, and we are indeed grateful sa isang kagaya mo na kahit nasa Japan ay nakikiisa sa Prayer for a blogger like Yanah.
ReplyDeleteSardonyx, As usual, you have your original, irreverent way of making me smile. I'm sure napatawa mo rin si Yanah at iba pang mga bloggers na oh-so-serious nowadays.
ReplyDeleteNakaka-adik, ito ang correct word to describe your blog kaibigang Sardonyx, purihin ka sa kakaibang estilo ng iyong panulat. Marami kang napapasaya kaya't purihin ka.
ReplyDeleteRJ- salamat pero hindi ko tula ito mga sinipi ko lang na quotes na katatawanan at yun iba ay ginawa ko na rin hehehe. Baliktad nga pala ang season ninyo sa amin pa spring na kami autmn naman sa inyo
ReplyDeleteReena- salamat at kahit paano ay natuwa ka muli pero mahirap gumawa ng libro di ako ganun ka expert pang blog at pang forum lang talaga ako hehehe
Mr. Thoughtskoto- salamat din sa'yo at sana ok na siya ngayon
Nebz- salamat din sa'yo at napapangiti kita kahit minsan ay palagi pala na corny itong mga hula ko hehehe
Pope- nakaka adik ba talaga? salamat sa pagpuri naku ano ba yan para akong santo nun hehehe "mabuhay" na lang kaya?? pangit din hehehe "ayos" na lang para ok sa olryt hehehe