Saturday, March 14, 2009

HULA SCOOP: Ipakita Mo Ang Pagmamahal Mo


HULA: Ipakita mo ang pagmamahal mo sa iyong asawa….hindi sa asawa ng iba. At sa mga tumanda na wala pang asawa…..mag-asawa na kayo hehehe

SCOOP: Paano ba maipapakita ang pagmamahal mo sa iyong asawa? Narito ang ilang mga payo ko, at sa mga wala pang asawa ay kakailanganin nyo na rin ito kaya hala basahin na....now na!

KAY MISTER:


1. Gawin mo ang ayaw na ayaw ni misis:

Kung ayaw ni misis maglaba- maglaba ka
Kung ayaw ni misis mamalantsa- mamalantsa ka
Kung ayaw ni misis magluto- e di magluto ka
*Nasusulat nga, mahalin mo ang iyong asawa

2. Husband, kailangan ikaw pa rin ang hari ng inyong tahanan, si misis….syempre ang “alas.”

3. Mister huwag kang magreklamo sa ulam na inihain sa inyo ni misis:
Di ba sabi nga sa joke:

Mr: Hon anong ulam natin
Mrs: Nandyan sa mesa, pumili ka
Mr: Hon, sardinas lang ang nandito e. Ano bang pagpipilian ko?
Mrs: Mamili ka kung kakain ka ng sardinas o hindi ka kakain


4. May tatlong rules daw ang mga lalaki pag nambabae, kaya make sure gawin nyo to:
Una- Huwag papahuli
Pangalawa- Pag nahuli, huwag aamin
Pangatlo- Pag umamin, huwag mandadamay

KAY MISIS

1. Pag galit si mister huwag mo na syang sagutin, tumahimik ka na lang.
Paano mo kokontrolin ang galit mo?
Maglinis ka na lang ng toilet bowl, paano ito makakatulong sa galit mo?
Gamitin mo na lang ang toothbrush ni honey mo.
**Nasusulat, pasakop sa inyong asawa.

2. Kung noon mag on palang kayo ni mister e “darna” ang tawag sa inyo sa kaseksihan mo, huwag mong hayaan na “dornin” (hindi darling ha) na ang itawag sa iyo…dat means nirereklamo na kayo ni mister na kasing lapad ka na ng “dornin”-yo

3. Misis, hayaan mong si mister ang magdesisyon ng mga plano nyo sa buhay…..pag nakapagdesisyon na sya, aprubahan mo o ireject kung kinakailangan….syempre ikaw pa rin ang masusunod desisyon lang sa kanya no hehehe

4. Huwag magselos sa bagong cellphone ni mister, huwag mong isipin na may bago ng pagkakaabalahan ang fingers ni honey mo, I’m sure sa gabi pahinga na sya sa cellphone nya.


PAANG PAUNAWA (FOOTNOTE):
* Colossians 3:19
**Colossians 3:18

Basahin nyo ang mga talata na yan sa Biblia... Yan lang ang totoo dito hehehe

PANUTO: Ang larawan na nasa itaas ay bahagyang iniugnay ng may akda sa hula ngayon. Bakit? Dapat magkaroon kayo ng oras sa asawa at pamilya kaya yayain ninyo ang inyong asawa o syota man na mag "road trip." Ayan kuha ko yan nang magroad trip kami papuntang Tokyo, kahit pa 9 na oras ang dinrayb ng asawa ko ay ok lang....wala naman siyang magagawa eh.....kasi "ayokong magdrive," di ba sabi ko nga, "mister gawin ninyo ang ayaw ni misis" hahaha

5 comments:

  1. Huhmn, walang para sa mga Walang Asawa. Hinanap ko sana. Hindi pa ako maka-relate kaya hindi ko na tinapos basahin. Sorry. =,{

    Hihintayin ko ang hula para sa mga single.

    ReplyDelete
  2. Nos. 1 - 3 ng Kay Mister is applicable to me, hahahaha, matapang kasi ako, I was born under the zodiac sign ng Leo and on the Year of the Ox, kaya't "astig" husband talaga. Kung ako ay isang Lion - King of the Jungle, sa Circus world, asawa ko naman ay isang professional lion tamer, ngaun, sino ang mas matapang hahaha.

    Sa #4, Nagpa-plano pa lang akong mambabae, nahuhuli na ako, just the thought of it... may third eye ata si misis, kung ako'y isang Pope, my wife a Prophet, the female version of Nostradamus hahaha.

    There's a thousand reasons why we love our wife, we might not be compatible with our partners in all things but we always blend despite our emotional differences - that is the secret of LOVE.

    ReplyDelete
  3. haha! RJ!

    # 1 haha, very very true! Kung ayaw mo na, itapon mo or donate sa mga nabiktima. Wala ka ng lalabhan, paplantsahin, at lulutuin. :)

    ReplyDelete
  4. i can't relate.,...yet...balikan ko to pag nag-asawa nako ha. heheh

    ReplyDelete
  5. RJ- ok lang kung di mo binasa, naku binigyan mo pa ako ng homework ha, hula para sa mga single, hayaan mo gagawa din ako ng hula para sa'yo, malakas ka sa kin e hehehe

    Popoe- natawa naman ako sa'yo na iniisip mo palang ay nahuhuli ka na; ganun din ako sa mister ko, nahuhuli ko kagad hahaha

    mr. thoughtskoto- ang gastos mo naman kung itatapon mo na ang mga ayw gawin ni misis

    Reena- sensiya na kung di ka makarelate hayaan mo gagawa ako ng hula para sa mga single katulad mo at ni RJ, abangan mo na lang

    ReplyDelete