Tuesday, March 10, 2009

HULA SCOOP: Huwag Maniwala sa Sabi-Sabi


HULA: Huwag maniwala sa sabi-sabi ng mga tao, pagmumulan lang ito ng sigalot….chismis lang yan!

KAHULUGAN KO:
Sigalot-sunog na lote
Mula sa salita na: siga=sunog; lot= lote

TOTOONG KAHULUGAN:
Chismis= sabi- sabi;, satsatan; mula sa Spanish word na chisme

SCOOP:
Ang chismis ay bahagi na ng buhay ng mga Pilipino, namana na siguro natin sa ating mga ninuno. Maging sa libro ni Rizal na Noli at Fili ay pinamalas niya kung gaano kachismosa ang mga Kastila…nangangahulugan kaya na sa kanila natin dapat isisi ang pagiging chismoso o chismosa ng Pinoy? Ang salitang chismosa ay salitang Kastila o Spanish kaya pinakikita lang na minana natin sa kanila ang katangiang ito (oo na lang kayo blog ko ito....remember hehehe).
Kadalasan ang chismis pag lumaki nag-iiba sa pinagmulan na katotohanan at kung minsan nagiging katawa-tawa na ito o nagiging jokes na rin.

Maging sa araw-araw ng ating buhay hindi natin maiaalis na pagchismisan natin ang mga artista, sa mga news segment laging may halo ng showbiz hindi pwedeng wala kundi lalangawin ang news segment nila at minsan imbes na documentary show ang pinapanood, nakatutok tayo sa showbiz news halimbawa na ang The Buzz o Showbiz Central, at ngayon nga ang bagong SNN Showbiz News Ngayon (now na! hehehe).

Narito ang pinagtagpi tagpi kong kaalaman na ihahambing ko sa inyo kung ano ang pagkakaiba ng chismis at ng katotohanan. Katotohanan ang umpisa pero nang nagpasalin salin na sa iba’t ibang bibig ng mga tao e naging chismis na lang at pag nakakatuwa, joke na!

TOTOO: Nagpakasal sila kahit bata pa, kasi love nila ang isa’t isa.
CHISMIS: Si Love buntis na kaya kahit bata pa sila, nagpakasal na syempre ano pa nga ba ang dahilan ng kasal nila no, hello?

TOTOO: Niregaluhan niya ang girlfriend nya ng Victoria’s Secret lotion.
CHISMIS: Naku, balita ko dinala raw niya ang girlfriend niya sa *Victoria Court at nagdala pa ng lotion huh!

TOTOO: Nakakita ng malaking ahas si Mario sa bahay nila Ligaya.
CHISMIS: Ayyy sabi ni Ligaya ang laki raw ng ahas ni Mario…naku type ko sya!

TOTOO: Si Luigi dinala ang girlfriend sa clinic at nahilo sa dami ng bata sa school.
CHISMIS: Si Luigi nakabuntis dinala pa nga raw nya ang girlfriend niya sa clinic para malaman kung ok ang bata.

TOTOO:
Tanong: Bakit daw laging naka wrist band ang left arm ni Erap?
Sagot: Kasi tinatago raw niya ang peklat niya dito.

CHISMIS:
Tanong: Bakit daw laging naka wrist band ang left arm ni Erap?
Sagot: Para malaman daw ni Erap kung nasan ang kaliwang kamay niya.

TOTOO:
Tanong: Bakit kaang o sakang maglakad si Erap?
Sagot: Pinanganak siyang ganun maglakad no, ano bang pakialam mo?!

CHISMIS:
Tanong: Bakit kaang o sakang maglakad si Erap?
Sagot: Kasi sabi raw ng duktor ni Erap high choleterol daw sya kaya iwasan daw ang itlog….kaya ayun iniingatan niyang huwag madikit sa itlog niya hehehehe…gets nyo? Ewan ko sa inyo, slow ka!

TOTOO:
Tanong: Bakit ang brief may bulsa sa harap?
Sagot: Syempre para mabilis ilabas ang “bird” ng mga lalaki pag iihi.

CHISMIS:
Tanong: Bakit ang brief may bulsa sa harap?
Sagot: Lalagyan daw ng asin yun?? Hmmm di ko yata gets?? Ah ewan!

PANUTO: Ang huli ay di ko alam kung totoo nga yun "totoo" o chismis lang, hehehe kayo ano hula nyo?? ah ewan.

PANUTO ULI: Ang larawan na nasa itaas ay sinony o ni-sony ko sa Hawaii, top view ng Waikiki. Iniwasan ko ang chismis ng araw na yan kaya ako ay naghike sa tuktok ng Diamond Head. Di ko alam kung malaki ang kaugnayan nito sa hula ko.....ang hula ko....eh...malamang eh...yun na nga.

8 comments:

  1. Bwahaha!!! Buti n lang napadpad ako sa hulascoop kaya kahit pagod ako sa work, nakatawa naman akong uuwi sa bahay. A, humahalakhak pala.

    Pero hindi ko rin alam ang dahilan ng joke bakit lalagyan ng asin ang brief ng lalaki.

    Napanood mo na ung Doubt ni Philip Seymour and Meryll Streep? May magandang paliwanag doon about chismis.

    ReplyDelete
  2. Ayan, napanood mo na rin ang Showbiz News Ngayon, Sardonyx. o",)

    TOTOO:
    Ang sabi rin ni Rizal, "Ang taong naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili."

    CHISMIS:
    Ang mga Pilipino raw ay naniniwala noon sa lahat ng mga iniuutos at sinasabi ng mga Kastila kaya hindi na sila mababait.

    ReplyDelete
  3. Nebz- mabuti naman at natawa ka hehehe dinig ko nga hanggang dito hehehe; di ko pa napanood un doubt eh at until now di ko pa rin alam kung bakit lalagyan ng asin yun sa brief hahaha

    RJ- Salamat pala RJ at kundi sayo di ko alam na may bago na palang show si Kris at Boy, at may bagong phrase pa sila "now na!" hehehe, ok din ang version ng totoo at chismis mo, mukhang malapit ka na rin maging manghuhula hahaha

    ReplyDelete
  4. hehe. so what's with the salt? :) i'm waiting na dun sa hula mo na related sa akin. o etona ba yun? hahaha...

    ReplyDelete
  5. hehehe..ang brief kaya may bulsa sa harap ay para lalagyan ng condom. LOL.

    Ano ba yan tawa ako ng tawa dito sa harap ng computer ko dahil sayo MADAM SARDONYX

    ReplyDelete
  6. hahaha! bravo! very creative na patawa! namiss ko kau at post niyo, buti at nakuha ang blogger rss niyo nakakabasa ako kahit mobile ako using morange!

    ang galing niyo po talaga ma'am!

    ReplyDelete
  7. Para buruhin. Pag hindi palaging ginagamit ang iyong... alam mo na, para hindi mapanis, nilalagyan ng asin. And that's also applicable to the opposite sex. : D

    ReplyDelete
  8. Reena- yun salt, di ko nga sure yun kaya pinahulaan ko na rin hehehe, hindi ito yun related sa'yo. Basta yun next post ko yun na yun hehehe, nagkaproblema lang yun MS word ko e doon ko sinave

    Dennis- ganun ba yun para sa condom ba yun bulsa hahaha pwede na rin, salamat sa iyong kaalaman

    Mr. Thoughtskoto- salamat sa pagdalaw kahit na mobile ka, adik na hehehe

    Blogusvox- so lalagyan nga siya ng asin para pamburo hahaha, salamat sa pagsagot

    ReplyDelete